





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi,Nagsabi ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ((Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))
Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya - Napagkaisahan ang katumpakanNaghahatid ng magandang balita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang Ummah na si Allah-Napaka-Maluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,na iibahin niya sila sa palatandaan ng kanilang kainaman at karangalan sa Araw ng Pagkabuhay sa pagitan ng mga ibang Ummah,Sapagkat sila ay darating sa mga nilalang na kumikislap ang mga mukha nila at ang mga kamay nila pati narin ang mga paa nila sa liwanag,at ito ay dahil sa mga bakas mula sa mga bakas ng dakilang pagsamba,ito ang Wudhu,na siyang inu-ulit ulit niya sa marangal na bahagi upang makamtan ang pagkalugod ni Allah at paghahangad sa mga gntimpala Niya.Kung-kaya`t ito ay gantimpala na para lamang sa dakilang Ummah na Muhammadiyyah.Pagkataposay sinabi ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-"Sinuman ang may kakayahan sa pagpapataas ng liwanag na ito ay gawin niya ito" Sapagkat sa bawat pagtaas sa lugar na nahuhugasan mula sa bahagi ng katawan,ay tataas (lalaganap) din ang liwanag sa mukha at sa bahagi ng katawan,Sapagkat ang pagpapalamuti sa liwanag ay lumalaganap sa inaabot ng tubig sa pagsasagawa ng Wudhu,Ngunit ang ipinapahintulot lamang ay ang paghuhugas ng dalawang kamay sa pagsasagawa ng Wudhu hanggang sa dalawang siko at pinapalaganap mula sa siko ,ayon sa pagpapahintulot hanggang sa kalamnan,at paghuhugas sa dalawang paahanggang sa bukong-bukong at pinapalaganap mula sa bukong-bukong ayon sa pagpapahintulot hanggang sa binti sa pagsasagawa ng Wudhu
Ayon kay Abū Nujayd `Imrān bin Ḥuṣayn Al-Khuzā`īy, malugod si Allah sa kanya, may isang babaing kabilang sa [liping] Juhaynah na pumunta sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit ako ng isang takdang parusa kaya ipatupad mo ito sa akin." Ipinatawag ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tagatangkilik niya at nagsabi: "Makitungo ka ng maganda sa kanya at kapag nagsilang siya ay dalhin mo sa akin." Ginawa naman niyon. Ipinag-utos ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [na parusahan] siya kaya iginapos sa kanya ang mga kasuutan niya. Pagkatapos ay ipinag-utos nitong ipataw sa kanya kaya binato siya. Pagkatapos ay nagdasal ito para sa kanya. Nagsabi rito si `Umar: "Nagdarasal ka para sa kanya, o Sugo ni Allah, gayong nangalunya nga siya?" Nagsabi ito: "Talaga ngang nagbalik-loob siya ng isang pagbabalik-loob na kung sakaling hinati sa pitumpo sa mga naninirahan sa Madīnah ay talagang sasapat sa kanila ito. Nakatagpo ka ba ng higit na mainam kaysa sa nag-alay ng sarili niya para kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan?"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay pumuntang isang babaing kabilang sa [liping] Juhaynah sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay buntis. Nangangalunya nga siya, malugod si Allāh sa kanya at ipinabatid niya dito na siya ay nagkamit ng isang bagay na nagsasatungkulin sa kanya ng takdang parusa upang ipatupad ito sa kanya. Kaya ipinatawag ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tagatangkilik niya. Inutusan nito iyon na makitungo ng maganda sa kanya at kapag nagsilang siya ay dalhin siya rito. Noong nagsilang siya, dinala siya ng tagatangkilik niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ipinulupot ang damit niya at itinali ito upang hindi siya mahubaran. Pagkatapos ay ipinag-utos nitong parusahan siya kaya pinukol siya ng mga bato hanggang sa namatay siya. Pagkatapos ay nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa kanya at dumalangin para sa kanya ng panalangin para sa patay. Nagsabi rito si `Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Nagdarasal ka para sa kanya, o Sugo ni Allah, gayong nangalunya nga siya?" Kaya ipinabatid doon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan na siya ay nagbalik-loob nga ng isang pagbabalik-loob na malawak na kung sakaling hinati sa pitumpo sa mga taga-Madīnah ay talagang sasapat sa kanila ito at makikinabang sila rito sapagkat tunay na siya ay dumating na nagsuko ng sarili niya alang-alang sa pagpapakalapit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pagkalas mula sa kasalanan ng pangangalunya kaya mayroon bang higit na dakila kaysa rito?
Mula kay A'isha -kalugdan nawa siya ng Allah- ay nagsabi: ((Noon ay hinuhugasan ko ang Maniy (isperma) mula sa damit ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kaagad siyang lumabas para magsalah (magdasal), at katotohanan ang nakakaibang kulay ng tubig ay nasa kanyang damit)) At sa ibang salaysay: ((Kinukuskos ko ito mula sa damit ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng isang kuskos, at nagdadasal siya rito)).
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni Aieshah -malugod si Allah sa kanya- na Nadidikitan ang damit ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng Tamud (isperma) mula sa pakikipag-talik, minsan ito ay mabasa-basa at hinugusan niya ito sa damit niya ng tubig, at lumalabas siya upang magdasal na ang tubig ay hindi pa gaanong tuyo sa damit nito. At minsan ang tamud ay nagiging magaspang, at sa oras na yaon ay kinukuskos niya ito sa damit niya ng isang kuskos at nagdarasal siya rito.
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga, pagsisigasig, at pagpapanatili kaysa sa dalawang rak`ah na kinukusang-loob na dasal bago ng dasal sa madaling-araw.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-Hadith na Marfu: ((Ang pagdarasal ng Jama`ah [kasama ang mga mananampalataya sa loob ng Masjid],ay higit na mainam mula sa pagdarasal na nag-iisa,nang dalawampu`t pitong beses))
Napagkaisahan ang katumpakanNagpapahiwatig ang Hadith na ito sa pagpapahayag ng kainaman ng pagdarasal na Jama`ah [kasama ang mga mananampalataya sa loob ng Masjid] sa pagdarasal na nag-iisa.Na sa pagdarasal ng Jama`ah [kasama ang mga mananampalataya sa loob ng Masjid]-ay napapaloob rito ang mga dakilang kainaman at mga kabutihan sa pangangatawan-ito ay higit na mainam at higit na may karagdagang [kabutihan] sa pagdarasal na nag-iisa nang dalawampu`t pitong beses na gantimpala,.dahil sa ang pagitan ng dalawang gawain na may malaking pagkakaiba sa pagsasagawa ng layunin,at pagkamit ng mga kabutihan,At walang pag-aalinlangan, na sinuman ang mawala sa kanya ang malaking tubong ito,siya ay inalisan ng karapatan.
Ayon kay Mu`ādhah na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah sapagkat nagsabi ako: "Ano ang mayroon sa nagreregla: nagbabayad-pagsasagawa ng pag-aayuno at hindi nagbabayad-pagsasagawa ng pagdarasal?" Kaya nagsabi siya: "Ḥarūrīyah§ ka ba? Nagsabi ako: "Ako ay hindi Ḥarūrīyah subalit ako ay nagtatanong." Nagsabi siya: "Dumadapo sa amin iyon kaya inuutusan kami ng pagbabayad-pagsasagawa sa pag-aayuno at hindi kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa sa pagdarasal."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagtanong si Mu`ādhah Al-`Adawīya sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat nagsabi ito: "Ano ang mayroon sa nireregla: nagbabayad-pagsasagawa ng pag-aayuno at hindi nagbabayad-pagsasagawa ng pagdarasal?" Kaya nagsabi siya rito: "Ikaw ba ay kabilang sa mga tagapaghimagsik na Ḥarūrīyah na nagpaparami ng mga tanong dahil sa pangungulit at pagpapakahigpit. Nagsabi ako: "Ako ay hindi Ḥarūrīy subalit ako ay nagtatanong." Nagsabi siya: "Dumadapo sa amin ang pagreregla kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya inuutusan kami ng pagbabayad-pagsasagawa sa pag-aayuno at hindi kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa sa pagdarasal."
Ayon kay Abe Ja`far Muhammad bin `Ali bin Al-Husayn bin `Ali bin Abe Talib,Siya at ang ama niya ay kasama si Jabir bin `Abdillah,at kasama nila ang mga tao,Tinanong nila ito tungkol sa pagligo?Nagsabi siya: Ang isang Saa ay sapat na sa iyo,Nagsabi ang isang lalaki:Hindi ito sapat sa akin,Nagsabi si Jabir: Ito ay sapat na mula sa taong higit na makapal sa iyo ang buhok at higit na mainam kaysa sa iyo-Tinutukoy niya rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay nagdasal siya sa amin gamit ang isang damit ,At sa ibang pananalita:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalagay ng tubig sa ulo niya nang tatlong beses))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanSina Abu Ja`far Muhammad bin `Ali at ang ama nito ay kasama ang marangal na kasamahan ng Propeta na si Jabir bin `Abdillah-malugod si Allah sa kanya-at kasama nila ang mga tao,Nagtanong ang isang lalaki mula sa mga tao kay Jabir,kung ilang sukat ng tubig ang magiging sapat na pampaligo para sa taong Junub,Nagsabi siya: Sapat na sa iyo ang isang Saa.At si Hasan bin Muhammad bin Al-Hanafiyyah ay kasama sa mga tao na nandoon kay Jabir,Sinabi niyang:Ang sukat na ito ay hindi sapat para sa akin sa pagligo mula sa pagiging Junub.Nagsabi si Jabir:Ito ay sapat na para sa taong higit na makapal at marami ang buhok kaysa sa iyo,at higit na mainam sa iyo,at siya ay higit na mapagmasid sa iyo sa paglilinis niya at relihiyon niya-ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay paghihimok sa pagsunod sa Sunnah at pag-iwas sa pagwawaldas ng tubig sa pagligo,Pagkatapos ay nagdasal sa kanila si Jabir bilang Imam.
Ayon kay Ziyad bin Jubayr,siya ay nagsabi: Nakita ko si Ibn `Umar na pumunta sa isang lalaking pina-upo nito ang kamelyo niya,kakatayin niya ito,Nagsabi siya: Gawin mo itong nakatayo,na nakatali,Ito ang Sunnah ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
Napagkaisahan ang katumpakanAng Sunnah sa Baka at Tupa at ang iba pa mula rito-maliban sa kamelyo-ay ang pagkatay rito sa lalamunan na nakahiga tagiliran nitong kaliwa,at nakaharap sa Qiblah.Subalit ang kamelyo,Ang Sunnah ay ang pagkatay rito sa leeg ,nakatali ang kaliwa nitong kamay,Dahil sa pamamagitan nito ay nakakapag-pahinga siya,dahil sa bilis ng paglabas ng kaluluwa niya,Kung-kayat nang dumaan si `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-sa isang lalaking,gusto katayin ang kamelyo nitong naka-upo,Sinabi niyang: Gawin mo itong nakatayo,at nakatali,dahil ito ay Sunnah ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siyang naging huwaran sa magandang pag-uugali sa Qur-an,sa [pamamaraan] ng pagkatay nito.Sa Sinabi Niyang: (Kaya`t kapag silay ay maitumba na ninyo) Ibig sabihin: naitumba,At ang pagtumba ay hindi magaganap maliban sa ito ay mula [sa kanyang] pagtindig.
Ayon kay Abe Shurayh Khuwaylid bin `Amr bin Al-Khuza-ie-malugod si Allah sa kanya-At Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((O Allah! Ako ay nangangamba sa karapatan ng dalawang mahina: Ang batang ulila,at ang babae))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Hadith na ito ay nagpapatibay sa unang pamantayan ng relihiyong Islam sa pagiging maawain sa mahihina tulad ng batang ulila at ng kababaihan,at mapapansin sa Hadith na ito na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ganap ang kanyang pangangalaga sa karapatan ng batang ulila at ng kababaihan,sapagkat ang dalawang ito ay walang mataas na katayuan [sa buhay],humihingi sila ng tulong sa kanya at pinapangalagaan niya silang dalawa,Nakaramdam siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pangamba,lungkot,at paghihirap sa sinumang kumukuha sa karapatan nilang dalawa.