





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: ( Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay sumasandal sa sinapupunan ko,Binabasa niya ang Qur-an,at ako ay may regla))
Napagkaisahan ang katumpakanBinanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakasandal sa sinapupunan niya,binabasa niya ang Qur-an,at siya ay may regla.Ito nagpapatunay na ang katawan ng may regla ay dalisay,hindi nagiging marumi dahil sa regla.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh Al-Ansariy, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: ((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Dhuhr sa katindian ng init ng araw,at ng `Asr, na ang araw ay napakaliwanag,at ng Maghrib kapag ito ay lumubog,at ang `Eishah,minsan ay sa oras at minsan ay [sa ibang] oras; Kapag nakita niya sila na natipon,minamadali niya ito,at kapag nakita niya silang nahuhuli,ipinagpapahuli niya ito,At sa Subh,ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal rito sa oras ng paghalo ng liwanag sa dilim))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito ay ipinapahayag ang pinakamainam sa oras ng pagsasagawa ng limang beses na pagdarasal,Ang dasal na Dhuhr: Kapag lumihis ang araw mula sa kalagitnaan ng langit,ito ang oras ng paglihis,ang nang [nakatakdang] oras nito, At ang `Asr:Ay ipinagdarasal habang ang araw ay nananatili sa kanyang liwanag at linaw,hindi ito nahaluan ng kulay dilaw para sa paglubog.at ang sukat nito ay kapag ang anino ng lahat ng bagay ay katulad nito,pagkatapos ng anino sa paglihis. At ang Maghrib: ay idinadasal sa oras ng paglubog ng araw sa pagkawala nito, At ang `Eishah: Ay tinitingnan niya rito ang kalagayan ng mga nagdarasal,Kapag nakadalo silang lahat sa unang oras nito,at ito ang pagkawala ng takipsilim na pula,ay nagdarasal sila.,At kapag hindi sila nakadalo,ipinagpapahuli niya ito hanggang sa paglapit ng unang kalahati ng gabi,dahil ang oras na ito ang siyang pinaka-mainam,kung hindi lamang ang kahirapan. At ang dasal ng Subh,ay isinasagawa sa unang paghalo ng liwanag sa gabi.
Ayon kay Ummu Qays bint Miḥṣan (malugod si Allāh sa kanya): {Na siya ay nagdala ng isang batang lalaking anak niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpaupo naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi ito sa damit niya kaya nanawagan siya ng tubig saka nagwisik siya nito at hindi naghugas nito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoPumunta si Ummu Qays bint Miḥṣan (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang anak niya na hindi pa nagsimula sa pagkain ng pagkain dahil sa pagkabata ng edad nito. Nagpaupo nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi naman ang paslit sa damit niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya humingi siya ng tubig at nagwisik siya nito sa damit niya at hindi siya naghugas nito.
Ayon kay Abe Juhayfah,Wahab bin `Abdillah Assawa-ie-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:(( Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa tolda,sa kanya ay mayroong pula mula sa suot ng Angkan ni Adan,Nagsabi siya:Naglabas si Bilal ng lalagyan [ng tubig para sa Wudhu],kinuha niya ang natitirang tubig at lalagyan.Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na may suot na pulang damit,Para kong nakikita ang maputing dalawang binti niya,Nagsabi siya:Nagsagawa ng Wudhu at Adhan si Bilal,Nagsabi siya:At sinusundan ko ang bunganga ni Bilal sa banda rito at sa banda rito,Sinasabi niya sa may bandang kanan at kaliwa:Humayo kayo sa Pagdarasal,Humayo kayo sa Tagumpay,Pagkatapos ay tumutok ako [sa paghahanap] ng palaso para sa kanya,Nanguna siya at nagdasal ng Dhuhr ng dalawang tindig,Pagkatapos ay nagpanatili siya sa pagdarasal ng dalawang tindig hanggang sa pagbalik niya sa Madinah))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay bumababa sa kapaligiran sa mataas (na lugar sa) Meccah,Lumabas si Bilāl dahil sa kainaman ng pagsasagawa ng Wudhū ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga tao sa kanya ay [nag-aagawan] ng pagpapala,at Pagkatapos ay tumawag ng Ādhān si Bilāl.Nagsabi si Abū Juhayfah: At sinusundan ko ang bunganga ni Bilāl,At siya ay limilingon sa bandang kanan at kaliwa sa pagsasabi niya ng "Humayo kayo sa Tagumpay" upang marinig ng mga Tao,Sapagkat ang dalawang salita ay nakatuon sa pagpunta sa pagdarasal.Pagkatapos ay tinutukan ko (Ang paghahanap) para kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng maikling palaso,upang maging pananggalang sa pagdarasal niya,Nagdasal siya ng Tanghali (Dhuhr) nang dalawang tindig,Pagkatapos ay nagpanatili siya sa pagdasal sa Apat na tindig nang dalawang tindig lamang,hanggang sa nakabalik siya sa Madinah,dahil sa pagiging manlalakbay niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadityh na Marfu: ((Kapag umupo [ang lalaki sa babae] sa pagitan ng apat nitong gilid,pagkatapos ay nakipagtalik rito,tunay na na-oobliga ang pagligo)) At sa isang pananalita: ((Kahit na hindi ito linabasan))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanKapag umupo ang lalaki sa pagitan ng apat na gilid ng babae,ito ang dalawang kamay at ang dalawang paa,pagkatapos ay ipinasok nito ang ari niya sa ari ng babae,tunay na nararapat sa kanilang dalawa ang pagligo mula sa kalagayang Junub,kahit na hindi mangyaring labasan ng tamud;Dahil ang pagpasok nito ay isa sa [mga bagay] na nangangailangan ng Pagligo.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: ((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Al-Fajr,sumasama sa kanya ang mga mananampalataya mula sa mga kababaihan,nakabalot sa mga damit [ na may ibat-ibang kulay],pagkatapos ay umuuwi sila sa kanilang mga bahay,na walang nakakakilala sa kanila dahil sa dilim))
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-na ang mga babaing kasamahan ng Propeta;ay binabalot ang kanilang [mga sarili] sa damit at sumasama sila sa pagdarasal ng Al-Fajr sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umuuwi sila pagkatapos ng dasal sa kanilang mga bahay,habang naghahalo ang liwanag sa dilim,liban sa ang nakakakita sa kanila ay hindi sila nakikilala dahil sa natitirang dilim na humahadlang rito. Taysir Al-Ahkam ni Bassam (86)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumuntang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, ano po sa tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kumuha ng ari-arian ko?" Nagsabi siya: "Kaya huwag kang magbigay ng ari-arian mo." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung makikipaglaban siya sa akin?" Nagsabi siya: "Makipaglaban ka sa kanya." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung nakapatay siya sa akin?" Nagsabi siya: "Ikaw ay martir." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung nakapatay ako sa kanya?" Nagsabi siya: "Siya ay sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimMay pumuntang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, ano po sa tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kumuha ng ari-arian ko?" Nagsabi siya: "Hindi naman inoobliga sa iyo na sumuko ka sa kanya at magbigay ka sa kanya ng ari-arian mo." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung makikipaglaban siya sa akin?" Nagsabi siya: "Pinapayagan sa iyo ang makipaglaban sa kanya." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung nakapatay siya sa akin?" Nagsabi siya: "Ikaw ay martir." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung nakapatay ako sa kanya?" Nagsabi siya: "Siya ay karapat-dapat na parusahan sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi; Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kalalakihan na (nagpapaligsahan) sa paghagis,Nagsabi siya;(( Maghagis kayo mga Anak ng Esrai,Sapagkat tunay na ang Ama ninyo ay Manghahagis))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapahayag ni Salamah bin Al-Akwah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumaan sa mga ilan sa kasamahan niya habang sila ay naghahagisan ng palaso,kung sino ang mananalo sa mga kasamahan nito,Inamin niya sa kanila kung ano ba sila sa kinalalagyan nila datapuwat ay hinimuk niya sila sa pagsasabi niya:"Maghagis kayo mga anak ng Esmail" ibig sabihin ay palagiin ninyo ang paghahagis at panatilihin ninyo ito,sapagkat ito kabilang sa biyaya ni Allah pagkataas-taas Niya sa inyo o mga Anak ni Esmail-ipinapahiwatig: Ang Arabo-dahil ang ama ninyong si Esmail bin Ebrāhim sumakanilang dalawa ang pagpapala ay kabilang sa mga pinag-iigi ang paghahagis at pinagbubuti ito.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang pinakamainam sa mga kawanggawa ay lilim ng kubol alang-alang sa landas ni Allah, kaloob sa isang tagapaglingkod alang-alang sa landas ni Allah, o inahing kamelyo alang-alang sa landas ni Allah."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng hadith: Na ang pinakamainam na maipangkakawanggawa ng tao ay ang tatlong ito: lilim ng kubol o bigay sa isang tagapaglingkod o isang inahing kamelyo na naging karapat-dapat sa lalaking kamelyo. Ang kawanggawa ay ibibigay sa mga nakikibaka sa landas ni Allah o sa iba pa sa kanila na mga nangangailangan sapagkat iyon bahagi ng gawaing alang-alang sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya. Marahil ang kainaman ng mga ito ay dahil sa pangangailangan ng mga tao sa mga ito noong panahong iyon. Ninais ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, paibigin sila sa mga ito. Sa ngayon naman, ang pangangailangan ng mga tao sa mga ito ay maaaring wala na o umiiral sa ilang dako sa kakaunting posibilidad. Ang panuntunan ay nakabatay sa nakararami. Ang hadith na ito ay nakakawangis ng isang hadith ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na sinabi niya: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: O `Ā’ishah, ang isang bahay na walang datiles sa loob nito ay mga gutom ang mag-anak nito." Isinaysay ito ni Muslim. Nagsabi si Shaykh Ibnu Bāz, kaawaan siya ni Allah: "Ito ay pumapatungkol sa ganang mga alagad ng kaalaman sa sinumang bahagi ng pagkain niya ang datiles gaya ng mga naninirahan sa Madīnah noong panahon niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at sa mga kawangis nila na kumakain ng datiles."