





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.siya ay nagsabi: may manipis na damit si `Aishah na nakatakip sa tabi ng bahay niya,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Tanggalin mo sa atin ang manipis na damit mong ito.Sapagkat nanatili ang itsura nito na nakikita ko sa pagdarasal ko))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyMayroong si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya-damit na minipis yari sa lana na may maraming kulay at palamuti,ginagamit niya ito na pantakip sa isang butas na nasa kwarto niya,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagtanggal diyo at ipinaliwanag niya sa kanya ang dahilan nito na ang mga palamuti nito at mga kulay nito ay nanatili sa harap ng mga mata niya sa oras ng pagdarasal,Kaya natakot siya na maging abala ito[sa kanya] mula sa pagiging ganap nang pagkakaroon ng puso sa pagdarasal,at ang pagmumuni-muni sa Pag-aalaala niya,at pagbasa niya,at sa mga layunin niya mula sa Pagpapakupkop at Pagpapakumbaba sa Allah Pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal sa sandali ng pagdalangin o iba pa rito? Pagkatapos tumindi ang pagsawata niya at pagbabanta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumagawa niyon na siya ay natatakot para sa mga paningin nila na hablutin ang mga ito mula sa kanila at kunin ang mga ito nang may kabilisan sa punto na hindi sila makararamdam kundi nang nawalan na sila ng biyaya ng paningin.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-(( Ang paghihikab sa pagdarasal ay mula kay Satanas,kapag naghikab ang isa sa inyo pigilan niya ito sa abot ng kanyang makakaya))
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAng paghihikab sa pagdarasal ay mula kay Satanas,Sapagkat siya ay nagsasanhi ng pagbigat sa katawan,at pamamahinga nito at pagiging puno nito,at paglihis nito sa pagtamad at pagtulog,Si Satanas ay siyang ng-aanyaya sa pagbibigay sa sarili ng pagnanasa nito,at nagpapatakaw nito sa pagkain at pag-inom,kaya kapag naramdaman ng nagdarasal ang paghihikab o inibig niya na maghikab,nararapat na pigilan niya ito at hadlangan sa abot ng kanyang makakaya,ito sa pamamaraan ng pagpipigil niya sa pamamagitan ng pagtikum niya sa mga ngipin niya at dalawang labi niya sa abot ng kanyang makakaya,upang hindi maabot ni Satanas ang layunin niya mula sa pagbaluktot ng itsura niya at pagpasok nito sa bunganga niya at sa paghahalakhak niya sa kanya,at kapag hindi niya ito napigilan,nararapat na takpan niya ito sa kamay niya.
Ayon kay Anas -malugod si Allah sa kanya-sinabi niya: Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Ang Pagdura sa Masjid ay kasalanan,at ang makakapag-tanggal [sa kasalanang ito] ay ang paglilibing rito))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng Dura-at sa isang salaysay: (ang laway)-sa kalupaan ng Masjid o sa dingding nito ay isang maling gawain at pagkakasalang, nararapat sa may gawa nito ang Kaparusahan mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Hindi nararapat sa isang Muslim sa anumang kalagayan na magdura sa Masjid;sapagkat ito ay pag-lalapastangan sa Tahanan ni Allah - pagpaparumi at pagdungis rito,Datapuwat ang nararapat ay ang pangangalaga rito mula sa lahat ng mga [bagay na] makakapagparumi nito at makakapagdungis nito,Sapagkat ito ay kabilang sa pagdadakila sa mga Tanda ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Nagsabi siya -Pagkataas-taas Niya: {Sa gayon,ang sinumang magparangal sa [mga ritwal ng Hajj] na ipinag-utos ni Allah,ito ay higit na mabuti sa kanya sa paningin ng kanyang Panginoon.} [Al-Hajj:30], Ngunit kapay siya ay nagdura sa damit niya o sa turban niya o sa panyo niya,siya ay hindi magkakasala,dahil sa kawalan ng kadahilanan.At ang Dura kapag ito ay nangyari dahil sa pagkakamali at hindi ito sinasadya,ito ay itinuturing na isang kamalian,pinapatawad sa kanya ang kasalanan,At hindi ibig sabihin na ,sasadyain niya ang pagdura sa Masjid pagkatapos ay isasagawa niya ang paglibing [pagpunas-pagtanggal] rito,Sapagkat ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ginawa niya sa karaniwang dura sa Masjid bilang isang pagkakamali lamang,At pinagtitibay ang pagtatantong ito;ayon sa naisalaysay ni Imam Al-Bukhariy [414] at Imam Muslim [548]: "Kung saan, siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng dura sa dingding ng Masjid,naging mahirap ito sa kanya,kaya ginawa niyang punasan ito sa pamamagitan ng kamay niya" At sinuman ang nagdura sa Masjid nang wala sa kanyang layunin,At ninais niya na na patawarin sa kanya ni Allah ang mga kasalanan niyang ito,Magmadali siya sa pagtanggal nito sa Masjid sa pamamagitan ng Paglibing niya kung ang Masjid ay gawa sa graba.Ngunit kung ang Masjid ay may karpet,tunay na ang pagtatanggal [sa kasalanan niya] ay sa pagpunas nito hanggang sa tuluyang matanggal.Ngunit kapag ito ay nanatili,ito ay magiging kasalanan,mapaparusahan siya sa anumang natitira nito.At tunay na naisalaysay ayon kay Abe Zarr-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Tunay na kanyang sinabi: (Ipinakita sa akin ang mga Gawain ng aking Ummah,ang mga mabubuti nito at masasama nito,Natagpuan ko sa mga mabubuting gawain nito ,na ang nakakapinsala ay tinatanggal sa daan.at natagpuan ko sa mga masasamang gawain nito;Na ang dura,na nasa Masjid at hindi inilibing [o tinanggal]. Isinaysay ito ni Imam Muslim
Ayon kay `Ubbadah bin Samit, malugod si Allah sa kanya. Nasa likod kami ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dasal ng Fajr,Nagbasa ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Naging mahirap sa kanya ang pagbabasa,At nang matas siya: Nagsabi siya:(((( Marahila ay nagbabasa kayo sa likod ng Imam ninyo)) Nagsabi kami: Oo o Sugo ni Allah,Ang sabi niya:(( Huwag ninyo itong gawin,liban sa Pambungad ng Aklat [ Al-Fatihah] sapagkat walang [gantimpala] ang pagdarasal sa sinumang hindi magbasa nito))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNaisalaysay ito ayon kay `Ubadah bin Samit, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:Kami ay nasa likod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dasal ng Fajr,Nagbasa ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging mabigat:ibig sabihin ay:naging mahirap sa kanya ang pagbabasa,At nang matapos siya,Nagsabi siya;(( Marahil kayo ay nagbabasa sa likod ng Imam ninyo)) sinagot ito ng mga kasamahan niya- malugod si Allah sa kanila-( Nagsabi kami: Oo,O Sugo ni Allah) Para bang, Siya-sumakanya ang pangangalaga-ay naging mahirap sa kanya ang pagbabasa at hindi niya alam kung ano ang dahilan,kaya tinanong niya sila,Nagpapatunay ito sa sinabi niya sa ibang salaysay: "Ano ang nangyayari sa akin at nahihirapan sa Qur-an?)) at marahil ang ,mabigat na dahilan ay ang kakulangan sa panimula [pa lamang]sa pagiging hindi nila pagkontento sa pagbabasa niya,at sa kabuuan marahil ay naapektohan siya mga kulang [na binabasa ng] nasa likod niya.At ang Sunnah, ay pagbabasa ng Ma`mum [nagdadasal sa likod ng Imam] na palihim,na kung saan ay naririnig ng bawat isa ang sarili niya,At inoobliga ang pagbabasa ng Al-Fatihah sa pagdarasal,Sa Nag-iisa [sa nagdarasal] at sa Imam,at sa Ma`mum [nagdadasal sa likod ng Imam], Sa dasal na hinahayag [ ang pagbabasa] at Palihim [ ang pagbabasa],dahil sa pagkatumpak ng mga Katibayan na nagpapatunay sa mga ito at [pagiging] partikula nito. Pagkatapos ay nagpatnubay siya sa kanila-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa pagsusumikap sa pagbabasa ng Al-Fatihah,Ang sabi niya:(Huwag ninyo itong gawin maliban sa Pambungad ng Aklat [Al-Fatihah],At maaaring ang dahilan ng pagbawal ay ang paghayag [ sa pagbabasa],At maaaring ang dahilan ay ang pagdadagdag sa Al-Fatihah,at ito ay upang hindi malito ang Imam at ang mga nagdadasal.
Ayon kay Al-Barā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagpatirapa ka, maglapag ka ng dalawang kamay mo at mag-angat ka ng dalawang siko mo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kalagayan ng dalawang kamay sa pagpapatirapa sa ṣalāh. Iyon ay hinggil sa paglulugar ng dalawang palad sa lapag at paglalapag nito habang nakadikit ang mga daliri sa pagkakaharap sa qiblah at pagiging ang dalawang siko, ang kasukasuan ng unahang bisig at hulihang bisig, ay mga nakaangat palayo sa pagkadikit sa lapag at mga nakabuka palayo sa dalawang tagiliran.
Ayon kay `Ā’ishah -kalugdan nawa siya ng Allah- ay nagsabi: Nakita ko ang Sugo ng Allah -pagpalain siya ng Allah at panglagaan- ay nagdadasal ng naka-parisukat.
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īyAng Attarabbu' (pagkahugis-parisukat): ay ilalagay niya ang ilalim ng kanang paa niya sa ibaba ng kaliwang hita, at ang ilalim ng kaliwang paa niya sa ibaba ng kanang hita, at umupo siya sa kanyang inuupuan, at nagawa ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ito noong nahulog siya mula sa kanyang kabayo, at nalasog ang kanyang paa. Kaya kapag nahirapan ang magsasalah sa obligadong dasal (salah) mula sa pagtayo ay magsalah siya ng nakaupo nasa anyong parisukat at siya ay kanais-nais, at ito ay sa kalagayan ng kanyang pag-upo na katumbas ng pagtayo, subalit sa kalagayan ng kanyang pag-upo sa pagitan ng dalawang pag-upo at kanyang pag-upo sa dalawang Tashahhud, ay kanais-nais sa kanya na umupo siya na naka Iftirash (nakalatag sa lupa o sahig) sa unang Tashahhud, at naka Tawarruk (nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa sa ilalim ng kanang binti, at nakadiit sa lapag ang kanang pigi) sa pangalawang Tashahhud. At lahat ng mga katangiang ito ay napapabilang sa Istihbab (kanais-nais) at Afdaliyah (kainaman), kaya kapag nalabag niya o nakaupo siya na hindi ayon sa mga katangiang naunang nabanggit ay mabibilang pa rin sa kanya; sa pagkat ang kailangan ay: ang pag-upo sa Tashahhud at ang mga katangiang ito ay bilang karagdagan lamang sa mga Wajib (obligadong gawain sa salah).
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Kapag nagpatirapa ang isa sa inyo,huwag siyang lumuhod tulad ng pagluhod ng kamelyo,at ilagay niya ang dalawang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang pamamaraan ng pagbaba sa pagpapatirapa,at ito ay ang pag-umpisa sa paglagay ng dalawang kamay bago ang dalawang tuhod,At naisalaysay sa ibang Hadtih,sa pagbaba ng dalawang tuhod bago ang dalawang kamay,Kaya ang dalawang ito ay ipinapahintulot at hindi itinatanggi ang sinumang gumawa nito o gumawa nito
Si Ibn `Umar ay inilalagay niya ang dalawang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya,At nagsabi siya: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ginagawa ito.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu KhuzaymahAng Hadith ay nagpapatunay na ang nagdadasal ay[nararapat na] ilagay niya ang dalwang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya sa pagbaba sa pagpapatirapa,Ngunit sinasalungat ito ng Hadith ni Wa-el bin Hajar-malugod si Allah sa kanya-na sa nagdadasal kapag siya ay bumaba sa pagpapatirapa,ay [nararapat] na ilagay niya ang dalawang tuhod niya bago ang dalawang kamay niya,At ang Talakayan ay batay sa mga Opinyon,at ang bagay na ito ay napakalawak,Kaya`t pinapapapili ng mga May kaalaman ang taong nagdadasal sa dalawang bagay na ito,Marahil ito ay dahil sa kahinaan ng dalawang Hadith,o dahil sa pagkasalungat nila at walang mapilian sa bawat isa sa kanila sa paningin niya,Kaya ang naging bunga nito:Ang Pagpapalawak at pagpili sa pagitan ng dalawang paglalarawan.