





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang puwestong singnipis ng isang latigo ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang rawḥah na lalakbayin ng tao sa landas ni Allāh o ang ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananatili sa lugar na nasa pagitan ng mga Muslim at mga tagatangging sumampalataya para sa pagtatanod sa mga Muslim mula sa mga iyon sa iisang araw habang nagpapakawagas kay Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito; na ang puwestong singnipis ng latigo na nakikibaka siya rito sa landas ni Allāh, sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito; na ang pabuya at ang gantimpala ng pagbiyahe sa rawḥah, ang oras na mula sa simula ng maghapon hanggang sa simula ng oras ng tanghali, o sa ghadwah, ang oras na mula sa tanghali hanggang sa gabi, sa landas ni Allāh nang iisang beses ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito.
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-Na si 'Abdurrahmān bin 'Awf at Zubayr bin Al-'Awwām-malugod si Allah sa kanila-ay nagreklamo ng mga kuto sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pandarambong nilang dalawa,Kaya't ipinahintulot sa kanilang dalawa ang pagsuot ng sutla, at nakita ko ito sa kanilang dalawa
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang pagiging madali ng Islam, ipinapahintulot nito ang mga bagay na ipinagbabawal dahil sa kadahilanang nararapat ang pagpapahintulot rito, at ipinahintulot sa Batas ng Islam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kina Zubayr at 'Abdurrahmān ang pagsuot sa sutla,Dahil ito ay nakakapangalaga laban sa mga kuto , dahil sa ginawa rito ng Allah-Napakamaluwalhati Niya-at Pagkataas-taas-mula sa taglay nitong likas na nakakapagtanggal rito,at gayundin ito ay nagtataglay ng gamot para sa kati,at sa lahat ng naging katulad ng dalawang ito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumatay sa pamamagitan ng kamay niya sa Araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay ng dalawang lalaking tupa na may mga sungay, na kulay puting nahahaluan ng kaitiman. Nagsabi siya ng: Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh) at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Naglagay siya ng paa niya sa leeg nito.
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Ansārī, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu:((Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon: ay higit na mainam mula sa pagsikat ng araw at paglubog nito)) Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang paglabas sa umaga tungo sa landas ni Allah,o sa hapon;ay higit na mainam mula sa mundo at sa nilalaman nito))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanAng dalawang Hadith na ito ay nagpapahayag ng kainaman sa pakikibaka sa landas ni Allah,kahit na sa kaunting panahon sa umaga o sa hapon,Papaano pa kaya kung sa maraming bagay kung saan ay may pagtitiis sa mga kalaba at pakikipag-away sa kanila,Ito ang pangunahing tinutukoy sa [tinatawag na] landas ni Allah,ang pakikibaka gamit ang kamay sa mga kalaban.At dapat na mapag-alaman na ang paghahanap sa kaalaman sa Islam ay isang uri ng dakilang pakikibaka sa landas ni Allah,at ang tagumpay ay para sa Katotohanan,at pagpapasinungaling sa argyumento ng mga Zanadiqah at Atyesta,at sa mga taong nakatira sa Kanluran,Ang mga misyonaryong nakikipag-away sa Islam,at gusto nilang mawala ito,Ito ang pinakadakilang uri ng pakikibaka sa landas ni Allah;At ang layunin sa Pakikibaka;ay ang pangingibabaw ng Islam at pagtagumpay nito,Kaya`t ang pagpigil sa kanila,Ay itinuturing na kabilang sa napakalaki at napakadakilang pakikibaka [sa landas ni Allah],O Allah,naway gabayan Mo ang mga Muslim sa pagtagumpay ng kanilang relihiyon,at pangingibabaw ng Iyong mga Salita,Tunay na Ikaw ay Napakalapit ,Ang Tumutugon [sa mga kahilingan].
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nanumpa sa isang panunumpa samantalang siya rito ay isang masamang-loob upang makakuha sa pamamagitan nito ng ari-arian ng isang taong Muslim, makatatagpo nito si Allāh habang Siya rito ay galit."} Sinabi: {Kaya nagsabi si Al-Ash`ath: "Hinggil sa akin, sumpa man kay Allāh, iyon. Nagkaroon sa pagitan ko at ng isang lalaking kabilang sa mga Hudyo ng [pagtatalo sa] isang lupa. Nagkaila siya sa akin kaya nagharap ako sa kanya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mayroon ka bang katibayan?" Nagsabi ako: "Wala po." Sinabi: {Kaya nagsabi siya sa Hudyo: "Sumumpa ka!"} Sinabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, samakatuwid, susumpa siya at kukuha ng ari-arian ko." Kaya nagpababa si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh at mga sinumpaan nila ng isang kaunting panumbas,} – hanggang sa wakas ng talata (Qur'ān 3:77). }
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa kay Allāh sa isang panunumpa kasabay ng kaalaman ng nanunumpa na ito ay nagsisinungaling doon upang magkamit ito sa pamamagitan ng panunumpang iyon ng ari-arian ng iba sapagkat makikipagkita ito kay Allāh habang Siya rito ay galit. Kaya nagpabatid si Al-Ash`ath bin Qays (malugod si Allāh dito) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi niyon yayamang nagkaroon sa pagitan nito at ng isang lalaking kabilang sa mga Hudyo ng alitan sa pagmamay-ari ng isang lupa. Nagpahatol ang dalawa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya kay Al-Ash`ath: "Kailangan sa iyo ang katibayan upang mapagtibay para sa iyo ang inaangkin mo ngunit kung nawalang-kakayahan ka roon, walang ukol sa iyo na isang panunumpa sa kaalitan mo, ang isinasakdal." Kaya nagsabi si Al-Ash`ath: "O Sugo ni Allāh, samakatuwid, susumpa ang lalaking Hudyo, hindi siya mangingimi, at kukunin niya ang ari-arian ko." Kaya nagpababa si Allāh (napakataas Siya) ng totoo roon sa Qur'ān ng sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na ang mga bumili} at nagpapalit {kapalit ng kasunduan kay Allāh} at tagubilin Niya sa mga mananampalataya ng pagganap sa ipinagkatiwala {at mga sinumpaan nila) at panunumpa nila sa pangalan Niya habang mga nagsisinungaling {ng isang kaunting panumbas} mula sa mga walang-kapararakan ng Mundo, {ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay} at walang parte. {Hindi kakausap sa kanila si Allāh,} ng isang pananalitang magpapagalak sa kanila at magpapakinabang sa kanila; bagkus nagalit Siya sa kanila at {hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon} nang isang pagtingin ng pagkaawa at pagmamagandang-loob {at hindi Siya magbubusilak sa kanila} sa pamamagitan ng marikit na pagbubunyi at hindi Siya magdadalisay sa kanila sa pamamagitan ng kapatawaran sa mga pagkakasala at mga karumihan. {Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit} na hahapdi dahilan sa ginawa nila.
Ayon kay Rāfi` bin Khadīj (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Dhulḥulayfah, saka dumanas ang mga tao ng isang gutom, saka nakakuha sila ng mga kamelyo at mga tupa.} Sinabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa mga hulihan ng mga tao, kaya nagmadali sila, nagkatay sila, at nagsalang sila ng mga kaldero. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalhin ang mga kaldero, saka itinaob ang mga ito. Pagkatapos namahagi siya [ng samsam]. Nagtumbas siya ng sampu ng mga tupa sa isang kamelyo. May nakatakas mula sa mga ito na isang kamelyo, kaya hinanap nila ito ngunit pinagod sila nito. Sa mga tao ay may kaunting kabayo. May isang lalaking nagpawala roon ng isang palaso, kaya nagpatigil niyon si Allāh. Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na sa mga hayop na ito ay may mga mailap gaya ng mga mailap ng mabangis na hayop. Kaya ang anumang nakawala sa inyo mula sa mga ito, gumawa kayo rito ng ganito."} Kaya nagsabi si Rāfi`: {Tunay na kami ay nag-aasam – o nangangamba – sa kaaway bukas. Wala kaming dalang mga kutsilyo. Kaya magkakatay po ba kami sa pamamagitan ng bagakay?" Nagsabi siya: "Ang anumang nagpadaloy ng dugo at nabanggit ang pangalan ni Allāh rito, kainin ninyo ito. Hindi gagamit ng ngipin at kuko. Magsasanaysay ako sa inyo tungkol doon. Hinggil sa ngipin, buto ito. Hinggil naman sa kuko, kutsilyo ng Etyopya ito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid si Rāfi` bin Khadīj (malugod si Allāh sa kanya) na sila minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Dhulḥulayfah, saka dumanas ang mga tao ng isang gutom. Nakasamsam nga sila mula sa mga tagapagtambal ng mga kamelyo at mga tupa. Kaya nagmadali sila bago hatiin ang samsam, saka nagkatay sila mula sa mga ito, at nagsalang sila ng mga kaldero nang hindi nagpaalam sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglalakad sa mga hulihan ng mga tao. Kaya noong nalaman niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nag-utos siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalhin ang mga kaldero, saka itinaob ang mga ito kasama ng laman ng mga ito na sabaw. Pagkatapos ipinamahagi niya ang samsam sa pagitan nila. Ginawa niya ang sampu mula sa mga tupa na katumbas ng iisang kamelyo, ngunit may nakapuslit mula sa mga ito na isang kamelyo, ngunit nawalang-kakayahan sila sa paghabol dito at pagkaabot dito. Ang mga kabayo ay kaunti. May isang lalaking tumudla roon ng pana, kaya nagpatigil niyon si Allāh para sa kanila, saka nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na sa mga maamong hayop na ito ay may kalikasang gaya ng kalikasan ng mabangis na hayop. Kaya ang anumang nakawala sa inyo mula sa mga ito at nawalang-kakayahan kayo sa paghuli nito, gumawa kayo rito ng ganito." Kaya nagsabi si Rāfi`: "Tunay na kami ay nag-aasam na makipagharapan sa kaaway bukas at nangangamba na makapinsala sa talim ng mga sandata namin ang pagkatay namin sa pamamagitan ng mga ito samantalang ang pangangailangan ay apurahan para sa pagkatay. Wala kaming dalang mga kutsilyo para rito. Kaya magkakatay po ba kami sa pamamagitan ng mga patpat ng bagakay na kawayan?" Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang anumang nagpadaloy ng dugo, nagpaagos nito, nagbububo nito, at nabanggit ang pangalan ni Allāh rito, kainin ninyo ito, na hindi ang ngipin at kuko. Magsasanaysay ako sa inyo tungkol doon. Hinggil sa ngipin, buto ito. Hinggil naman sa kuko, ang mga tagatangging sumampalatayang mamamayan ng Etyopya ay gumagamit nito."
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:(( Kapag ang isang lalaki-o isang tao-ay nanilip sa iyo, nang walang pahintulot mula sa iyo,hinagisan mo sa kanya ang bato at nabulag mo ang isang mata niya,Wala kang magiging kasalanan))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kapag nanilip ang isang tao sa sinuman nang walang pahintulot [mula sa kanya],mula sa likod ng pintuan niya,o sa taas na dingding niya,o maliban dito.at nabulag ang isang mata nito,dahil sa paghagis niya ng bato na tumama sa mata nito,o natusok niya ang mata nito sa pamamagitan ng bakal,Walang maipapataw na kasalanan o kaparusahan sa nakagawa nito;Dahil ang naninilip ang siyang lumabag,at ang may sala,ay yaong gumawa nito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Walang sugat na nasugatan para sa landas ni Allah,maliban sa ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay,na ang sugat nito ay dadanak: at ang kulay nito ay kulay ng dugo,at halimuyak nito ay halimuyak ng pabango))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kainaman ng pakikibaka sa landas ni Allah-Pagkataas-taas Niya,at kung ano ang makakamit ng nagmamay-ari nito,mula sa napakagandang gantimpala,Na kung saan,sinuman ang nasugatan para sa landas ni Allah,naging sanhi ng pagkamatay niya o nalunasan [ang sugat niya], Darating sa Araw ng Pagkabuhay na sinasaksihan ng mga nilikha,sa palamuti ng pakikibaka at sa mga pagsubok nito,kung-kaya`t darating siya na ang sugat niya ay magiging sariwa,na may kulay dugo,at lalabas rito ang halimuyak ng bango.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-(( Sinuman ang Manumpa sa isang pangakong hindi niya ginawa,[upang] kunin dito ang kayamanan ng isang taong Muslim,Siya sa [gawaing ito] ay isang makasalanan,Haharapin niya si Allah, na sa kanya ay magmamana ng Poot))At ibinaba ang [talatang ito]:{Katotohanan ang mga bumibili ng mga maliit na pakinabang bilang halaga kapalit ng kasunduan kay Allah sa kanilang mga pangako} Hanggang sa huling talata"
Napagkaisahan ang katumpakanAng Hadith ay [naglalaman ng] isang malaking kaparusahan sa sinumang kumuha sa kayamanan ng isang Muslim na labag sa batas, at Kaya niya ito nakuha ay dahil sa pakikipag-away niya na [itinuturing ito na] isang malaking kasalanan, at sa Panunumpa nitong kasinungalingan at makasalanan,Ang [taong] ito ay haharapin niya si Allah na sa kanya ay may matinding poot,at sinuman ang mag-ani ng poot ni Allah,Siya ay [itinuturing na] isang sawi.Pagkatapos ay binasa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Marangal na talatang ito,bilang pagpapatunay sa siguradong matinding kaparusahan na ito ,sa Maluwalhating Qur-an