





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Wā'il bin Ḥujr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi. {Nagdasal ako kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka siya ay bumabati sa dakong kanan niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at sa dakong kaliwa niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya na magtapos sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay bumabati sa dakong kanan niya at kaliwa niya sa pamamagitan ng paglingon ng mukha niya sa bandang kanan kasama ng pagsasabi niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at bumabati sa dakong kaliwa niya sa pamamagitan ng paglingon ng mukha niya sa bandang kaliwa kasama ng pagsasabi niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kalubusan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)," patatawarin ang mga kasalanan niya, kahit pa ang mga ito ay naging tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, matapos ng pagwawakas ng ṣalāh na isinatungkulin, ng: 33 ulit na: "Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)," na pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa mga kakulangan; 33 ulit na: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)," na pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kakumpletuhan kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya; 33 ulit na: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)," na pagpapahayag na si Allāh ay pinakasukdulan at pinakakapita-pitagan kaysa sa bawat bagay. Ang pagpapakumpleto ng bilang sa 100 ay sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)." Ang kahulugan nito: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya, na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang natatangi sa ganap na paghahari at ang karapat-dapat sa pagbubunyi at papuri kasama ng pag-ibig at pagdakila bukod sa sinumang iba sa Kanya, at na Siya ay Nakakakaya na walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Ang sinumang nagsabi niyon, papawiin ang mga pagkakamali niya at patatawarin ang mga ito, kahit pa man ang mga ito ay naging marami tulad ng puting bula na pumapaibabaw sa dagat sa sandali ng pag-alon nito at pagkabulabog nito.
Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas, walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso maliban na mamatay siya."}
Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'iy sa Al-KubrāNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy matapos ng pagwawakas ng ṣalāh na isinatungkulin, walang makapipigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso kundi ang kamatayan. Ito ay nasa Sūrah Al-Baqarah, na ang sabi ni Allāh: {Allāhu lā ilāha illā huwa -lḥayyu -lqayyūm. Lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm. Lahū mā fi -ssamāwāti wa-mā fi -l'arḍ. Man dhā -lladhī yashfa`u `indahū illā bi-idhnih. Ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā '. Wasi`a kursīyuhu -ssamāwāti wa-l'arḍ wa-lā ya'ūduhū hifḍ̆uhumā, wa-huwa -l`alīyu -l`aḍ̆īm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang *silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)} (Qur'ān 2:255)
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm; sapagkat kung nakapagdasal siya ng limang [rak`ah], gagawing tukol (even) ng mga ito para sa kanya ang ṣalāh niya; at kung nakapagdasal naman siya ng isang paglubos sa apat [na rak`ah], ang dalawang ito ay magiging isang pag-aaba para sa demonyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapagsagawa ng ṣalāh, kapag nag-atubili siya sa ṣalāh niya at hindi siya nakaaalam kung ilang rak`ah ang dinasal niya: tatlo ba o apat, layuan niya ang bilang na nadagdag na pinagdududahan at hindi siya babatay rito. ِAng tatlong rak`ah ay ang natitiyak. Kaya magdarasal siya ng ikaapat na rak`ah, pagkatapos magpapatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm. Kung ang dinasal niya ay tunay na apat na rak`ah, ito ay magiging limang rak`ah sa pagkadagdag ng isang rak`ah. Ang dalawang patirapa ng pagkalingat ay magiging isang pamalit sa rak`ah. Kaya ang bilang ay tukol (even) hindi gansal (odd). Kung nakapagdasal siya ng apat na rak`ah dahil sa dagdag na rak`ah, siya ay magiging nakaganap na ng kailangan sa kanya nang walang dagdag at walang kulang. Ang dalawang patirapa ng pagkalingat ay isang panghahamak sa demonyo, isang pagtaboy sa kanya, at pagtutol sa kanya bilang itinataboy na pinalayo sa ninanais niya dahil [ang nagdarasal na] ito ay nakapagpalito sa kanya ng ṣalāh nito at nakaharang sa paggulo niyon. Nakumpleto ang ṣalāh ng anak ni Adan noong sumunod ito sa utos ni Allāh ng pagpapatirapa, na sumuway naman doon si Satanas nang tumanggi siya sa pagtalima kay Allāh sa pagpapatirapa kay Adan.
Ayon kay Hafsah, malugod si Allah sa kanya.((Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway)) at sa isang salaysay: Bago iganap ang pagtindig sa dasal
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapaalam ni `Aishah malugod si Allah sa kanya sa Hadith na ito ang tungkol sa kalagayan niya-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ay nagdadasal ng dalawang tindig at ito ay [kabilang sa mga Sunnah na Rawatib] sa Fajr,at hindi na nagdadagdag pa sa dalawang [ tindig na ito] Ito ay batay sa naiulat ni Imam Muslim sa Hadith ni Hafsah-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nagsabi:((Kapag sumikat ang Bukang liwayway,Hindi siya nagdadasal maliban sa dalawang tindig na magaan)) At ang pagsabi niya sa Hadith na "Magaan" Nangangahulugang pinapagaan niya ang Pagtindig at pagyuko at pagpapatirapa,at sa tindi ng pagpapagaan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinasabi ni `Aishah-malugod si Allah sa kanya-tulad nag naisalaysay sa Hadith ni Imam Al-Bukhari: " Nabasa ba niya ang Ina ng Aklat [ Al-Fatihah]?" at sa isang salaysay sa Muwatta`:"Katotohanan na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinapagaan ag dalawang tindig sa Fajr Hanggang sa ako ay nakapagsabi:Nabasa ba niya ang Ina ng Aklat [ Al-Fatihah] o hindi? At hindi ito nangangahulugan na siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagmamadali sa dalawang [ tindig na ito] kaya`t at hindi niya sinusunod ang mga haligi [ng dasal] nito,Ngunit ang tumpak na kahuligan nito: Na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpapagaan sa dalawang[ tindig] na ito,kumpara sa mga natitirang kusang loob na dasal,na kung saan ay pinapanatili na niya ang pagpapahaba rito." Pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway" ibig sabihin ay:Kapag sumikat ang Bukang-liwayway,Nagmamadali siya sa dalawang tindig na ito "Bago itindig ang dasal" at ito ay nangangahulugan: Na ang oras ng dalawang tindig sa Bukang-liwayway ay mula sa oras ng pagsikat ng Bukang-liwayway hanggang sa dasal na Subh.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNagpabatid si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtitiyaga sa mga ṣalāh ng mga pagkukusang-loob sa bahay niya at hindi siya nag-iiwan ng mga ito: apat na rak`ah na may dalawang taslīm bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa madaling-araw.
Ayon kay Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya) na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak na ang sinumang nagdarasal ng mga kusang-loob: apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, at nagpapamalagi at nangangalaga sa mga ito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno.
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag sa Marangal na Hadith ang kainaman ng sinumang magdasal ng apat na tindig bago ang dasal ng Asr,bilang kusang-loob (na dasal),at ito ay dahil sa ipinalangin niya ito ng Habag Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig na bumigkas sa dalawang rak`ah ng kusang-loob [na ṣalāh] sa madaling-araw matapos ng Al-Fātiḥah ng Kabanatang Al-Kāfirūn sa unang rak`ah at ng Kabanatang Al-Ikhlāṣ sa ikalawang rak`ah.