





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Mula kay Umm Al-mu'mineen A'isha -Malugod si Allah sa kanya- Marfuw'an: Kapag ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- bibitawan niya ang isang gawain, at ito ay kanyang kahabagan o gustong gawin; dahil sa pangambang gagawin siya ng mga tao at magiging obligado sa kanila.
Napagkaisahan ang katumpakan"Ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay iiwan o bibitawan ang isang gawain ngunit ito ay gusto naman niyang gawin, upang hindi siya gawin ng mga tao, at magiging dahilan siya sa pagkaobliga niya sa kanila, at makapabibigay pa ng kahirapan o kabigatan sa kanila na kung saan ang Propeta -Sumakanya ang pangangalaga- ay kinamumuhian niya ang makapagbigay ng kabigatan sa kanila".
Ayon kay `Abdullah bin Al-`Arat-malugod si Allah sa kanya-sinabi niya:Nagreklamo kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nakabalot sa tela niya sa silong ng Ka`bah,Hindi moba kami maipagtatagumpay? Hindi kaba mananalangin kay Allah para sa amin? Ang sabi niya: ((Tunay na ang mga taong nauna sa inyo,Tinatangay ang isang lalaki at hinuhukayan siya sa lupa at inilalagay rito,Pagkatapos ay kinukuha ang lagare at inilalagay sa ulo niya at nahahati siya sa dalawang hati,At sinusuklayan sa suklay na bakal na hindi isinasama ang laman niya at buto niya,ngunit hindi parin ito nakakapagpapigil sa relihiyon niya,Sumpa sa Allah,ipagpapatuloy Niya ang gawaing ito hanggang sa maglakbay ang nakasakay mula sa [lugar ng ] Yaman patungo sa Hadramawt [lugar sa dulo ng Yaman],Walang kinatatakutan maliban kay Allah,at ang Lobo ay nasa mga tupa niya,Ngunit kayo ay nagmamadali)) at sa isang salaysay: (( Siya ay nakabalot sa damit at kami ay nakaranas mula sa mga walang pananampalataya ng matinding [kaparusahan]))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySa Hadith na ito,Ipinapaalam ni Khabab -malugod si Allah sa kanya-ang mga bagay na nakikita niya sa mga Muslim mula sa pagpaparusa ng mga Hindi mananampalataya na Quraysh sa Meccah,dumarating sila na nagrereklamo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siyana nababalot ng tela [sa mukha] niya sa silong ng Ka`bah,Kaya ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang mga nauna sa amin ay binigyan ng pagsubok sa relihiyon niya ng mas malaking [ pagsubok] mula sa kanila,Hinuhukay sa kanya ang isang hukay pagkatapos ay hinuhulog rito,pagkatapos ay inilalagay ang lagare sa pagitan ng ulo niya at hinahati sa dalawang hati,at sinusuklayan siya ng bakal sa pagitan ng balat niya at buto niya,at ito ay malaking pagpaparusa.Pagkatapos ay sumumpa siya-Ang mga pagpapala ni Allah at pangangalaga Niya ay mapasa kanya-Na si Allah Napakamaluwalhati Niya ay ipagpapatuloy niya ang mga gawaing ito,Ibig sabihin ay;Ipagpapatuloy niya ang anumang Nasimulang gawain ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pag-aanyaya sa relihiyong Islam,Hanggang sa maglakbay ang nakasakay mula sa [lugar ng Yaman] patungo sa Hadramawt [lugar sa dulo ng Yaman],Walang kinatatakutan maliban kay Allah,at ang Lobo ay nasa mga tupa niya,Pagkatapos ay pinatnubayan niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ang mga tanyag niyang kasamahan sa pag-iwan ng pagmamdali;Ang sabi niya: " Ngunit kayo ay nagmamadali" Ibig sabihi ay:Magtimpi kayo at maghintay kayo ng Kaginhawaan mula kay Allah,Sapagkat tunay na si Allah ay magpapatuloy sa gawaing ito,At nagkatotoo ang nangyari tulad ng isinumpa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kina Abū Qatādah at Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na ako ay talagang tumitindig para sa pagdarasal at nagnanais na magpahaba niyon ngunit naririnig ko ang iyak ng paslit kaya nagpapaikli ako sa pagdarasal ko sa pagkasuklam na makapagpahirap ako sa ina nito."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay lumalahok sa pagdarasal sa kongregasyon bilang imām. Siya ay nagnanais na magpahaba ng dasal ngunit kapag naririnig niya ang iyak ng bata, pinagagaan niya sa pangambang makapagpahirap ang pagpapahaba sa ina niyon dahil sa pagkakaabala ng puso nito sa anak nito.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Lumabas ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga habang nakasuot siya ng isang damit na may mga larawang sintadera, na yari sa buhok na itim."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimInilalarawan ni `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, ang ilan sa mga kalagayan ng Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa pananamit niya. Kabilang doon na siya ay lumabas sa oras ng unang bahagi ng araw papunta sa mga Kasamahan habang nakasuot siya ng damit na may larawan ng mga sintadera ng mga kamelyo, na yari sa itim na balahibo; o ito ay damit na may mga guhit na gaya ng sa sintadera.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakaupong nakasalampak, na kumakain ng datiles."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsabi si Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakaupong nakadikit ang mga pigi niya sa lapag, na nakatukod ang mga binti niya, habang kumakain ng datiles, upang hindi siya makakain ng marami sapagkat tunay na siya sa kalagayang ito ay hindi magiging napapanatag sa pagkakaupo kaya hindi siya makakakain ng marami.
Ayon kay Abū Ramthah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng dalawang kasuutang luntian."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinababatid ni Abū Ramthah, malugod si Allāh sa kanya, na siya ay nakakita sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng damit na luntian.
Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Ang pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa dahil ito ay higit na nakatatakip kaysa sa tapis at balabal. Dahil ito ay iisang pirasong isinusuot ng tao nang iisang ulit, ito ay higit na madali kaysa sa magsuot ng tapis muna at saka balabal sa kasunod. Subalit gayon pa man, kung sakaling ikaw ay nasa isang bayang nakasanayan ang pagsusuot ng mga tapis at mga balabal at nagsuot ka ng tulad sa kanila, walang masama roon. Ang mahalaga ay hindi mo sasalungatin ang damit ng mga naninirahan sa bayan mo para masadlak ka sa katanyagan yayamang ipinagbawal nga ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang damit ng katanyagan.
Mula kay Abu said r.a: Katotohanan ang mga tao mula sa ansar ay nag-hingi sila sa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kanya itong binigyan, at muli sila nag-hingi at kanya itong binigyan, hanggang sa naubos ang mayroon sa kanya, at sabi niya sa kanila nung ibinuwis niya ang lahat ng anu-ano nasa kamay niya: ((Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi))).
Napagkaisahan ang katumpakan"Naghingi ang mga tao galing sa Ansar sa Sugo ni Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at binigyan ang mga ito, at muli silang nag-hingi sa kanya at binigyan ang mga ito, hanggang sa naubos ang nasa kanya, pagkatapos sinabihan niya sila na hindi pwede pag-kaitan niya sila ng kung anu-ano at hindi sila bibigyan, ngunit sadyang naubusan lang talaga siya, at hinimok niya sila para maging banal, makuntento, at mapag-timpi. Sinabihan niya sila na sinuman ang marunong makuntento sa kung anumang meron nasa kamay ng mga tao mula sa dakilang Allah; ay payayamanin o pakuntentohin sila ng dakilang Allah. Dahil ang tunay na yaman ay yaman sa puso, at kapag makuntento ang tao ay payayamanin siya ng dakilang Allah at hindi paaasahin sa mga tao, at magiging matibay ang loob, malayo sa pag-hingi. At sino man ang humihiling ng kadalisayan o kabanalan sa mga ipinagbabawal sa kanya ng dakilang Allah mula sa mga kababaihan ay gagawin siyang banal sa mga iyon, at protektahan siya pati na ang kanyang pamilya. At sino man ang humihiling na maging mapag-timpi ay ibibigay ito sa kanya ng dakilang Allah. At wala ng hihigit at gaganda pa na ipinagkaloob ng dakilang Alla o grasya na ibinigay sa tao mula sa sab'r (pag-timpi)".
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay binasa niya ang sinabi ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-kay Ibrahim-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: { O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan.Datapuwat sinuman ang sumunod sa akin,Katotohanang siya y nasa aking pananampalataya}[Ibrahim:35] ang talata. At ang sinabi ni `Isa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-{ Kung sila ay Inyong parurusahan,Sila ay inyong mga alipin,at kung sila ay Inyong patatawarin,Katotohanang Kayo lamang ang sukdol sa Kapangyarihan} [Al-Ma-idah:118],Kaya itinaas niya ang kamay niya at nagsabi siya: (( O Allah,ang aking Ummah,ang aking ummah)) at umiyak siya,Ang sabi ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan:(( O Jibrel,pumunta ka kay Muhammad-Ang Panginoon Mo ang higit na nakakaalam-tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya?)) Dumating sa kanya si Jibrel,at sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi niya-at Siya ang Higit na nakakaalam-Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: ((O Jibrel! Pumunta ka kay Muhammad,Sabihin mo sa kanya:Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBinasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi ni Ibrahim-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa mga diyus-diyosan: { O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan.Datapuwat sinuman ang sumunod sa akin,Katotohanang siya ay nasa aking pananampalataya}[Ibrahim:35] ang talata. At ang sinabi ni `Isa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-{ Kung sila ay Inyong parurusahan,Sila ay Inyong mga alipin,at kung sila ay Inyong patatawarin,Katotohanang Kayo lamang ang sukdol sa Kapangyarihan} [Al-Ma-idah:118],Kaya itinaas niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamay niya at umiyak siya,at nagsabi: (( O Allah,ang aking Ummah,ang aking ummah)), Ibig sabihin ay:Habagin mo sila at kaawaan mo sila,Sinabi ni Allah-Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,kay Jibrel: "Pumunta ka kay Muhammad,Tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya?" At Siya si Allah ang Higit na nakakaalam kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya,Sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa yaong sinabi niya,Mula sa pagkasabi niya ng:" Ang aking Ummah, Ang aking Ummah," At si Allah ay higit na nakakaalam sa yaong sinabi ng Propeta niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-kay Jibrel: "Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin" At tunay na nalugod si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-sa Ummah niya,Para kay Allah lamang ang lahat ng Papuri mula sa napakaraming pamamaraan,Kabilang dito:Pagdami ng gantimpala,at sila ang pinakahuli na mauuna sa Araw ng Pagkabuhay,At sila ay [pinagkalooban] ng higit na napakaraming kainaman [kung ihahambing] sa mga ibang Ummah."