





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Unahan ninyo ang umaga sa pagsasagawa ng witr."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: Ang pagtuturing na kaibig-ibig ang pagpapahuli sa pagsasagawa ng dasal na witr hanggang sa huling bahagi ng gabi subalit nararapat sa sinumang nagpahuli ng witr niya hanggang sa huling bahagi ng gabi na mag-ingat at magdali-dali sa pagsasagawa nito bago sumapit sa kanya ang madaling-araw dahil ang pinakahuling oras ng dasal sa gabi ay sa pagsapit ng madaling-araw. Kaya kapag sumapit sa kanya ang madaling-araw bago siya nakapagsagawa ng witr, nakalampas sa kanya ang kalamangan nito.
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao. Siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng "May tutuusing isang lalaking..." ay nangangahulugang tutuusin siya ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga gawa niya na nauna niyang ginawa. Ang "kabilang noon sa nauna sa inyo" ay tumutukoy sa mga naunang kalipunan. Ang "ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman" ay tumutukoy sa mga matuwid na gawaing nakapagpapalapit kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang "malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao at siya noon ay nagpapaluwag" ay nangangahulugang nakikipagtransaksiyon siya sa kanila sa pamamagitan ng mga pagtitinda at pagpapautang yayamang siya noon ay mayaman. Ang "Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit" ay nangangahulugang nag-uutos siya sa mga utusan niya sa panahon ng pagsingil ng mga pautang na nasa mga tao na magpakaluwag sa nagigipit na maralita na nagkautang, na walang kakayahang magbayad sa pagsingil sa pamamagitan ng pagpapalugit dito hanggang sa makaluwag, o magpatawad dito sa pagkakautang. Ang "Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya" ay nangangahulugang nagpaumanhin si Allāh sa kanya bilang pabuya sa kanya sa pagmamagandang gawa niya sa mga tao, sa kabaitan sa kanila, at sa pagpapagaan sa kanila.
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya: "Ninais ng Angkan ng Salamah na lumipat sa malapit sa Masjid at nakarating iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay sinabi niya sa kanila: 'Tunay na nakarating sa akin na kayo ay nagnanais na lumipat sa malapit sa Masjid?' Nagsabi sila: 'Opo, o Sugo ni Allāh, ninais nga namin iyon.' Nagsabi siya: 'Angkan ng Salamah, manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo; manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo [papuntang Masjid].''' Sa isang sanaysay: "Tunay sa bawat hakbang [papuntang Masji] ay may isang antas [ng gantimpala]."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nito - Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: Na ang angkan ng Salamah ay nagnais na lumipat mula sa mga tahanan nila na malayo sa Masjid papunta sa mga pook na malapit sa Masjid. Ayaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na maalisan ng populasyon ang Madīnah, gaya ng sanaysay ni Al-Bukhārīy, at ang nais niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay matirahan ito upang lumaki ang tingin sa mga Muslim ng mga mata ng mga Munāfiq at mga Musrhik sa paglawak ng Madīnah. Pagkatapos ay tinanong niya sila: "Tunay na nakarating sa akin na kayo ay nagnanais na lumipat sa malapit sa Masjid?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allāh, ninais nga namin iyon." Nagsabi ang sabi ng Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "...manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo;...'' Sinabi niya ito nang dalawang ulit at nilinaw sa kanila na magkakamit sila sa bawat hakbang ng [gantimpala sa] isang magandang gawa o isang antas. Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang pinakamalaki sa inyo sa gantimpapa ay ang pinakamalayo sa inyo ang bahay [sa masjid]." Sinabi: "Bakit Abū Hurayrah?" Nagsabi siya: "Alang-alang sa dami ng mga hakbang." Isinaysay ito ni Mālik sa Al-Muwaṭṭa' numero 33. Kaya sa tuwing nalalayo ang ang tirahan sa masjid, dahil doon ay may karagdagan sa kalamangan sa mga antas at may paglalaglag ng mga masagwang gawa. Naisasakatuparan lamang ang kalamangang ito kapag nagsagawa ng wuḍū' sa bahay, nilubus-lubos ang wuḍū', naglakad at hindi sumakay; maging iyon ay kakaunti lamang. Ibig sabihin: Maging ang mga hakbang ay kakaunti o marami, tunay na isusulat para sa kanya sa bawat hakbang ang dalawang bagay: mag-aangat sa pamamagitan nito ng isang antas at maglalaglag sa pamamgitan nito ng isang kasalanan. Ayon sa isang lalaki sa mga kasamahan ng Propeta,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo at hinusayan niya ang pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos ay lumabas ito para magdasal, sa tuwing iaangat niya ang kanang paa niya, magsusulat si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, para sa kanya ng isang magandang gawa; at tuwing ilalapag niya ang kaliwang paa niya, magbabagsak si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, mula sa kanya ng isang masagwang gawa. Lumapit man ang isa sa inyo o lumayo [sa masjid]." Isinaysay ito ni Abū Dāwud (56) at itinuring na tumpak ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Abī Dāwud (3/97) bilang 572. Ayon kay Ibnu `Abbās, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Pinuntahan ako ng Panginoon ko, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pinakamagandang anyo - ipinagpapalagay ko na tinutukoy niya na habang natutulog. Sinabi Niya: O Muḥammad, nalalaman mo kung tungkol sa ano ang pinagtatalunan ng Kataas-taasang Kasama? Sinabi ko: Opo; nagtatalo sila tungkol sa mga panakip-sala at mga antas. Nagsabi Siya: Ano ang mga panakip-sala at ang mga antas? Nagsabi siya: Ang pananatii sa masjid pagkatapos ng mga dasal, ang paglalakad papunta sa mga pagtitipon [sa pagdarasal], at ang paglulubos sa wuḍū' sa mga mahirap na sandali..." Isinaysay ito ni Aḥmad sa numero 3484 at itinuring na tumpak ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaghīr wa Ziyādatuhu (1/72). Nagpatunay iyon na ang pagkamit ng mga antas ay naisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng sumusunod: 1. Ang pagpunta sa masjid nang may ṭahārah; 2. Ang pag-asang gagantimpaalan batay sa ḥadīth: "Ang mga gawain ay ayon lamang sa mga layunin at ukol lamang sa tao ang nilayon niya" (Napagkaisahan ang katumpakan); 3. Na lalabas ng bahay nang walang layunin sa paglabas kundi ang sumadya sa masjid; 4. Ang paglalakad at ang hindi pagsakay maliban kung may dahilan. Ngunit kapag ang tao ay may dahilan [na hindi maglakad], walang masama na pumunta sakay ng kotse. Ang hakbang ng kotse ay isang ikot ng gulong nito kapag umikot ang mga gulong nito ng isang ikot. Ito ay isang hakbang dahil sa mga pag-ikot nito umaangat ang nakadiit sa lupa, pagkatapos ay iikot hanggang sa bumalik ang ikalawa sa lupa. Ito ay gaya ng pag-angat ng paa mula sa lupa. Pagkatapos ay ilalagay sa lupa muli. Kaya kapag ang tao ay may dahilan [na hindi maglakad], walang masama na pumunta sakay ng kotse. Ito rin ay bahagi ng mga kalamangan ng paglalakad papunta sa mga masjid; si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay magsusulat para sa tao ng [mga gantimpala ng] mga hakbang sa tuwing pupunta at sa tuwing uuwi.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang sinumang bumangon sa gabi, nagdasal, nanggising ng maybahay niya para magdasal at tumanggi ito dahil sa pananaig ng tulog at tindi ng katamaran, magwiwisik siya sa mukha nito ng kaunting tubig sapagkat ito ay karapat-dapat sa awa ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Gayon din kapag ginawa naman ng babae iyon sa asawa niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "May naparaang isang lalaki kabilang sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang lambak na may isang batis ng tubig tabang kaya ikinatuwa niya ito at nagsabi: Kung bumukod kaya ako sa mga tao at manatili ako sa lambak na ito? Hindi ko gagawin hanggang sa nakapagpaalam ako sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Binanggit niya iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagsabi ito: Huwag mong gawin sapagkat tunay na ang pinananatilihan ng isa sa inyo sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya nang pitumpong taon. Hindi ba ninyo iniibig na magpatawad si Allāh sa inyo at magpapasok sa inyo sa Paraiso? Sumalakay kayo sa landas ni Allāh. Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh sa yugtong dalawang paggagatas sa inahing kamelyo, magiging karapatan sa kanya ang Paraiso."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ang ḥadīth: Na may isang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na naparaan sa isang lambak sa bundok. Sa lambak ay may isang isang bukal na sa loob nito ay may tubig tabang. Ikinatuwa niya ang bukal na iyon at ninais niyang bumukod sa mga tao, manatili sa lugar na iyon, sumamba kay Allāh, at uminom mula sa bukal na iyon ngunit siya ay nagsabi: "Hindi ko gagawin hanggang sa magpaalam ako sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Binanggit niya iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "Huwag mong gawin." Ipinagbawal sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, iyon dahil ang pagsalakay ay isinatungkulin na sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi ito sa kanya: "sapagkat tunay na ang pinananatilihan ng isa sa inyo sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya nang pitumpong taon." Ang kahulugan: Na ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa paglalaan ng sarili sa pagdarasal nang pitumpong taon. Iyon ay dahil sa ang pakikibaka , ang pakinabang nito ay nalilipat sa iba, na salungat naman sa pagdarasal sapagkat ang pakinabang nito ay limitado sa nagsagawa ng pagsamba. " Ang "Hindi ba ninyo iniibig na magpatawad sa inyo si Allāh at magpapasok sa inyo sa Paraiso?" ay nangangahulugang: Kapag kayo ay ibig na magpatawad si Allāh sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magpapasok sa inyo sa Paraiso, kailangan sa inyo ang pagsalakay sa landas ni Allāh bilang mga nagtitiis habang umaasa sa gantimpala [ni Allāh]. Pagkatapos ay nilinaw niya ang kalamangan nito sa sabi niya: "Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, upang itaas ang salita ni Allāh, naging karapatan niya ang Paraiso kahit pa man ang pakikilahok niya sa labanan ay sa loob ng maikling yugto.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: Kapag ang tao ay nasa pagdarasal at mahirap sa kanya ang pagbigkas ng Qur'ān dahil sa pananaig ng antok sa kanya hanggang sa nangyaring hindi na niya nalalaman ang sinasabi niya ay matulog muna siya hanggang sa mawala sa kanya ang antok upang hindi niya mabago at mapalitan ang salita ni Allāh. Marahil siya ay makapagsabi pa ng hindi ipinahihintulot gaya ng pagbaliktad sa mga kahulugan ng Qur'ān at paglilihis sa mga salita nito. Baka pa dumalangin siya laban sa sarili niya. Nasaad sa Ṣaḥīh Al-Bukhārīy ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag inantok ang isa sa inyo sa dasal ay matulog siya upang malaman niya ang binibigkas niya."
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may isang pintuan kabilang sa mga pintuan ng Paraiso na tinatawag na pintuan ng Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Ipananawagan: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila at papasok sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok ang kahuli-hulihan sa kanila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] tulog maliban sa siya`y makikita mo.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng Hadith: Ipinapahayag sa atin ni Anas-malugod si Allah sa kanya-ang kalagayan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pag-aayuno niya at pagdarasal.Sinasabi niyang siya ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan,hanggang sa akalain ng mga tao na siya nag-ayuno rito kahit na isang beses lang,dahil sa dami ng hindi niya pag-aayuno rito. At nag-aayuno siya hanggang sa iisipin na wala siyang sinisirang pag-aayuno rito,dahil sa dami ng pag-ayuno niya rito,At gayunding hindi siya nagtatalaga ng tiyak na oras-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagdarasal ng gabi,Subalit minsan ay nagdarasal siya sa unang bahagi ng gabi,at minsan ay gitna nito,at minsan ay sa huli nito.Hanggang sa walang gabing gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya ay makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] tulog maliban sa siya`y makikita mo.Ang gawain niya ay sa pagitan ng pagmamalabis at kapabayaan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking umiyak dahil sa takot kay Allah malibang bumalik ang gatas sa suso. Hindi magtatagpo ang alabok sa [digmaan] alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinabatid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hindi papasok sa Impiyerno ang sinumang umiyak dahil sa takot kay Allah dahil ang kadalasan sa pagkatakot ang pagsunod sa pagtalima at ang pag-iwas sa pagsuway, malibang bumalik ang gatas sa suso. Ito ay bahagi ng pagkakapit ng [resulta] sa imposibleng [kondisyon]. Hindi magtatagpo sa isang tao ang alabok ng pakikipaglaban alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno sapagkat para bang ang dalawang ito ay magkasulangatan na hindi nagtatagpo kung paanong ang Mundo at ang Kabilang-buhay ay magkataliwas.