





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagpalampas sa Kalipunan ko ng anumang isinaysay nito sa sarili nito hanggat hindi nito ginawa o sinalita."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim ay hindi pinananagot dahil sa sanaysay sa sarili na kasamaan bago ng paggawa nito o pagsasalita nito yayamang pinawi ni Allāh ang kaasiwaan at pinagpaumanhinan Niya. Hindi nagpanagot si Allāh sa Kalipunan ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa natagpuan sa isip at nagpabalik-balik sa sarili nang hindi siya napapanatag dito at nanatili sa kanya. Kung nanatili ito sa puso niya gaya ng pagmamalaki o kapalaluan o pagpapaimbabaw o paggawa ng mga bahagi ng katawan niya o nagsabi siya sa pamamagitan ng dila niya, tunay na siya ay pananagutin dahil doon.
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-aatang ng tungkulin ay mananatili sa mga anak ni Adan maliban sa tatlong ito: ٍٍSa munting bata hanggang sa lumaki siya at maging adulto. Sa baliw na nawalan ng isip hanggang sa bumalik sa kanya ang isip niya. Sa natutulog hanggang sa magising siya. Kaya naman ang pag-aatang ng tungkulin ay pinawi nga sa kanila at ang paggawa nila ng kasalanan ay hindi itinatala laban sa kanila subalit itinatala ang kabutihan para sa munting paslit, hindi sa baliw at natutulog dahil ang dalawang ito ay nasa larangan ng sinumang hindi natatanggapan ng katumpakan ng pagsamba dahil sa paglaho ng pagkadama.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim at nagtala si Imām Al-Bukhārīy ng huling pangungusap mula ritoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat nagpapalaho ng isip at nag-aalis nito, iyon ay alak na tagapagpalasing, maging iyon man ay naiinom o nakakain o nasisinghot o iba pa roon. Ang bawat nagpapalasing at nag-aalis ng isip ay ipinagbawal nga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at sinaway Niya ang kaunti niyon at ang marami niyon. Ang bawat sinumang uminom ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng mga tagapagpalasing na iyon, nanatili sa pag-inom nito, at hindi nagbalik-loob mula rito hanggang sa mamatay, siya ay karapat-dapat sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakait sa kanya ng pag-inom nito sa Paraiso.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Makibaka kayo sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, mga sarili ninyo, at mga dila ninyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām AḥmadNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pakikibaka sa mga tagatangging sumampalataya at pagkakaloob ng pagsisikap sa pakikipagharap sa kanila sa pamamagitan ng bawat kaparaanan ayon sa abot ng kakayahan upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas. Kabilang doon: 1. Ang paggugol ng salapi sa pakikibaka sa kanila gaya ng pagbili ng sandata at panustos sa mga nakikibaka at tulad niyon. 2. Ang pagdalo ng sarili at katawan sa pakikipagtagpo sa kanila at pagtatanggol laban sa kanila. 3. Ang pag-aanyaya sa kanila sa Relihiyong ito ng Islām sa pamamagitan ng dila, paglalatag ng katwiran sa kanila, pagsawata sa kanila, at pagtugon sa kanila.
Ayon kay Khuraym bin Fātik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay anim at ang mga tao ay apat. [Sa mga gawain] mayroong dalawang tagapag-obliga [ng Paraiso at Impiyerno], mayroong isang tulad katumbas ng isang tulad, mayroong isang maganda katumbas ng sampung tulad nito, at mayroong isang maganda katumbas ng pitong daan. Hinggil sa dalawang tagapag-obliga, ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh nang anuman ay papasok sa Impiyerno. Hinggil naman sa isang tulad katumbas ng isang tulad, ang sinumang nagbalak ng magandang gawa hanggang sa makaramdam nito ang puso niya at makaalam nito si Allāh mula sa kanya ay may itatala para sa kanya na isang maganda at ang sinumang gumawa ng masagwa ay may itatala laban sa kanya na masagwa. [Hinggil naman sa ikalima,] ang sinumang gumawa ng isang gawa ay tutumbasan ng sampung tulad nito. [Hinggil naman sa ikaanim,] ang sinumang gumugol ng isang paggugol sa landas ni Allāh ay may magandang gawa katumbas ng pitong daang maganda. Hinggil naman sa mga tao; may paluluwagan sa Mundo, na gigipitin sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo, na paluluwagan sa Kabilang-buhay; may gigipitin sa Mundo at Kabilang-buhay; at may paluluwagan sa Mundo at Kabilang-buhay."}
Nagsalaysay nito si Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga gawain ay anim na uri at na ang mga tao ay apat na klase. Ang anim na gawain ay ang sumusunod: UNA: Ang sinumang namatay habang siya ay hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman, maoobliga para sa kanya ang Paraiso. IKALAWA: Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal kay Allāh ng anuman, maoobliga para sa kanya ang Impiyerno bilang mamamalagi roon. Ang dalawang ito ang dalawang tagapag-obliga. IKATLO: Ang magandang gawang nilalayon. Ang sinumang naglayon na gumawa ng magandang gawa habang siya ay naging tapat sa layunin niya hanggang sa makaramdam siya nito sa puso niya at makaaalam si Allāh mula sa kanya ng layuning ito, pagkatapos may nangyari sa kanya na isang bagay para hindi siya makakaya na gumawa ng magandang gawang ito, itatala ito para sa kanya bilang isang magandang gawang kumpleto. IKAAPAT: Ang masagwang gawang ginagawa. Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa, itatala ito para sa kanya bilang nag-iisang masagwang gawa. Ang dalawang ito ay isang tulad katumbas ng isang tulad nang walang pagpapaibayo. IKALIMA: Isang maganda na magiging katumbas ng sampung tulad nito: ang sinumang naglayon ng isang magandang gawa at nakagawa nito, magtatala para sa kanya ng sampung magandang gawa. IKAANIM: Isang magandang gawa na magiging katumbas ng pitong daang magandang gawa: ang sinumang gumugol ng iisang paggugol sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang magandang gawang ito katumbas ng pitong daang magandang gawa. Ito ay bahagi ng kabutihang-loob Niya (napakamapagpala Siya at napakataas) at pagkamapagbigay Niya sa mga lingkod Niya. Hinggil naman sa apat na klase ng mga tao, sila ay ang sumusunod: UNA: Ang sinumang pinaluwagan sa Mundo sa panustos, na pinaginhawa rito, na nakatatagpo rito ng niloloob niya, subalit siya ay gigipitin sa Kabilang-buhay at ang kahahantungan niya ay tungo sa Impiyerno, siya ay ang mayamang tagatangging sumampalataya. IKALAWA: Ang sinumang ginipit sa Mundo sa panustos, subalit siya ay paluluwagan sa Kabilang-buhay at ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso, siya ay ang maralitang mananampalataya. IKATLO: Ang sinumang ginipit sa Mundo at Kabilang-buhay, siya ay ang maralitang tagatangging sumampalataya. IKAAPAT: Ang sinumang pinaluwagan sa Mundo at Kabilang-buhay, siya ay ang mayamang mananampalataya.
Ayon sa Anak ni Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu ḤibbānNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya na isinabatas Niya kabilang sa mga pagpapagaan sa mga patakaran at mga pagsamba at pagpapadali sa mga ito sa naatangan ng tungkulin, dahil sa isang maidadahilan gaya ng pagpapaiksi ng ṣalāh at pagsasama ng mga ito sa sandali ng paglalakbay. Siya ay umiibig din na isagawa ang mga paghihigpit Niya kabilang sa mga bagay na kinakailangan dahil ang pag-uutos ni Allāh kaugnay sa mga pagluluwag at mga paghihigpit ay iisa.
Ayon kay `Amr bin `Āmir, ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh. Nagsabi ako: "Papaano kayo noon nagsasagawa?" Nagsabi siya: "Nagkakasya sa isa sa amin ang [isinagawang] wuḍū' hanggat hindi siya nakasira nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh na isinatungkulin, kahit pa hindi nasira ang wuḍū' niya. Iyon ay para sa pagtamo ng pabuya at kainaman. Pinapayagan na magdasal ng higit sa isang ṣalāh na isinatungkulin sa iisang wuḍū' hanggat nanatili ang bisa ng wuḍū' niya.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa ilan sa mga pagkakataon kapag nagsagawa siya ng wuḍū', ay naghugas ng bawat bahagi mula sa mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' nang tig-iisang ulit sapagkat hinuhugasan niya ang mukha – at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinga – ang mga kamay, at ang mga paa nang tig-iisang ulit. Ito ay ang kinakailangang sukat.
Ayon kay `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa ilan sa mga pagkakataon kapag nagsagawa siya ng wuḍū', ay naghugas ng bawat bahagi mula sa mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' nang tigdadalawang ulit sapagkat hinuhugasan niya ang mukha – at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinga – ang mga kamay, at ang mga paa nang tigdadalawang ulit.