





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa [pagdiriwang ng] Pag-aalay (Aḍḥā) o Pagtigil-ayuno (Fitr) papunta sa dasalan, saka naparaan siya sa mga babae saka nagsabi: "O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo." Nagsabi sila: "At ano po ang kakulangan sa pagrerelihiyon namin at pag-iisip namin, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang pagsaksi ng babae ay tulad ng kalahati ng pagsaksi ng lalaki?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pag-iisip niya. Hindi ba kapag nagregla siya, hindi siya nagdarasal at hindi siya nag-aayuno?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pagrerelihiyon niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoLumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang araw ng pagdiriwang papunta sa dasalan. Nakapangako nga siya sa mga babae na magbukod-tangi siya sa kanila ng pangaral saka nakatupad naman siya nito sa araw na iyon. Nagsabi siya: O pangkat ng mga babae, magkawanggawa kayo at magparami kayo ng paghingi ng tawad sapagkat ang dalawang ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagbaba ng mga kasalanan sapagkat tunay na ako ay nakakita sa inyo sa gabi ng paglalakbay papuntang langit na higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno. Kaya may nagsabing isang babaing kabilang sa kanila na may pag-iisip, opinyon, at kahinahunan: "At ano po ang mayroon sa amin, O Sugo ni Allāh, na higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno?" Nagsabi siya: "Dahil sa ilang bagay: nagpaparami kayo ng pagsumpa at pag-alipusta at nagkakaila kayo sa karapatan ng asawa." Pagkatapos naglarawan siya sa kanila sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapanaig sa may isip, pag-iisip, hunos-dili, at disiplina sa nauukol sa kanya kaysa sa inyo." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang kakulangan sa pag-iisip at pagrerelihiyon?" Nagsabi siya: "Hinggil sa kakulangan sa pag-iisip, ang pagsaksi ng dalawang babae ay nakatutumbas sa pagsaki ng iisang lalaki, kaya naman ito ay kakulangan sa pag-iisip. Ang kakulangan naman sa pagrerelihiyon ay ang kakulangan sa maayos na gawa yayamang nanatili siya ng ilang gabi at ilang araw na hindi nagdarasal dahilan sa regla at tumitigil-ayuno siya ng ilang araw sa Ramaḍān dahilan sa regla, kaya naman ito ay kakulangan sa pagrerelihiyon. Gayon pa man, sila ay hindi nasisisi dahil doon at hindi pinananagot dahil doon dahil ito ay bahagi ng ugat ng pagkalikha, kung paanong ang tao ay isinanaturalesa at nilikha na nakaiibig sa yaman, mapagmadali sa mga nauukol sa kanya, napakamangmang, at iba pa roon. Subalit tumawag-pansin siya roon bilang pagbibigay-babala laban sa pagkahumaling sa kanila."
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya), nang nangako ito ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}
Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud ayon sa pagkakasambit na ito. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy nang walang dagdag ng pariralang "matapos ng pagkadalisay"Nagpabatid ang Kasamahang si Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na ang mga babae sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsasaalang-alang sa likido na lumalabas sa ari bilang regla, na kumikiling ang kulay nito sa kaitiman o sa paninilaw, matapos ng pagkakita ng kadalisayan mula sa regla. Kaya naman hindi sila nag-iiwan ng ṣalāh ni ayuno alang-alang doon.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Tunay na si Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh na noon ay maybahay ni `Abdurraḥmān bin `Awf ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdurugo. Kaya naman nagsabi siya rito: "Manatili ka ayon sa tagal na dati nang humahadlang sa iyo ang pagreregla mo, pagkatapos maligo ka." Kaya siya noon ay naliligo sa sandali ng bawat ṣalāh."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDumaing ang isa sa mga Babaing Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatuloy ng paglabas ng dugo sa kanya. Kaya nag-utos ito sa kanya na huminto siya sa pagsasagawa ng ṣalāh ayon sa tagal na dati nang ang pagreregla niya ay humahadlang sa kanya bago ng paglabas nitong bagay na natataon sa kanya. Pagkatapos maliligo siya at magsasagawa siya ng ṣalāh. Kaya naman siya noon ay naliligo nang kusang-loob para sa bawat ṣalāh.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito)) At sa isang salaysay ni Ima Al-Hakim: (( Sapagkat ito ay higit na may kasiglaan sa pagbabalik))
Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Hadith ay nagpapahiwatig sa pagpapahayag ng patnubay ng Propeta-sa sinumang magnais ng pag-ulit sa pakikipagtalik sa asawa nito.Sapagkat sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: "Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan" Ibig sabihin: kapag nakaipagtalik ang isang lalaki sa asawa nito pagkatapos ay ginusto niyang bumalik sa pakikipagtalik sa pangalawa at tatlong beses. At ang patnubay ng Propeta ay naaayon sa pagkasabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:"magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito" Ibig sabihin ay: Pagkatapos ng unang pakikipagtalik at bago ang pangalawa.At ang ipinapahiwatig na pagsasagawa ng wudhu rito ay wudhu para sa pagdarasal;Sapagkat ang salitang wudhu kapag ito ay sinabi ,ang unang batayan rito ay iniaangkop sa pagsasagawa ng wudhu sa pamamaraan ng Islam,At naisalaysay ito sa hayag na [salita] sa salaysay nina Imam Ibn Khuzaymah at Imam Al-Bayhaqi;at napapaloob rito na: " Magsagawa ka ng wudhu tulad ng pagsasagawa mo ng wudhu sa pagdarasal" At ang wudhu na ito ay sunnah.
Ayon kay Samrah, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu: ((Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah,dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah] at siya ay tatangkilikin,at sinuman ang maligo,ito ay higit na mainam))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy"Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah" ang ipinapahiwatig rito ay;ang pagasasagawa ng wudhu sa dasal ng Jumu`ah "dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah]" ibig sabihin ay: isinagawa niya ang sunnah at pagpapahintulot," at siya ay tatangkilikin" ibig sabihin ay tinatangkilik ang kanyang ginawa,dahil sa pagsagawa niya ng sunnah,ito ay papuri sa kanya. " At sinuman ang maligo ito ay higit na mainam"Ibig sabihin: sinuman ang maligo sa araw ng Jumu`ah kasama ang pagssasagawa ng wudhu,ito ay higit na mainam mula sa pagsasagawa lamang ng wudhu na walang pagligo,at dahil dito ay pinanghawakan ito ng karamihan sa mga may kaalaman,at kabilang sa kanila ay ang apat na Imam,at kabilang din sa mga patunay nila: Ang Hadith ni Imam Muslim : ((Sinuman ang magsagawa ng wudhu at pinag-inam niya ang pagsasagawa nito,pagkatapos ay nagsagawa siya ng [pagdarasal na] Jumu`ah,nakinig at nanahimik,patatawarin sa kanya ang pagitan ng Jumu`ah sa darating na Jumu`ah,ay may karagdagang tatlong araw)
Ayon kay `Amr bin Sulaym Al-Anṣārīy na nagsabi: {Sumasaksi ako kay Abū Sa`īd na nagsabi: Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at na magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay nabibigyang-diin gaya ng kinakailangan sa panig ng bawat lalaking adultong kabilang sa mga Muslim, na kabilang sa isinatungkulin sa kanya ang ṣalāh sa Biyernes: Maglilinis siya ng mga ngipin niya sa pamamagitan ng siwāk at tulad nito. Magpapabango siya sa pamamagitan ng alinmang halimuyak na pampabangong kaaya-aya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Katakutan ninyo ang dalawang isinusumpa)) Nagsabi sila: Ano ang dalawang isinumpa O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:( Ang mga nagdudumi sa daan ng mga tao o sa Silong nila))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIwasan ninyo ang dalawang bagay na tumatanggap ng Sumpa mula sa mga tao,ang nag-aanyaya sa kanya,na kung saan ang mga gumagawa nito ay inaabuso at isinusumpa ayon sa naka-ugalian; ibig sabihin ang nakaugalian ng mga tao ay ang isumpa siya,kaya ito ang nagiging dahilan sa Sumpa,at nang magkagayun ay nailakip ang sumpa sa kanilang dalawa,at ito ay ang;Pagdudumi sa daan ng mga tao o Silong nila,At ito ay tulad ng pagkasabi Niya Pagkataas-taas Niya:(( At huwag ninyong insultuhin yaong sinasamba [ ng mga hindi mananampalataya] maliban pa kay Allah,baka ang [mangyari] ay insultuhin nila si Allah sa kamalian dahilan sa kawalan nila ng kaalaman)) [Al-An-am:108] ibig sabihin ay;Kayo ay iinsultuhin nila sa paraan ng pag-iinsulto nila kay Allah;dahin ininsulto ninyo ang diyos-diyosan nila,At gayundin,ipinagbawal niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-iinsulto ng isang lalaki sa ama niya at ina.Nagsabi sila: At mayroon bang [makikitang] isang lalaking nag-iinsulto sa mga magulang niya?Ang sabi niya: Oo,Kapag ininsulto ng isang lalaki ang ama ng ibang lalaki,ito ay[itinuturing na] pag-iinsulto sa [sarili] niyang ama at pag-iinsulto sa [sarili] niyang ina),At ang para bang siya mismo ang nag-insulto ama niya,sapagkat siya ang naging dahilan nito.At ang sinabi "Sila ang mga taong nagdudumi sa daan ng mga tao" Ibig sabihin ay ginagawa nila ang mga pangangailangan nila mula sa pag-ihi at pagdumi sa mga lugar na dinadaanan ng mga tao at inaapakan nila,at walang pag-aalinlangan sa pagbabawal nito,maging ito man ay sa kalagayan ng nasa lugar o ng manlalakbay;Sapagkat ang mga ito ay nagdudulot ng pinsala sa kanila,at Sinabi Niya Pagkataas-taas Niya:{At sa mga namiminsala sa mga sumasampalatayang lalaki at babae at ito ay hindi nararapat,ay binibigyan nila ng pabigat ang kanilang sarili sa kasamaan ng paninirag puri at lantad na kasalanan} [Al-Ahzab:58] Ngunit kapag ang isang Daan ay hindi dinadaanan,hindi kasalanan ang pag-alis sa pangangailangan [pagdudumi o pag-ihi] rito,dahil sa kawalan ng dahilan.At ang sinabi niya:" O sa mga Silong nila" ibig sabihin ay: inaalis ang pangangailangan sa [pagdudumi o pag-ihi] sa Silong na ginagawa ng mga tao na pahingaan at klimang binababaan nila at umuupo sila rito,Ngunit ang mga silongan sa mga lugar na bakante na hindi dinadayuan ng mga tao at hindi nila pinupuntahan,ay hindi kasalanan ang pag-alis sa pangangailangan [pagdudumi o pag-ihi] rito,dahil sa kawalan ng dahilan;At dahil sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay umupo sa ilalim ng puno ng Palmera dahil sa pangangailangan niya at mayroon itong silong.
Ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-ayuno sa Araw ng `Āshurā’ at ipinag-utos niya ang pag-aayuno roon.
Napagkaisahan ang katumpakanNagkaisa ng pahayag ang mga maalam na ang pag-aayuno sa Araw ng `Āshurā’ ay sunnah at hindi tungkulin. Nagkaiba-iba sila sa hatol nito sa simula ng Islam noong isinabatas ang pag-ayuno nito, bago ang pag-aayuno sa Ramaḍān, kung ang pag-aayuno ba ay tungkulin o hindi? Batay sa pagsasaalang-alang sa katumpakan ng pahayag ng sinumang nagtuturing na ito ay tungkulin, napawalang-bisa na ang pagkatungkulin nito ng mga tumpak na ḥadīth, kabilang sa mga ito: Ayon kay `Ā’ishah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang liping Quraysh ay nag-aayuno noon sa Araw ng `Āshurā noong Panahon ng Kamangmangan. Pagkatapos ay ipinag-utos ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pag-ayuno nito hanggang sa isinatungkulin ang pag-aayuno sa Ramaḍān. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang nagnais, mag-ayuno siya nito; at ang sinumang nagnais, itigil niya ang pag-aayuno." Itinala ito nina Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya 3/24 numero 1893 at Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya 2/792 numero 1125. Tingnan: Sharḥ Muslim 4/8, at Al-Fatḥ 4/246.
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: (Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog pagkatapos ng pagtatalik at hindi nadadapuan ng tubig ang balat niya,hindi ang tubig para sa pagsasagawa ng wudhu at hindi rin ang tubig na para sa pagligo,at hindi rin [ginagamit ng] tubig upang hugasan ang harapan niya,Ang Posibilidad na ikalawa: Hindi nadadapuan ng tubig na panligo,maliban sa tubig na ginagamit sa pagsasagawa ng wudhu,At maaaring pag-sahin ang mga Hadith na Tumpak at hayag,Na siya ay naghuhugas ng Harapan niya at nagsasagawa ng Wudhu para sa pagtulog,pagkain,pag-inom at pagtatalik.At kabilang rito :Ang Hadith ni Ibn `Umar;Na si `Umar ay nagsabi: O Sugo ni Allah;Matutulog ba ang isa sa amin kapag siya ay Junub [pagkatapos magtalik]? Nagsabi siya:" Oo,kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu" Napagkaisahan sa Katumpakan.At ayon kay `Ammar bin Yaser: " Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagpahintulot sa Junob [pagkatapos magtalik],Kapag ninais niya na kumain,o uminom o matulog,na magsagawa ng Wudhu niya para sa pagdarasal" Isinaysay ito nina Imam Ahmad at Attermidhi at Tinumpak niya ito,Ngunit ang pagbibigay kahulugang ito tinatanggihan sa kabuuan ng Hadith,At ang maganda ay sabihin na: Siya pagalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ibang oras ay hindi humahawak ng tubig batay sa nakaugalian,upang maipahayag ang pagpapahintulot [nito]-,Sapagkat kung pinapanatili lamang niya ito sa kanya,magiging obligado ito.-bilang pagpapadali at pagpapagaan sa Ummah.