





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Al-Barā`, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Pinuntahan ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang lalaking nakamaskara ng bakal at nagsabi: "O Sugo ni Allah, makikipaglaban po ako o yayakap sa Islam?" Nagsabi siya: "Yumakap ka sa Islam, pagkatapos ay makipaglaban ka." Kaya yumakap siya sa Islam. Pagkatapos ay nakipaglaban siya at napatay kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Gumawa siya ng kaunti at binayaran siya ng marami."
Napagkaisahan ang katumpakanMay pumuntang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagnanais na makibaka kasama niya. Ito ay nakasuot ng bakal na bumalot dito samantalang hindi pa ito nakayakap sa Islam at nagsabi: "O Sugo ni Allah, makikibaka ako, pagkatapos ay yayakap ako sa Islam; o yayakap ako sa Islam, pagkatapos ay makikibaka ako?" Nagsabi siya rito: "Yumakap ka sa Islam, pagkatapos ay makibaka ka." Yumakap sa Islam ang lalaki, pagkatapos ay nakibaka. Nakipaglaban siya hanggang sa napatay. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Gumawa siya ng kaunti at binayaran siya ng marami." Nangangahulugan ito na kaugnay sa panahon ng pagyakap niya sa Islam, ang yugto sa pagitan ng pagyakap niya sa Islam at ng pagkapatay sa kanya ay maikling yugto. Sa kabila niyon, may malaking kabayaran dahil ang pakikibaka sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya, para itaas ang salita Niya ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain at pinakadakila sa mga ito sa gantimpala.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dinalasan ko ang paghimok sa inyo sa paggamit ng siwāk."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng hadith: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay madalas humimok sa kalipunan niya sa kahalagahan ng paggamit ng siwāk at ng pananatili sa paggamit nito sa lahat ng mga kalagayan bilang kaibig-ibig na gawain hindi pagsasatungkulin. Iyon ay dahil sa taglay nito na mga malaking pakinabang at mga kabutihan. Kabilang sa pinakakapitagan-pitagan sa mga ito at pinakadakila sa mga ito ay na ito ay kalugud-lugod sa Panginoon, nakapakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Mu`āwiyah bin Abī Sufyān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ni Mu`āwiyah ayon sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagbabawal sa pangungulit sa paghingi. Ibig sabihin: Huwag kayong magpakalabis sa pagpupumilit. Nangungulit sa paghingi kapag nagpupumilit doon. Ang pangungulit na ito ay nag-aalis ng pagpapala sa bagay na ibinigay. Pagkatapos ay nanumpa siya na kapag manghihingi sa kanya ng anuman nang may pangungulit ng isa sa kanila at ibibigay ang hinihingi nito samantalang siya ay naiinis sa pamimilit na magbibigay o sa pagkakabigay na iyon, hindi pagpapalain ito sa ibinigay rito bunsod ng pangungulit.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang mga kabayo, nakatali sa mga noo ng mga ito ang mabuti hanggang sa Araw ng Pagkabuhay." Ayon kay `Urwah Al-Bāriqīy, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: Ang mga kabayo, nakatali sa mga noo ng mga ito ang mabuti hanggang sa Araw ng Pagkabuhay: "Ang mga kabayo, nakatali sa mga noo ng mga ito ang mabuti hanggang sa Araw ng Pagkabuhay: ang gantimpala at ang samsam sa digmaan."
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaAng mga kabayo ay nakadikit sa mga ito ang mabuti hanggang sa Araw ng Pagkabuhay: ang gantimpalang ibinubunga ng pagtatali sa mga ito, na isang naantalang kabutihan, at ang samsam sa digmaan na nakakamit ng nakikibaka mula sa ari-arian ng mga kaaway, na isang napaagang kabutihan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang." Sa isang sanaysay niya: "Ang pagpatay alang-alang sa landas ni Allah ay nagtatakip-sala sa bawat bagay maliban sa utang."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth ay na ang pagkamartir ay nagtatakip-sala sa lahat ng mga pagkakasala, ang maliit sa mga ito at ang malaki sa mga ito, maliban sa utang. Tunay na ang utang ay hindi natatakpang-sala dahil sa bigat ng karapatan ng mga nilikha lalo na ang mga salapi sapagkat tunay ang mga ito ay pinakamahal na bagay sa ganang kanila. Naisasama sa utang ang anumang nauugnay sa pananagutan niya mula sa mga nalabag na karapatan ng mga Muslim gaya ng pagnanakaw, pangangamkam, at pagtataksil. Tunay na ang pakikibaka, ang pagkamartir, at iba pa sa dalawang ito na mga gawain ng kabutihan ay hindi nakapagtatakip-sala sa mga nalabag na karapatan ng mga tao; nagtatakip-sala lamang ito sa mga nalabag na karapatan ni Allah.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi habang siya ay nasa pulpito at bumabanggit ng kawanggawa at pagpipigil sa panghihingi: "Ang kamay na mataas ay higit na mabuti kaysa sa kamay na mababa sapagkat ang kamay na mataas ay ang tagagugol at ang mababa ay ang tagahingi."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoBinanggit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagtatalumpati sa pulpito, ang pagpipigil sa panghihingi. Pagkatapos nagsabi siya: "Ang kamay na mataas na tagagugol na tagapagbigay ay higit na mabuti kaysa sa kamay na mababang tagahingi."
Ayon sa Ina ng mga Mananampalataya, Maymūnah bint Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya: Siya ay nagpalaya ng isang batang babaing alipin at hindi siya nagpaalam sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kaya noong araw niyang nakatoka sa kanya [ang Propeta], nagsabi siya: "Naramdaman mo ba, o Sugo ni Allāh, na ako ay nagpalaya sa batang babaing alipin ko?" Nagsabi ito: "At ginawa mo ba?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Ang Ina ng mga Mananampalataya, Maymūnah bint Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya ay nagpalaya ng isang batang babaing alipin niya dahil sa pagtataglay niya ng kaalaman sa kalamangan ng pagpapalaya alang-alang kay Allāh. Iyon ay nangyari nang hindi siya nagpapabatid sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, o nagpapaalam dito sa pagpapalaya niyon. Kaya noong araw ng toka niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ipinabatid niya rito ang ginawa niya kaya nagsabi ito: "At ginawa mo ba?" Nagsabi siya: "Oo." Hindi nito siya minasama sa ginawa niya nang hindi kinukuha ang pananaw nito, gayon pa man nagsabi ito: "Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat." Ang kahulugan: Maganda ang ginawa mo, gayon pa man, tunay na ikaw, kung sakaling nagkaloob niyon sa mga tiyuhin mo sa ina kabilang sa angkan ng Hilāl, talagang higit na mainam sana at higit na marami sa gantimpala sana dahil sa dulot nito na kawanggawa sa kamag-anak at kaanak.
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))
Napagkaisahan ang katumpakanMayroon isang lalaki na nagkautang sa Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at nakahiram siya sa lalaking ito ng maliit na kamelyo,Dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na naniningil ng pagkakautang sa kanya at naging mapusok siya sa paniningil niya.Kaya ninais ng mga kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na paluin nila ito dahil sa pagiging mapusok niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at masamang pag-asal niya sa kanya, Ang sabi ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan:Hayaan ninyo siyang sabihin ang ninanais niya, at huwag kayong manakit sa kanya,Sapagkat ang nagnamay-ari ng karapatan ay mayroong karapatan sa paniningil ng pagkaka-utang sa Kanya na mabayaran ang utang at ang mga tulad pa nito,subalit may kasamang magandang asal sa paniningil,subalit ang pag-aalipusta,pang-iinsulto at paninirang-puri, ay hindi kabilang sa magandang asal ng Muslim.Pagkatapos ay inutos ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa mga kasamahan niya, na bigyan siya ng kamelyo mula sa mga kamelyo bilang kawanggawa,na katulad ng kamelyo niya sa gulang.Ang sabi nila:Wala kaming matagpuan maliban sa kamelyo na mas malaki sa kamelyo niya.Ang sabi niya:Bigyan ninyo siya ng kamelyo na mas malaki sa kamelyo niya; Dahil ang pinakamainam sa inyo, sa pakikisalamuha sa mga tao,at may pinakamaraming gantimpala, ay yaong may pinakamabuti sa inyo sa pagbabayad ng mga karapatan,sa pinagkakautangan niya o sa iba pa.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya. Nagsabi siya: Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTinatanong ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga Kasamahan niya, na nagsasabi: "Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nangangahulugan ito: Alin sa inyo ang iibigin na ang yaman ng tagapagmana niya na pagmamay-ariin nito kapag wala na siya nang higit sa pagkaibig niya sa yaman niya minamay-ari niya sa buhay niya? Nagsabi sila: "Wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya." Ibig sabihin: Walang taong hindi nakatatagpo sa sarili niya na nakaiibig sa yaman niya na pagsasakatuparan ng mga nais niya at mga mithiin niya. Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya." Ibig sabihin: "Na ang yaman na ginugugol ng tao sa buhay niya para sa sarili niya, matuwid na mga gawain niya tulad ng ḥajj at waqf, pagpapatayo ng paaralan, gusali ng masjid, at ospital, o ginugugol niya sa sarili nila at mag-anak niya, ay ang totoong yaman na matatagpuan niya sa harapan niya sa Araw ng Pagkabuhay. Tungkol naman sa iniimpok niya sa panahon ng buhay niya at ipinagmamaramot niyang gugulin alang-alang kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ito ay magiging yaman ng tagapagmana niya: wala siyang anumang mapakikinabangan dito. Sa kasingkahulugan na ḥadīth ng paksa, [nasaad sa] Isinaysay ni Muslim buhat kay `Abdullāh bin Ash-Shukhayr, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Pinuntahan ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay bumibigkas ng alhākumu -ttakāthur..." Nagsabi siya: "Magsasabi ang anak ni Adan: 'Ang yaman ko, ang yaman ko.' Sasabihin: 'Mayroon ka, o anak ni Adan, bang yaman mo bukod pa sa kinain mo at saka inubos mo, o isinuot mo at saka niluma mo, o kinawanggawa mo at saka pinanatili mo." Hindi nangangahulugan ito na ang tao ay gugugol ng lahat ng yaman niya alang-alang kay Allāh at mananatili siya at ang pamilya niya na nagpapalimos sa mga tao, bagkus ang nilalayon mula sa ḥadīth ay na ang tao, kung papaano siyang nagsisikap na mag-ipon para sa mga tagapagmana kapag wala na siya, gayon din kailangan niyang magsikap na mag-ipon para sa Kabilang-buhay niya sa pamamagitan ng lumabis sa gugulin niya at gugulin ng sinumang umaasa sa kanya tulad ng maybahay, mga anak, at mga magulang dahil ito ay bahagi ng isinatungkuling guguling hindi maiiwasan at kung hindi isasagawa ay magiging nagkakasala. Nagpapatunay roon ang Isinaysay ni Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: O anak ni Adan, tunay na kung ikaw ay magbibigay ng kalabisan, mabuti [ito] sa iyo; at kung ipagkakait mo, masama [ito] sa iyo." Isinaysay ito ni Muslim (2/718) numero 1036.