





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki sa ṣalāh at ang pinakamarami sa mga ito sa gantimpala at kalamangan ay ang kauna-unahan sa mga ito dahil sa kalapitan nila sa imām, pakikinig nila sa pagbigkas nito, at kalayuan nila sa mga babae. Ang pinakamasama sa mga ito, ang pinakakaunti sa mga ito sa gantimpala at kalamangan, at ang pinakamalayo sa mga ito sa hinihiling ng Kapahayagan ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito dahil ito ay higit na mapagtakip sa kanila at higit na malayo sa pakikihalubilo sa mga lalaki, pagkakita sa kanila, at tukso sa kanila. Ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito dahil sa kalapitan ng mga ito sa mga lalaki at pagkasalang sa tukso.
Ayon kay Wābiṣah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNakakita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito dahil ang ṣalāh nito ay hindi natumpak sa kalagayang iyon.
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa madaling-araw saka nagsabi siya: "Nakadalo ba si Polano?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi siya: "Nakadalo ba si Polano?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi siya: "Tunay na ang dalawang ṣalāh na ito ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw. Kung sakaling nakaaalam kayo sa kung ano ang nasa dalawang ito, talagang pumunta sana kayo sa dalawang ito kahit pa man pagapang sa mga tuhod. Tunay na ang unang hilera ay ayon sa tulad ng hilera ng mga anghel. Kung sakaling nakaalam kayo sa kung ano ang kainaman nito, talagang nagmadali sana kayo roon. Tunay na ang ṣalāh ng lalaki kasama ng lalaki ay higit na busilak kaysa sa ṣalāh niya nang mag-isa at ang ṣalāh niya kasama ng dalawang lalaki ay higit na busilak kaysa sa ṣalāh niya kasama ng lalaki. Ang dumami ay pinakakaibig-ibig kay Allāh (napakataas Siya)."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām AḥmadNagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa madaling-araw, pagkatapos nagtanong siya: "Nakadalo ba si Polano sa ṣalāh nating ito." Nagsabi ang mga Kasamahan: "Hindi po." Pagkatapos nagsabi siya sa iba pang tao: "Nakadalo ba si Polano sa ṣalāh nating ito?" Nagsabi sila: "Hindi po." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang ṣalāh sa madaling-araw at gabi ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw dahil sa pananaig ng katamaran sa dalawang ito at dahil sa kakauntian ng pagpapatamo ng pakitang-tao para sa dalawang ito yayamang hindi sila nakikita sa dilim." Kung sakaling nakaaalam kayo, O mga mananampalataya, kung ano ang nasa dalawang ṣalāh sa madaling-araw at gabi na pabuya at gantimpalang nadaragdagan – dahil ang pabuya ay ayon sa sukat ng hirap – talagang nagsagawa sana kayo ng dalawang ito kahit pa man pagapang at pausad sa mga kamay at mga tuhod. Tunay na ang unang hilera sa kalapitan nila sa imām ay katulad ng hilera ng mga anghel sa kalapitan ng mga ito kay Allāh (napakataas Siya). Kung sakaling nakaaalam ang mananampalataya sa kung ano ang kainaman ng unang hilera, talagang nag-unahan sana sila tungo roon. Tunay na ang ṣalāh ng lalaki kasama ng isang lalaki ay higit na mabigat sa gantimpala at epekto kaysa sa ṣalāh niya nang mag-isa at ang ṣalāh niya kasama ng dalawang lalaki ay higit na mainam kaysa sa kasama ng iisang lalaki. Ang ṣalāh na dumami ang mga nagdarasal sa pagdalo rito ay higit na kaibig-ibig kay Allāh at higit na mainam.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapakasal ng babae ng sarili niya nang walang pahintulot ng mga walīy niya at na ang kasal niya ay walang-saysay. Umulit nga siya nito nang tatlong ulit at para bang iyon ay hindi nangyari. Kung nakipagtalik sa kanya ang pinakasalan niya nang walang pahintulot ng walīy niya, ang buong bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito na pakikipagtalik sa kanya sa ari niya. Kapag naghidwaan ang mga walīy sa pagkawalīy sa pagdaraos ng kasal – at ang mga antas nila rito ay magkapantay – ang [karapatan sa] pagdaraos ay ukol sa sinumang nauna roon sa kanila, kapag iyon ay naging isang pagsasaalang-alang mula sa walīy sa kapakanan ng babae. Kung tumanggi ang walīy sa pagpapakasal kaya para bang walang walīy para sa babae, ang tagapamahala o ang kinatawan nito kabilang sa mga hukom at tulad ng mga ito ay ang walīy ng babae; at kung hindi, walang pagkawalīy ukol sa tagapamahala kasabay ng pagkakaroon ng walīy.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām AḥmadNagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pakikipagtalik ng asawa sa maybahay niya sa tumbong nito, na siya ay isinumpang itinaboy mula sa awa ni Allāh. Ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaking kasalanan.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi titingin si Allāh sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki o isang babae sa tumbong."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām An-Nasa'īy sa Al-KubrāNilinaw ng Propeta ang matinding banta na si Allāh ay hindi titingin nang pagtingin ng pagkaawa sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki sa tumbong nito o sa isang babae sa tumbong nito, at na ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Ayon kay Mu`āwiyah Al-Qushayrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadTinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung ano ang karapatan ng maybahay sa asawa niya. Kaya bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga utos. Kabilang sa mga ito: 1. Huwag kang magtangi sa sarili mo sa pagkain bukod sa kanya; bagkus pakakainin mo siya sa tuwing kumakain ka. 2. Huwag kang magtangi sa sarili mo sa pananamit at kasuutan; bagkus padadamitan mo siya kapag nagdamit ka at kapag kumita ka at nakakaya ka. 3. Huwag kang mamalo malibang dahil sa isang kadahilanan at isang pangangailangan. Kapag nangailangan sa pamamalo sa kanya para sa pagdisiplina o dahil sa pag-iwan niya sa ilan sa mga tungkulin, ang pamamalong ito ay isang pamamalong hindi makasasakit; at hindi siya papaluin sa mukha dahil ang mukha ay pinakadakila sa mga bahagi ng katawan, pinakalantad sa mga ito, at naglalaman ng mga bahaging marangal at mga organong maselan. 4. Huwag kang manlalait o magsabi: "Magpapangit nawa si Allāh sa mukha mo!" Kaya huwag kang mag-ugnay rito ni sa anuman sa katawan niya sa kapangitan na kasalungatan ng kagandahan dahil si Allāh (napakataas Siya) ay nagbigay-anyo sa mukha ng tao at katawan nito at nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Ang pagpula sa pagkalikha ay nauuwi sa pag pula sa Tagalikha. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh! 5. Huwag kang mag-iwan malibang sa higaan, huwag kang lumipat palayo sa kanya, at huwag kang magpalipat sa kanya sa ibang tahanan. Marahil iyon ay kaugnay sa nakahihiratiang pagkaganap na pag-iwan sa pagitan ng asawa at maybahay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Isinumpa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang babaing nagdudugtong ng buhok at ang babaing nagpaparugtong ng buhok at ang babaing nagtatato at ang babaing nagpapatato.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoDumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagsumpa at pagtaboy at pagpapalayo mula sa awa ni Allāh (napakataas Siya) sa apat na klase: A. Ang babaing nagdudugtong sa sarili niya o sa iba pa sa kanya ng ibang buhok; B. Ang babaing nagpaparugtong sa pamamagitan ng paghiling sa iba pa sa kanya na magdugtong sa buhok niya ng ibang buhok; C. Ang babaing nagsasagawa ng pagturok ng karayom sa isang lugar ng katawan gaya ng mukha o kamay o dibdib at paglalagay ng pangkulay ng kohl o tulad nito sa balat nang sa gayon magkulay bughaw ang bakas nito o magkulay luntian bilang paghahangad ng gayak at karikitan. D. Ang babaing nagpapatato na humihiling na gawin sa kanya ang pagtatato. Ang mga gawaing ito kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagkaroon ng dalawang maybahay saka kumiling siya sa isa sa kanilang dalawa, darating siya sa Araw ng Pagbangon habang ang gilid niya ay nakakiling."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagkaroon ng higit sa isang maybahay saka hindi siya nagpatupad sa pagitan ng mga maybahay niya ng katarungang nakakaya gaya ng pagpapantay sa mga maybahay sa paggugol, tirahan, damit, at pagpapagabi, ang parusa sa kanya sa Araw ng Pagbangon ay na ang kalahati ng katawan niya ay maging nakakiling. Ang pagkiling nito ay isang kaparusahan sa kanya sa pang-aapi niya, kung paanong kumiling siya sa pakikitungo niya.