





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Qatadah-malugod si Allah sa kanya-((Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hunayn-at binanggit niya ang isang kwento-Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman ang nakapatay na namatay sa mga [kamay] niya,at nagkaroon siya ng katibayan,mapapasakanya ang mga gamit nito))Nagsabi siya nit ng tatlong beses
Napagkaisahan ang katumpakanKatotohanan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya sa araw ng Hunayn:Sinuman ang nakapatay na namatay sa mga [kamay] niya,at nagkaroon siya ng saksi o patunay,mapapasakanya ang mga gamit nito.Ibig sabihin ay: Mapapasakanya ang damit ng napatay niya at ang mga sandata nito,at ang sinasakyan nito na ginamit nito sa pakikipaglaban [sa kanya],At tunay na si Aba Qatadah ay nakapatay ng isang lalaki at nagsabi siya sa sinumang nasa paligid niya:Tunay na nakapatay ako ng isang lalaki,Isinusumpa ko sa Allah sa sinumang nakaka-alam nito,na magsaksi sa akin,Nagsabi siya nito ng tatlong beses.
Ayon kay Asma bint Abu Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: ((Nag-alay kami ( ng pagkatay) sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng kabayo,at kinain namin ito)) at sa isang salaysay (( at kami ay nasa Madinah))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni Asma bint Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Na sila ay nag-alay ( ng pagkatay) ng kabayo sa panahon ng Sugo ni Alla-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kinain nila ito,at ito ay nagpapatunay sa paagpapahintulot sa pagkain ng laman ng kabayo,at walang nag-aakal kahit na isa sa pagbabawal ng pagkain nito,dahil sa pagiging malapit nito sa Asno at Mola sa talata,at ito ang Pagsabi Niya-Pagkataas-Taas Niya:( At [kanyang nilikha] ang kabayo,mga mola at asno,upang sila ay inyong masakyan at bilang palamuti.At Kanyang nilikha [ang iba] pang mga bagay na wala kayong kaalaman) [An-Nahl:8]
Ayon kay 'Uqbah bin 'Āmir-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nangako ang kapatid ko na maglalakad sa Sagradong Tahanan ni Allah na walang tsinelas,Kaya ipinag-utos niya sa akin na itanong ko ito [Kung ano nararapat niyang gawin] para sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya itinanong ko ito sa kanya, at Nagsabi siya: maglalakad siya at sasakay))
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang sa mga naka-ugalian ng Tao ang magmadali paminsan-minsan,Kaya`t naoobliga niya sa sarili niya ang mga bagay na mahirap sa kanya,At tunay na ipinag-utos ng Batas natin sa Islam ang pagiging katamtaman at hindi pagpapahirap sa sarili [sa pagsasagawa ng] pagsamba upang itoy maging tuloy-tuloy. Sa Hadith na ito,hiniling ng kapatid ni `Uqbah bin `Āmir,na itanong sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nakapangako na pumunta sa Sagradong Tahanan ni Allah na maglalakad na walang tsinelas,Nakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang babaing ito ay nagtitiis ng ilang bagay sa paglalakad,kaya ipinag-utos niya sa kanya na maglakad sa abot ng kanyang makakaya at sumakay kapag wala na siyang kakayahan sa paglalakad
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa.:((Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabawal sa laman ng Asnong maamo,at ipinahintulot niya ang laman ng kabayo))At sa kay Imam Muslim,nag-iisa siya.Nagsabi siya:((Kinain namin sa panahon ng Khaybar ang kabayo at Asnong lugaw,At ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Asnong maamo)),Ayon kay `Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:(( Tumama sa amin ang pagkagutom sa gabi ng Khaybar,at nang sumapit ang araw ng Khaybar,kinuha namin ang Asnong maamo at kinatay namin ito.at nang kumulo ito sa kaldero,Tumawag ang mananawag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-na Baliktarin ang kaldero,At marahil ay nagsabi siya:Huwag kayong kumain mula sa laman ng Asno kahit kaunti)) Ayon kay Abe Tha`labah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-ang laman ng Asnong maamo))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal sa laman ng Asnong maamo,ibig sabihin ay ipinagbawal niya ang pagkain nito,At pumayag siya at nagpahintulot sa laman ng Kabayo at Asnong ligaw,At ipinapaalam ni `Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na nangyari sa kanila ang pagkagutom sa mga gabi ng pangyayari sa Khaybar,at nang ito ay naitagumpay,kinnatay nila ang mga Asno rito,at kinuha nila ang mga laman nito at niluto nila,At nang maluto nila ito,Nag-utos sa kanila ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na baliktarin ang mga kaldero ibig sabihin ay ibaling ito at hindi kainin ang laman na ito.
Ayon kay `Abdurrahman bin Samurah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa kanya: (( O `Abdurrahman bin Samrah,Huwag mong hilingin ang [Kapangyarihan] Panunungkulan,Sapagkat kapag ibinigay ko ito sa iyo na hinihiling mo,ipagkakatiwala mo ito [hindi mo ito gagampanan],At kapag ibinigay ko ito sa iyo na hindi mo hinihiling,Tutulungan ka rito [ ni Allah],At kapag ikaw ay sumumpa sa isang panunumpa,at nakita mo sa iba ang higit na makakabuti rito,Pagbayaran mo iyong panunumpa,at gawin mo ang siyang higit na may kabutihan))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang paghiling sa [Kapangyarihan] Panunungkulan; Sapagkat sinuman ang mapagkalooban nito na hinihiling niya,papabayaan niya at iiwan niya dahil sa pagnanais niya sa maka-mundong bagay at pagpapalit niya rito sa Kabilang buhay,At ang sinuman ang mapagkalooban nito nang hindi hinihiling,ay tutulungan siya ni Allah rito,At ang panunumpa sa isang bagay ay hindi magiging hadlang sa kabutihan,Kapag nakita ng nanumpa ang [higit na] kabutihan sa pinanumpaan niya,Ipinapahintulot sa kanya ang pag-suway sa sinumpaan niya sa pamamagitan ng pagbayad nito,pagkatapos ay isagawa niya ang [Higit na magdudulot] ng kabutihan.
Habang ang mga tao ay nasa Quba` sa dasal na madaling araw(Subh),ay dumating sa kanila ang isang lalaki( A`tt),nagsabi siya: Na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay ibinaba sa kanya noong gabi ang Qur-an,at ipinag-utos sa kanya ang pagharap sa Qiblah,at humarap sila rito,at ang mga mukha nila ay nakaharap sa Sha`m,at lumihis sila sa Ka`bah))
Napagkaisahan ang katumpakanLumabas ang isa sa mga kasamahan ng propeta sa masjid Quba` sa gitna ng lungsod,natagpuan niya ang pamilya niya na hindi pa naiparating sa kanila ang pagpalipat sa Qiblah.At nanatili parin sila sa pagdarasal sa unang Qiblah,ipinaalam niya sa kanila ang paglihis ng Qiblah sa Ka`bah.At ang propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay ibinaba sa kanya ang Qur-an dahil doon,-itinuturo nito ang Pagsabi Niya-Pagkataas-taas Niya:( Katotohanang napagmasdan Namin ang pagbaling ng iyong mukha tungo sa kalangitan.Katiyakang ililingon ka Namin sa isang Qiblah na magbibigay kasiyahan sa iyo,kaya`t ilingon mo ang iyong mukha patungo sa Ka`bah.At kahit saan pa man kayo naroroon,ilingon ninyo ang inyong mukha sa gayong lugar.Katiyakan ang angkan ng kasulatan,ay ganap na nakaka-alam na ito ang katotohanan mula sa kanilang panginoon.At si Allah ay hindi nakakalimot sa kanilang gingawa.Kabanata ng Al-Baqarah;144).At siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay humarap sa Al-Ka`bah,At kabilang sa pagka-maalam nila at bilis ng pang-unawa nila at katumpakan nito,lumihis sila mula sa deriksiyon ng Bayt Al-Maqdis-Ang Qiblah nila sa una-sa Qiblah nilang pangalawa;Ang kagalang-galang na Ka`bah.
Ayon kay`Ubaydullāh bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Tunay na si Bilal ay tumatawag ng Azan sa gabi;kaya kumain kayo at uminom kayo hanggang sa marinig ninyo ang Azan ng anak ni Ummu Maktum))
Napagkaisahan ang katumpakanSi Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay may dalawang tagatawag ng Azan, sila ay sina: Bilal bin Rabah at `Abdullah bin Ummi Maktum-at siya ay bulag-Si Bilal-malugod si Allah sa kanya-ay tumatawag ng Azan sa Dasal ng Madaling araw [Al-Fajar] bago sumikat ang bukang-liwayway,Sapagkat ito ay oras ng pagtulog at nangangailangan ang mga Tao ng paghahanda rito bago pumasok ang oras nito,At siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpaingat sa mga kasamahan niya na si Bilal-malugod si Allah sa kanya-ay tatawag ng Azan sa gabi,Ipinag-utos niya sa kanila ang pagkain at pag-inom hanggang sa sumikat ang bukang-liwayway,At mananawagan ang ikalawang tumatawag ng [ng Azan] na si Ibn Ummi Maktum-malugod si Allah sa kanya-sapagkat siya ang tatawag [ng azan] sa pagsikat ng ikalawang bukang-liwayway.At ito ay para sa sinumang naglalayun ng pag-aayuno,At sa mga oras na ito ay tiitigilan niya ang pagkain at paag-inom at papasok siya sa pagdarasal.At ito ay nakatalaga lamang [sa oras na] ito at hindi ipinapahintulot sa iba ang pagtawag ng Azan bago dumating sa [nakatakdang] oras.At nagkakaiba [ang mga opinyon ng may kaalaman] sa pagtawag ng unang Azan sa madaling araw,kung sapat na ba ito o nararapat na ito [ay masundan ng] ikalawang Azan,para sa pagpasok ng nakatakdang oras?At ayon sa [napag-kaisahan] ng mga karamihan nang may kaalaman; Ito ay ipinag-uutos at hindi sapat dito [ang isang beses na pagtawag ng Azan]
Ayon kay 'Abdullah bin 'Abbās,Nagsabi siya:(( Nang dumating ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya sa Meccah;Nagsabi ang mga walang pananampalataya;Tunay na darating sa inyo ang mga grupo na mga Taong pinahina sila ng mga Tagapag-tanggol sa Yathrīb. Ipinag-utos sa kanila ng Propeta na magmadali sa (paglalakad) pag-ikot ng tatlo,at ang lumakad sila ng (dahan-dahan) sa pagitan ng dalawang haligi.At hindi siya pumigil sa kanila na magmadali sa (paglalakad) sa lahat ng pag-ikot:liban sa pagiging maawain sa kanila))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ika-anim na taon mula ng paglikas sa Meccah upang magsagawa ng 'Umrah at kasama niya ang karamihan sa mga kasamahan niya,Lumabas siya upang makipaglaban rito at pigilan sa Bahay ni Allah ang mga walang pananampalataya ng Quraysh,Ngunit nagkaroon sa pagitan nila ang Kasunduan,Kabilang sa habag niya,Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at mga kasama han niya,at bumalik silan sa taon na ito.at babalik sila sa darating na taon upang nagsagawa ng 'Umrah.at mananatili sa Meccah nang tatlong araw.At dumating sila sa ika pitong taon upang magsagawa ng 'Umrah na kabayaran.Nagsabi ang mga walang pananampalataya sa isa't-isa;-Natutuwa at Nanglalait-Tunay na darating sa inyo ang mga grupo na mga Tao,at ibinaba sila at pinahina ng mga Tagapag-tanggol sa Yathrīb.At nang maiparating sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi nila,inibig niyang sagutin ang sinabi nila magalit sa kanila,Kaya`t ipinag-utos niya sa mga kasamahan niya na magmadali maliban sa pagitan ng haligi ng Yamani at haligi na nasa Itin na Bato,(doon ay) maglalakad sila, bilang habag sa kanila at awa sa kanila,at nang sila ay nasa pagitan ng dalawang haligi,hindi sila nakikita ng mga walang pananampalataya,at yaong mga umakyat sa bundok "Qaeyqa-an"upang tingnan ang mga Muslim habang sila ay umiikot,nagalit sila sa kanila hanggang sa sinabi nila:Sila ay walang katulad kundi parang mga Usa,Kaya`t ang madaliang paglalakad na ito ay naging Sunnah na sinusunod sa pag-iikot ng (sinumang) dumarating sa Meccah, Bilang pag-aalaala sa mga Ninuno nating nakalipas,at bilang pagsunod sa kanila sa mga magaganda nilang katayuan,at matitindi nilang pagtitimpi,at sa anumang nagampanan nila mula sa mga mararangal nilang gawain,upang maipag-tagumpay ang Relihiyon,at maipanaig ang Salita ni Allah,Nawa`y biyayaan tayo ni Allah nang pagsunod sa kanila at pagsunod sa mga yapak nila.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-((Umakyat ako isang araw sa bahay ni Hafsah,Nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa palikuran,nakaharap sa Shamat nakatalikod sa Ka`bah)) At sa isang salaysay: (( Nakaharap sa Bayt Al-Maqdis))
Napagkaisahan ang katumpakanNabanggit ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Na dumating siya ,isang araw sa bahay ng kapatid niya na si Hafsah,Ang Asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,umakyat siya sa bahay nito,Nakita niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa palikuran,nakaharap sa Sham,at nakatalikod sa Qiblah.At si Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi nito bilang sagot sa sinumang nagsasabing: Siya ay hindi humaharap sa Bayt Al-Maqdis,kapag siya ay nasa palikuran,at pagkatapos ay nagbigay ang may akda ng pangalawang salaysay:Na siya ay humarap sa Bayt Al-Maqdis