





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Katotohanan ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakakita ng isang lalaking nag-iisa,Hindi nagdadasal sa mga tao,Nagsabi siya: O pulano! Ano ang pumipigil sa iyo sa pagdarasal kasama ang mga tao? Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Ako ay naging Junob ( nakipagtalik o linabasan), at walang tubig.Nagsabi siya: Gumamit ka ng alikabok,sapagkat ito ay sapat na sa iyo.
Napagkaisahan ang katumpakanNagdasal ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga kasamahan ng dasal na madaling araw,at nang matapos siya sa pagdarasal nakakita siya ng isang lalaking hindi sumama magdasal sa kanila,at kabilang sa pagiging habag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at magandang pag-anyaya nito para kay Allah,Ay hindi niya ito pinagsalitaan ng masakit dahil sa hindi niya pagsali sa pagdasal ng karamihan hanggat hindi niya malaman ang dahilan nito,Nagsabi siya: O pulano! Ano ang pumipigil sa iyo sa pagdarasal kasama ang mga tao? ipinaliwanag niya ang dahilan niya-sa pag-aakala nito-kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - na tunay na siya ay naging Junob ( nakipagtalik o linabasan ) at walabg tubig sa kanya,Ipinahuli niya ang dasal hanggang sa makahanap siya ng tubig at makapag-linis,Nagsabi siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - Katotohanan si Allah Kataas-taasan Siya,ay giniwa niya sa iyo-dahil sa habag niya-ang mga bagay na papalit sa kinalalagyan ng tubig sa paglilinis; ito ay ang alikabok,gamitin mo ito,dahil sapat na ito sa iyo kapalit ng tubig.
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating sa Minā,Pumunta siya sa Jamrah at bumato siya rito,pagkatapos ay dumating siya sa bahay niya sa Minā at naghandog ng Sakripisyo,pagkatapos ay sinabi niya sa barbero:((Kunin mo)) at itinuro niya ang tagiliran niya sa bandang kanan,pagkatapos ay sa kaliwa,pagkatapos ay ipinamigay niya ito sa mga tao.at sa isang salaysay:Nang siya ay nagbato sa Jamrah,at naghandog ng sakripisyo na kakatayin nito at nagpagupit siya,Tumindig ang barbero banda nitong kanan,at ginupitan siya nito,pagkatapos ay tinawag niya si Abū Talhah Al-Ansārī-malugod si Allah sa kanya-ay ibinigay niya ito sa kanya( ang buhok),Pagkatapos ay tumindig siya sa banda nitong kaliwa,at nagsabi siya:((Gupitin ko)),ginupit niya ito, at ibinigay ito kay Abū Talhah,Nagsabi siya:((Hatiin mo ito sa pagitan ng mga tao))
Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niyaNang dumating ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj ng pamamaalam sa Minā,sa araw Eid,ay nagbato siya sa Jamrah,pagkatapos ay pumunta siya sa bahay nito,at naghandog ng sakripisyo nito,pagkatapos ay tinawag niya ang barbero at ginupitan niya ang buhok nito,at itinuro niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang banda nitong kanan,at nagsimula ang barbero sa banda nitong kanan,pagkatapos ay tinawag niya si Aba Talhah malugod si Allah sa kanya-ang Al-Ansārī, at ibinigay niya ang lahat ng buhok (na nagupit) sa bandang kanan,pagkatapos ay ginupitan niya ang natitirang buhok nito,at tinawag niya si Abū Talhah,at ibinigay Miya sa kanya ang mga ito,at nagsabi siya:"Hatiin mo ito sa pagitan ng mga Tao"At hinati niya ito,Kabilang sa mga tao ang nakakuha ng isang piraso ng buhok lamang,at ka ilang sa kanila ang dalawang piraso ng buhok,at kabilang sa kanila ang may maraming nakuha,ayon sa naging madali (sa para sa kanila),at ito sa layuning Pagpapala sa banal na buhok na ito,Ang buhok ng Propet-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.At ito at ipinapahintulot at lalong-lalo na kapag galing sa mga bakas niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Abū Tarif bin`Udayy bin Hatim, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:(( Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa Hadith [ay tumutukoy]: Sinuman ang manumpa na iwanan ang isang bagay,o gawain nito,at nakita niya na ang pagsuway rito ay higit na mabuti kaysa pagpapatuloy sa pinanumpaan at higit na kalugod-lugod kay Allah,Iwan niya ang pinanumpaan niya at gawin niya ang higit na mabuti,dahil sa ito ay kaibig-ibig at mainam.At kung ang pinanumpaan niya ay kabilang sa nararapat na isagawa o iwan niya,tulad ng panunumpa niya na iiwan niya ang pagdarasal o tunay na iinum siya ng nakakahilo,nararapat sa kanya ang pagsuway rito at gawin niya ang mga bagay na higit na kinalulugdan [ni Allah] mula sa paggawa ng mga ipinag-uutos sa kanya at pag-iwan sa ipinagbabawal sa kanya.
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:((Ipinag-utos sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na gawin ko ang kamelyo niya;at ipagkawang-gawa ko ang laman nito at balat nito at umbok nito,at ang hindi ko bigyan ang nagkatay nito kait kaunti))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Meccah sa Hajj na Pamamaalam at dala-dala niya ang [Hady] hayop ng pang-alay niya,at dumating din si `Ali bin Abe Talib malugod si Allah sa kanya mula sa Yaman at dala-dala niya ang [Hady] hayop ng pang-alay,At dahil sa ito ay kawang-gawa para sa mga nangangailangan at mahihirap,walang karapatan ang nag-alay nito sa pagpapasya dito o sa mga ilang [bahagi] nito sa paraan ng pagbibinta,tunay na ipinagbawal niya na mabigyan ang nagkatay nito dito,bilang kapalit sa pagtatrabaho niya,datapuwat ay ibibigay nito ang bayad niya at hindi ang karne niya o balat niya o umbok niya.
Ayon kay 'Abdullah bin Zam'ah-malugod si Allah sa kanya-Narinig niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsesermon,At nabanggit niya ang Kamelyo at ang bumigti nito.Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-{Nang lumantad ang pinakabuktot na tao sa kanilang lipon:} Lumantad sa kanya ang isang lalaking walang kasingtulad,naglalaganap ng katiwalian,walang nakakagapi [sa kanya] sa lipon niya))Pagkatapos ay binanggit niya ang kababaihan,Nangaral siya sa kanila,Nagsabi siya:((Sinasadya ng isa sa inyo na paluin ang asawa nito tulad ng pagpalo sa isang alipin,at marahil ay nakikipagtalik sa kanya sa huling araw nito)) Pagkatapos ay Nangaral siya sa kanila dahil sa pagtawa nila sa utot,At nagsabi siya:((Bakit tumatawa ang isa sa inyo sa ginagawa niya?!))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni 'Abdullah bin Zam'ah malugod si Allah sa kanya-Na narinig niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsesermon [habang siya ay nasa itaas ng] kamelyo niya,Dahil ang Sugo-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-kabilang sa patnubay niya ay hindi nagpapahirap, Hindi siya naghahanap ng wala,at hindi niya tinatanggihan ang anumang bagay na mayroon, kung wala itong halong pagbabali-wala sa Batas ng Islam,o pinapalampas niya ito.Siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsesermon at narinig siya ni 'Abdullah bin Zam'ah.At kabilang sa kabuuan ng naging sermon niya,Tunay na narinig niya ang Propeta na nagbanggit ng Kamelyo na siyang himala ng Propeta ni Allah na si Sālih sa Propeta natin- at sa kanya ang pinakamainam na pagpapala at pangangalaga,At kabilang din sa kabuuan ng nabanggit niya ay ang yaong kumatay nito na tinatawag sa pangalang: Quzār na siyang pinaka-masama sa mga mamamayan,At nagbigay siya ng paglalarawan sa kanya-Siya ay Walang katulad,Matindi [sa pagpapalaganap ng] katiwalian,walang nakakagapi sa kanya sa lipon niya.Pagkatapos ay sinabi niya sumakanya ang pagpapala at pangangalaga sa Sermon niya:Sinasadya ng isa sa inyo na paluin ang asawa niya tulad ng pagpalo sa isang alipin"Napag-alaman dito ang pagpapahintulot sa malumanay na pagdidisiplina mula sa malakas na pagpalo.at ang mga kilos na humahantong sa pagpapahintulot ng pagpalo sa mga kababaihan maliban dito,at sa konteksto ng Hadith, ay pag-iwas na mangyari ang dalawang bagay para taong may kaisipan.Ang magmalabis sa pagpalo ng asawa niya pagkatapos ay makikipagtalik Siya sa kanya sa mga natitirang araw o gabi niya,At ang pagtatalik o paggalaw, ito ay pinag-iinam kapag may kasamang pagkagusto at pagnanasa sa pagtatalik.At ang napalo sa kadalasan ay umiiwas sa sinumang pumalo sa kanya,Kaya nangyari ang palatandaan sa panlalait rito,At tunay na kapag ito ay nararapat,Mangyaring ang pagdidisiplina ay gawing sa pamamagitan ng malumanay na pagpalo na kung saan ay hindi makakamit ang ganap na pag-iwas,Huwag magmalabis sa pagpalo at huwag magmalabis sa pagdidisiplina.Pagkatapos ay ( pinangaralan sila) ibig sabihin ay:Binalaan sila sa ( pagtawa nila sa pag-utot) sapagkat ito ay sumasalungat sa magandang kaugalian,at Dahil sa napapaloob rito na paglalantad sa ipinagbabawal at Nagsabi siya sa paninira dito na:(( Bakit tumatawa ang isa sa inyo sa ginagawa niya?))At ito ay Dahil sa ang pagtawa ay ginagawa sa mga bagay na nakakamangha at sa mga kakaibang pangyayari,nakikita ang epekto nito sa panlabas na kaanyuan Kaya nagagawa ang pag-ngiti.Kapag ito ay lumakas at nagkaroon ng tunog,[tinatawag] itong pagtawa,at kapag tumaas pa ito ay [ay tinatawag] na Halakhak,at kapag ang bagay na ito ay karaniwan sa bawat tao,Ano ang saysay ng pagtawa sa pangyayari nito sa sinumang nangyari sa kanya ito
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napunta siya sa isang basurahan ng isang lipi saka umihi siya habang nakatayo. Nagpakalayu-layo naman ako ngunit nagsabi siya: "Lumapit ka rito." Lumapit naman ako hanggang sa tumayo ako sa tabi ng mga sakong niya saka nagsagawa siya ng wuḍū' saka nagpahid sa khuff niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa dalawa) na ito minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagnais siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi. Pumasok siya sa isang basurahan ng isang lipi, ang bahagi na tinatapunan ng basura at alikabok na winawalis mula sa mga tahanan. Umihi siya habang siya ay nakatayo. Ang nananaig sa kinahiratian niya ay umihi nang nakaupo. Nagpakalayu-layo naman sa kanya si Ḥudhayfah ngunit nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito: "Lumapit ka." Lumapit naman si Ḥudhayfah sa kanya hanggang sa tumindig ito sa likuran niya sa tabi ng hulihan ng mga paa niya upang ito ay maging gaya ng tabing para sa kanya para makatakip sa pagtingin sa kanya sa kalagayang iyon. Pagkatapos nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sa sandali ng paghuhugas ng mga paa, nagkasya siya sa pagpahid sa khuff niya – ang isinusuot sa paa na yari sa manipis katad at tulad nito at nagiging tagatakip ng mga bukung-bukong – at hindi siya naghubad nito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakasalubong sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang daan kabilang sa mga daan ng Madīnah habang siya ay junub.§ Kaya tumalilis siya, saka umalis siya, saka naligo siya. Kaya hinanap siya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), saka noong dumating naman siya, nagsabi ito: "Nasaan ka kanina, O Abū Hurayrah?" Nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, nakasalubong mo ako habang ako ay junub kaya nasuklam ako na makiupo sa iyo hanggang sa makapaligo ako." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): " Kaluwalhatian kay Allāh; tunay na ang mananampalataya ay hindi naparurumi."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakasalubong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa isa sa mga daan ng Madīnah noong si Abu Hurayrah ay nasa pagiging junub. Dahil sa pagdakila niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nasuklam siya na makiupo at makipag-usap dito habang siya ay nasa kalagayang iyon dala ng isang pagpapalagay niya na siya ay narumihan. Kaya umalis siya nang pakubli at naligo siya. Pagkatapos bumalik siya at umupo. Kaya tinanong siya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung saan siya pumunta. Kaya nagpabatid siya rito ng kalagayan niya at na siya ay nasuklam makiupo rito habang siya ay marumi dahil sa pagiging junub. Nagulat naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi sa kanya: "Tunay na ang mananampalataya ay dalisay at hindi naparurumi sa kabila ng bawat kalagayan habang buhay man ni habang patay man."
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu:((Pagpapatantayin ninyo ang inyong mga linya o babaliktarin ni Allah ang inyong mga mukha)) At sa isang salaysay: ((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinagpapantay niya ang mga linya namin,hanggang sa para siyang nagpapantay rito ng palaso;hanggang sa makita niyang naintidihan na namin ito,Pagkatapos ay lumabas siya at tumayo [ sa lugar na pinagdadasalan],hanggang sa siya ay malapit ng magsagawa ng takbir,nakita niya ang isang lalaking lumagpas o nakikita ang kanyang dibdib,anagsabi siya: O mga alipin ni Allah,Pagpapatantayin ninyo ang inyong mga linya o babaliktarin ni Allah ang inyong mha mukha))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanPinagtibay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kapag hindi naituwid ang mga linya at hindi napagpantay, Siguradong babaliktarin ni Allah ang mga mukha ng mga hindi pantay na mga linya, at hindi na nila ito maitutuwid,at ito ay kapag nauna ang ilan sa kanila sa linya at iniwan nila ang mga bakante sa pagitan nila,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagtuturo sa mga kasamahan niya sa salita at dinidisiplina sila sa pamamagitan ng gawa.Nananatili siya sa pagpapantay sa kanila gamit ang kamay niya,hanggang sa inakala niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na namag-alam and nila ito at naunawaan,At sa isang pagdarasal, nakita niya ang isa sa mga kasamahan niya, na lumagpas ang dibdib niya sa linya mula sa pagitan ng mga kasamahan niya,nagalit siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at Nagsabi:" Pagpapantayin ninyo ang inyong mga linya o katotohanang baliktarin ni Allah ang inyong mga mukha"
Ayon `Abdullah bin Buhaynah-malugod si Allah sa kanya-at siya ay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Nagdasal sa kanila (bilang Imam) nang Dhuhr,Tumindig siya sa unang pangalawang tindig,at hindi siya umupo,kaya`t tumindig din ang mga Tao kasama siya,hanggang sa natapos niya ang pagdarasal,at naghihintay ang mga Tao sa pagsasagawa niya ng Taslem:Nagsagawa siya ng Takbir habang siya ay naka-upo,nagpatirapa siya ng dalawang beses bago siya magsagawa ng Taslem pagkatapos ay saka, nagsagawa ng Taslem))
Napagkaisahan ang katumpakanNagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga kasamahan niya (bilang Imam) ng Dhuhr,at nang makapag-dasal siya sa unang dalawang tindig,tumindig siya pagkatapos ng dalawang ito,at hindi siya umupo para sa pagganap ng Tashahhud Al-awwal,kaya`t Sinundan siya ng mga sumusunod sa kanya rito,Hanggang sa matapos siya sa pagdarasal ng huling dalawang tindig at umupo siya para sa Tashahhud Al-akhir,at natapos niya ito,at naghintay ang mga Tao sa pagsasagawa niya ng Taslem,Nagsagawa siya ng Takbir habang siya ay sa pag-upo niya,at nagpatirapa siya kasama nila,nang dalawang beses bago niya isinagawa ang Taslem,tulad ng pagpapatirapa na napapaloob sa pagdarasal,pagkatapos ay nagsagawa ng Taslem,at ang pagpapatirapa na ito ay kinakailangan dahil sa Tashahhud na naiwan.