





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Noon ay may aliping babae na kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah na talagang kumukuha sa kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dinadala nito siya saan man nito loobin."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNasaad sa ḥadīth ang pagpapakumbaba ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pinakamarangal sa mga nilikha, yayamang ang babaing aliping kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah ay pumupunta sa kanya, kinukuha ang kamay niya, at dinadala siya saan man loobin nito upang matulungan niya ito sa pangangailangan nito. Ito ay gayong siya ang pinakamarangal sa mga nilikha. Hindi siya nagtatanong kung saan nito siya dadalhin. Hindi siya nagsasabing pumunta ito sa iba sa kanya, bagkus siya ay pumupunta kasama nito. Tinutugon niya ang kailangan nito subalit sa kabila nito ay walang idinagdag sa kanya si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil doon kundi karangalan at kaangatan, ang pagpapala ni Allah at ang pangangalaga ay sumakanya. Hindi nangangahulugan ang pagkuha sa kamay na nasaling ng kamay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kamay ng babaing alipin. Nagsabi si Al-Ḥāfiđ: Ang ipinakakahulugan ng pagkuha sa kamay ay sinamahan niya ito. Ito ay ang kabaitan at ang pagpapaakay. Sumaklaw ito sa mga uri ng pagpapaigting ng pagpapakumbaba dahil sa pagkabanggit ng babae sa halip ng lalaki at ng aliping babae sa halip ng malayang babae. Nilahat nito sa pamamagitan ng salitang mga babaing alipin ang sinumang babaing alipin.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "May isang batang lalaking naglilingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagkasakit ito. Pinuntahan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang dalawin ito. Naupo siya sa tabi ng ulo nito at nagsabi rito: Yumakap ka sa Islam. Tumingin ito sa ama nito habang iyon ay nasa tabi nito. Nagsabi iyon: Tumalima ka kay Abulqāsim. Yumakap ito sa Islam at lumabas ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay nagsasabi: Ang papuri ay ukol kay Allah na sumagip sa kanya sa Impiyerno."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNasaad sa hadith na may batang kabilang sa mga Hudyong nasa Madīnah noon, na naglilingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagkasakit ito at dinalaw ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Inalok niya ito na yumakap sa Islam. Yumakap sa Islam ang bata kaya nagsabi siya: "Ang papuri ay ukol kay Allah na sumagip sa kanya sa Impiyerno."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako. Kung sakaling magreregalo sa akin ng hita o binti [ng tupa], talagang tatanggapin ko."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng ḥadīth na ito ay patunay sa kagandahan ng asal ng Propeta, (s), pagpapakumbaba niya, pag-aalo niya ng mga puso ng mga tao, pagtanggap ng regalo kahit ito ay kakaunti, at pagtugon sa sinumang nag-aanyaya sa bahay nito kahit pa man nalamang ang inaanyayahan ay kaunti dahil ang layon sa pagtanggap ng regalo at pagtugon sa paanyaya ay ang pag-aaliw ng tagapag-anyaya at ang pagpapatibay sa pagmamahalan. Sa pamamagitan ng pagtanggi at hindi pagsang-ayon, nangyayari ang pagkakalayo ng damdamin at ang pagkamuhi. Itinangi ang hita at ang binti sa pagbanggit upang pagsamahin ang hamak at ang mahalaga dahil ang hita ay kaibig-ibig noon sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa iba pa, at ang paa naman ay walang halaga.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hindi ako nakaamoy ng isang amoy kailanman na higit na mabango kaysa sa amoy ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Talaga ngang naglingkod ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon at hindi siya nakapagsabi sa akin ng pagkasuya, hindi siya nakapagsabi sa bagay na ginawa ko kung bakit ko ginawa iyon, ni sa bagay na hindi ko ginawa kung bakit hindi ko ginawa ang gayon."
Napagkaisahan ang katumpakanAyon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan." Si Anas bin Mālik ay nakapaglingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon. Ang kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay malambot. Gayon din ang amoy ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, wala pang naamoy si Anas kailanman na higit na maganda kaysa sa amoy niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsasabi pa si Anas: "Talaga ngang naglingkod ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon at hindi siya nakapagsabi sa akin ng pagkasuya." Nangangahulugan ito na hindi nanghinawa sa kanya ang Propeta kailanman sa loob ng sampung taong naglilingkod ito sa kanya. Ang iba sa atin, kapag pinaglingkuran siya ng isang tao o sinamahan nito sa loob ng isang linggo o tulad nito, ay hindi maiiwasang makitaan ng panghihinawa subalit ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa sampung taong kasama ng lalaking ito na naglilingkod sa kanya at sa kabila niyon ay hindi nagsabi rito ng pagkahinawa kailanman. Hindi siya nakapagsabi sa bagay na ginawa ni Anas kung bakit nito ginawa iyon. Kahit ang mga bagay na ginagawa ni Anas bilang pagpapasya mula rito, ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi namumuna rito o nagagalit dito o nagsasabing bakit nito ginawa ang gayon gayong siya ay tagapaglingkod. Gayon din, hindi siya nagsabi hinggil sa bagay na hindi nito ginawa kung bakit hindi nito ginawa ang gayon. Ito ay bahagi ng kagandahan ng asal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi namalo ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gamit ang kamay niya sa anuman ni sa isang babae ni sa isang alila, maliban sa pakikibaka sa landas ni Allah. Ang pananakit sa kanya na anuman, hindi kailanman siya naghiganti sa gumawa niyon, malibang may nilabag na anuman sa mga ipinagbawal ni Allah, pagkataas-taas Niya, at maghihiganti siya para kay Allah, pagkataas-taas Niya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimKabilang sa mga kaasalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya ay hindi nanakit ng anuman sa mga hayop ni sa mga hindi hayop sa anumang panahon. Hindi siya nanakit ng isang babae ni isang katulong gayong ang kaugalian ng higit na marami sa mga tao noon ay ang manakit ng dalawang ito. Kung hindi sinaktan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang dalawang ito sa kabila ng umiiral na kaugaliang iyon noon, ang iba pa sa dalawang ito na kabilang sa mga hindi nasanay saktan ay higit na karapat-dapat hindi saktan, maliban sa pakikibaka sa landas ni Allah upang itaas ang salita ni Allah, pagkataas-taas Niya. Walang nakagawa ng masama sa kanya at pinaghigantihan niya iyon, gaya ng nangyaring paghampas ng mga Kāfir sa ulo niya sa Uḥud at pagkabasag ng ngipin sa tabi ng pangil niya, at iba pang nangyaring masamang ginawa nila. Sa kabila niyon, nagpaumanhin siya, nagpalampas siya, nagtimpi siya, at hindi naghiganti, maliban na lamang kapag nilabag ang mga ipinagbabawal ni Allah sapagkat tunay na hindi niya palalampasin sa isa man iyon.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May dumating ba sa iyong araw na higit na matindi sa araw ng Uḥud?" Nagsabi siya: "Talagang nakatagpo ako mula sa lipi mo ng [hirap na] nakatagpo ko. Ito ay pinakamatindi sa [hirap na] nakatagpo ko mula sa kanila sa Araw ng `Aqabah nang iniharap ko ang sarili ko kay Ibnu `Abdi Yālīl ibni `Abdi Kulāl ngunit hindi niya ako tinugon sa ninais ko kaya umalis ako habang ako ay nalulumbay sa kinahaharap ko. Hindi ko namalayang ako ay nasa Qarn Ath-Tha`ālib na. Inangat ko ang ulo ko at ako pala ay nasa ilalim ng ulap na lumilim sa akin. Tumingin ako at naroon si Jibrīl, sumakanya ang pangangalaga, at tinawag niya ako at nagsabi: 'Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nakarinig nga sa sabi ng lipi mo sa iyo at itinugon nila sa iyo. Ipinadala nga niya sa iyo ang anghel ng mga bundok upang utusan mo ng anumang niloob mo para sa kanila.' Tinawag ako ng anghel ng mga bundok at bumati ito sa akin. Pagkatapos ay nagsabi ito: 'O Muḥammad, tunay na si Allāh ay nakarinig nga sa sabi ng kalipi mo sa iyo. Ako ang anghel ng mga bundok. Ipinadala nga ako ng Panginoon ko sa iyo upang utusan mo ako ng utos mo at anumang loobin mo. Kung niloob mo, itataklob ko sa kanila ang Akhshabān.'"
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, noong nagtanong ito sa kanya: "May dumating ba sa iyong araw na higit na matindi kaysa sa araw ng Uḥud?" Nagsabi siya ng oo at binanggit niya rito ang kuwento ng pagpunta niya sa Ṭā’if dahil siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong inanyayahan niya ang Quraysh sa Makkah at hindi sila tumugon sa kanya, ay pumunta sa Ṭā’if upang iparating ang salita ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Inanyayahan niya sa Islām ang mga mamamayan ng Ṭā’if subalit sila ay nagpalungkot sa kanya higit sa mga mamamayan ng Makkah. Sinimulan nilang maghagis sa kanya ng mga bato. Pinagbabato nila siya hanggang sa napadugo nila ang bukung-bukong niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Iniharap niya ang sarili kay Ibnu `Abdi Yālīl ibni `Abdi Kulāl na kabilang sa malalaking tao ng mga mamamayan ng Ṭā’if mula sa Thaqīf ngunit hindi siya tinugon nito sa ninais niya kaya umalis siyang namamanglaw at nalulumbay. Hindi pa siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nakapansin malibang siya ay nasa isang lugar na tinatawag na Qarn Ath-Tha`ālib. Nililiman siya ng isang ulap. Inangat niya ang ulo niya at nasa ulap na ito pala si Jibrīl, sumakanya ang pangangalaga, at nagsabi sa kanya: "Ito ay anghel ng mga bundok, na bibigkas sa iyo ng pagbati." Bumati ito sa kanya at nagsabi: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagpadala sa akin sa iyo kaya kung niloob mong itaklob ko sa kanila ang dalawang bundok, gagawin ko. Subalit ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa pagtitimpi niya, lawak ng pananaw niya, at hinahon niya sa usapin ay nagsabi ng huwag dahil kung sakaling itinaklob sa kanila ang dalawang bundok, malilipol sila. Nagsabi siya: "Huwag, at tunay na ako ay talagang umaasang magpapaluwal si Allāh mula sa mga supling nila ng sasamba kay Allāh, tanging sa Kanya, at hindi magtatambal sa Kanya ng anuman." Ito ang nangyari sapagkat tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagpaluwal mula sa mga supling nitong mga Mushrik na nanakit sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng sukdulang pananakit na ito ng mga sumasamba kay Allāh, tanging sa Kanya, at hindi magtatambal sa Kanya ng anuman.
Ayon kay anas,nagsabi siya:sinabi ni Abu Talhah kay Ummu Sulaym: talagang narinig ko ang boses ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mahina,alam ko rito na may pagkagutom,mayroon kabang kahit na ano diyan?Nagsabi siya :Oo,inilabas nito ang mga kapiraso ng tinapay na mula sa obena,pagkatapos ay kinuha niya ang pantakip nito sa mukha,at itinago rito ang tinapay sa bawat isa nito,pagkatapos ay itinago niya sa loob ng damit ko at ibinalik sa akin ang iba nito,pagkatapos ay ipinadala niya ako sa sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pumunta ako sa kanya,nadatnan ko ang sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naka-upo sa masjid,at kasama niya ang mga tao,tumindig ako sa kanila,Sinabi sa akin ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: (Ipinadala kaba ni Abu Talhah?Nagsabi ako:Oo,Sinabi niya:(Ang pagkain)?Nagsabi ako:Oo,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(tumindig kayo),umalis sila, at umalis din ako sa kanila,hanggang sa dumating ako kay Abu Talhah at ibinalita ko sa kanya,Ang sabi ni Abu Talhah:O Ummu Sulaym,darating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama ang mga tao,at wala sa atin ang ipapakain sa kanila,Nagsabi siya:Ang Allah at ang sugo ang higit na nakaka-alam,Umalis si Abu Talhah hanggang sa nakatagpo niya ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dumating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama siya hanggang sa pumasok sila,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(ibigay mo sa akin ang mayroon ka Ummu Sulaym),ibinigay nito ang tinapay,Inutusan nito ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na paliitin ito sa maliliit na piraso,at( (kinuha ni Ummu Sulaym ang katas nito na lumabas mula sa taba upang ihalo sa mga maliliit ng pirasong tinapay),)pagkatapos ay sinabi rito ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(Masha-a Allah) ang sasabihin.Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila at kumain sila hanggang sa sila ay nabusog,pagkatapos ay lumabas sila, Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila hanggang sa nakakain ang lahat ng tao at nabusog silang lahat,at ang bilang ng mga tao ay pitumpong kalalakihan o walumpo.Napagkaisahan sa katumpakan. At sa isang salaysay:Patuloy parin ang pagpasok ng sampu at paglabas ng sampu hanggang sa walang natira sa kanilang lahat kahit isa maliban sa ito`y nakapasok,nakakain hanggang sa nabusog,pagkatapos ay iniligpit niya ito at tulad parin ito ng kumain sila,At sa isang salaysay:Kumain sila ng sampu-sampu,hanggang sa ginawa ito ng walumpong kalalakihan,pagkatapos ay kumain ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos doon.at ng tao sa bahay,at iniwan na nila ang tira-tira.At sa isang salaysay:Pagkatapos ay nagtira sila at ibinigay nila sa mga kapit-bahay nila, At sa isang salaysay:Ayon kay Anas,nagsabi siya:Dumating ako sa sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,isang araw,nadatnan ko siya na naka-upo kasama ang mga kasamahan niya,at talagang hinigpitan nito ang tiyan niya,sa pang-higpit,at ang sabi ng mga ibang kasamahan niya: bakit hinigpitan ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang tiyan nito?Nagsabi sila: dahil sa pagka-gutom,pumunta ako kay Abu Talhah at siya ay asawa ni Ummu Sulaym bint Milhan, Nagsabi ako: O ama ,nakita ko ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na hinigpitan nito ang tiyan sa panghigpit,tinanong ko ang ilan sa mga kasamahan niya;Nagsabi sila:Dahil sa pagkagutom,Pumasok si Abu Talhah sa nanay ko,nagsabi siya: Mayroon kaba diyan na kahit ano?Nagsabi siya:mayron akong piraso ng mga tinapay at tamr,Kapag dumating sa atin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na nag-iisa, bubusugin natin siya,at kapag dumating ang iba pa sa kasamahan niya ay kontihan ninyo sila.At binanggit ang saktong hadith.
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng hadith:Na siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay nakaramdam ng matinding pagka-gutom,at alam ni Abu talhah malugod si Allah sa kanya ang sitwasyon ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pamamagitan ng mahinang boses nito,ipina-alam niya sa asawa nito na si Ummu Sulaym-malugod si Allah sa kanya ang sitwasyon ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagtanong siya?Mayroon kaba diyan na kahit ano?nagsabi siya: Oo,mayroon tayo na pang-alis sa gutom ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.inilabas nito ang mga kapiraso ng mula sa (obena)pagkatapos ay kinuha nito ang pantakip niya sa mukha at itinago rito ang tinapay sa bawat isa nito,at inilagay niya ito sa ibaba ng damit ni Anas malugod si Allah sa kanya,at kinuha nito ang naiwan na pantakip sa mukha nito at inilagay niya ito sa kasuotan nito upang matakpan ito.At nang dumating si Anas sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan nadatnan niya ito na kasama ang mga kasamahan,tumindig siya sa kanila,at nagsabi sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:"Ipinadala kaba ni Abu Talhah?nagsabi ako: Oo,Sinabi niya:"Ang pagkain?" ibig sabihin ay:ipinadala kaba niya dahil sa pagkain na ini-imbita niya?Nagsabi ko:'Oo,hindi nakayanan ni Anas malugod si Allah sa kanya na ibigay ang pagkain sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan dahil sa dami na kasama nito mula sa kanyang mga kasamahan at marahil na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kabilang sa naka-ugalian nito ay hindi maapekto ang sarili nito sa mga kasamahan niya,kaya`t wala siyang nagawa rito maliban sa sabihin na :Oo,ipinahayag niya ang pag-imbita upang tumindig kasama ito mag-isa sa bahay ni Abe Talhah.at makamit ang layunin sa pagpapakain sa kanya,at sa pagkakataon na iyon ay nagsabi ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga kasamahan nito:"tumindig kayo" at umalis sila,Ang sabi ni Anas:Umalis din ako sa kanila,at sa isang salaysay: Na ako ay nalulungkot dahil sa dami ng sumama sa kanya,hanggang sa dumating ako kay Abu Talhah at ipinaalam ko sa kanya,Nagsabi si Abu Talhah,:O Ummu Sulaym,darating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama ang mga tao at wala sa atin ang ipapakain sa kanila,Nagsabi siya:Ang Allah at ang kayang sugo ang higit na nakaka-alam,si Ummu Sulaym ay ipinagkatiwala na lamang sa Allah at sa kanyang sugo ang mangyayari,at para niyang nalaman na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay sinadya niya itong gawin upang makita sa kanya ang hindi pangkaraniwang-biyaya sa pagpaparami ng pagkain,at ito ang naisip niya,at sumang-yon ang dalawa sa naisip niya umalis si Abu Talhah hanggang sa nakatagpo niya ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at dumating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama siya hanggang sa pumasok silang dalawa,nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:"ibigay mo sa akin" At sa isang salaysay:Lumapit sa kanya si Abu Talhah at nagsabi:O sugo ni Allah ,wala-wala kami maliban sa mga kapiraso na ginawa ni Ummu Sulaym,At sa isang salaysay:Nagsabi si Abu Talhah:ito ay mga piraso lamang, Nagsabi siya:"Si Allah ay magbibiyaya rito" At sa isang salaysay:Nagsabi si Abu Talhah:O sugo ni Allah,ako ay nagpadala sa iyo ng tao upang imbitahan ka mag-isa at wala sa amin ang ipapa-busog namin sa aking nakikita,Nagsabi siya:Pumasok ka, dahil si Allah ay magbibiyaya sa anuman mayron ka."At nang pumasok ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:sa bahay ni Abe Talhah:nagsabi siya:Ibigay mo sa akin ang mayroon ka o Ummu Sulaym," At ibingay na niya ang tinapay,at inutusan nito ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:na paliitin ito sa maliliit na piraso,at( (kinuha ni Ummu Sulaym ang katas nito na lumabas mula sa taba upang ihalo sa mga maliliit ng pirasong tinapay),pagkatapos ay sinabi ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:"Ayon sa kapahintulutan ni Allah" ay masasabi: ibig sabihin ay:Hiniling niya sa Allah pagkataas-taas Niya na mabiyayaan ang pagkain na konti,at sa isang salaysay:Dumating ako sa kanya,at binuksan niya sa may tali nito,pagkatapos ay nagsabi siya:"Sa ngalan ni Allah,O Allah palakihin niyo rito ang biyaya" pagkatapos ay sinabi niya:"Payagan ang sampu"pinayagan sila at kumain sila hanggang sa silay nabusog,pagkatapos ay lumabas sila," pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila hanggang sa nakakain ang lahat ng tao at nabusog silang lahat,at ang bilang ng mga tao tao ay pitumpong ka-kalalakihan o walumpo.Napagkaisahan sa katumpakan. At sa isang salaysay:Patuloy parin ang pagpasok ng sampu at paglabas ng sampu hanggang sa walang natira sa kanilang lahat kahit isa maliban sa ito`y nakapasok,nakakain hanggang sa nabusog,pagkatapos ay iniligpit niya ito at tulad parin ito ng kumain sila,At sa isang salaysay:Kumain sila ng sampu-sampu,hanggang sa ginawa ito ng walumpong kalalakihan,pagkatapos ay kumain ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos doon.ay ang tao sa bahay,at iniwan na nila ang tira-tira.At sa isang salaysay:Pagkatapos ay nagtira sila at ibinigay nila sa mga kapit-bahay nila.
Ayon kay Jaber bin `Abdullah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nakadalo ako kasama ang Sugo ni Allah-paagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pagdarasal sa Araw ng `Eid,Nagsimula siya sa pagdarasal bago ang pagsermon,na walang Azan At Iqamah,pagkatapos ay tumayo na nakasandal kay Bilal,Nag-utos siya ng Pagkatakot sa Allah,at nag-udyok ng pananampalataya sa Allah,at nangaral sa mga tao at nagpaalala sa kanila,pagkatapos ay naglakad siya hanggang sa dumating siya sa mga kababaihan,Nangaral siya sa kanila at nagpaalala sa kanila, Nagsabi siya:((Magkawang-gawa kayo,sapagkat ang karamihan sa inyo ay nananahanan sa Impiyerno)) Tumayo ang isang babae mula sa gitna ng mga linya na may kakaibang kulay ang dalawang pisngi niya,Nagsabi siya: Bakit O Sugo ni Allah? Nagsabi siya: (( Sapagkat kayo nagpaparami ng Angal,at Nagtatanggi kayo [sa mga kabutihan na nagawa nila,dahil sa isang pagkakamali] ng inyong mga asawa)).Nagsabi siya:Kaya`t gumawa sila ng pagkakawanggawa mula sa alahas nila,hinahagis nila sa damit ni Bilal ang mga Hikaw nila at mga Singsing nila.
Napagkaisahan ang katumpakanNagdasal ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ng dasal na `Eid na walang Azan at walang Iqamah,at nang matapos siya sa pagdarasal,Nagsermon siya sa kanila,Ipinag-utos niya ang Pagkatakot sa Allah;sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ipinag-uutos at Pag-iwas sa mga ipinagbabawal at pagpapanatili sa pananampalataya sa Allah sa hayag man at lingid,at ang alalahanin nila ang mga Pangako ni Allah [ Paraiso] at ang mga kaparusahan niya,upang maramdaman nila ang Pangamba at Pananabik,At dahil sa ang mga kababaihan ay nahiwalay sa kalalakihan,at minsan ay hindi sila nakakarinig ng Sermon,At siya ay nagsusumikap para sa mga malaki at maliliit,bilang pagmamahal sa kanila,at pagiging maawain sa kanila,kayat humarap siya sa mga kababaihan at kasama niya si Bilal,Nangaral siya sa kanila at Nagpaalala sa kanila at Nagtalaga siya ng dagdag na aral at ipinahayag niya sa kanila na sila ang higit na may maraming bilang na mananahanan sa Impiyerno,at ang paraan na maliligtas sila mula rito ay ang pagkakawang-gawa sapagkat ito ay nakakapag-alis sa poot ni Allah.Tumayo ang isang babae na naka-upo sa gitna ng linya,at nagtanong siya sa dahilan ng pagiging maraming bilang nila sa Impiyerno,upang malaman nila [ang mga gawaing ito] ito at maiwasan,Nagsabi siya:Sapagkat kayo ay nagpaparami ng Angal at mga salitang nakakamunghi,[di kanais-nais],at nagtatanggi kayo sa mga maraming kabutihan kapag naging pabaya sa inyo ang gumagawa ng kabutihan kahit sa isang beses lamang,At nang ang mga babaeng kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ay nag-uunahan sa paggawa ng kabutihan at sa pag-iwas sa mga bagay na ikinakagalit ni Allah,Ginawa nilang, nagkawang-gawa sila sa mga alahas nila na nasa mga kamay nila,at sa mga tainga nila at mula sa mga singsing at mga hikaw,hinahagis nila ito sa damit ni Bilal,bilang pagmamahal sa kaluguran ni Allah at paghahangad sa kanyang [Paraiso].
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Hindi nag-asawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa (panahon na buhay pa) si Khadijah,maliban ng siya ay namatay na.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHindi nag-asawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa (panahon na buhay pa) si Khadijah bint Khuwaylid-malugod si Allah sa kanya,maliban ng siya ay namatay,at ito ay nagpapatunay sa (dakilang) katayuan ni khadijah kay Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at siya ang una nitong Asawa.