





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: (( Pumasok ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Ka`bah,kasama sina Usamah bin Zaid,Bilal,`Uthman bin Talhah,at isinara nila ang pintuan sa kanila,At nang buksan nila ito,ako ang unang nakapasok,at nasalubong ko si Bilal;Tinanong ko siya: Nagdasal ba rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? Nagsabi siya: Oo,sa pagitan ng dalawang haligi sa may bandang [lugar ng] Yaman))
Napagkaisahan ang katumpakanAt nang itagumpay ni Allah-Mapagpala Siya-at Pagkataas-taas-ang Meccah,at naging dalisay ito mula sa diyus-diyosan,rebulto at mga larawan,Pumasok siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Banal na Ka`bah,at kasama niya ang mga pinagkakatiwalaan niya na sina Bilal,at Usamah,at nagbantay naman sa pintuan ng [Kabah] si `Uthman bin Talhah, Isinara nila ang pintuan sa kanila,upang hindi magsiksikan ang mga tao sa pagpasok ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa loob nito,sa layuning makita nila kung paano siya magdasal,na siyang makakapag-abala sa kanyang layunin sa lugar na ito,ito ang pagsusumamo niya sa Panginoon niya at pagpapasalamat niya sa mga biyaya Niya,At nang natagalan ang kanilang pamamalagi,binuksan nila ang pintuan.At si `Abdullah bin `Umar ay tunay na masigasig sa pagsunod sa mga salita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa mga galaw [Sunnah] nito,kaya siya ang unang nakapasok ng buksan ang pintuan,.Tinanong niya si Bilal,Nagdasal ba rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? Nagsabi siya:Oo,sa pagitan ng dalawang haligi sa may bandang [lugar ng] Yemen,At ang Banal na Ka`bah -mga panahong yaon- ay may anim na haligi,at ginawa niya na ang tatlo ay nasa likuran niya at ang dalawa ay nasa bandang kanan niya,at ang isa ay sa bandang kaliwa niya,at ginawa niya na ang magiging pagitan niya sa dingding ay may tatlong braso [ng kalayuan],nagdasal siya ng dalawang tindig,at nanalangin siya sa apat na sulok nito.
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Katotohanang ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng isang lalaking humihila ng kamelyo;Nagsabi siya: Sumakay ka rito,Nagsabi siya: Ito ay kamelyo,Nagsabi siya :Sumakay ka rito.Nakito ko siyang nakasakay dito at tinatabihan [sa paglalakbay] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan)) At sa isang pananalita:Nagsabi siya sa ikalwang beses o ikatlo: ((Sumakay ka rito;Ang kaparusahan ay mapasaiyo,;Ang kapahamakan ay mapasaiyo))
Napagkaisahan ang katumpakanNang makita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaking naghihila sa kamelyo,at siya ay nangangailangan sa pagsakay dito,Nagsabi siya sa kanya:Sumakay ka rito,At dahil sa ang regalo ay higit na binibigyang halaga para sa kanila,hindi siya sumakay sa kanya,Nagsabi siya: Ito ay kamelyo na pang-regalo sa bahay,Sinabi niya:Sumakay ka rito kahit pa ito ay pang-regalo sa bahay,inulit niya ito ng dalawa o tatlong beses,Nagsabi siya: Sumakay ka rito,na may halong galit sa pakikipag-usap sa kanya
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking pumasok sa masjid sa araw ng Biyernes mula sa isang pintong paharap sa Tahanan ng Paghuhukom samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas: Talagang sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kaulapan ni gula-gulanit na ulap. Wala sa pagitan namin at ng Bundok Sal` na anumang bahay ni tahanan." Nagsabi pa ito: "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na tulad ng kalasag; saka noong pumagitna ito sa langit, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya talagang sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw nang anim na araw. Pagkatapos may pumasok na isang lalaki mula sa pintong iyon sa araw ng Biyernes samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pumigil Siya nito para sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, [ibaling] sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa mga burol, mga talampas, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi ito: "Kaya tumila ang ulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw." Nagsabi si Sharīk: "Nagtanong ako kay Anas bin Mālik kung iyon ba ay ang unang lalaki ngunit nagsabi ito: Hindi ko nalalaman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoMay pumasok na isang Arabeng-disyerto sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang araw ng Biyernes mula sa pinto ng silangang bahagi ng Masjid paharap sa bahay ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga hayupan at nagkaputul-putol ang mga landas dahil sa pagkamatay ng mga hayop na naghahatid ng mga tao o dahil sa panghihina ng mga ito dala ng pagkagutom, kaya manalangin ka kay Allāh na magpainom Siya ng ulan." Kaya nag-angat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): "Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kahit isang piraso ng ulap. Wala sa pagitan namin sa Masjid at ng Bundok Sal` – sa kanlurang bahagi ng Masjid kung saan dumarating mula sa dako nito ang kaulapan – na anumang bahay ni tahanang nagtatabing sa kanila sa pagkakita niyon." Nagsabi pa si Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na bilohabang tulad ng kalasag – maliit na malapinggan – saka noong pumagitna ito sa langit ng Madīnah, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw dahil sa ulan hanggang sa kasunod na Biyernes kung kailan pumasok ang lalaking iyon mula sa pintong iyon habang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pigilin ang ulan para sa amin." Nagsabi ito: "Kaya nag-angat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, ibaling ang ulan sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa anumang tumaas na lupa gaya ng burol, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi pa si Anas: "Kaya naputol ang ulap na umuulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw."
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi :((Siniyasat ko ang pagdarasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Natagpuan ko na ang pagtindig niya,pagyuko niya,ang pagtuwid niya mula sa pagyuko niya,ang pagpapatirapa niya,ang pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya,ang pagpapatirapa niya,at ang pag-upo niya sa pagitan ng pagsasagawa ng Taslem at pag-alis: ito ay magkakatulad)) At sa isang salaysay: ((maliban sa pagtindig at pag-upo-:ito ay magkakatulad))
Napagkaisahan ang katumpakanInilalarawan ni Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanilang dalawa-ang pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ito ay pinagmamasdan niya at inuunawa,upang malaman niya kung papano siya magdasal at sinusundan niya ito,at nabanggit niya na ito ay magkakalapit at magkakapareho,Sapagkat ang pagtindig niya sa kanyang pagbabasa,ang pag-upo niya sa pagsasagawa ng Tashahhud,ay naaangkop sa pagyuko at pagtuwid [mula sa pagyuko],at pagpapatirapa,Hindi niya gaano pinapatagal ang pagtindig,at pinapagaan niya ang pagyuko,o pinapatagal niya ang pagpapatirapa,Pagkatapos ay pinapagaan niya ang pagtindig,o ang pag-upo.datapuwat ang bawat haligi ay ginagawa niyang naaangkop sa ibang haligi.At hindi ito nangangahulugan na: Ang kanyang pagtindig at pag-upo sa pagsasagawa ng Tashahhud,at kasing-tagal ng kanyang pagyuko at pagpapatirapa.Subalit ang kahulugan nito ay:Hindi niya pinapagaan ang isa at pinapatagal ang iba.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Habang ang isang lalaki ay nakatayo sa `Arafah,nahulog ito sa kamelyo niya,Bumagsak ito-o Nagsabi siya: Ibinagsak niya ito- Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Paliguan ninyo siya sa tubig at Puno ng Nabk,At balutin ninyo siya sa damit niya,at huwag ninyo siyang [lagyan ng] pabango,at huwag ninyong takpan ang ulo niya,Sapagkat babangon siya sa Araw ng Pagkabuhay na Tumutugon))
Napagkaisahan ang katumpakanHabang ang isang lalaki mula sa kasamahan ng Propeta,ay nakatayo sa `Arafah sa Kamelyo niya,sa Hajj ng Pamamaalam, sa loob ng pagiging Ihram,siya ay nahulog rito,nabali ang leeg niya at ikinamatay niya,Ipinag-utos sa kanila ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na paliguan siya tulad ng pagpapaligo sa mga ibang patay,[gamit ang] tubig,puno ng Nabk,at balutin siya sa damit at sarong niya,na siyang ginamit niya sa Pag-Ihram.At dahil sa siya ay nasa loob ng pagiging Ihram sa pagsasagawa ng Hajj at ang mga bakas ng Pagsamba ay nananatili sa kanya,Ipinagbawal sa kanila ng Sugo ni Allah--pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pabanguhan siya at ang takpan ang ulo niya,At binanggit niya sa kanila ang layunin doon,Ito ay dahil sa siya ay muling babangunin ni Allah sa kalagayan ng pagkamatay niya,ito ay ang Pagtugon [ sa Allah],na siyang Tanda sa pagsasagawa ng Hajj.
Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi ang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Uḥud: "Sabihin mo, kung mamatay ako ay saan ako?" Nagsabi siya: "Sa Paraiso." Itinapon niya ang mga datiles na nasa kamay niya. Pagkatapos ay nakipaglaban siya hanggang sa mapatay siya.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ni Jābir bin Abdullāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na may isang lalaking ang pangalan ay `Umayr bin Al-Ḥammām na nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Pagsalakay sa Uḥud: "O Sugo ni Allāh, sabihin mo, kung nakipaglaban ako hanggang mamatay ako - nangangahulugang: nakibaka ako laban sa mga Mushrik - at napatay ako sa pangyayaring ito, ano ang hantungan ko?" Nagsabi siya: "Ikaw ay nasa Paraiso." Kaya itinapon niya ang mga datiles na dala niya at nagsabi: "Tunay na ito ay talagang mahabang buhay kung mananatili ako upang kainin ang mga datiles na ito." Pagkatapos ay sumulong siya at nakipaglaban hanggang sa mapatay siya. Malugod si Allāh sa kanya.
Ayon kay Abe Qatādah Al-Anśa'rie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;((Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdadasal na binubuhat niya si Ama`mah bint Zainab,anak ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.)) At ayon kay `Abe Al-`A'ss bin Arrabie bin `Abdi Shams-malugod si Allah sa kanya-(( Kapag siya ay nagpatirapa,inilalagay niya ito,at kapag siya ay tumayo binubuhat niya ito))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay binubuhat niya ang anak ng anak nito na si Ama`mah bint Zainab na siya ay nasa pagdadasal,at inilalagay niya ito sa balikat niya kapag siya ay nakatindig,at kapag siya ay nakayuko o nakapag-patirapa inilalagay niya ito sa lupa bilang pagmamahal at paglalambing.
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpapabatid si Ummu `Aṭīyah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa mga babae laban sa paglalakad kasabay ng mga libing. Iyon ay dahil sa kinatatakutan niya kaugnay roon na sigalot para sa kanila at dahil sa kanila at kakauntian ng pagtitiis nila. Pagkatapos nagpabatid pa ito (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagbigay-katiyakan sa pagbabawal gaya ng ginagawa niya sa nalalabi sa mga sinasaway.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "May dinala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaki na uminom ng alak. Nagsabi siya: Paluin ninyo siya." Nagsabi si Abū Hurayrah: "Kaya mayroon sa amin ang namamalo ng kamay niya, ang namamalo ng sandalyas niya, at ang namamalo ng damit niya. Noong bumaling ito, nagsabi ang ilan sa mga tao: Hiyain ka ni Allah. Nagsabi siya: Huwag kayong magsabi ng ganyan; huwag ninyong tulungan laban sa kanya ang Demonyo."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng ḥadīth: Na ang mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, ay nagdala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang lalaking uminom ng alak. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na paluin ito kaya pinalo ito ng mga Kasamahan. Ang ilan sa kanila ay pumalo dito sa pamamagitan ng kamay nang hindi gumagamit ng iba pang kagamitan mula sa mga kagamitan ng pamalo. Mayroon sa kanila ang namamalo ng sandalyas niya. Ito ay bahagi ng pagpaparusa sa kanya. Mayroon sa kanila ang namamalo ng damit niya. Hindi sila gumamit ng latigo na siyang kasangkapan ng parusa sa pagpalo. Nasaad sa isang sanaysay na siya ay nag-utos sa dalawampung lalaki kaya pinalo ito ng bawat lalaki ng dalawang hagupit ng tangkay ng datiles at sandalyas. Ito ay maipakakahulugan ng ang paghahagupit ay apatnapung ulit. Ang nasaad buhat sa mga napatnubayang khalīfah na karagdagang [hagupit] doon ay personal na kahatulang tinatamasa ng pinuno. Pagkatapos, noong natapos na ang mga tao sa pagpalo sa kanya, dumalangin laban sa kanya ang iba sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Hiyain ka ni Allah." Ibig sabihin ay dumalangin laban sa kanya ng kahihiyan. Ito ay ang pang-aaba, panghahamak, at panghihiya sa mga tao. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag kayong magsabi sa kanya ng ganyan; huwag ninyong tulungan laban sa kanya ang Demonyo" dahil sila, kapag dumalangin laban dito ng "kahihiyan" ay marahil tugunin. Kaya naman maabot ng Demonyo ang mithi nito at makakamit ang pakay nito at ang layon nito, at ng sa gayon ay hindi malayo ang loob ng sumuway gayon naparusahan na ito.