





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng Hadith: "Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa" Sa Hadith na ito: Ang pinagmulan nito sa Sahēhayn:Sa pananalitang:( Ang pagdarasal sa gabi ay dalawa dalawa) Dinagdagan ng ilan sa nagsasalaysay ng ( at araw) ito ay pagdagdag na mahina,At ang kahulugan : Na sinumang magnais na magdasal ng Kusang-loob sa gabi at araw,ay magsasagawa ng salām sa bawat dalawang tindig; tulad ng Pagka-salaysay rito na hayag sa Sahēh Muslim ayon kay Ibn 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nang siya ay tanungin:"Kung ano ang dasal na dalawa dalawa?"Nagsabi siya;Ang magsagawa ka ng Salām sa bawat dalawang tindig" At ito ang sinabi ng karamihan sa mga may kaalaman sa dasal ng gabi,Ibig sabihin ay; Hindi ipinapahintulot ang pagdarasal ng Kusang-loob na mahigit sa dalawang tindig, sa dasal ng gabi.maliban kung sa dasal ng Witr,dito ay may karagdagan,ayon sa nakasaad sa Sunnah.At ang pagdarasal sa araw,walang problema ang pagdagdag rito ng higit sa dalawang tindig,ngunit ang mas-mainam at dalawa dalawa.
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya.nagsabi siya;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ang pinaka-mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Buwan ng Ramadhan ay ang Buwan ng Allah na Muharram,at ang pinakamainam na Pagdarasal pagkatapos ng ng mga Obligado ay ang Dasal na Gabi
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNa ang pag-aayuno sa Buwan ng Muharram na kung saan ito ang una sa mga buwan ng taon ng Hijri,ay ang pinakamainam sa Pag-aayuno pagkatapos ng pag-aayuno sa Ramadhan,Sapagkat ito ay unang taon ng pagpapatuloy,kaya`t ang pagsisimula rito ng Pag-aayuno na kung saan ay liwanag,ang siyang pinakamainam na gawain,kayat nararapat sa isang Muslim na magsumikap rito at hindi niya ito pabayaan maliban kung may mabigat na dahilan,At ang pagsabi niyang" Buwan ng Allah" ito ay bilang pagpapatunay sa pagiging Dakila nito,at kakaibang-uri nito sa mga iba nitong mga buwan.At ang pagdadasal ng Gabi ay siyang pinakamainam na kusang-loob na dasal pagkatapos ng Obligadong dasal,Sapagkat ang Pagkatakot doon ay mas naisasaganap dahil sa pagsasama ng Puso at pag-iisa para sa Allah,Nagsabi Siya Pagkataas-taas Niya:{Katotohanan,ang pagbangon sa gabi ay siyang oras na napakahirap higit na mabisa sa pakikipag-isa at higit na akna para [sa pag-unawa] sa mga salita [ni Allah] }[Kabanata Al-Muzammil;6] At dahil sa ang Gabi ay oras ng katahimikan at pamamahinga,kayat kapag ito ay pinalitan ng pagsasamba,para sa sarili nito ay mas matindi at mas mahirap at para sa katawan nito ay mas nakakapagod at nakakapanghina ,kung kaya`t ito ay higit na nakakapasok sa kahulugan ng pag-obliga at higit na mainam para sa Allah
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),at huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko))
Napagkaisahan ang katumpakanNapag-alaman na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdadasal sa gabi,sa Buwan ng Ramadhan o sa iba nito,at nang magka gayon,tinanong ni Abu Salamah ang pagdarasal sa (gabi) sa Buwan ng Ramadhan,Kung ang pagdarasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa gabi ng Buwan ng Ramadhan ay katulad din ba ng pagdarasal niya sa hindi Buwan ng Ramadhan,sa mga bilang ng tindig o di kaya`y ang mga gawain dito ay naiiba? Sinagot niya ito-malugod si Allah sa kanya-na walang pagkakaiba sa pagdadasal niya sa pagitan ng Buwan ng Ramadhan at wala din sa iba nito,sapagkat siya ay nagdadasal sa pangkalahatan nang labing-isang tindig,walang naidadag-dag dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya sa kanya,ang pamamaraan nito sa pagsabi niya: " Nagdadasal siya ng Apatang (tindig) at ang ibig sabihin nito ay nagdadasal siya ng dalawang tindig pagkatapos ay nagsasagawa ng Taslem,pagkatapos nagdadasal siya ng dalawang tindig pagkatapos ay nagsasagawa ng Taslem;Sapagkat si `Aishah-malugod si Allah sa kanya ay tunay na ipinahayag niya at ipinaliwanag niya ang pangkalahatang nasa Hadith,sa ibang Hadith niya na naisalaysay ni Imam Muslim,at nagsabi siya:((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdadasal sa pagitan ng pagkatapos niya magdasal ng Eishah hanggang sa dasal ng Fajr,nang labing-isang tindig,Nagsasagawa siya ng Taslem sa pagitan ng dalawang tindig,at nagdadasal ng Witr nang isang tindig.Kasama ang sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Ang dasal ng gabi ay dalawa,dalawa)Napagkaisaha ang katumpakan." huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito " ibig sabihin ay: ibig sabihin ay;Huwag mong itanong ang pamamaraan niya,sapagkat ang mga ito sa pinaka-maganda at pinaka-ganap sa kagandahan ng pagbabasa at pag-pahaba ng pagtindig,at pagyuko at pagpatirapa.At gayundin ang apatang-huling tindig,dalawa,dalawa,Huwag mo ng itanong ang kagandahan nito at kaganapan nito sa ganda ng pagbabasa at pag-pahaba ng pagtindig,at pagyuko at pagpatirapa."Pagkatapos ay nagdadasal siya ng tatlong tindig"Ang nakikita rito;Na siya ay nagbabasa rito ng nagbabasa na hindi pinaghihiwalay,pagkatapos ay nagsasagawa siya ng Taslem sa huling tindig,Ngunit ang isang salaysay ni `Aishah,ay nagpapahayag na siya ay nagsagawa ng Taslem sa dalawang tindig,pagkatapos ay nagdasal ng Witr nang isang tindig,at ang patunay nito;"Nagsasagawa siya ng Taslem sa pagitan ng bawat dalawang tindig,at nagdadasal ng Witr nang isang tindig." Nagpapatunay ito na pinag-hihiwalay niya ang pagitan ng Tatlo sa pagsasagawa ng Taslem." Nagsabi si `Aishah; Sinabi ko sa Sugo ni Allah:Natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Ibig sabihin:Papaano ka natutulog bago ka magdasal ng Witr. "Nagsabi siya: O `Aishah,Tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog ngunit hindi natutulog ang Puso ko,at ang kahulugan:Na ang Puso niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nawawala,tulad ng pagkawala ng dalawang mata niya,datapuwat ito ay nakakapag-isip at nakakaramdam sa lahat ng bagay,at kabilang rito: Ang pagpapahalaga sa oras nito at pagpapatupad rito,Kung-kaya`t ang panaginip ng mga Propeta ay Kapahayagan (mula sa dakilang Taga-Paglikha)
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-at nagsabi:((Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa gabi nang labin-tatlong tindig,kabilang rito ang Witr,at dalawang tindig sa (dasal ng madaling araw).
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni 'Aishah malugod si Allah sa kanya-Na nag Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pinapalagi ang pagdarasal nang kanin-tatlong tindig sa dasal na gabi at kabilang rito ang Witr maging ito man ay sa buwan ng Ramdhan o liban rito,at gayundin pinapalagi niya ang dalawang tindig dasal sa madaling araw,at nag ibig sabihin ng pinapalagi ay pagpaparami,batay sa nakasaad na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag sumapit ang huling Sampong-gabi ng Ramadhan,at nagsusumikap siya rito nang hindi tulad ng pagsusumikap niya sa ibang(buwan).Kayat siya ay nagtitiis sa pagpapahaba (pagbabasa)sa pagtindig na hindi nagdadagdag sa bilang ( ng tindig) At katotohanan siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdarasal nang labin-tatlong tindig,at naisalaysay din na siya at nagdarasal nang mas kaunti doon.
Ayon kay Abē Saīd Al-Khudrīy malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Magdasal kayo ng Witr bago kayo umagahin))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng dasal na Witr ay mula sa dasal na gabi, tinatapos rito ang pagtindig ng dasal sa gabi,tulad ng pagtapos sa dasal ng araw ng dasal na Maghrib,upang maidasal ang Witr nito,Ipinapahayag sa Marangal na Hadith na ang oras ng dasal na Witr ay magaganap bago umagahin ang tao ibig sabihin at bago ng pagsapit ng ikalawang madaling-araw
Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang natatakot na hindi makapag-dasal sa huling-gabi,ay magdasal ito ng Witr sa unang-gabi nito,at sinuman ang naghahangad na makapag-dasal sa huling-gabi nito,ay magdasal ito ng Witr sa huling-gabi nito,Dahil ang pagdarasal sa huling-gabi ay sinasaksihan,at ito ang mas-mainam))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ng Hadith ang pagpapahintulot sa pagdarasal ng Witr sa unang gabi,At ang pagpapahintulot ay mas-nangunguna sa karapatan ng sinumang natatakot na hindi makapagdasal sa huling-gabi,At gayundin ipinahayag ang kainaman ng pagsasagawa ng pagdarasal nito sa huling-gabi, dahil ito ay pinag-sasaksihan ng mga Anghel.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakalalamang ang ṣalāh ng pagtitipon sa ṣalāh ng isa sa inyo nang mag-isa ng dalawampu't limang bahagi. Nagtitipon ang mga anghel ng gabi at ang mga anghel ng maghapon sa ṣalāh sa madaling-araw."} Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah: "Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo (Qur'ān 17:78): {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].}"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang gantimpala at ang ganti ng ṣalāh ng lalaki sa isang konggregasyon kasama ng imām ay higit na mainam kaysa sa dalawampu't limang ṣalāh na dinadasal niya nang mag-isa sa bahay niya o kinaroroonan niya. Pagkatapos bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ng gabi at maghapon ay nagtitipon sa ṣalāh sa Fajr. Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) habang nagpapasaksi para roon: "Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo: {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].} (Qur'ān 17:78) Ibig sabihin: Tunay na ang ṣalāh sa madaling-araw ay sinasaksihan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:((Sinuman ang nakarinig ng Panawagan at hindi siya dumating rito,Hindi katanggap-tanggap ang Dasal niya,maliban sa may mabigat na dahilan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu MājahNag-aanyaya ang Hadith na ito sa pangangalaga sa pagdarasal ng Jama`ah,at pag-aalala rito ng ganap na pag-aalala,Tunay na ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na sinuman ang nasa lugar na naririnig niya ang Panawagan [Azan] sa pagdadasal ng Jama`ah.ay nararapat sa kanya ang pagdalo,At kapag hindi siya dumalo,ang dasal niya ay magiging kulang,kaunti ang gantimpala,ngunit siya ay magagantimpalaan dahil sa pagganap niya [sa tungkulin],namay kasamang kaparusahan dahil sa dala nitong pagsuway sa [pagdarasal kasama ang] Jama`ah na walang mabigat na kadahilanan, Ngunit ang sinumang sumuway nito dahil sa mabigat na dahilan na ipinapahintulot sa Batas ng Islam,tulad ng pagsakit o ulan o pagkatakot sa sarili niya o sa Yaman o sa anak at sa anumang kahilintulad nito,Walang magiging kasalanan sa kanya.
Ayon kay Zaid Bin Thabit, malugod si Allah sa kanya.na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay gumawa ng kuwarto sa loob ng Masjid mula sa banig,Nagdasal ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan rito ng ilang gabi hanggang sa nagtipon ang mga tao sa kanya,Pagkatapos ay nawala sa kanila ang boses niya sa isang gabi,inakala nila na siya ay nakatulog,Kaya`t ang bawat isa sa kanila ay nagpalabas ng boses upang lumabas siya sa kanila,Nagsabi siya:((Nanatili parin sa inyo ang anumang nakita ko mula sa ginawa ninyo,Hanggang sa natakot ako na itoy maging obligado sa inyo,at kapag ito`y naging obligado sa inyo,ay hindi ninyo ito gagampanan,Kaya magdasal kayo o mga Tao sa mga bahay ninyo,dahil ang pinakamainam na dasal ng tao ay sa bahay niya maliban sa dasal na Obligado))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa Marangal na Hadith na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay gumawa ng silid sa isa sa mga anggulo ng Masjid mula sa banig,at ang nakikita rito;siya ay nagsasagawa ng `Itikaf,at nagtitindig siya ng dasal rito,narinig siya ng mga tao,dumating sila at ginawa nila itong Imam hanggang sa pagkalipas ng ilang gabi,hindi na nila narinig ang boses niya,inakala nila na nakatulog siya,at nagpalabas sila ng ilang mga boses upang magising siya,Lumabas siya sa kanila-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-at ipinahayag niya sa kanila na siya ay hindi nakatulog ngunit natakot siya na maging obligado sa kanila ang pagtindig sa dasal na gabi,at ipinahayag niya sa kanila na kapag ito ay naging obligado,hindi nila ito kayang gampanan,tulad ng pagpahayg niya sa kanila na ang pinakamainam na dasal na kusang-loob para sa kanila ay sa bahay nila