





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakaramdam ang isa sa inyo sa tiyan niya ng anuman saka nagpasuliranin sa kanya kung may lumabas ba mula sa kanya na anuman o wala, huwag nga siyang lalabas mula sa masjid hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo ng isang amoy."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag may nagpapabalik-balik na anuman sa tiyan ng tagapagsagawa ng ṣalāh ngunit nakalito sa kanya kung may lumabas ba sa kanya na anuman o wala, hindi siya lilisan sa pagsasagawa niya ng ṣalāh at puputol nito para mag-ulit ng wuḍū', hanggang sa makatiyak siya sa pagkakaroon ng ḥadath na tagasira ng wuḍū' niya dahil sa pagkarinig ng tunog ng utot o pagkaamoy ng baho dahil ang natitiyak ay hindi nagpapawalang-saysay rito ang pagdududa habang siya ay nakatiyak nga sa ṭahārah at ang ḥadath ay pinagdududahan.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang tungkulin sa bawat Muslim na maligo siya sa isang araw sa bawat pitong araw, na maghuhugas siya rito ng ulo niya at katawan niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang tungkuling binibigyang-diin sa bawat Muslim na bāligh (umabot sa sapat na gulang) na nakapag-uunawa na maligo isang araw sa bawat pitong araw ng linggo, kaya maghuhugas siya sa araw na ito ng ulo niya at katawan niya bilang paghahangad ng kadalisayan at kalinisan. Ang higit na marapat sa mga araw na ito ay ang araw ng Biyernes, gaya ng naiintindihan mula sa ilan sa mga sanaysay. Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes bago ng ṣalāh [sa tanghali] ay isinakaibig-ibig ayon sa isang pagsasakaibig-ibig na binibigyang-diin, kahit pa man nakapaligo nang araw ng Huwebes, halimbawa. Ang tagapaglihis sa pagkakinakailangan [ng paligo sa Biyernes] ay ang sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang mga tao noon ay nagpapatrabaho ng mga sarili nila. Sila noon, kapag pumunta sa ṣalāh sa Biyernes, ay pumupunta sa pantrabahong anyo nila kaya sinasabi sa kanila: Kung sakaling naligo sana kayo." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Sa isa namang salaysay niya: "Mayroon silang mga amoy." Ibig sabihin: amoy ng pawis at tulad nito. Gayon pa man sinasabi sa kanila: "Kung sakaling naligo sana kayo." Kaya ang mga taong iba sa kanila ay lalong higit na marapat maligo.
Ayon kay Qays bin `Āṣim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagnanais ako na umanib sa Islām, kaya nag-utos siya sa akin na maligo ako sa pamamagitan ng tubig at sidr.}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īyPumunta si Qays bin `Āṣim sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang siya ay nagnanais na umanib sa Islām, kaya nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maligo siya sa pamamagitan ng tubig at dahon ng punong sidr dahil sa pagiging ang mga dahon nito ay ginagamit sa paglilinis at dahil sa taglay nito na mabangong amoy.
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Si `Uthmān bin `Affān ay nagnais na [muling] ipatayo ang Masjid [ng Propeta] ngunit kinasuklaman ng mga tao iyon at inibig nila na hayaan niya iyon sa anyo niyon. Kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid para kay Allāh, magpapatayo si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng tulad nito.'"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagnais si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na mag-ulit ng pagkakapatayo ng Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang anyong higit na maganda kaysa sa unang pagkakapatayo nito ngunit kinasuklaman ng mga tao iyon dahil sa dulot niyon na pagpapaiba sa pagkakapatayo ng Masjid buhat sa anyo ng gusali nito sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Masjid ay ipinatayo sa pamamagitan ng tisa at ang bubong nito ay yari sa palapa subalit si `Uthmān ay nagnais na magpatayo nito sa pamamagitan ng mga bato at palitada. Kaya nagpabatid sa kanila si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid dala ng paghahangad ng kaluguran ni Allāh (napakataas Siya), hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpapahanga, gaganti sa kanya si Allāh ng higit na mainam na ganti kaysa sa uri ng gawain niya. Ang ganting ito ay ang pagpapatayo ni Allāh para sa kanya ng tulad niyon sa Paraiso.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagsasagawa ng ṣalāh sa Masjid niya at na ito ay higit na mainam sa gantimpala kaysa sa isang libong ṣalāh sa mga masjid ng Daigdig, na iba pa sa Masjid na ito, maliban sa Masjid na Pinakababanal sa Makkah sapagkat iyon ay higit na mainam kaysa sa ṣalāh sa Masjid niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ayon kay Abū Qatādah As-Salamīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang pumunta sa masjid at pumasok doon sa alinmang oras, at dahil sa alinmang layon, na magsagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah bago maupo. Ang dalawang rak`ah na ito ay ang dalawang rak`ah na ṣalāh ng pagbati sa masjid.
Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimGumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya sa panalangin na sinasabi sa sandali ng pagpasok sa masjid: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh na maglaan para sa kanya ng mga kadahilanan ng awa Nito. Kapag naman nagnais siyang lumabas, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh ng kabutihang-loob Nito at dagdag sa paggawa Nito ng maganda sa kanya na panustos na ipinahihintulot.
Ayon kay Sālim bin Abī Al-Ja`d na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang sila ay pumintas niyon sa kanya, kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudMay nagsabing isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan: "O kung sana ako ay nagdasal saka napahinga ako." Kaya para bang ang mga nasa paligid niya ay pumintas niyon sa kanya, kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: O Bilāl, manawagan ka ng adhān ng ṣalāh at magsagawa ka ng iqāmah nito upang mapahinga kami sa pamamagitan nito." Iyon ay dahil sa dulot nito na pakikipagniig kay Allāh (napakataas Siya) at kapahingahan para sa kaluluwa at puso.
Ayon kay Ḥāzim bin Dīnār: {May mga lalaking pumunta kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy. Nag-alangan nga sila hinggil sa pulpito kung mula sa ano ang tabla nito. Kaya nagtanong sila sa kanya tungkol doon saka nagsabi naman siya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nakaaalam kung mula sa ano ito. Talaga ngang nakita ko ito noong unang araw na inilagay ito at noong unang araw na umupo rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpasugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Polana," na isang babae kabilang sa mga Tagaadya na pinangalanan ni Sahl, "[na nagsasabi]: 'Mag-utos ka sa alila mong karpintero na gumawa siya para sa akin ng mga tabla na uupo ako sa mga ito kapag nagsalita ako sa mga tao.' Kaya nag-utos ito roon kaya gumawa iyon ng mga ito mula sa kahoy na Tamarisko ng Al-Ghābah. Pagkatapos naghatid iyon ng mga ito saka ipinadala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na ilagay ang mga ito saka inilagay naman ang mga ito dito. Pagkatapos nakakita ako ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagdasal sa ibabaw ng mga ito at nagsagawa ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos bumaba siya nang paurong saka nagpatirapa sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya, bumaling siya sa mga tao saka nagsabi: 'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay dumating na mga lalaki sa isa sa mga Kasamahan, na nagtatanong sa kanya tungkol sa pulpitong pampropeta na ginamit ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung mula sa ano niyari ito. Nagtalu-talo nga sila at nag-alitan nga sila hinggil doon. Kaya binanggit niya sa kanila na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpasabi sa isang babae kabilang sa mga Tagaadya, na may isang utusang karpintero, saka nagsabi rito: "Mag-utos ka sa alila mo na yumari siya para sa akin ng isang pulpito na uupuan ko kapag nagsasalita ako sa mga tao." Tumugon naman ang babae at nag-utos sa alila nito na gumawa iyon para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pulpitong yari sa mga puno ng Tamarisko. Noong nakatapos iyon, ipinadala ito ng babae sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos naman siya na ilagay ito kaya inilagay ito sa lugar nito sa masjid. Pagkatapos nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ibabaw ng mimbar at nagsagawa siya ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw nito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw nito. Pagkatapos bumaba siya nang naglalakad papunta sa likuran nang hindi naglilingon ng mukha niya sa dako ng likuran, saka nagpatirapa siya sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya sa pagdarasal, bumaling siya sa mga tao at nagsabi: "O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko."