





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-nagsabi siya: (( Nagsagawa ng Tawaf ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj na pamamaalam,[na nakasakay] sa kamelyo,Hinahawakan nito ang Haligi [ng Ka`bah] sa pamamagitan ng tungkod [na may baluktot sa ulo nito]))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsagawa ng Tawāf ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj ng pamamaalam,at nagdagsaan ang sa kanya ang maraming tao;Kabilang sa kanila ang gustong magmasid sa pamamaraan ng pagsasagawa ng Tawāf niya,at ang iba ay gustong makita ang dakilang pagkatao niya,kaya nagdagsaan sila sa kanya,At kabilang sa ganap na pagmamahal niya sa Ummah niya at pagpapantay nito sa pagitan nila: Ang sumakay siya sa kamelyo, at ginamit niya ito sa pagsasagawa ng tawāf upang maging pantay ang mga tao sa pagmamasid sa kanya,at siya ay may dala-dalang tungkod na may baluktot sa ulo nito,hinahawakan niya ang haligi ,gamit ito .At hinahalikan niya ang patpat, tulad ng nakasulat sa naisalaysay ni Imām Muslim sa Hadith na ito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: ((Hindi ko nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humawak sa [haligi ng] Tahanan [ni Allah],maliban sa dalawang Haligi ng Yamani))
Napagkaisahan ang katumpakanHindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hawakan ang apat na haligi ng Ka`bah,maliban sa Haliging itim at ang Haliging Yamani;Sa Tahanan [ni Allah] ay binubuo ng apat na haligi,At ang Haligi sa may bandang Silangan na nagtataglay ng dalawang kainaman:1;Dahil dito [matatagpuan] ang mga Haligi ni Propeta Ibrahim;2;Dahil dito matatagpuan ang Itim na Bato;At ang Haligi ng Yamani ay may isang kainaman lamang,ito ay dahil sa nasa [lugar] ng Haligi ni Propeta Ibrahim.At walang kinalaman ang Sham at ang Iraq sa mga bagay na ito,Dahil ang pagpapatayo sa dalawang ito ay nasa ilalim ng pagpapatayo ni Propeta Ibrahim,dahil inilabas niya rito ang itim na bato mula sa Ka`bah mula sa dalawang lugar na ito,Kung kaya`t ipinag-uutos ang paghawak sa itim na bato at ang paghalik dito,at gayundin ipinag-uutos ang paghawak sa Haligi ng Yamani,na hindi hinahalikan;At hindi ipinag-uutos sa dalawang haliging natira,ang paghawak at paghalik.At ang Batas ,ay itinalaga upang sundin,at hindi upang baguhin at gumawa ng makabago sa Relihiyon.At si Allah sa Kanyang Batas ay may Patakaran at lingid na kaalaman.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumapasok sa palikuran saka nagdadala naman ako mismo at ang isang batang kaedad ko ng isang lalagyan ng tubig at patpat, saka naglilinis siya sa pamamagitan ng tubig.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na siya at ang isang batang tagapaglingkod na nalalapit sa gulang niya ay sumusunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag lumalabas ito para sa pagtugon nito ng tawag ng kalikasan. Bumibitbit silang dalawa ng isang patpat na may dulong tulad ng dulo ng sibat upang maglagay niyon bilang isang panakip na pagsasabitan ng isang bagay na nakatatakip o bilang isang panakip para sa pagsasagawa ng ṣalāh nito. Bumibitbit din silang dalawa ng isang maliit na lalagyang yari sa balat na napuno ng tubig. Kaya kapag nakatapos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtugon nito ng tawag ng kalikasan, inaabot nilang dalawa ang lalagyan para maglinis ito sa pamamagitan ng tubig.
Ayon kay Abdullah bin Abbas-Nagsabi siya:Naglakbay ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Arafah,Narinig ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa likod niya ang malakas na sigaw at pagpalo,at boses ng kamelyo,Nagbigay siya ng senyales sa pamamagitan ng tungkod nito sa kanila,at nagsabi siya: (( O mga tao; Nararapat sa inyo ang pagdahan-dahan,sapagkat ang pananampalataya ay hindi sa pagmamadali))
Napagkaisahan ang katumpakanNa ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay naglakbay mula sa Arafah,narinig niya sa likod niya ang boses na malakas at pagpalo at pananakot sa kamelyo at boses ng kamelyo,at ang ganitong pangyayari para sa mga tao ay resulta ng nakasanayan nila sa panahon ng kamang-mangan.Sapagkat sila sa panahon ng kamang-mangan,kapag naglalakad sila galing sa Arafah,nagmamadali sila ng sobrang pagmamadali,at nag-uunahan sila sa umaga bago magdilim ang kapaligiran,At pinapalo nila ang kamelyo nang napakalakas na pagpalo,Nagbigay ng senyales ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa kanila,sa pamalo nito,at nagsabi siya:(( O mga tao,panatilihin ninyo ang pagka-mahinahon at katahimikan,sapagkat ang pananampalataya at kabutihan ay hindi sa pabilisan at pagmamadali -at ito ay isang uri ng mabilis na paglakbay
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: (( Dumating ang isang Arab [Naninirahan sa Disyerto],Umihi siya sa sulok ng Masjid,Itinaboy siya ng mga tao,Pinagbawalan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matapos siya sa pag-ihi,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na kumuha ng] tabo mula sa tubig,ibinuhus ito rito))
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang sa kaugalian ng mga Arabo [Naninirahan sa Disyerto] ay ang pagiging Marahas at Mang-mang,dahil sa napag-iwanan sila sa pag-aaral sa anumang ibinaba ni Allah sa Sugo niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kasama ang mga kasamahan niya sa Masjid ng Propeta,Dumating ang isang Arabo [Naninirahan sa Disyerto],at umihi siya sa isang sulok ng Masjid,Inaakala niya na ito ay tulad ng sakahan.Kaya`t malaking [problima]ang ginawa niya para sa mga kasamahan ng Propeta,dahil sa kadakilaan ng baal na Masjid.Itinaboy nila ito sa oras ng pag-iihi niya,Ngunit ang nagmamay-ari ng mataas na antas ng pag-uugali,na siyang ipinadala para sa paghahatid ng magandang balita at pagpapagaan [sa mga ipinag-utos sa relihiyon],ay pinagbawalan sila sa pagtataboy nila sa kanya,dahil sa alam niya ang kaugalian ng mga Arabo [Naninirahan sa Disyerto],upang hindi marumihan ng talsik ang karamihan sa [lugar] ng Masjid,at upang hindi tumama sa kanya ang pinsala dahil sa pagpapahinto sa kanya sa pag-ihi,at nang maging magaan [para sa kanya] ang pagtanggap sa mga Payo at Pangaral kapag tinuruan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At ipinag-utos niya sa kanila na linisin ang lugar na inihian niya,sa pamamagitan ng pagbuhos gamit ng tabo ng tubig rito.
Ayon kay Anas bin Sirin,siya ay nagsabi: ((Sinalubong namin si Anas nang dumating siya sa Sham,nasalubong namin siya sa may bukal ng mga dateles,Nakita ko siya na nagdadasal sa taas ng Asno,at ang mukha niya ay nasa kabilang gilid-ibig sabihin ay nasa kalwa ng Qiblah-Nagsabi ako:Nakita kitang nagdadasal na [hindi nakaharap] sa Qiblah?Nagsabi siya:Kung hindi ko lang nakita ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginagawa niya ito,hindi ko ito gagawin))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating si Anas bin Malik sa Sham,at dahil sa dakila ng halaga niya at lawak ng kaalaman niya,sinalubong siya ng mga Tao sa Sham,At binanggit ng tagasalaysay-na isa sa mga sumalubong [sa kanya]-Na nakita niya siyang nagdadasal sa taas ng Asno,at ang Qiblah ay nasa kaliwa niya,Itinanong niya sa kanya ang tungkol dito,Sinabi niya sa kanila na Tunay na nakita niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginagawa ito,At kung hindi lamang niya ito nakita,ay hindi niya ito [kailanman] gagawin.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: " Katotohanang si Ummu Habibah ay nagregla sa loob ng pitong taon,Nagtanong siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol rito? Ipinag-utos niya sa kanya na maligo,Nagsabi siya: At siya ay naliligo sa bawat pagdarasal"
Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Ummu Habibah,nang tanungin niya ito kung ano ang nararapat na gawin kapag Nagregla, Na maligo siya,At siya ay naliligo sa bawat pagdarasal, Siya ay Nagregla sa loob ng pitong taon.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: "Huwag umihi ang isa sa inyo sa nanatiling tubig,yaong hindi dumadaloy,pagkatapos ay maliligo siya rito" At sa isang salaysay: " Huwag maligo ang sa inyo sa nanatiling tubig habang sa siya ay Junub [nakipagtalik]."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbabawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-ihi sa tubig na hindi gumagalaw,yaong hindi dumadaloy;Dahil ang mga ito ay nagdudulot ng dumi dahil matinding dumi nito at mga sakit,na siyang dinadala ng mga ihi,kaya mapipinsala nito ang lahat ng gumagamit ng tubig,at maaaring gumamit rito mismo ang nag-ihi,at maligo rito,papaano niya nagagawang umihi rito, na siyang magiging pampalinis niya sa bandang huli.At gayundin ang pagbabawal niya sa pagligo ng Junub [nakipagtalik] satubig na hindi gumagalaw;Sapagkat ang mga ito ay makakapagparumi sa tubig,dahil sa dumi at basura ng Junub [nakipagtalik]
Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. sa Hadith na Marfu-((Pangaralan ninyo ang mga kababaihan sa kabutihan,Dahil ang isang babae ay nilikha mula sa tadyang,At ang pinakabaluktot sa tadyang ay ang pinakataas nito,At kapag inibig mong ituwid ito,ay mapuputol mo ito,at kapag hinayaan mo,mananatili itong baluktot,Pangaralan ninyo ang mga kababaihan)) At sa isang salaysay: ( Ang Babae ay tulad ng tadyang,Kapag itinuwid mo,mapuputol mo ito,at kapag pinabayaan mo ito,pinabayaan mong ito ay baluktot)) At sa isang salaysay:((Tunay ng ang Babae ay nilikha mula sa tadyang,Hindi ito tutuwid sa iyo sa isang daan,at kapag pinabayaan mo ito,pinabayaan mong ito ay baluktot,At kapag inibig mong ituwid ito,ay mapuputol mo ito,At ang pagputol sa kanya ay paghiwalay sa kanya))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaIpinaalam ni Abu Hurayrah malugod si Allah sa kanya-ang pakikisalamuha sa mga kababaihan.Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:Tanggapin ninyo ang pangangaral na ito na ipapangaral ko sa inyo,at ito ay ang paggawa ninyo ng Kabutihan sa mga kababaihan,Dahil ang mga kababaihan ay kulang sa katalinuhan at kulang sa Relihiyon,at kulang sa pag-iisip,at kulang sa lahat ng mga kapakanan nila,Spagkat sila ay nilikha mula sa tadyang,At si Propeta Adam-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ay nilikha ni Allah na walang Ama at walang ina,ngunit nilikha Niya ito mula sa Alabok pagkatapos ay sinabi Niya sa kanya na Mangyari at ito ay Nangyari,At nang inibig ni Allah na paramihin ang likhang ito,nilikha Niya rito ang Asawa niya,Nilikha Niya ito mula sa Tadyang niyang baluktot,At nalikha siya mula sa mula sa Tadyang na baluktot,at ang Tadyang na baluktot kapag pinabayaan mo ito,pinabayaan mo ito na baluktot at kapag inibig mo na ito ay maituwid ay mapuputol,At gayundin ang babaing ito,kapag pinabayaan ito ng tao,pinabayaan niya ito na ito sa kabaluktotan,at tatanggapin nalang ito upang [maging] madali,At kahit inibig pa niyang maging matuwi,ngunit hinding-hindi na siya maitutuwid,at walang may kakayahan nito,Kahit maging matuwid siya sa kanyang Relihiyon,ay Hinding-hindi siya magiging matuwid dahil sa pagiging likas na katangian niya,at hindi niya magagwa ang lahat ng ninanais ng asawa niya sa lahat ng bagay,ngunit dapat ay magkaroon parin ditong paglabag,at dapat ay mayroon paring kakulangan,kasama ang kakulangaan niya rito,At kapag inibig mong ituwid ito,ay mapuputol mo ito,At ang pagputol sa kanya ay paghiwalay sa kanya,Ang ibig sabihin nito ay;Kahit subukin mong maituwid siya ayon sa kagustuhan mo,ay hindi ito mangyayari,at sa oras na iyon ay magsasawa ka at hihiwalayan mo siya.