





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-nagsabi siya: Wala akong pinagselosan sa mga Asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban kay Kahdijah,at tunay na hindi ko siya inabutan,Nagsabi siya:At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagkatay ng Tupa,Sinasabi niyang:((Ipamigay ninyo ito sa mga kaibigan ni Khadijah)) Nagsabi siya: Nagalit ako sa kanya isang araw,at sinabi kong: Khadijah,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan (( Tunay na biniyayaan ako sa pagmamahal niya)).
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.Na hindi siya nagselos sa isa sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan maliban kay Khadijah-,malugod si Allāh sa kanya.,Kahit na si Khadijah ay namatay na bago asawahin si `Aishah ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At ang Sugi ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagkatay ng tupa,ipinamimigay niya ito sa mga kaibigan ni Khadijah,At sinabi sa kanya,Na napaparami ang pagbabanggit niya kay Khadijah,Ipinaalam sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na si Allah ay biniyayaan siya sa pagmamahal niya.
Ayon kay `Asim bin Al-Ahwal;Buhat kay `Abdullah bin Sarjis-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;O Sugo ni Allah;Nawa`y Patawarin ka ni Allah,Nagsabi siya:(( At gayundin sa iyo)) Nagsabi si `Asim;Sinabi ko sa kanya: Humingi ng Kapatawaran(kay Allah) para sa iyo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan? Nagsabi siya :Oo,at gayundin sa iyo;Pagkatapos ay binasa niya ang talatang ito;{ At humingi ka ng Kapatawaran sa mga kasalanan mo at sa mga Mu`minin at mga Mu`minat (Lalaki at Babaing mananampalataya} [Muhammad;19]
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ni 'Abdullah bin Sarjis malugod si Allah sa kanya na siya ay nanalangin para sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng Kapatawaran,Ginantihan ito sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng panalangin din nang Kapatawaran,Tinanong ni 'Asim Al-ahwal si 'Abdullah bin Sarjis- malugod si Allah sa kanya-Humingi sa iyo ng Kapatawaran (kay Allah) ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan?Nagsabi siya:Oo,at humingi din siya para sa iyo ng Kapatawaran,Pagkatapos nagpatunay ito sa sinabi ni Allah Pagkataas-taas Niya,Sa Propeta niya- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-{At humingi ka ng Kapatawaran sa mga kasalanan mo at sa mga Mu'min at mga Mu'mināt ( Mag Kalalakihan at Kababaihang mananampalataya)} [Muhammad:19]
Ayon kay Abū Ḥāzim na nagsabi: {Nakipisan ako kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) nang limang taon kaya nakarinig ako sa kanya na nagsasanaysay tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: "Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Sa tuwing yumayao ang isang propeta, humahalili rito ang isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon ng mga khalīfah saka darami sila." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Nagsabi siya: "Tumupad kayo sa pangako ng katapatan sa una sa kasunod at magbigay kayo sa kanila ng karapatan nila sapagkat tunay na si Allāh ay magtatanong sa kanila tungkol sa ipinaalaga Niya sa kanila."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anak ni Israel ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Namamahala ang mga ito sa mga nauukol sa kanila gaya ng ginagawa ng mga pinuno at mga tagapamahala sa pinangangasiwaan. Sa tuwing may lumilitaw sa kanila na isang katiwalian, nagpapadala si Allāh sa kanila ng isang propeta para sa kanila, na nagtutuwid ng lagay nila at nag-aalis ng iniba nila mula sa mga patakaran. Tunay na walang propeta matapos niya para gumawa ng ginagawa ng mga iyon noon. Magkakaroon matapos niya ng mga khalīfah saka darami sila at magaganap sa pagitan nila ang hidwaan at salungatan. Kaya nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Kaya nagsabi siya: "Kaya kapag pinangakuan ang ikalawa ng katapatan bilang khalīfah matapos ng isang khalīfah, ang pangako ng katapatan sa una ay tumpak, na kinakailangan ang pagtupad dito, samantalang ang pangako ng katapatan sa ikalawa ay walang-saysay at ipinagbabawal dito ang paghiling nito. Magbigay kayo sa kanila ng karapatan nila, tumalima kayo sa kanila, at makisama kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagdinig at pagtalima sa hindi pagsuway sapagkat tunay na si Allāh ay magtatanong sa kanila at magtutuos sa kanila sa gagawin nila sa inyo."
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay dumating na isang pangkat ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa mga bahay ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagtatanong tungkol sa pagsamba niya sa pribado sa loob ng bahay niya ngunit noong pinabatiran sila, para bang sila ay nagmamaliit dito kaya nagsabi sila: "Saan tayo kung ihahambing sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? Pinatawad na sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya at ang nahuli, na kasalungatan sa hindi nakaalam sa pagkatamo ng kapatawaran para sa sarili kaya nangangailangan ng pagpapalabis sa pagsamba nang harinawa ay magtamo niyon." Pagkatapos nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya nakarating iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagalit siya at nagtalumpati sa mga tao. Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang pumapatungkol sa mga taong nagsasabi ng ganito at gayon? Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang ang pinakanatatakot sa inyo kay Allāh at ang pinakanangingilag sa inyo sa Kanya subalit ako ay natutulog upang magpalakas sa pagdarasal sa gabi, tumitigil-ayuno upang magpalakas sa pag-aayuno, at nag-aasawa ng mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa pamamaraan ko, nagtuturing na kalubusan sa iba pa rito, at sumunod sa pamamaraan ng iba pa sa akin, siya ay hindi kabilang sa akin."
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang bagay malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi naging kasalanan sapagkat kung ito ay naging kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon. Hindi naghiganti ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa sarili niya maliban na labagin ang kabanalan ni Allāh sapagkat maghihiganti siya para kay Allāh dahil dito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang ina ng mga mananampalataya, si `Ā'ishah(malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi, tungkol sa ilan sa mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kabilang sa binanggit niya na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi pinapili sa pagitan ng dalawang bagay malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ang pinakamadali ay hindi humihiling ng kasalanan sapagkat tunay na siya ay magiging pinakamalayo sa mga tao roon at pipiliin niya ang pinakamatindi. Hindi naghiganti ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa sarili niya lalo na; bagkus nagpapalampas siya at nagbabalewala ng karapatan niya maliban na labagin ang mga kabanalan ni Allāh sapagkat para kay Allāh ay maghihiganti siya. Siya noon ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkagalit para kay Allāh.