Hedayat “A fruitful harvest”
from the gardens of “ Verses and Hadiths ”
Inspiring Dawah cards that highlight the profound meanings of Quranic verses and Prophetic Hadiths. Presented in an accessible and engaging style to help Muslims gain a deeper understanding of their faith with ease.
About Hedayat
Hedayat is a platform that combines simplicity of design and ease of use
displaying the benefits derived from Verses and Hadiths in
attractive cards with unique designs.
Unique Designs
Cards with unique and attractive designs that express the content of the text
Reliable Materials
Scientifically reliable benefits reviewed by a group of scholars
Easy Browsing
You can browse the cards easily and display them effortlessly
Different Languages
Cards are available in more than 40 languages for the benefit of all
Hadith Cards
Ayon kay Abe Sulaymān bin Al-Huwayrith, malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang,Nanatili kami sa kanya sa loob ng dalawampung gabi,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya,Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: ((Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi si Malik-malugod si Allah sa kanya-"Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang",At ito ay sa taon ng Wufud,sa ika-siyam na taon ng Hijri,At sila ay mga binata,Nanatili sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng dalawampung gabi.Dumating sila sa layuning magkaroon ng kaalaman sa Relihiyon ni Allah,Nagsabi si Malik :",At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya," ibig sabihin ay nananabik kami sa kanila,"Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: "Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Dinagdagan ito ni Imam Al-Bukhari: " At magdasal kayo,tulad ng nakita ninyo sa akin na pagdarasal ko" Pinapatunayan nito na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kilala sa pagiging mahabagin at maawain,Siya ang pinakamabait sa mga tao sa lahat ng sangkatauhan,-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-mahabagin at maawain,At nang makita niya na sila ay nananabik sa kanilang pamilya,tinanong niya sila kung sino ang iniwan nila sa paglisan nila,at sinabi nila ito sa kanya,at ipinag-utos niya sa kanila na bumalik sa mga pamilya nila."at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Pagpapatunay nang pag-uuna sa nakakatanda sa Imam [Pamumuno sa pagdarasal], At ito ay hindi nagpapawalang bisa sa pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: " Mamumuno [sapagdarasal] mula sa lipon ng mga tao ang pinakamagaling sa kanila sa pagbabasa sa Aklat [Qur-an] ni Allah" Dahil lahat silang mga binata ay magkakasabay sa isang oras.At ang nahahayag ay hindi nagkakalayo ang bawat isa sa kanila sa [galing ng] pagbabasa sa Qur-an,at silang lahat ay magkakasing-galing.Hindi nakakalamang ang bawat isa sa iba,sa pagbabasa;kung kaya`t sinabi sa kanila na "Mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo" Sapagkat sila ay magkakapareho sa pagbabasa at gulang at sa paglikas,Kaya`t babalik sila,kung sino ang pinakamatanda sa gulang at pauunahin nila ito.At sa pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " " At magdasal kayo,tulad ng nakita ninyo sa akin na pagdarasal ko"ito ay nagpapatibay sa mga bagay na may pagpapatnubay ng Propeta-mula sa pagtuturo sa sangkatauhan sa pamamagitan ng salita at sa gawa.Tinuruan niya ang mga nagdadasal nang walang katahimikan sa pagsabi niya: Nagsabi siya: "Kapag ikaw ay nag-alay na dasal,gawing ganap ang pagsasagawa ng Wudhu,pagkatapos ay humarap ka sa Qiblah,Magdakila [kay Allah],Pagkatapos ay basahin mo ang pinakamagaan para sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos ay yumuko ka" Hanggang sa huli nito.Ngunit silang mga binata,itinuro niya sa kanila ang galaw.
Ayon kay Abe Qatādah, malugod si Allah sa kanya-(( Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa Dhuhr sa unang dalawa ng Ummul Kitab [Al-Fatihah],at dalawang kabanata,At sa ibang dalawang tindig ng Ummul Kitab [Al-Fatihah],at ipinaparinig niya sa amin ang mga talatang [ito],At nagpapahaba siya sa unang tindig nang hindi tulad ng pagpapahaba niya sa pangalawang tindig,At gayundin sa Al-Asr at gayundin sa Al-Subh))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa Marangal na Hadith na ito,Na sa mga Dasal na Hindi hinahayag ang pagbabasa tulad ng Al-Dhuhr at Al-Asr,ay binabasa niya rito ang Al-Fatihah kasama ang ibang kabanata sa Unang dalawang tindig,At binabasa niya ang Al-Fatihah lamang sa ibang dalawang tindig,tulad ng pagdarasal ng ganap na Hayag, At ipinapahintulot ang kaunting pagtaas ng boses bilang pag-aaral.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nakakakaya sa pakikipagtalik at mga gugulin ng pagpapakasal na mag-asawa sapagkat tunay na ito ay higit na mapag-ingat sa paningin niya laban sa bawal at higit na matindi sa pangangalaga ng kalinisang-puri ng ari niya bilang pagpigil sa pagkakasadlak sa mahalay. Ang sinumang hindi nakakakaya sa mga gugulin ng pagpapakasal samantalang siya ay nakakakaya sa pakikipagtalik, maaari sa kanya ang mag-ayuno sapagkat tunay na ito ay pumuputol sa pagnanasa ng ari.
Ayon kay Al-Barrā bin 'Āzib malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalakbay-Nagdasal siya ng `Eishah sa huling [oras nito],binasa niya sa unang dalawang tindig ang kabanata ng Atten at Azzaytun,Wala pa akong narinig sa sinuman na may mas magandang tinig o pagbasa sa kanya.))
Napagkaisahan ang katumpakanBinasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang dalawang Kabanata ng Atten at Azzaytun sa unang tindig ng dasal na `Eisha,Dahil siya ay nasa paglalakbay,At kapag sa paglalakbay-pinapangalagaan rito ang pagpapagaan at pagiging madali,dahil sa hirap at pagod nito.At dahil sa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa paglalakbay.subalit hindi niya iniiwan ang mga bagay na nagdudulot sa pagkatakot kay Allah at nakakapag-palambot ng puso sa pakikinig ng Qur-an,Ito ay ang pagpapaganda ng boses sa pagbabasa ng Qur-an
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi: Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin-At sa isang pananalita; Naiparating ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Na ang isang lalaki mula sa kasamahan niya ay nagpapalaya ng kanyang alipin ;kapag pumanaw na siya -Wala siyang ibang kayamanan maliban rito,Kaya ibininta ito ng Sugo ni Allah-sa halagang walondaang dirham,Pagkatapos ay ipinadala niya ang halagang ito sa kanya.
Napagkaisahan ang katumpakanIsinalalay ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar ang pagpapalaya sa alipin nito ,sa kanyang pagkamatay.At wala siyang ibang kayamanan maliban rito,Naiparating ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Subalit itinuring niya sa pagpalaya [ng aliping ito] ay kabilang sa kapabayaan,at hindi niya pinayagan ang ganitong gawain.Ibinalik niya ito at ibininta niya ang alipin nito sa halagang walondaang dirham.Ipinadala niya ito sa kanya,Dahil ang paggugol niya rito para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ay mahalaga at mainam mula sa pagpapalaya [ng alipin],at nang sa gayun ay hindi siya maging palaasa sa mga tao.At sa mga katulad ng ganitong mga Hadith,napapaloob rito ang mga panuntuntunan na dapat maintindihan ng mga tao kahit na hindi niya ito gawin.At hindi dapat isawalang-bahala ang pag-aaral at pag-unawa sa mga ito,sa katibayang wala ng matatagpuang alipin sa mga araw na ito,Sapagkat ang mga alipin ay matatagpuan lamang sa mga lugar ng Africa,At marahil ay mauulit pa ito,At ito ay mayroon din sa Angkan ni Adan hanggang sa dumating ang Islam,at sa pagkatapos nito.Subalit ang Islam ay naghahangad o naghahanap ng kalayaan at pagpapalaya kapag nangyari ang pag-aalipin.
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-"Babalunbunin ni Allah ang mga kalangitan sa Araw ng Pagkabuhay,Pagkatapos ay kukunin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?Pagkatapos ay babalunbunin Niya ang pitong kalupaan.pagkatapos ay Kuunin Niyaito sa Kaliwang Kamay Niya,Pagkatapos ay sasabihin Niya:Ako ang Hari,Nasaan na ang mga Mapanupil?Nasaan na ang mga Nagmamalaki?"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag sa atin ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipinahayag niya sa kanila na si Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay babalunbunin Niya ang mga pitong kalangitan sa Araw na Pagkabuhay,at Kununin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,at babalunbunin Niya ang Pitong Kalupaan,at kukunin Niya ito sa Kaliwang Kamay Niya,At sa bawat pagbabalunbun Niya sa bawat isa rito ay tinatawag Niya silang mga Mapanupil at Nagmamalaki,Bilang pagmmamaliit sa katayuan nila at Pagpapahayag na Siya ang Nagmamay-ari ng tunay na Kaharian,kung saan ay hindi humihina at hindi nawawala,at ang lahat maliban sa kanya mula sa Hari at pinaghaharian,at sa Matutuwid at sa Makasalanan,ito ay nawawala at walang halaga sa harapan Niya--Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-,Siya [si Allah] ay hindi maaaring tanungin sa Kanyang ginagawa,samantalang sila [ang mga nilikha] ang tatanungin.
Ayon kay Abū Ad-Dardā', malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa buwan ng Ramaḍān sa matinding init hanggang sa ang isa amin ay talagang naglalagay ng kamay niya sa ulo niya dala ng tindi ng init. Wala sa aming nag-aayuno maliban ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah.
Napagkaisahan ang katumpakanNagpapabatid si Abū Ad-Dardā', malugod si Allāh sa kanya, na sila ay lumisan sa isang paglalakbay sa buwan ng Ramaḍān. Iyon noon ay nasa panahon ng isang matinding init hanggang sa tunay na dala ng tindi ng init ay talagang naglalagay ng kamay ang lalaki sa ulo niya upang ipagsanggalang ang ulo niya gamit ang kamay niya laban sa tindi ng init. Wala sa kanilang nag-aayuno maliban ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya. Tiniis nga nilang dalawa ang tindi ng init at nag-ayuno, na kabilang sa nagpapatunay sa pagpapahintulot sa pag-aayuno sa paglalakbay sa kabila ng hirap na hindi humahantong sa hangganan ng kapahamakan. Taysīr Al-`Allām pahina 327, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/432, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/241.
Ayon kay Abū Juḥayfah Wahb bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya: "Pinagkapatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sina Salmān at Abū Ad-Dardā'. Dinalaw ni Salman si Abū Ad-Dardā' at nakita niya si Umm Ad-Dardā' (ang maybahay ni Abū Ad-Dardā') na nanlilimahid kaya nagsabi ito: Ang nangyari sa iyo? Nagsabi iyon: Ang kapatid mong si Abū Ad-Dardā' ay walang pangangailangan sa mundo. Dumating si Abū Ad-Dardā' at ginawan si Salmān ng pagkain at sinabi rito: Kumain ka at ako ay nag-aayuno. Nagsabi si Salmān: Hindi ako kakain malibang kakain ka; kaya kumain ito. Nang lumalim ang gabi bumangon si Abū Ad-Dardā' upang magdasal [ng kusang-loob na dasal] kaya nagsabi rito si Salmān: Matulog ka; kaya natulog ito. Pagkatapos ay bumangon ito upang magdasal kaya nagsabi rito si Salmān: Matulog ka. Nang sumapit na ang huling bahagi ng gabi, nagsabi si Salmān: Bumangon ka na. Nagdasal silang dalawa nang magkasama at sinabi rito ni Salmān: Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya. Pinuntahan ni Salmān ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit iyon sa kanya kaya nagsabi ang Propeta,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Nagsabi ng totoo si Salmān."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNaglagay ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pagitan nina Salmān at Abū Ad-Dardā' ng bigkis ng kapatiran kaya dinalaw ni Salmān si Abū Ad-Dardā' at natagpuan niya ang maybahay nito na hindi nakasuot ng mga kasuutan ng babaing may-asawa:mga kasuutang maganda. Tinanong niya ito tungkol doon at sumagot ito na ang kapatid niyang si Abū Ad-Dardā' ay tumalikod sa mundo, sa mag-anak, sa pagkain, at sa bawat bagay. Noong dumating si Abū Ad-Dardā', ginawan niya si Salmān ng pagkain at inihain ito kay Salmān. Si Abū Ad-Dardā' ay nag-aayuno. Ipinag-utos ni Salmān na ihinto niya ang pag-aayuno dahil alam niya na ito ay nag-aayuno lagi, kaya kumain si Abū Ad-Dardā'. Pagkatapos noong ninais ni Abū Ad-Dardā' na magsagawa ng kusalang-loob na pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl), inutusan siya ni Salmān na matulog hanggang sa sumapit ang huling bahagi ng gabi at saka sila magkasamang nagdasal. Ninais ni Salmān na linawin kay Abū Ad-Dardā' na ang tao ay nararapat na hindi magpahirap sa sarili sa pag-aayuno at pagdarasal sa gabi at dapat lamang magdasal at mag-ayuno sa paraan magkakamit siya ng kabutihan at mapapawi ang pagod, hirap, at pagtitiis.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-(( Sinuman ang Manumpa sa isang pangakong hindi niya ginawa,[upang] kunin dito ang kayamanan ng isang taong Muslim,Siya sa [gawaing ito] ay isang makasalanan,Haharapin niya si Allah, na sa kanya ay magmamana ng Poot))At ibinaba ang [talatang ito]:{Katotohanan ang mga bumibili ng mga maliit na pakinabang bilang halaga kapalit ng kasunduan kay Allah sa kanilang mga pangako} Hanggang sa huling talata"
Napagkaisahan ang katumpakanAng Hadith ay [naglalaman ng] isang malaking kaparusahan sa sinumang kumuha sa kayamanan ng isang Muslim na labag sa batas, at Kaya niya ito nakuha ay dahil sa pakikipag-away niya na [itinuturing ito na] isang malaking kasalanan, at sa Panunumpa nitong kasinungalingan at makasalanan,Ang [taong] ito ay haharapin niya si Allah na sa kanya ay may matinding poot,at sinuman ang mag-ani ng poot ni Allah,Siya ay [itinuturing na] isang sawi.Pagkatapos ay binasa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Marangal na talatang ito,bilang pagpapatunay sa siguradong matinding kaparusahan na ito ,sa Maluwalhating Qur-an
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng katayuan ng mga tagapag-alaala kay Allāh nang madalas, na sila ay namukod-tangi nga at nanguna sa iba sa kanila sa pagtamo ng mga antas na pinakamatataas sa mga hardin ng Kaginhawahan. Nagwangis siya sa kanila sa bundok ng Jumdān na namukod-tangi sa iba pa rito na mga bundok.