





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang anumang nagpalasing kapag marami, ang kaunti nito ay bawal."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang alinmang maiinom o makakain na nag-aalis ng isip sa sandali ng pagkagamit ng marami mula rito, ang paggamit ng kaunti mula rito ay ipinagbabawal, kahit pa man hindi nag-alis ng isip.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpayugto para sa amin sa pagputol ng bigote, paggupit ng mga kuko, pagbunot ng buhok sa kilikili, at pag-ahit ng buhok sa ari na hindi ka mag-iwan sa mga ito nang higit sa apatnapung gabi.}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagtakda ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa pagputol ng bigote ng lalaki, paggupit ng mga kuko ng mga kamay at mga paa, pagbunot ng buhok sa kilikili, at pag-ahit ng buhok sa ari na hindi lumampas ang pag-iwan sa mga ito nang apatnapung araw.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Magregaluhan kayo, mag-iibigan kayo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad, Abu Ya'la, at Imām Al-BayhaqīyHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makipagpalitan ang Muslim sa kapatid niyang Muslim ng mga regalo at na ang regalo ay kabilang sa mga kadahilanan ng pag-ibig at pagkakabuklod ng mga puso.
Ayon kay Umaymah bint Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi: {Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng mga babaing kabilang sa Anṣār, na mangangako ng katapatan sa kanya, kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nangangako kami ng katapatan sa iyo na hindi kami magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kami magnakaw, hindi kami mangalunya, hindi kami magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa namin sa pagitan ng mga kamay namin at mga paa namin, hindi kami sumuway sa iyo sa isang nakabubuti." Nagsabi siya: "Sa anumang magagawa ninyo at makakaya ninyo."} Nagsabi siya: {Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maawain sa amin. Halina, mangangako kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae o tulad ng sabi ko sa iisang babae."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nisā'īy, at Imām Ibnu MājahNagpabatid si Umaymah bint Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may kasama sa kanya na mga babaing kabilang sa Anṣār, na mangangako ng katapatan sa kanya na hindi sila magtambal kay Allāh ng anuman, hindi sila magnakaw, hindi sila mangalunya, hindi sila magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, hindi sila sumuway sa kanya sa isang nakabubuti." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa anumang magagawa ninyo at makakaya ninyo." Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maawain sa amin. Halika, mangangako kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng pakikipaghawakan ng mga kamay gaya ng ginagawa ng mga lalaki." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko at ang pangako ng katapatan sa akin lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae.
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumanaw ang isa sa mga babaing anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Hugasan ninyo siya nang tatlong ulit o limang ulit o higit kaysa roon, kung nakakita kayo [ng pangangailangan doon], ng tubig at [dahon ng] mansanitas. Maglagay kayo sa huli ng alkampor o kaunting alkampor. Kapag nakatapos kayo, manawagan kayo sa akin." Kaya noong nakatapos kami, nanawagan kami sa kanya saka nagpukol siya sa amin ng tapis niya saka nagsabi siya: "Magbalot kayo nito sa kanya." Gumawa kami sa [buhok ng] ulo niya bilang tatlong tirintas.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoPumanaw si Zaynab na babaing anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ng mga babaing nagpapaligo rito saka nagsabi sa kanila: "Hugasan ninyo siya ng tubig at dahon ng mansanitas nang gansal na ulit: tatlong ulit o limang ulit o higit kaysa roon, kung mayroong pangangailangan. Maglagay kayo sa huling paghugas ng kaunting alkampor. Kapag nakatapos kayo, magpabatid kayo sa akin." Kaya noong nakatapos sila sa pagpapaligo rito, nanawagan sila sa kanya saka nagpukol siya sa ng pantapis niya sa mga babaing tagapagpaligo at nagsabi: "Balutin ninyo siya riyan at gawin ninyo iyan bilang ang damit na nalalapit sa katawan niya." Pagkatapos ginawa ang [buhok ng] ulo niya bilang tatlong tirintas.
Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang pagbabantay sa araw at gabi ay higit na mabuti kaysa sa pag-aayuno ng isang buwan at pagdarasal sa bawat gabi nito. Kung namatay siya, magpapatuloy sa kanya ang gawa niyang ginagawa niya dati, ipagpapatuloy para sa kanya ang panustos sa kanya, at maliligtas siya sa manunubok."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng pagbabantay sa araw at gabi sa landas ni Allah para pangalagaan ang mga Muslim ay higit na mabuti kaysa sa pag-aayuno ng isang buwan at pagdarasal sa gabi nito. Kapag namatay ang nakikibaka, mananatiling nagpapatuloy ang gantimpala ng gawa niya at hindi mapuputol. Gayon din, tutustusan siya sa Paraiso dahil siya ay buhay para sa Panginoon niya sa Paraiso. May magaganap sa kanya na isang himala sa pamamagitan ng hindi pagpunta sa kanya ng dalawang anghel upang tanungin siya. Iyon ay dahil sa siya ay namatay na nagbabantay alang-alang sa landas Allah, pagkataas-taas Niya, kalakip ng kaalamang ang pagbabantay [na ito] ay bahagi ng pakikibaka sa landas ni Allah dahil siya ay nananatili sa mga lugar ng mga hangganan para pangalagaan ang mga Muslim laban sa mga tumatangging sumampalataya.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ng Anak ni `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib," ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "at nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNoong nakabalik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Ḥajj ng Pamamaalam, nagsabi siya sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na hindi nagsagawa ng ḥajj: "Ano ang pumigil sa iyo sa pagsasagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagdahilan ito na sila ay may dalawang kamelyo ngunit nagsagawa ng ḥajj ang asawa niya at ang anak niya sakay ng isa sa dalawang kamelyo. Iniwanan ang isa pa upang ipangkuha nila ng tubig mula sa balon. Kaya nagpabatid dito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang pagganap ng `umrah sa buwan ng Ramaḍān ay nakatutulad ang pabuya nito sa pabuya ng isang ḥajj.
Mula kay Fadhalah Bin Ubaid at Salman Al-farisiy at Uqbah Bin A'meer Al-juhaniy -Malugod ang Allah sa kanila- Marfuw'an: ((Ang lahat ng patay ay seselyuhan siya sa kanyang gawain, maliban sa isang makikidigma sa landas ng Allah, dahil lalago o aagos sa kanya ang kanyang gawain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at maliligtas siya sa tukso o pagsubok sa loob ng puntod))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng bawat patay ay mapuputol ang kanyang gawain dahil sa kamatayan at hindi na isusulat sa kanya ang kanyang panibagong gantimpala, maliban sa isang mandirigma sa landas ng Allah na nag-babantay sa tangwa o hangganan ng mga muslim, sa pagka't tiyak ang Allah ay gagawaran niya siya ng pagkapanatili ng kabutihan ng kanyang gawain, at maliligtas siya sa kasamaan ng pagsubok sa puntod at hindi siya tatanungin ng dalawang Anghel
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyAng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay nagtuturing na ang pakikibaka sa landas ni Allāh at ang pakikipaglaban sa mga kaaway ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain. Kaya nagtanong si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung makikibaka sila. Gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam na pakikibaka sa panig ng mga babae. Ito ay ang ḥajj na tinanggap, na sumasang-ayon sa Qur'ān at Sunnah, na malaya sa kasalanan at pakitang-tao.