





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi:Dumating ako na nakasakay sa babaing Asno,habang ako sa mga oras na iyon ay malapit ng maging binata,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa mga tao sa Mina na walang nakaharang,Dumaan ako sa harapan ng mga linya,Bumaba ako.Ipinadala ko ang babaing Asno na pinangangalagaan,at pumasok ako sa linya,at walang sumuway sa akin kahit na isa.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinahayag ni `Abdullah bin `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nang kasa-kasama niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Mina,sa Hajj ng pamamaalam,Dumating siya na nakasakay sa Asno-Babaing Asno-Dumaan siya sa ilang linya,Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa mga kasamahan niya,wala sa harapan niya ang pangharang,Bumaba siya sa babaing Asno,at iniwan niya itong pinangangalagaan,at pumasok siya sa linya.At ipinahayag niya-malugod si Allah sa kanya-Na siya sa oras na iyon ay malapit na siyang maging binata,Ibig sabihin ay sa gulang na kung saan ay pagbabawalan siya rito,kung nakagawa siya ng kasalanan,na makasisira sa mga nagdarasal sa mga dasal nila.Ngunit gayunpaman ay walang sumuway sa kanya kahit na isa,Hindi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at wala kahit isa sa mga kasamahan niya.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo,pagkatapos binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila [Allahu Akbar]", kapag siya ay yumuyuko,Pagkatapos ay sinasabi niyang:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,Kapag itinataas niya ang kanyang likod mula sa pagyuko,Pagkatapos ay sinasabi niya habang siya ay nakatayo: "O Aming Panginoon,sa Iyo ang ng Papuri", binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay bumababa, Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay nagpapatirapa,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa lahat ng pagdarasal niya hanggang sa matapos siya,at binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo sa pangalawa pagkatapos ng pag-upo,Pagkatapos ay sinabi ni Abe Hurayrah: (( Ako ang tunay [na nag-aangkin ng] paghahawig sa inyo sa pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
Napagkaisahan ang katumpakanAng lahat ng pagdarasal ay pagdadakila kay Allah sa pamamagitan ng pananalita at gawa,Sa marangal na Hadith na ito ay pagpapahayag sa tanda ng pagdarasal at ito ang pagtitibay sa Kadakilanaan ni Allah Napamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,At ang Pagdadakila,ito ay hindi ginawa bilang tanda niya at paglalarawan sa kanya, maliban sa ito ay ipinag-utos upang Dakilain ang Allah at Purihin Siya.Kayat sa oras na papasok siya rito,bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] na tinatawag na Takbiratul Ihram,habang siya ay nakatayo sa matuwid na pagtayo.At kapag siya ay natapos sa pagbabasa at bababa siya sa pagyuko,bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] At kapag bumangon siya mula sa pagyuko;Sinasabi niyang: "Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya" at itutuwid niya ang kanyang pagtayo,Pagkatapos ay Pupurihin niya si Allah at magpapasalamat sa Kanya,sa [kalagayang] pagtayo:Pagkatapos ay bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] kapag siya ay bumaba sa pagpapatirapa,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,Pagkatapos ay ginagawa niya lahat ito sa lahat ng pagdarasal niya,At kapag tumayo siya mula sa Tashahhud Al-Awwal sa pagdarasal na may dalawang Tashahhud,binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],sa kalagayan ng pagtindig niya,at itinalaga sa batas ng Islam ,sa bawat paglipat [ng galaw] ang Pagbigkas ng Allahu Akbar,maliban sa pagbangon mula sa pagyuko.
Ayon kay `Abdullah bin `Umar at Abe Hurayrah at Abe Zarr-malugod si Allah sa kanila-((Kapag tumindi ang init [ng araw],hintayin ninyo itong lumamig sa pagsasagawa ng Dasal,Dahil ang matinding init [ng araw] ay mula sa nagbubugang [apoy] sa Impiyerno))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanIpinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ipagpahuli ang pagdarasal ng Dhuhr kapag tumindi ang init ng Araw-na siyang hinihinga at binubukal ng Impyerno-hanggang sa oras na lumamig [ito],upang hindi maging abala sa kanya ang init at ang pagkabalisa sa pagkatakot [kay Allah]
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi :((Nagpaalam si Al-`Abbas bin Abdul Muttalib sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na matulog sa Meccah sa gabi ng Mina,upang magsagawa ng Siqayah [para sa mga nagsagawa ng Hajj],ipinahintulot ito sa kanya))
Napagkaisahan ang katumpakanAng pagtulog sa Mina sa gabi ng Tashriq ay isa sa mga isinasatungkulin sa pagsasagawa ng Hajj na isinagawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dahil ang pananatili sa Mina sa mga gabing ito at mga araw;ay kabilang sa pananampalataya sa Allah-Pagkataas-taas Niya-at kabilang sa mga tanda ng Hajj,At nang ang pagsasagawa ng Siqayah para sa mga taong nagsasagawa ng Hajj ay isa sa mainam na pagsamba sa Allah,dahil ito ay serbisyo para sa mga taong nagsasagawa ng Hajj sa Bahay Niya at sa mga bisita Niya,Pinahintulutan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tiyuhin niya na si `Abbas na iwan ang pagtulog sa Mina,dahil siya ay magsasagawa ng Siqayah,ginagampanaan niya ang Siqayah para sa mga nagsawa ng Hajj,at ito ay para sa ikabubuti ng karamihan,na nagpapatunay na ang iba sa kanya ay hindi magagawa ang tulad ng ginagawa niya,wala siyang mabigat na dahilan kung wala sa kanya ang pagpapahintulot na ito.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magmabilis kayo sa libing; sapagkat kung ito ay naging maayos, may isang kabutihang ipinauuna ninyo; at kung ito ay naging iba roon, may isang kasamaang inaalis ninyo palayo sa mga leeg ninyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagmamabilis sa paghahanda ng libing, pagsasagawa ng ṣalāh para rito, at paglilibing ng patay sapagkat kung ang libing ay naging maayos, may isang kabutihang ipinauuna ninyo roon na kaginhawahan sa libingan; at kung ito ay naging iba roon, may isang kasamaang inaalis ninyo palayo sa mga leeg ninyo.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanyA-Hadith na Marfu: ((Nagregalo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang beses ng tupa))
Napagkaisahan ang katumpakanAng pinakamadalas na inireregalo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa bahay ay ang Kamelyo,dahil sa ito ay higit na maraming pakinabang,at higit na maraming gantimpala,At binanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-na siya ay nagregalo isang beses ng tupa,At ang pagreregalo sa mga hayop na bakahan ay ipinapahintulot,Ngunit sa mga Hayop ay may pagpapakita sa mga Tanda ni Allah-Pagkataas-taas Niya,At ang pagdanak ng dugo para sa kaluguran Niya ay [pagkakamit] sa dalawang uri ng pagsamba,Ang Pagkawang-gawa,at ang Pagpapadaloy ng dugo para sa Maluwalhating Mukha Niya,pagkatapos ng pagpapadaloy [ng dugo ng hayop] para sa mga rebulto at mga Diyos-diyusan.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu :(( Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa)) At sa isang pananalita: ((Yaong nagbibigay sa anumang ipinag-utos sa kanya))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-BukhārīyAyon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya- Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: "Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa" Napagkaisahan sa Katumpakan. Ang taga-ingat ng kayamanan ay Paksa,at, isa sa mga nagkawanggawa ay Panaguri,Ibig sabihin;Tunay na ang Taga-ingat ng kayamanan,ay yaong matatagpuan sa kanya ang apat na katangian: Islam,Tiwala,Pagsasakatuparan sa ipinag-utos sa kanya na maipamimigay,At sa panahon ng pagbibigay at pagkakawang-gawa,ay maliwanag sa puso,makikita ang ngiti at saya.Siya ang Muslim na maingat mula sa mga hindi mananampataya,Ang Taga-ingat ng yaman na hindi mananampalataya,kahit pa siya ay mapagkatiwalaan,at isinasagawa niya ang anumang ipinag-uutos sa kanya,ngunit wala sa kanya ang gantimpala,Sapagkat ang hindi mananampalataya,ay walang gantimpala para sa kanila sa kabilang buhay,sa mga ginagawa nilang kabutihan,Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: {At itatambad namin sa kanila ang anumang kanilang ginawa,at gagawin namin ang mga gawaing yaon na tulad ng alikabok na kumalat} [Al-Furqan:23] At nagsabi Siya-Pagkataas-taas Niya: { At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang pananampalataya [Ang Islam] at mamatay na walang pananampalataya,Katotohanan ang kanilang mga nagawa ay walang kabuluhan sa Mundong ito at sa Kabilang Buhay,At sila ang magsisipanirahan sa apoy,[Sila ay mananahanan dito] magpakailanman] [Al-Baqarah:217],Ngunit kapag gumawa siya ng kabutihan pagkatapos ay yumakap siya sa Islam,tunay na matatanggap niya ang lahat ng nakaraang nagawa niyang kabutihan,at ipagkakaloob sa kanya ang gantimpala nito,Ang ikalawang katangian ay : Ang Mapagkatiwalaan: ibig sabihin ay yaong ginampanan niyaang ipinagkatiwala sa kanya,tulad ng pangangalaga sa kayamanan,at hindi niya ito sinira, hindi winaldas,at hindi niya ito ginamit,Ang ikatlong katangian:Yaong ginagampanan niya ang mga bagay na ipinag-uutos sa kanya, ibig sabihin ay isinasagawa niya ito,Dahil mayroong mga tao na mapagkakatiwalaan ngunit tamad,Samantalang ito ay mapagkakatiwalaan at ginagampanan niya,ginagawa niya ang mga bagay na ipinag-utos sa kanya,kaya`t binubuo siya ng lakas at pagtitiwala.Ang ika-apat na katangian: Ang maging maluwag ito sa kalooban niya.Kapag ginampanan niya at ibinigay ang ipinag-utos sa kanya, ibibigay niya ito na maluwag sa kalooban niya,ibig sabihin ay hindi niya ito igagawad [ipapalabas na sa kanya galing] sa binibigyan,o ipapakita na parang may utang na loob sa kanya,ngunit ibibigay niya ito na maluwag sa kalooban niya,Siya ay mapapabilang na isa sa mga nagkakawang-gawa,samantalang walang siyang ibinayad mula sa yaman niya kahit na isang sentimo lamang,Ang halimbawa nito:Isang lalaking nagmamay-ari ng kaymanan,at siya ay -pinagkakatiwalaan sa pinaglalagyang yaman-siya ay muslim at mapagakakatiwalaan-ginagampanan niya ang ipinag-uutos sa kanya-at ibinibigay niya sa nagmamay-ari nito na maluwag sa kalooban niya;Kapag sinabi sa kanya ng nagmamay-ari ng lagyanan [ng kayamanan]: O pulano ibigay mo sa mahirap na iyan ang sampung libong Riyal,at ibinigay niya ito ayon sa nabanggit nito,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya magiging tulad ng nagkawang-gawa ng sampung libong riyal,na hindi nababawasan ang gantimpala ng tunay na nagkawang-gawa kahit na kaunti.Ngunit ito ay dahil sa kainaman ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.(( Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay Nagluluwalhati sa likod ng sinasakyan niya kung saan ito nahaharap,at ibinababa niya ang ulo niya,at si Ibn `Umar ay isinasagawa ito)) at sa isang salaysay:(( Siya ay nagdadasal ng Witr sa kamelyo niya)) At kay Imam Muslim:(( Liban lang sa Hindi siya nagdadasal dito ng mga Obligado)) At kay Imam Al-Bukhari: ((Liban sa mga Obligadong dasal))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdadasal ng kusang-loob lamang na dasal sa likod ng sinasakyan niya,kung saan nakaharap ito kahit na hindi sa Qiblah,at ibinababa niya ang ulo niya bilang tanda sa kanyang pagyuyuko at pagpapatirapa,at hindi siya naoobliga na bumaba sa lupa para yumuko at magpatirapa at humarap sa Qiblah,at walang pagkakaiba sa pagitan ng [isinasagawa niyang] kusang-loob na dasal sa pangkalahatan,o sa mga Sunnah na Rawatib,o sa mga dasal na may kasamang dahilan,At hindi niya ito ginagawa sa mga Pagdarasal na Obligado,At gayundin siya ay nagdadasal ng Witr sa kanyang Kamelyo.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: ((Binaluktot ko ang kwintas ng hayop [na kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay linagyan ko ito ng palatandaan at sinabitan niya ng kwintas o sinabitan ko ito ng kwintas-pagkatapos ay ipinapadala niya ito sa Ka`bah,at naninirahan siya sa Madinah.Hindi niya ipinagbawal sa kanyang [sarili] ang mga bagay [na ipinagbabawal sa taong nasa kalagayan ng ihram] na sa kanya ay ipinahintulot))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dinadakila niya ang Ka`bah at binabanal niya ito,At kapag hindi siya nakakarating dito mismo sa sarili niya,nagpapadala siya rito ng Hadiy [hayop bilang pang-alay],bilang pagdadakila sa kanya,at pagpapaluwag sa mga nakapalibot rito.At kapag nagpadala siya ng Hadiy [hayop bilang pang-alay],linalagyan niya ito ng palatandaan at sinasabitan ng kwintas;para malaman ng mga tao na ito ay Hadiy [hayop bilang pang-alay] sa maluwalhating Ka`bah.kaya igagalang nila ito,at hindi nila ito gagawan ng masama,Nabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-bilang pagpapatibay sa naiulat: Na binabaluktot niya ang kwintas nito,at kapag ipinapadala niya ito-at siya ay naninirahan sa Madinah-Hindi niya iniiwasan ang mga bagay na iniiwasan ng taong nasa kalagayan ng Ihram; mula sa mga kababaihan,pabango,pagsuot ng may sinulid at iba pang tulad nito,subalit nananatili siya sa pagpapahintulot sa sarili niya,sa lahat ng mga bagay na ipinapahintulot sa kanya.