





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Usāmah bin Zayd malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:Nagpadala ang babaing anak ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ng isang sugo na magsasabi]-Tunay na ang aking anak na lalaki ay naghihingalo,kaya pumunta ka sa amin,Ipinadala niya [ang sugo] upang sabihin ang pagbati at sabihin niyang: ((Kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya.At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon,magtiis ka at humiling sa gantimpala ni Allah )) [Ngunit] Ipinadala niya ito at nangako sa kanya na katotohanang darating siya sa kanya.Tumayo siya at kasama niya sina Sa`ad bin Ubbadah,Mu`adh bin Jabal,Ubayy bin Ka`ab at Zaid bin Thabit,ang iba pang kalalakihan-malugod si Allah sa kanila-Itinaas ang bata sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pina-upo niya ito sa kanyang kandungan habang ang hininga nito ay nag-aagaw buhay,Lumuha ang kanyang mga mata,at nagsabi si Sa`ad: O Sugo ni Allah,ano iyan?Nagsabi siya: ((Ito ay habag,ginawa ni Allah-pagkataas-taas Niya sa mga puso ng kanyang alipin)) At sa isang salaysay: (( sa puso ng sinumang naisin Niya sa kanyang mga alipin,at tunay na nahahabag lamang si Allah sa mga lingkod Niyang mahabagin))
Napagkaisahan ang katumpakanBinanggit ni Usāmah bin Zayd malugod si Allah sa kanya,na ang isa sa mga babaing anak ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpadala sa kanya ng isang taong magsasabi sa kanya na ang lalaking anak nito ay naghihingalo na at siya ay humihiling sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na pumunta. Dumating ang ipinadala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa kanya na, sabihin doon na magtiis at umasa sa gantimpala ni Allah sapagkat "Kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya.At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon". Inutusan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ipinadala ng babaing anak niya na sabihin sa babaing anak niya,- ang ina ng batang ito-, ang mga salitang ito:"Magtiis ka" ibig sabihin ay: sa pagsubok na ito,"at humangad sa gantimpala ni Allah" :ibig sabihin:Umasab ka sa gantimpala ni Allah dahil sa iyong pagtitiis;sapagkat may mga taong nagtitiis subalit hindi naghahangad [sa gantimpala ni Allah],Subalit kapag nagtiis at humangad sa gantimpala ni Alah:Ibig sabihin ay:Ninais niya sa pagtitiis niya na gantimpalaan ni Allah at mabayaran,at ito ang paghahangad ng gantimpala.Sa pagsabi niyang:"Tunay na kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya. Ang pangungusap na ito ay dakila. Kapag ang lahat ng bagay ay kay Allah,Kapag kinuha Niya mula sa iyo ng anuman, iyon ay pag-aari Niya; at kapag pinagkalooban ka Niya ng anuman, iyon ay pag-aari niya. Kaya papaano ka magagalit kapag kinuha Niya mula sa iyo ang anumang bagay na pagmamay-ari Niya mismo? Dahil dito itinuturing na sunnah para sa tao, kapag dinapuan siya ng isang pagsubok, na magsabi:(Tunay na tayo ay kay Allah at tunay na tayo ay sa Kanya magsisibalik). Ibig sabihin: Tayo ay pag-aari ni Allah; ginagawa Niya sa atin ang anumang niloloob Niya.Gayundin, ang minamahal natin, kapag kinuha Niya sa harapan natin, ito ay Kanya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kanya ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya, pati na ang ibinigay sa iyo mismo ay hindi mo pag-aari; ito ay kay Allah.Dahil dito, hindi maaaring tratuhin mo ang ibinigay sa iyo ni Allah maliban sa paraang ipinahintulot sa iyo rito. Ito ay patunay na ang pag-aari natin,kapag ipinagkaloob ito ni Allah sa atin [ay itinuturing] na pansamantala lamang,Hindi natin ito kayang tratuhin batay sa kagustuhan natin.At dahil dito ay sinabi niyang: "Tunay na kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipingakaloob Niya" At kung kay Allah ang kinuha niya papaano ka magngingitngit,at papaano tayo mapopoot kapag kinuha ng nagmamay-ari ang kanyang pag-aari-Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas-Ito ay pagkakaiba ng opinyon at pagkakaiba ng naisulat! Ang sabi niya na "At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon" ang lahat ng bagay sa Kanya ay nakatakda, "sa takdang panahon." ibig sabihin ay sa nakatalaga, Kapag nagkaroon ka ng katiyakan dito na tunay na kay Allah ang kinuha Niya at sa Kanya ang ipinagkaloob Niya at ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon, makukumbinsi ka. Ang huling pangungusap na ito ay nangangahulugang, ang tao ay hindi niya maaaring baguhin ang nakasulat,ang nakatakda: hindi maipapauna at hindi maipahuhuli, Katulad ng sinabi ni Allah-pagkataas-taas Niya: "Bawat kalipunan ay may nakatakdang panahon; kapag sumapit na ang katakdaan nila, wala ni isang oras ang makakaantala rito o di kaya ay wala ni isang oras ang makakapanguna rito." (Qur'an 10:49).Kung ang lahat ng bagay ay nakatakda,hindi mapapangunahan at hindi maantala,walang kabuluhan ang pangangamba at pagkapoot;dahil kahit na mabahala ka man o nagngitngit ka, wala ng mababago mula sa itinakda. Pagkatapos, tunay na ang Sugo ay nagparating sa babaing anak niya sa ipinag-utos niyang iparating doon, subalit inutusan niya ito sa kanya upang hilingin na pumunta siya. Tumayo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, siya at isang pangkat ng mga kasamahan niya. Dumating siya sa anak niya, at inangat niya sa kanya ang bata habang ang hininga nito ay,tumataas at bumababa. Naiyak ang Sugo ni Allah- sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-, at lumuha ang kanyang mga mata, Inakala ni Sa`d bin `Ubādahna ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay umiiyak dahil sa pagkabahala;Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " Ito ay habag"Ibig sabihin: Napaiyak ako dahil sa habag ko sa bata,hindi dahil sa pagkabahala sa mga naitakda,Pagkatapos ay nagsabi siya, sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: "Nahahabag lamang si Allah sa mga lingkod Niyang mahabagin." Dito ay may patunay sa pagpapahintulot sa pag-iyak,bilang habag sa [tinamaan ng] pagsubok
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Siya ay nagsabi:Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babaing umiiyak sa libingan.Nagsabi siya:((Katakutan mo si Allah at magtimpi ka)),Nagsabi siya: Lumayo ka sa akin;sapagkat hindi dumating sa iyo ang [pagsubok], na dumating sa akin.at hindi mo siya kilala;Sinabi sa kanya:Siya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating siya sa pintuan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at wala siyang nakita dito na nagbabantay,Nagsabi siya:Hindi kita nakilala,Nagsabi siya:(( Tunay na ang pagtitimpi ay sa unang pagsubok)) At sa ibang salaysay:((Umiiyak siya dahil sa anak niya))
Napagkaisahan ang katumpakanDumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babaing nasa libingan ng anak niyang namatay,at tunay na mahal na mahal niya ito,Kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na pumunta sa libingan niya upang umiyak sa kanya,At nang makita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipinag-utos niya sa kanya ang pagkatakot kay Allah at ang Pagtitimpi.Nagsabi siya: Lumayo ka sa akin,sapagkat hindi dumating sa iyo ang tulad ng pagsubok [na dumating sa akin],Pagkatapos ay sinabi sa kanya:Tunay na siya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsisi siya,at dumating siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pintuan niya,at wala sa pintuan ang nagbabantay, na siyang humahadlang sa mga tao sa pagpasok sa kanya,Sinabi niya ito sa kanya at Nagsabi siya: Tunay na hindi kita nakilala,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang Pagtitimpi na ginagantimpalaan sa Tao ay ang pagtitimpi sa unang pagdating sa kanya ng pagsubok.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Napag-utusan si Bilal na gawing pares ang pagtawag ng Adhan,at gawing gansal ang Iqamah))
Napagkaisahan ang katumpakanInutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang kanyang taga-tawag ng Azan na si "Bilal-malugod si Allah sa kanya" na gawin niyang pares ang pagtawag ng Adhan sapagkat ito ay upang ipaalam sa mga Hindi nakadalo,Kaya ang gagamitin niya sa pananalita ay dalawahan,At hindi kasali rito ang (Pagbigkas ng Allahu Akbar) sa una nito,dahil tunay na napagtibay na ito ay apatan,at gayundin ang (salitang Kaisahan ni Allah sa Pagkapanginoon) sa huli nito,dahil napagtibay na ito ay isahan.At gayundin,ipinag-utos niya kay Bilal na gawing gansal ang Iqamah,sapagkat ito ay pagpapa-ingat sa mga nakadalo,At ito ay sa pamamagitan ng pagbigkas niya sa pangungusap na isahan,at hindi kasali dito ang (Pagbigkas ng Allahu Akbar),at "Tunay na ititindig ang pagdarsal" dahil tunay na napagtibay na ang [pagbigkas] sa kanila dito ay dalawahan.
Ayon kay Anas bin Malik malugod si Allah sa kanya ((Natagpuan niya si Mulaykah na inimbitahan niya ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Alllah at pangalagaan,sa pagkain na ginawa nito,kumain siya rito,pgkatapos ay nagsabi siya:Tumayo kayo at manalangin ako para sa inyo? Nagsabi si Anas: Tumayo ako sa kama namin na talagang nangitim na dahil sa tagal na paggamit nito,at hinugasan ko ito ng tubig,Tumayo dito ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Alllah at pangalagaan,at naglinya ako at ang ulila sa likod niya,at ang matanda ay sa likod namin,at nagdasal siya para sa amin ng dalawang tindig,pagkatapos ay umalis)) At sa kay Muslim:(( Na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal para sa kanya at sa ina niya,pinatiayo niya ako sa kanan niya at pinatayo niya ang babae sa likod namin))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanInimbitahan ni Mulaykah malugod si Allah sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagkain na ginawa nito,At ibinigay sa kanya ni Allah pagkataas taas niya ang pinaka-mataas na antas ng karangalan at pinakamataas na pag-uugali,at kabilang dito ay ang sobrang pagpapakumbaba,At siya ay nag-aangkin ng napakataas na karangalan at napakataas na pagkatao,Tumutugon sa imbitasyon ng malaki at maliit,at nang lalaki at babae,At nang mayaman at dukha,Gusto niya sa mga ito ang mga layunin na maganda,at mga intensiyon na marangal mula sa pagtugon sa mga puso ng mga nagluluksa,at pagpakumbaba sa mga mahihirap,at pagturo sa mga mang-mang,at maliban pa doon, mula sa mga intensiyon nitong kabutihan.Hanggang sa dumating siya sa may-ari ng imbitasyon na ito ,At kumain siya sa pagkain nito,Pagkatapos ay sinamantala niya ang pagkakataon na ito upang maturuan silang mga mahihina,sila siguro ang mga hindi nakikipagsik-sikan sa mga malalaking tao sa mga pinagpupulungan nitong pinagpala.Inutusan niya sila na tumindig upang makapag-dasal sa kanila,upang matuto sila sa kanya ng pamamaraan sa pagdarasal,at sinadya ni Anas na gamitin ang kama na luma,nangitim dahil sa tagal na pananatili nito at paggamit,at hinugasan niya ito ng tubig,At tumayo siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang magdarasal para sa kanila,at tumayo sa linya si Anas,at ang ulila ay kasama nito,sa isang linya sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at tumayo sa linya ang matanda-may-ari ng imbitasyon-sa likod ni Anas at nang ulila,na magdadasal kasama nila,At nagdasal siya para sa kanila ng dalawang tindig(Raka-ah),Pagktapos ay umalis ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos na magampanan ang karapatan sa pag-imbita at ang pagtuturo,Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At pinagpala tayo ni Allah sa pagsunod sa kanya,sa mga gawain niya at mga pag-uugali niya.
Ayon kay Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na Marfuo-(( Kapag nagpa-alam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid,ay huwag niya itong pigilan.Nagsabi siya:Sinabi ni Bilal bin Abdullah.Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila;Nagsabi siya:Lumapit sa kanya si Abdullah,at minura niya ito ng matinding pagmumura,hindi ko siya narinig na nagmura ng tulad nito kailanman,at nagsabi siya:Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila?)) At sa ibang pananalita:(( Huwag ninyong pigilan ang mga alipin(babae) ni Allah sa mga Masjid ni Allah))
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaIsinalaysay ni Ibn Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:Kapag nagpaalam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid ay huwag niya itong pigilan,upang hindi niya ito mapagbawalan sa kainaman ng Jama`ah(pagsabay sa pagdasal ng karamihan)sa Masjid,at dito ay pagpapahayag sa panuntunan ng paglabas ng babae sa Masjid upang magdasal,na ito ay pinapahintulutan.At ang sa mga anak ni Abdullah bin Umar ay nasa kasalukuyan habang nangyari ang Hadith na ito,at tunay na nakita nito sa kapanahunan na nag-iba sa kapanahunan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pagpapaluwag sa mga kababaihan sa pagpapaganda,kaya`t napunta ito sa pagselos sa pagpapanitili sa mga kababaihan,hanggang sa nasabi niya-na walang layunin na pagtutol sa ipinapahintulot -:Isinusumpa ko sa Allah,pipigilan namin sila-Kung kaya`t ang pagkakaintindi ng ama niya sa pananalita niya, na siya ay tumutotol-dahil sa sagot na ito- sa Sunnah ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napunta ito sa pagkagalit niya para sa Allah at sa Sugo niya,hanggang sa minura niya ito nang matinding pagmumura.At nagsabi siya: Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila?
Ayon kay Anas bin Malik malugod si Allah sa kanya:(( Na ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abu bakar at umar -malugod si Allah sa kanilang dalawa-sila ay nagsisimula sa pagdarasal ng(Alhamdu Lillahi Rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang".At sa ibang salaysay:((Nagdasal ako kasama sina Abubakar at Umar at Uthman,at hindi ko narinig mula sa kanila na nagbasa ng(Bismillaher Rahmaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain".At sa salaysay ni Muslim:((Nagdasal ako sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Abu bakar at umar at Uthman,at sila ay nagsisimula sa (Alhamdu lillahi rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang" at hindi nila binibigkas ang (Bismillaher Rahamaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain" sa unang basa at sa huli nito.))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni Anas malugod si Allah sa kanya:Na sa tagal ng pagsama niya sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at hindi niya paghihiwalay sa kanya at sa mga Khulafa Ra`shedeen,hindi niya narinig mula sa kanila na magbasa ng (Bismillaher Rahmaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain" sa pagdarasal,hindi sa unang pagbasa at hindi rin sa huli nito,subalit sila ay nagsisimula sa dasal nila ng (Alhamdu Lillahi Rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang",at nagkaiba ang opinyon ng mga may kaalaman batay sa pagpapahintulot sa pagbigkas ng Bismillah (Bismillaher Rahmaner Raheem) at sa pagpapahayag nito,sa maraming pananalita,At ang tumpak mula sa pananalita ng mga may kaalaman:Na ang taong nagdarasal ay magbibigkas ng" Bismillaher Rahmaner Raheem" na hindi naririnig bagu magpanimula sa pagbasa ng"Al-Fatihah"sa lahat ng raka`ah(tindig) ng dasal niya,sa dasal na hindi ipinapahayag ang bigkas o ipinapahayag ang bigkas.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikakalat nito ang lihim niya))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ng Marangal na Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kabilang sa may pinakamasamang kalalagyan para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay yaong [taong] nagtatangi ng ganitong pagtataksil,Siya ang taong nagsasadyang ipagkalat ang lihim ng [gawaing] mag-asawa sa bahay,Kung saan ay walang nakakakita rito maliban sa dalawang mag-asawa,Sa Hadith na ito,ay ipinagbabawal sa lalaki ang pagkalat sa anumang pangyayaring nagaganap sa pagitan nilang mag-asawa,mula sa mga bagay na pagtatalik at paglalarawan sa mga detalye nito,at [pagdedetalye] sa anumang ginagawa niya sa asawa, mula sa pananalita at gawa at mga katulad nito.Sapagkat ang karaniwang pagbigkas ng pagtatalik,at walang maidudulot na magandang bagay,at hindi naman kinakailangan [bigkasin] ito ay Makruh [Kinasusuklaman],sapagkat ito ay sumasalungat sa magandang kaasalan.At tunay na nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangaalagaan-"Sinuman ang naniniwala kay Allah sa Kabilang-buhay,ay magsalita ng mabuti o manahimik", At kapag ito ay kinakailangan at magdudulot ng magagandang bagay,tulad nang; pagtanggi niya sa pag-alok nito sa kanya,o nais niyang ipahayag na siya ay walang kakayahang makipagtalik sa kanya,o ang mga tulad pa nito.[Sa ganitong pagkakataon] Hindi Makruh [Kinasusuklaman] ang pagbanggit nito dahil sa ito ay nagdudulot ng kabutihan at ito ay napatunayan sa Sunnah.
Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allah sa kanya malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:((Dumating si Umm Sulaym,asawa ni Abe Talhah-sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah Katotohanang si Allah ay hindi nakikimi mula sa katotohanan,Nararapat ba sa isang babae ang pagligo kapag siya ay nanaginip?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Oo;kapag nakita niya ang tubig))
Napagkaisahan ang katumpakanDumating si Umm Sulaym-Al-Ansariy-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,upang tanungin siya;At nang ang tanong niya ay may kaugnayan sa ari,na siyang ikinahihiya sa pagbanggit nito sa kadalasan,Inuna niya pagtatanong niya ang panimula upang maibgay niy ang tanong niya,upang maging magaan ang kinalalagyan niya sa mga nakikinig.Nagsabi siya"Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-na Siya ang katotohanan,Hindi Niya hinahadlangan ang pagbanggit sa katotohanan,kung saan ay ikinahihiya ang pagbanggit nito dahil sa pagka- mahiyain.Hanggat ang pagbanggit sa mga ito ay may kahalagahan,At nang banggitin ni Umm Sulaym ang panimulang ito na siyang naging dahilan ng pagiging magaan ng tanong niya,Pumasok siya sa pinaka punto ng talakayan;Nagsabi siya: Nararapat ba sa babae ang pagligo kapag siya ay nagkaroon ng imahinasyon sa kanyang pagtulog na siya ay nakikipagtalik?Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Oo,nararapat sa kanya ang pagligo,kapag siya ay nakakita ng lumalabas na tubig sanhi ng pagnanasa.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsanaysay ito sa kanya. Nagsabi ito: {May dumating sa akin na isang babaing may kasamang dalawang babaing anak, humihingi sa akin ngunit hindi nakatagpo sa akin ng iba pa sa iisang datiles. Nagbigay ako nito sa kanya saka naghati naman siya nito sa dalawang babaing anak niya. Pagkatapos tumayo siya saka lumabas. Pumasok naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsanaysay ako sa kanya. Kaya naman nagsabi siya: "Ang sinumang tumatangkilik sa mga batang babaing ito ng anuman saka gumawa ng maganda sa kanila, sila para sa kanya ay magiging isang panakip laban sa Impiyerno."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Ina ng Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito) na may isang babaing dumating sa kanya at may kasama sa kanya na dalawang babaing anak niya. Humiling ito sa kanya na bigyan niya ito ng makakain. Hindi nakatagpo si `Ā'ishah sa piling niya ng iba pa sa iisang datiles. Nagbigay siya nito sa kanya saka naghati siya nito sa dalawang babaing anak niya. Pagkatapos tumayo siya saka lumabas. Pumasok naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsanaysay ako sa kanya kaya nagsabi siya: Ang sinumang nagtangkilik sa mga batang babaing ito ng anuman saka gumawa ng maganda sa kanila, nagdisiplina sa kanila, nagpakain sa kanila, nagpainom sa kanila, nagpadamit sa kanila, at nagtiis sa kanila, sila para sa kanya ay magiging isang panakip at isang pantabing laban sa Impiyerno.