





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ḥiṭṭān bin `Abdillāh Ar-Raqāshīy na nagsabi: {Nagdasal ako kasama ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy ng isang ṣalāh. Noong siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Kinilala ang ṣalāh kalakip ng pagsasamabuting-loob at zakāh."} Nagsabi [ang tagapagsalaysay]: {Noong nakatapos si Abū Mūsā ng ṣalāh at nakapagsagawa ng taslīm, bumaling siya [sa mga tao] saka nagsabi: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng salitang ganito at gayon?"} Nagsabi [ang tagapagsalaysay]: {Kaya nagsawalang-kibo ang mga tao, pagkatapos nagsabi siya: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng pangungusap na ganito at gayon?" Kaya nagsawalang-kibo ang mga tao, saka nagsabi siya: "Marahil ikaw, O Ḥiṭṭān, ay nagsabi niyon?" Nagsabi ito: "Hindi ako ang nagsabi niyon. Talaga ngang nasindak ako na bumulyaw ka sa akin dahil doon." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Ako ay nagsabi niyon. Hindi ako nagnais niyon kundi ng kabutihan." Kaya nagsabi si Abū Mūsā: "Hindi ba kayo nakaaalam kung papaano kayong magsasabi sa ṣalāh ninyo? Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa atin saka naglinaw sa atin ng sunnah natin at nagturo sa atin ng ṣalāh natin sapagkat nagsabi siya: 'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr. Kapag nagsabi siya ng (Qur'ān 1:7): {ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsabi kayo ng āmīn, sasagot sa inyo si Allāh. Kapag nagsagawa siya ng takbīr at yumukod, magsagawa kayo ng takbīr at yumukod kayo ngunit tunay na ang imām ay yuyukod bago ninyo at aangat bago ninyo.' Nagsabi pa ang Sugo ni Allāh: 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag nagsabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," magsabi kayo ng: Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa iyo ang papuri)," didinig si Allāh sa inyo.' Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa pamamagitan ng dila ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): "Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya." Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr at magpatirapa kayo ngunit tunay na ang imām ay nagpapatirapa bago ninyo at umaangat bago ninyo.' Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, maging kabilang sa una sa sasabihin ng isa sa inyo ang: "Attaḥiyātu –ṭṭayyibātu –ṣṣalawātu lillāh; assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh; assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi ṣṣāliḥīn; ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbating kaaya-aya [at] ang mga pagbasbas ay ukol kay Allāh. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)'"}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsagawa ang Kasamahang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy ng isang ṣalāh. Noong siya ay nasa sandali ng pagkakaupo na sinasambit dito ang tashahhud, may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga nagdarasal sa likuran niya: "Iniugnay ang ṣalāh sa Qur'ān sa pagsasamabuting-loob at ang zakāh." Noong nagwakas si Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) sa pagsasagawa ng ṣalāh, dumako siya mga ma'mūm saka nagtanong sa kanila: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng isang pangungusap na: Iniugnay ang ṣalāh sa Qur'ān sa pagsasamabuting-loob at ang zakāh?" Kaya tumahimik ang mga tao at walang nagsalita mula sa kanila na isa man. Kaya inulit niya sa kanila ang tanong sa isa pang pagkakataon, ngunit walang tumugon sa kanya na isa man. Nagsabi si Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): "Marahil ikaw, O Ḥiṭṭān, ay nagsabi niyon?" dahil sa kawalang-ingat nito at kalapitan nito sa kanya at kaugnayan nito sa kanya, na hindi makapeperhuwisyo rito ang pagparatang dito, at upang maitulak ang tunay na nagsabi sa pag-amin. Nagkaila si Ḥiṭṭān niyon at nagsabi ito: "Talaga ngang nangamba ako na manumbat ka sa akin dala ng isang pagpapalagay mula sa iyo na ako ay nagsabi niyon." Dito ay may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Ako ay nagsabi niyon. Hindi ako nagpakay niyon kundi ng isang kabutihan." Kaya nagsabi si Abū Mūsā habang nagtuturo rito: "Hindi ba kayo nakaaalam kung papaano kayong magsasabi sa ṣalāh ninyo?" Ito ay isang pagmamasama mula sa kanya. Pagkatapos nagpabatid si Abū Mūsā na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa kanila minsan saka naglinaw sa kanila ng Batas nila at nagturo sa kanila ng ṣalāh nila sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo at magpakatuwid kayo sa mga ito. Pagkatapos may mamumuno sa mga tao na isa sa kanila. Kapag nagsagawa ang imām ng takbīr ng pagpapasimula, magsagawa kayo ng takbīr tulad niya. Kapag bumigkas siya ng Al-Fātiḥah at umabot siya sa (Qur'ān 1:7): {hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsabi kayo ng āmīn; sapagkat kapag ginawa ninyo iyon, tutugon sa inyo si Allāh sa panalangin ninyo. Kapag naman nagsagawa siya ng takbīr at yumukod, magsagawa kayo ng takbīr at yumukod kayo ngunit tunay na ang imām ay yumuyukod bago ninyo at umaangat bago ninyo. Huwag kayong mauna sa kanya dahil ang sandali na nauna sa inyo ang imām doon sa pangunguna niya sa pagyukod ay natutumbasan para sa inyo dahil sa pagpapahuli ninyo sa pagyukod matapos ng pagkaangat niya ng isang sandali. Kaya naman ang sandaling iyan ay katumbas ng sandaling iyon. Ang sukat ng pagyukod ninyo ay naging gaya ng sukat ng pagyukod niya. Kapag nagsabi ang imām ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," magsabi kayo ng: "Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa iyo ang papuri)." Kapag nagsabi niyon ang mga tagapagsagawa ng ṣalāh, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay didinig sa panalangin nila at sabi nila. Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa pamamagitan ng dila ng Propeta Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya." Pagkatapos kapag nagsagawa ng takbīr ang imām at nagpatirapa, kailangan sa mga ma'mūm na magsagawa ng takbīr at magpatirapa ngunit tunay na ang imām ay nagpapatirapa bago nila at nag-aangat bago nila. Kaya naman ang sandaling iyan ay katumbas ng sandaling iyon. Ang sukat ng pagpapatirapa ng ma'mūm ay naging gaya ng sukat ng pagpapatirapa ng imām. Kapag siya ay nasa sandali ng pagkaupo para sa tashahhud, ang kauna-unahang sasabihin ng tagapagsagawa ng ṣalāh ay: "Attaḥiyātu lillāh wa-ṣṣalawātu -ṭṭayyibāt. – (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh at ang mga panalanging kaaya-aya.)" – sapagkat ang paghahari, ang pamamalagi, at ang pagkadakila sa kabuuan ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya) at gayon din ang limang ṣalāh, ang lahat ng mga ito ay ukol kay Allāh – "Assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi ṣṣāliḥīn. … (Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pangangalaga ay sumaamin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. …)" Kaya dumalangin kayo kay Allāh ng kaligtasan sa bawat kapintasan, salot, kakulangan, at katiwalian. Nagtatangi tayo sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbati. Pagkatapos bumabati tayo sa mga sarili natin. Pagkatapos bumabati tayo sa mga maayos na lingkod ni Allāh, na mga tagapagsagawa ng kinakailangan sa kanila na mga karapatan ni Allāh (napakataas Siya) at mga karapatan ng mga lingkod Niya. Pagkatapos sumasaksi tayo na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi tayo na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya noon ay nagsasagawa ng takbīr sa bawat ṣalāh na isinatungkulin at iba pa rito, sa Ramaḍān at iba pa rito. Nagsasagawa siya ng takbīr kapag nakatayo siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag yuyukod siya. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)" bago siya magpatirapa. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kapag bumababa siya para magpatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag magpapatirapa siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag tumatayo siya mula sa pagkakaupo sa dalawa. Gumagawa siya niyon sa bawat rak`ah hanggang sa makatapos siya sa ṣalāh. Pagkatapos nagsasabi siya kapag lilisan: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagsasalaysay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) ng isang bahagi ng katangian ng pagsasagawa ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpapabatid ito na siya, kapag bumangon siya para sa magsagawa ng ṣalāh, ay nagsasagawa ng takbīr kapag nakatayo siya para sa panimulang takbīr. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag lilipat siya tungo sa pagyukod, kapag magpapatirapa siya, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, kapag magpapatirapa siya para sa ikalawang pagpapatirapa, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula rito, at kapag tatayo siya mula sa unang dalawang rak`ah matapos ng pagkaupo para sa unang tashahhud sa ṣalāh na tatluhan o apatang rak`ah. Pagkatapos gagawa siya niyon sa ṣalāh sa kabuuan nito hanggang sa makatapos siya nito. Nagsasabi siya, kapag nag-aangat ng likod niya mula sa pagkakayukod, ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya, habang siya ay nakatayo, ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)." Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) kapag lilisan siya sa ṣalāh: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay ang pamamaraan ng ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}
Nagsalaysay nito si Imām Ibnu ḤibbānNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamatindi sa mga tao sa kapangitan sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw mula sa ṣalāh niya. Iyon ay dahil ang pagkuha ng ari-arian ng iba ay baka mapakikinabangan sa Mundo, na kasalungatan ng magnanakaw na ito sapagkat tunay na siya ay nagnakaw ng karapatan ng sarili niya mula sa gantimpala at pabuya ni Allāh. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at papaano po siyang magnanakaw mula sa ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito." Iyon ay dahil sa nagmadali siya sa pagyukod at pagpapatirapa, kaya hindi siya nakapagsasagawa ng dalawang ito sa pinakalubos na paraan.
Ayon sa Anak ni Abū Awfā (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh noon, kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah. Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd, mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng niloob Mo na bagay matapos niyon.)"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod sa ṣalāh, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)" Ibig sabihin: "Na ang sinumang nagpuri kay Allāh (napakataas Siya), tutugon si Allāh (napakataas Siya) sa kanya, tatanggap ng papuri niya, at maggagantimpala sa kanya." Pagkatapos nagpupuri siya kay Allāh sa pamamagitan ng pagsabi niya ng: "Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd, mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng niloob Mo na bagay matapos niyon.), bilang papuri na pumupuno sa mga langit at mga lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at pumupuno sa anumang niloob ni Allāh na bagay.
Ayon kay Warrād, ang tagasulat ni Al-Mughīrah bin Shu`bah, na nagsabi: {Nagdikta sa akin si Al-Mughīrah bin Shu`bah sa isang sulat kay Mu`āwiyah: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkatapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. O Allāh, walang tagapigil sa anumang ibinigay Mo, walang tagabigay sa anumang pinigil Mo, at hindi nagpapakinabang ang yaman sa may yaman laban sa Iyo.)"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi matapos na matapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. O Allāh, walang tagapigil sa anumang ibinigay Mo, walang tagabigay sa anumang pinigil Mo, at hindi magpapakinabang ang yaman sa may yaman laban sa Iyo.)" Ibig sabihin: Nagpapatibay ako at kumikilala ako sa Pangungusap ng Tawḥīd: Walang Diyos Kundi si Allāh. Ang totoong pagsamba ay pinagtitibay ko para kay Allāh at ikinakaila ko sa iba pa sa Kanya sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Nagpapatibay ako na ang paghaharing tunay na lubos ay kay Allāh. Ang lahat ng papuri ng mga naninirahan sa mga langit at lupa ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya) yayamang Siya ay Nakakakaya sa bawat bagay. Ang anumang itinakda ni Allāh na pagbibigay o pagkakait ay walang tagapigil sa Kanya. Sa ganang Kanya, hindi nagpapakinabang sa may yaman ang yaman niya. Tanging nagpapakinabang sa kanya ang maayos na gawain.
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa ng: "Rabbi –ghfir lī, rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)."
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa sandali ng pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa ng: "Rabbi –ghfir lī, rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)" at nag-uulit-ulit nito. Ang kahulugan ng: "Rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" ay ang paghiling ng tao mula sa Panginoon niya na pawiin ang mga pagkakasala niya at pagtakpan ang mga kapintasan niya.
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang gawain ng patay ay napuputol sa pagkamatay niya. Kaya naman hindi natatamo para sa kanya ang mga magandang gawa matapos ng kamatayan niya maliban sa tatlong bagay na ito dahil sa pagiging iyon ay naging kadahilanan ng mga ito: A. Ang kawanggawa na nagpapatuloy ang gantimpala nito at namamalagi, na hindi napuputol gaya ng waqf (endowment), pagpapatayo ng mga masjid, paghuhukay ng mga balon, at iba pa rito. B. Ang kaalaman na napakikinabangan ng mga tao, gaya ng pag-aakda ng mga aklat ng kaalamang pang-Islām o gaya ng nagtuturo ng isang tao saka nagsagawa ang taong iyon ng pagpapalaganap ng kaalamang iyon matapos ng kamatayan niya. C. Ang maayos na mananampalatayang anak na dumadalangin para sa mga magulang niya.
Ayon kay Sa`d bin `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina ni Sa`d ay namatay. Kaya alin pong kawanggawa ang pinakamainam? Nagsabi siya: "Ang tubig." Nagsabi ito: "Kaya humukay siya ng isang balon at nagsabi: 'Ito ay para sa ina ni Sa`d."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu MājahPinapanaw ang ina ni Sa`d bin `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya) kaya nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamainam sa mga uri ng kawanggawa upang magkawanggawa ito niyon para sa ina nito. Kaya nagpabatid dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam na kawanggawa ay ang tubig. Naghukay siya ng isang balon. Ginawa niya ito bilang kawanggawa para sa ina niya.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo para kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan para kay Allāh ay ang ngalan ng pag-alaala: `Abdullāh o `Abdurraḥmān.