





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) – na nakipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa labindalawang labanan – na nagsabi: {Nakarinig ako ng apat mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpahanga ang mga ito sa akin. Nagsabi siya: "Hindi maglalakbay ang babae ng isang distansiya ng dalawang araw [na paglalakbay] malibang habang kasama sa kanya ang asawa niya o ang isang maḥram. Walang pag-aayuno sa dalawang araw: sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at sa Pagdiriwang ng Pag-aalay. Walang ṣalāh matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw at wala matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog [ang araw]. Hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay kundi papunta sa tatlong masjid: Masjid ng Pinakababanal, Masjid ng Liblib, at Masjid kong ito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na bagay: A. Ang pagpigil sa babae sa paglalakbay ng isang distansiya ng dalawang araw [na paglalakbay] nang wala ang asawa niya o ang isa sa mga maḥram niya. Ang maḥram ay ang sinumang ipinagbawal mapangasawa sa isang pagbabawal na isinamagpakailanman kabilang sa mga kamag-anak gaya ng anak, magulang, anak ng lalaking kapatid, anak ng babaing kapatid, tiyuhin sa ama, tiyuhin sa ina, at tulad nito. B. Ang pagsaway laban sa pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (Eidulfitr) at araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay (Eidul'adha), maging pinag-ayunuhan man ito ng Muslim dahil sa isang panata o isang pagkukusang-loob o isang panakip-sala. C. Ang pagsaway laban sa ṣalāh ng pagkukusang-loob matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog ang araw at matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw. D. Ang pagsaway laban sa paglalakbay papunta sa isa sa mga pook at ng paniniwala sa kainaman nito at paniniwala sa pagpapaibayo ng mga magandang gawa rito na iba pa sa Tatlong Masjid na ito. Kaya hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay papunta sa iba pa sa tatlong ito para magsagawa ng ṣalāh doon sapagkat ang pabuya ay hindi pinag-iibayo kundi sa Tatlong Masjid na ito: Al-Masjid Al-Ḥarām (Ang Masjid na Pinakababanal), Al-Masjid An-Nabawīy (Ang Masjid na Pampropeta), at Al-Masjid Al-Aqṣā (Ang Masjid na Liblib).
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May tatlong oras na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa atin na magdasal tayo sa mga ito o maglibing tayo sa mga ito ng mga patay natin: Kapag lumalabas ang araw habang sumisikat hanggang sa makaangat ito, kapag sumasapit ang kalagitnaan ng tanghali hanggang sa kumiling ang araw, at kapag humihilig ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong oras mula sa maghapon na dasalin sa mga ito ang ṣalāh ng pagkukusang-loob o ilibing at ibaon sa mga ito ang mga patay: Ang Unang Oras: Kapag lumalabas ang araw habang sumisikat. Iyon ay sandali ng simula ng paglabas nito hanggang sa makaangat ito sa sukat na isang sibat, na tinatayang 15 minuto humigit-kumulang [mula ng pagsikat]. Ang Ikalawang Oras: Kapag pumapagitna ang araw sa kalagitnaan ng langit kaya hindi ito magkakaroon ng anino sa dako ng silangan o kanluran hanggang sa lumihis palayo sa gitna ng langit at lumitaw ang anino mula sa dako ng silangan kung kailan nagsisimula ang ṣalāh na ḍ̆uhr. Ito ay isang maikling sandali, na kasingtagal ng limang minuto humigit-kumulang. Ang Ikatlong Oras: Kapag kumikiling at nagsisimula ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tunay na kanyang sinabi: ((Hindi tinaanggap ni Allah ang dasal ng [babaing dinadatnan ng] regla,maliban sa pagsuot ng belo))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadHindi ipinapahintulot sa babaing nasa wastong gulang,may pag-iisip na magdasal nang walang suot na belo,Ibig sabihin ay: Nakikita ang ulo niya at ang leeg niya,at kung magdasal man siya,ang dasal niya ay hindi magiging wasto, dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- : ( Hindi tinatanggap ni Allah) ibig sabihin ay: Tinanggihan ang pagtanggap,at ang ipinapahiwatig doon ay: tinanggihan ang katumpakan at mga bahagi nito.At ang tinutukoy sa [babaing dinadatnan ng] regla rito ay: Ang babaing nasa wastong gulang, kung saan ay umabot sa edad ng pagregla,sa kahit na anong palatandaan ng pagiging wastong gulang,At ito ay ang mga: pagregla,paglabas ng semen,pagtubo ng buhok sa maselang bahagi ng katawan,o pagsapit ng ganap na labin-limang taong gulang,At kaya ipinahayag nito ang pagregla dahil ito ay para sa mga kababaihan lamang,at dahil ito ang kadalasang [nangyayari],at hindi tinutukoy rito ang [babaing] dinadatnan ng regla,sapagkat ang babae ay pinagbabawalan ng pagdarasal sa panahon ng pagregla,batay sa napagtibay sa sunnah at pagkakaisa ng mga eskolar
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi magdarasal ang isa sa inyo sa iisang damit habang sa ibabaw ng mga balikat niya ay walang anuman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagsasagawa ng ṣalāh sa iisang damit na mag-alis siya sa mga balikat niya ng takip sa pagitan ng dulo ng balikat at leeg, sa paraang hindi siya naglalagay sa mga ito ng anumang nagtatakip sa mga ito, dahil ang pagtatakip sa mga balikat, kahit pa ang mga ito ay hindi `awrah, ay higit na posible sa pagtatakip sa `awrah. Ito ay higit na malapit sa pagpipitagan kay Allāh (napakataas Siya) at pagdakila sa Kanya sa sandali ng pagtindig sa harap Niya sa ṣalāh.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya ay nagsabi: ((Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdarasal sa sinasakyan niya kahit saan ito nakaharap,at kapag inibig niya ang obligadong dasal,bumababa siya at humaharap sa Qiblah.))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay hindi inoobliga sa pagbaba mula sa taas ng sinasakyan niya,datapuwat siya ay nagdarasal rito,at ito ay kapag siya ay nasa paglalakbay,at pinagtitibay ito sa salaysay ni Ibn `Umar sa paglalakbay niya gamit ang sasakyan niya,na kung saan ay humarap siya [kung saan humarap ang sinakyan niya].Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhari;Kapag ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nasa sasakyan niya ,siya ay nagdarasal kung saan nakaharap ang sinasakyan niya,maging ito man ay nakaharap sa Qiblah o hindi nakaharap sa Qiblah,At kapag ang dasal ay obligado,ang limang beses na pagdarasal,siya ay bumababa sa sinasakyan niya,at nagdarasal siya sa lupa na nakaharap sa Qiblah,at sa Hadith ni Ibn Umar-malugod si Allah sa kanya-( Hindi niya ito ginagawa-ibig sabihin;ay ang kusang-loob na dasal sa taas ng sasakyan- sa obligadong dasal) Napagkaisahan sa Katumpakan.Ang dasal na Obligado ay dapat na gampanan sa lupa maliban kung may mabigat na dahilan na pinapahintulutan sa batas ng Islam,tulad ng Pag-ulan,o pagkatakot sa kalaban,hindi kasalanan na ito ay gampanan sa sasakyan,o Sakit at magdadasal siya sa higaan niya na naka-upo at lalong-lalo na kapag nangamba siya sa paglabas ng oras nito.At pinagtitibay ito ng mga patunay sa pagpapadali at pagpapagaan at pag-alis sa mga kahirapan sa Ummah na ito,kabilang dito ay ang sinabi ni Allah Pagkataas-taas Niya: {Walang sinumang kaluluwa ang binigyan ni Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin} at sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:{Kapag nag-utos ako sa inyo ng isang bagay,Gawin ninyo ito sa abot ng inyong makakaya}
Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay naglakbay,at iniibig niyang magdasal ng kusang-loob,Humaharap siya gamit ang kamelyo niya sa Qiblah,Magdadakila siya sa Allah,Pagkatapos ay magdadasal siya kung saan nakaharap ang sinakyan niya.
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudTunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay naglakbay at iniibig niya na magdasal ng kusang-loob na dasal,Humaharap siya sa Qiblah gamit ang Kamelyo niya sa pagsasagawa ng Takbiratul Ihram,Pagkatapos ay nagdadasal siya kung saan siya nakaharap sa paglalakbay niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang pagluluwalhati [sa Allah] ay para sa mga kalalakihan at ang palakpak ay para sa mga kababaihan."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng Hadith "Ang pagluluwalhati [sa Allah] ay para sa mga kalalakihan at ang palakpak ay para sa mga kababaihan." at sa salaysay ni Imam Muslim:( sa Pagdarasal) at ang kahulugan:Sinuman ang may gustong magpahiwatig ng mga bagay sa pagdarasal,nangangailangan na ipaalam sa iba ang mga bagay [na ito] mula sa pagbibigay babala sa Imam niya sa mga pagkakamali sa pagdarasal,O ang Panonood sa isang bulag na mahuhulog sa balon,o Pagpapaalam sa loob,O ang Pagnanais ng nagdadasal na ipaalam sa ibang kasamahan niya ang isang bagay,Sapagkat sa mga kalagayang ito at sa mga tulad pa nito,ay Magluwalhati [kay Allah]siya at sabihin niyang:" Napakamaluwalhati ni Allah": Upang maipa-unawa niya ang nais niyang ipagbigay-babala sa kanya,at ito ay nararapat sa mga kalalakihan,At ang babae kapag may gustong ipahiwatig na mga bagay sa pagdarasal niya,[Nararapat na] siya ay pumalakpak,At ang pamamaraan nito ay:Ang pagpalo ng isang kamay sa iba niyang kamay,sa kahit na anong pamamaraan,,at ang lahat ng mga ito ay pag-iwas sa mga [bagay] sa pagdarasal na hindi kabilang rito mula sa mga pananalita,sapagkat ito kalagayan na pananalangin sa Allah,Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,At nang hindi ipinahintulot sa [oras ng ]pangangailangan ang pagsasalita,Ipinahintulot naman ang siyang kahalintulad ng pagsasalita sa pagdarasal at ito ang Pagluluwalhati [Sa Allah].
Ayon kay Abe Said Al-Khudri malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa isang bagay,ay magharang ito sa mga Tao at kapag ninais ng isa na dumaan sa harapan nito,ay hadlangan niya ito,at kapag siya ay nagtanggi,makipaglaban siya rito sapagkat siya ay si Satanas)) at sa isang salaysay:((Kapag ang isa a inyo ay nagdadasal,huwag niyang hayaan ang isa ( sa kanila) ay dumaan sa harapan niya,at kapag siya ay nagtanggi,makipaglaban siya rito,sapagkat kasama nito ay si Satanas))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanKapag pumasok ang nagdadasal sa dasal nito,at nailagay na niya sa harapan niya ang pangharang,na ihaharang niya sa mga tao,nang sa gayon ay hindi mabawasan ang dasal niya dahil sa pagdaan nila sa harapan niya,at humarap siya na nananalangin sa Panginoon niya,at ninais ng isa ( sa kanila) na dumaan sa harapan niya,Hadlangan niya ito sa madali at napakadaling (pamamaraan) at kapag hindi niya ito hinadlangan sa madaling(pamamaraan) at magaan;Tinanggal niya ang pagbabawal rito,at itoy magiging mananadya,at ipinapahintulot ang pagpigil sa kalaban nito,sa pakikipaglaban ,sa pamamagitan ng pagtulak sa kanya sa kamay,Spagkat ang gawain niyang ito ay kabilang sa mga gawain ng mga Satanas,At sila ay nagnanais na sirain ang pagsamba ng mga Tao,at ang pagsira sa kanila sa mga dasal nila.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi; (( Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magdasal ang isang lalaki na nakalagay ang mga kamay nito sa kanyang baiwang))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na magdasal ang Tao na inilalagay niya ang kamay nito sa baiwang niya.