





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya), kapag nagtipon Siya sa Araw ng Pagbangon, sa mga una at mga huli alang-alang sa pagtutuos, magtitirik para sa bawat taksil na hindi tumupad sa isang kasunduang inobliga sa kanya kay Allāh o sa mga tao ng isang palatandaang magbubunyag sa pamamagitan nito ng kataksilan niya at ipananawagan sa kanya sa araw na iyon: "Ito ay kataksilan ni Polano na anak ni Polano," para sa paglalantad ng kasagwaan ng kagagawan niya, sa mga tao sa Tindigan (Maḥshar).
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi: ((Humingi ng kasagutan si Sa`ad bin `Ubbadah sa Sugo ni Allah,tungkol sa Panata na [nagawa] ng Ina niya,na pumanaw bago niya ito ipatupad?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tuparin mo ito))
Napagkaisahan ang katumpakanPumanaw ang Ina ni Sa`ad at hindi natupad ang Panata niya,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa anak niya na si Sa`ad bin `Ubbadah na tuparin ito.
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi:((Dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang mata [tagapagmasid] mula sa mga Mushrikin [ Sumasamba sa mga Diyus-diyosan],habang siya ay nasa paglalakbay niya,Umupo siya sa mga kasamahan niya na nakikipag-usap,Pagkatapos ay biglang nawala,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Hanapin ninyo siya at patayin ninyo,Napatay ko siya,binigyan niya ako ng [karagdagan mula sa] Baluti niya))At sa isang salaysay: (( Nagsabi siya: Sino ang nakapatay sa lalaki? Ang sabi nila: Si Ibn Al-Akwa,Nagsabi siya: Sa kanya ang lahat ng Baluti niya))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito ay pagpapahayag ng Panuntunan sa Islam sa sinumang nag-eespiya sa mga Muslim mula sa mga Hindi mananampalataya na mga mandirigma.Tunay na sinabi ni Salamah bin Al-Akwa`, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi:" Dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang mata [tagapagmasid] mula sa mga Mushrikin [ Sumasamba sa mga Diyus-diyosan].: Ang Tagapagmasid ay ang Espiya,tinawag siya nito;dahil ang trabaho niya ay ginagamitan ng mata,o dahil sa tindi ng pagbibigay atensiyon niya sa pagmamasid at pagkalulong niya rito,na para bang ang lahat ng [parte] ng katawan niya ay naging mata na " Habang siya ay" ibig sabihin sa kalagayan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" ay sa paglalakbay,Umupo siya": ibig sabihin ay: Ang Espiya: " Sa mga kasamahan niya at nakikipag-usap",pagkatapos ay biglang nawala" ibig sabihin ay : Umalis."Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Hanapin ninyo siya at patayin ninyo,Napatay ko siya."Binigyan niya ako" ibig sabihin ay:binigyan niya ako ng karagdagan;at ito ay ang natatanging [pagmamay-ari] ng isang lalaki mula sa nadambong.at idinagdag ito sa bahagi niya " Baluti niya" ibig sabihin ay : anumang [bagay] na nasa kanya mula sa damit at sandata.Tinawag siya dito;dahil ito ay [nagsisilbing] baluti sa kanya, At nasasaklaw sa Baluti ang :Ang sasakyan at ang mga bagay dito mula sa siyahan at mga kagamitan;At ang mga bagayn sa hayop [ na sinasakyan] mula sa mga salapi,at ang anumang nasa gitna nito mula sa ginto at pilak.
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pito at sumaway siya sa amin laban sa pito. Nag-utos siya sa amin ng pagdalaw sa maysakit, pagdalo sa libing, pagsasagawa ng tashmīt sa bumahin, pagtupad sa panunumpa o sinumpaan, pag-aadya sa naaapi, pagtugon sa paanyaya, at pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan. Sumaway siya sa amin laban sa mga singsing o laban sa pagsisingsing sa pamamagitan ng ginto, laban sa pag-inom sa pilak, laban sa mga mītharah, laban sa qassīy, laban sa pagsusuot ng seda, brokado, at pelus.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Muslim ng tatlong gawain at sumaway siya sa kanila laban sa pito. Ang mga ipinag-utos niya sa kanila ay ang sumusunod: 1. Ang pagdalaw sa maysakit. 2. Ang pagdalo sa libing at ang pakikilahok sa ṣalāh para rito, paglibing nito, at pagdalangin para rito. 3. Ang tashmīt: ang pagdalangin sa sinumang bumahin at nagpuri kay Allāh[3] sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya ng: "Yarḥamuka -llāh (Kaawaan ka ni Allāh)." 4. Ang pagtupad sa sinumpaan at ang pagpapatotoo rito ayon sa kahulugan na kung sakaling pinasumpa sa isang bagay at ikaw ay nakakakaya sa paggawa rito bilang tumutupad dito, gawin mo upang hindi ka mangailangan ng pagtatakip-sala sa sumpa. 5. Ang pag-aadya sa naaapi sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanya at pagtulak ng nagaganap sa kanya mula sa mang-aapi sa abot na makakaya. 6. Ang pagtugon sa paanyaya ng nag-aanyaya sa isang piging ng pagkain gaya ng piging ng kasal o `aqīqah, o iba pa sa dalawang ito. 7. Ang pagpapalaganap ng pagbibigay ng pagbati ng kapayapaan, ang pagpapakalat nito, at ang pagtugon dito. Ang mga sinaway niya sa kanila ay ang sumusunod: 1. Ang pagsusuot ng mga singsing na ginto at ang pag-aalahas nito. 2. Ang pag-inom sa mga lagayang pilak. 3. Ang pag-upo sa mga mītharah, ang sapin na inilalagay sa siya ng kabayo at sintadera ng kamelyo, na yari sa seda. 4. Ang pagsusuot ng damit na niyari mula sa lino (linen) na hinaluan ng seda at tinatawag na qasīy. 5. Ang pagsusuot ng seda. 6. Ang pagsusuot ng brokado (istibraq), ang makapal na seda. 7. Ang pagsusuot ng pelus (dibyāj), ang pinakamainam sa mga uri ng seda at ang pinakamahal sa mga ito.
Ayon kay A-ieshah malugod si Allah sa kanya-:((Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinanong tungkol sa Alak? Nagsabi siya:(( Lahat ng inumin na nakakahilo ay ipinagbabawal))
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pag-inom ng alak na ito ay alak ng pulot-pukyutan,Ibinigay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng sagot sa pangkalahatan,ang nais ipihiwatig nito,hindi tini-tingnan ang pagkakaiba ng mga pangalan,habang nanatili ang kahulugan nito na isa, at ang katotohanan nito ay isa.Kaya`t lahat ng inumin na nakakahilo,ay Alak na ipinagbabawal,kahit saang-uri pa ito kinuha.At ito ay kabilang sa pangkalahatang-salita niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at napaka-inam nitong pagpapahayag mula sa Panginoon niya,at dahil dito dumating sa kaalman na sa panahon ng pagka-Propeta niya ang nagpasaya sa sang-katauhan sa mundo at sa mabilang-buhay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Katotohanang si `Umar ay nagsabi-sa entablado-Minbar ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Pagkatapos nito;o sangkatauhan! Tunay na ipinahayag [sa Qur-an] ang pagbabawal ng alak,At ito ay may limang pinagmumulan: sa ubas,dateles,pulot-pukyutan,trigo at lentil na alak At ang alak, ay yaong nakakasira ng pag-iisip,Tatlong bagay,pinapangarap ko na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nangako sa atin rito ng isang pangako na matatapos tayo rito: [Ang pamana ] ng lolo,[Ang pamana ] ng taong namatay na walang naiwang anak at magulang,at mga pintuan ng pagpapatubo"
Napagkaisahan ang katumpakanNagbigay ng sermon si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-sa Masjid ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa kanyang Minbar o entablado ang pagsesermon na ito.At nagpasiya siya rito na ang alak ay yaong nakakasira ng pag-iisip,Ang alak ay hindi lamang nanggagaling sa ubas,datapuwat ito ay sa lahat ng inuming nakakalasing na ginawa mula sa dateles o pulot-pukyutan,o trigo na alak.At binanggit ni `Umar-malugod si Allah sa kanya- sa kanyang sermon-na may tatlong usapin,dito ay may pag-aalinlangan sa kanila.pinangarap niya na sana`y ipinangako ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa tatlong usapin na ito -ang isang pangako para sa kanyang Ummah,na matatapos sila rito,ito ang pamana ng lolo,pamana ng bawat namamatay na walang naiwang anak at magulang,at sa ilang pintuan ng pagpapatubo. At ang lahat ng papuri ay sa Allah,na ang mga panuntunan sa tatlong usapin na ito ay napag-alaman,at hindi ibig sabihin na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi niya ito ipinaliwanag,[sapagkat] tunay na ginanap niya ang mensahe.at isinagawa niya ang Amanah [Ang Tiwala],at ipinarating niya [ang mga bagay na] mula kay Allah,na mga lingid at higit na maliit na bagay mula sa mga ito,Subalit si `Umar-malugod si Allah sa kanya-ay ninais niyang magkaroon ito ng tekstong hayag at maliwanag,na walang halong Ijtihad [pagsusumikap sa paghahanap ng tamang patakaran o panuntunan]
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Nag-anyaya ang Allah ( at sa bawat Muslim ay garantiya ni Allah) sa sinumang lumabas sa landas Niya,Walang ibang nagpalabas sa kanya maliban sa pakikibaka sa landas Ko,at pananampalataya sa Akin,at paniniwala sa mga Sugo Ko,siya sa Akin ay Nakagarantiya: Na ipapasok Ko siya sa Paraiso,Sa Lugar na pinanggalingan niya,Nakakamit niya ang makakamit niya mula sa mga gantimpala o nadambong)) at sa salaysay ni Imam Muslim :(( Ang katulad ng nakikibaka sa landas ni Allah-At Tanging si Allah lamang ang Nakaka-alam sa sinumang nakikibaka sa landas Niya-ay kahalintulad ng Nag-aayuno na nagdadasal (ng hating-gabi),At Pinapanagutan ni Allah sa Nakikibaka sa landas Niya na kapag binawian Niya ito ng buhay: Papapasukin Niya ito sa Paraiso,o pababalikin Niya siya na ligtas,na may gantimpala o nadambong))
Napaagkaisahan sa Katumpakan sa buong naisalaysay niyaSa Hadith na ito ay Garantiya mula kay Allah sa sinumang lumabas sa Landas Niya,walang nakapagpalabas sa kanya maliban sa pakikibaka sa Landas Niya,may Pananampalataya at Dalisay na kalooban,Na siya ay Nakagarantiya sa Allah,ng isa mula sa tatlo o dalawa,kabilang dito:Kapag siya ay napatay,siya ay nakagarantiya sa Allah na siya ay mapapasok sa Paraiso,at kapag siya ay nanatiling buhay,tunay na nakagaratiya kay Allah na pababalikin niya ito sa tahanan niya na may pagkamit ng gantimpala o (bahagi mula sa) nadambong,ibig sabihin ay: mula sa Gantimpala na walang kasamang nadambong,o di kaya`y Pagsasamahin ni Allah ang Nadambong at ang Gantimpala.At ang Pangalawang salaysay: Na kung saan ay pina-ugnay ito ng sumulat sa `Umdah kay Imam Muslim,at ito ay Napagkaisahan sa Katumpakan,at napapaloob rito: Na ang kainaman ng Pakikibaka sa Landas ni Allah,ibig sabihin ay;Yaong gumaganap sa pagsasagawa ng Pakikibaka,Ang mga bagay na ito ay hindi kakayanin ng nilalang,ito ay dahil sa mga sumusunod: Na ang magiging kapalit ng kanyang paglabas (sa pakikibaka sa landas ni Allah),ay ang pumasok siya sa pinagdadasalan niya,at magpapatuloy siya pagdarasal,at Pag-aayuno at Pagtindig (ng Dasal sa Hating-gabi),at dahil dito,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi nila ito kakayanin
Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakarinig ng iba`t-ibang boses na nagtatalo sa pintuan ng kuwarto niya,Lumabas siya sa kanila,at nagsabi:((Hindi ba`t ako ay isang nilalang,at dumarating sa akin ang pagtatalo,marahil ang iba sa inyo ay higit na mahusay sa iba,at iisipin kong siya ang nasa tama,at ihahatol ko ito sa kanya,Sinuman ang maihatol ko sa kanya ang karapatan ng ibang Muslim,Tunay na ito ay piraso ng apoy ,dadalhin niya ito o iiwanan niya))
Napagkaisahan ang katumpakanNarinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga boses ng pagtatalo na nagkahalo-halo.dahil sa mga namagitan sa kanila na pagtatalo at pag-aaway sa pintuan niya,Lumabas siya sa kanila upang humatol sa pagitan nila,na nagsasabi:Tunay na ako ay isang nilalang na tulad ninyo,wala akong ala sa mga nakalingid [na kaalaman],at hindi ko sasabihin ang mga hindi nakikitang bagay o pangyayari,nang sa gayun ay malaman ko sa inyo kung sino ang nagsasabi ng katotohanan sa sinungaling,At dumarating sa akin ang pagtatalo upang humatol ako rito sa pagitan ninyo,at ang aking hatol ay bumabatay sa mga naririnig ko mula sa argumento ng dalawang magkabilaan,sa mga ebidensiya at panunumpa nila,Marahil ang ilan sa inyo ay higit na maalam,matalinghaga at hgit na malinaw sa [pananalita] sa iba,at iisipin kong siya ang tama at nagsasabi ng katotohanan,at ihahatol ko ito sa kanya,Kaya ,sinuman ang ihatol ko sa kanya ang karapatan ng iba sa kanya at alam niyang siya ay hindi tama,Tunay na pinutol ko sa kanya ang piraso ng apoy,Dalhin niya ito kung naisin niya o iwan niya.Ang kaparusahan nito ay babalik sa kanya.Tunay na si Allah sa mga makasalanan ay nakatambang.
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumasok si Hind bint `Utbah na maybahay ni Abū Sufyān sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Abū Sufyān ay isang lalaking maramot. Hindi siya nagbibigay sa akin ng panggugol na sasapat sa akin at sasapat sa mga anak ko maliban sa kinuha ko mula sa yaman niya nang walang kaalaman niya. Kaya may kasalanan po ba sa akin doon? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumuha ka mula sa yaman niya ayon sa nakaugalian ng sasapat sa iyo at sasapat sa mga anak mo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSumangguni si Hind bint `Utbah (malugod si Allāh dito) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa asawa nitong si Abū Sufyān (malugod si Allāh doon) na iyon ay isang lalaking kuripot na masigasig sa yaman niyon, na hindi nagbibigay sa maybahay niya ng panggugol na sasapat dito at sasapat sa mga anak niya, maliban sa kinuha nito mula sa yaman niyon nang palihim habang iyon ay hindi nakaaalam. Kaya may kasalanan ba rito doon? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumuha ka para sa iyo at para sa mga anak niya mula sa yaman niya ng halagang nalalaman sa kaugalian na iyon ang kasapatan, kahit pa man walang kaalaman niya."