





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNaglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang isa kabilang sa mga tao ay magtrabaho ng alinmang trabaho kahit pa man kumuha siya ng isang lubid saka magtipon siya sa pamamagitan nito ng panggatong na papasanin sa likod niya saka magtinda nito at makakain mula rito o magkawanggawa sa pamamagitan nito at magwalang-pangangailangan sa pamamagitan nito sa mga tao at makapagsanggalang ng mukha niya sa kahamakan ng panghihingi ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa humingi sa mga tao saka magbibigay man sila sa kanya o magkakait man sila sa kanya. Ang panghihingi sa mga tao ay nakahahamak samantalang ang mananampalataya ay kamahal-mahal hindi kahamak-hamak.
Ayon kay Umm Kulthūm bint `Uqbah bin Abī Mu`īṭ, malugod si Allah sa kanya: "Hindi palasinungaling ang nagpapakasundo sa mga tao sapagkat nagpaparating siya ng kabutihan o nagsasabi ng kabutihan." Sa isang sanaysay ni Imam Muslim ay may dagdag: Nagsabi siya: "Hindi ko narinig na nagpapahintulot ng anuman mula sa sinasabi ng mga tao na kasinungalingan maliban sa tatlo: ang digmaan at ang papagkasundo sa mga tao, ang pakikipag-usap ng lalaki sa maybahay niya, at ang pakikipag-usap ng babae sa asawa niya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng orihinal na patakaran ay na ang kasinungalingan ay ipinagbabawal batay sa sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay sa kahalayan at tunay na ang kahalayan ay pumapatnubay sa Impiyerno. Hindi tumitigil ang tao na nagsisinungaling at naglalayon ng pagsisinungaling hanggang sa isulat siya kay Allah bilang isang palasinungaling." Isinalaysay ito ni Imam Muslim. Subalit hindi isinama sa pagsisinungaling ang tatlong bagay: ang pagsisinungaling para pagkasunduin ang mga tao, ang pagsisinungaling sa digmaan, at ang pakikipag-usap ng lalaki sa maybahay niya. Tungkol sa tatlong bagay na ito, nasaad sa Sunnah ang pagpapahintulot sa pagsisinungaling kaugnay sa mga ito dahil mayroon itong kabutihan na hindi nagreresulta doon ng mga kasiraan. Una. Ang pagsisinungaling ala-alang sa pagpapakasundo sa dalawang tao o dalawang liping magkatunggali: ipararating ang mabuting pananalita, isasaysay sa isa sa kanila na ang katunggali niya ay pumuri sa kanya, nagsalita ng maganda sa kanya, at bumanggit sa kanya sa magandang mga paglalarawan gayong hindi naman ito narinig mula sa kanya ngunit ang layon ay paglapitin sila at alisin ang anumang pagkainis at pagkailang. Ito ay ipinahihintulot at walang masama rito hanggat ang nilalayon ay ang pagkakasundo at ang pag-aalis sa mga kaluluwa ng anumang awayan, pagkamuhi, at pagkasuklam. Ikalawa: Ang pagsisinungaling sa digmaan: nagpapalitaw mula sa sarili ng lakas, nagsasalita ng ikatatalas ng paningin ng mga kasamahan at ipinanggugulang sa kaaway, o nagsasabi sa hukbo ng mga Muslim na ang dami ng panalangin nila ay malaking ayuda, o nagsasabi: Tingnan mo ang nasa likuran mo sapagkat si Polano ay pumanta sa iyo mula sa hulihan mo upang tirahin ka. Ito rin ay ipinahihintulot dahil sa taglay nito na malaking pakinabang sa Islam at mga Muslim. Ikatlo: Ang pagsisinungaling ng lalaki sa maybahay niya at ang kabaliktaran, tulad ng pagsasabi ng lalaki sa maybahay niya: Ikaw ay pinakamamahal ko at ang tulad mo lamang ang gugustuhin ko, at anumang kawangis nito na mga pananalitang nagbubunsod ng pagpapalagayang-loob at pag-iibigan nila. Ang babae ay magsasabi sa asawa ng tulad niyon. Ito ay ipinahihintulot din dahil sa taglay nito ng mga kabutihan. Ang pagsisinungaling sa mag-asawa ay nililimitahan sa ikapananatili ng pagpapalagayang-loob at pag-iibigan nila at pananatili ng pagsasama. Hindi ito ipinahihintulot sa lahat ng pagkakataon. Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah: "Tungkol naman sa pagsisinungaling ng lalaki sa maybahay niya at pagsisinungaling ng babae sa asawa niya, ang nilalayon nito ay ang pagpapakita ng pagmamahalan, pangakong hindi nag-oobliga, at tulad nito. Tungkol naman sa panlilinlang kaugnay sa pagkakait sa karapatan ng asawa at karapatan ng babae o sa pagkuha ng hindi naman ukol sa lalaki o ukol sa sa babae, ito ay ipinagbabawal ayon sa napagkasunduan ng mga Muslim." Mula sa Sharḥ Muslim ni An-Nawawīy (158/6). Nagsabi si Al-Ḥāfiđ, kaawaan siya ni Allah: "Napagkaisahan nila na ang nilalayon ng pagsisinungaling sa panig ng babae at lalaki ay kaugnay sa anumang hindi mag-aalis ng isang karapatan para sa lalaki o para sa babae, o ang pagkuha ng hindi ukol sa lalaki o ukol sa babae."
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Walang isang papasok sa Paraiso na iibiging bumalik sa Mundo at magkamit ng anumang nasa Lupa maliban sa martir. Minimithi niyang bumalik sa mundo at mapapatay nang sampung ulit dahil sa nakikita niyang karangalan." Sa isang sanaysay: "dahil sa nakikita niyang kalamangan ng pagkamartir."
Napagkaisahan ang katumpakanWalang isang magmimithi o nanaising mawalay sa Paraiso matapos makapasok doon at bumalik sa Mundo muli. Kahit pa man ibigay sa kanya ang buong Mundo kalakip ng nilalaman nito ng mga kayamanan at mga mamahaling bagay at nasa ibabaw nito na mga palasyong mataas at mga hardin ng pagkamayaman. Pagkatapos ay ibinukod mula roon ang martir sapagkat tunay na siya ay ibig bumalik sa Mundo nang sampung ulit upang makibaka sa tuwina sa landas ni Allāh at maging martir kaya naman matatamo niya dahil sa pagkamartir ang gantimpalang sampung ulit kapalit ng isang ulit. Iyon ay dahil sa nakikita niyang karangalang nakakatagpo ng mga martir.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Sinabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka." Nagsabi siya: "Hindi ko natatagpuan iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Nagsabi ito: "Sino po ang makakakaya niyon?"
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakanSa ḥadīth na ito, sa dalawang pagkasanaysay nito, nagtanong ang mga Kasamahan sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa isa sa mga gawain ng pagpapakabuti at mga pagtalima na nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa kabayaran at gantimpala. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ninyo makakaya iyon." Nangangahulugan itong ang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka ay wala kayong lakas doon. Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nilinaw niya sa kanila ang gawaing iyon na hindi nila makakaya. Iyon ay ang pananatili sa pag-aayuno, pagdarasal sa gabi, at pagbigkas ng Qur'ān nang walang pananamlay ni pagkaputol. Walang dudang ito ay wala sa kakayanan ng tao. Dahil dito, nagsabi ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga sa pasimula: "Hindi ninyo makakaya iyon." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na humiling sa kanya na gabayan sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka sa kalagayan nito, halaga nito, at bigat ng kabayaran nito at gantimpala nito. Nagsabi siya rito: "Hindi ko natatagpuan iyon." Nangangahulugan: "Hindi ako nakatatagpo ng isang gawaing nakatutulad sa pakikibaka at nakapapantay rito." Nasaad sa Ṣaḥīḥān: "Talagang ang paglisan sa umaga sa landas ni Allāh o ang paglisan sa gabi ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa loob nito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Ang kahulugan: "Makakaya mo ba na sa sandaling lumabas ang nakikibaka mula sa bahay niya para makibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na pumasok ka sa masjid mo at manatili ka roon para sa pagsambang sa paraang palagian: babangon ka sa gabi para magdasal nang walang pagkaputol, at ipagpapatuloy mo ang pag-aayuno nang walang paghinto? Kapag nangyaring ito ay posible, tunay na ito lamang ang nakatutumbas sa pakikibaka." Sa sandaling iyon, nagsabi ang lalaki: "Sino po ang makakakaya niyon?" Nangangahulugan: "Sino ang nakakakaya sa pagpapatuloy sa pagdarasal nang walang pagkaputol at sa pag-aayuno nang walang paghinto. Walang dudang iyon ay bagay na higit sa makakaya ng tao."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nag-alaga ng isang kabayo alang-alang sa landas ni Allāh bilang pananampalataya kay Allāh at paniniwala sa pangako Niya, tunay na ang pakain rito, ang painom rito, ang dumi nito, at ang ihi nito ay nasa timbangan niya sa Araw ng Pagkabuhay."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyAng kahulugan ng ḥadīth: Ang sinumang nag-ukol ng isang kabayo para sa pakikibaka sa landas ni Allāh at bilang paghahangad sa kaluguran Niya upang makidigma sakay nito ang mga mandirigma sa paghahangad ng lugod ng mukha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at pagpapatotoo sa pangako Niyang ipinangako Niya kung saan nagsabi Siya (Qur'ān 8:60): "Ang ginugugol ninyo na anuman sa landas ni Allāh ay magtutumbas Siya sa inyo." Tunay na si Allāh ay maggagantimpala sa kanya para sa bawat anumang kinakain nito o iniinom nito o inilalabas nito na ihi o dumi, hanggang sa ilagay ito para sa kanya sa timbangan ng mga magandang gawa niya sa Araw ng Pagkabuhay. Sa mahabang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga kabayo ay tatlo [ang uri]: ang mga ito para sa tao ay pabigat, ang mga ito para sa tao ay panakip, ang mga ito para sa tao ay kabayaran."...Pagkatapos ay nagsabi siya: "Yaong ang mga ito para sa kanya ay gantimpala ay isang lalaking nagtali ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh para sa mga alagad ng Islām sa kaparangan o hardin. Walang kinain ang mga ito mula sa kaparangan o harding iyon na anuman malibang itinala para sa kanya ang bilang ng kinain ng mga ito bilang mga magandang gawa at itinala para sa kanya ang bilang ng mga dumi ng mga ito at mga ihi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Walang pinuputol ang mga ito na panali sa mga ito at nagtatakbo ang mga ito ng isang ikot o dalawang ikot malibang nagtala si Allāh para sa kanya ng bilang ng mga bakas ng mga ito at mga dumi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Walang naidaan sa mga ito ang may-ari ng mga ito sa isang ilog at uminom ang mga ito mula roon habang hindi niya ninanais na painumin ang mga ito malibang nagtala si Allāh para sa kanya ng bilang ng ininom ng mga ito bilang mga magandang gawa.
Ayon kay Muaz-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi;((Sinuman ang makipaglaban sa landas ni Allah mula sa kalalakihan ng mga Muslim- sa mga oras na aabutin nang dalawang beses sa paggatas ng isang kamelyo,ay nararapat para sa kanya ang Paraiso,at sinuman ang nagtamo ng sugat para sa landas ni Allah o nagdusa dahil sa natamo nitong pinsala,darating sa Araw ng Pagkabuhay ( na ang kanyang dugo) ay mas marami pa kaysa dati nito,ang kulay nito ay magmumula sa kulay ng Saffron,at ang amoy nito ay tulad ng pabango))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyWalang sinuman na Muslim na makikipaglaban sa landas ni Allah kahit sa konting oras lamang tulad nang oras sa pagitan ng dalawang beses na paggatas,at ang ibig sabihin nito ay,ang pagpapagatas sa kamelyo pagkatapos ay iiwan ito upang makapag-pasuso sa (batang kamelyo)Pagkatapos ay babalik siya upang suso(ng kamelyo) upang gatasan ito ulit;maliban sa mararapat sa kanya ang Paraiso,at sinuman ang masugatan sa landas ni Allah pagkataas-taas Niya,tulad nang sinumang nahulog sa kabayo nito pagkatapos ay nasugatan siya o napalo ng tabak o maliban pa doon kahit na ito ay nagtamo ng maliit na sugat lamang,darating siya sa kabilang buhay na ang sugat niya ay dadanak ito ng dugo na mas marami kaysa dati,na kulay nito ay magmumula sa kulay ng Saffron at lalabas rito ang napakabangong mga amoy na kasing-amoy ng pabango.
Ayon kay Sālim bin `Abdillāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanila, ayon sa ama niya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi." Nagsabi Sālim: "Kaya si `Abdullāh noon matapos niyon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si `Abdullāh bin `Umar ay isang matuwid na lalaki at itinangi niya ito sa pagbanggit sa pagbangon sa gabi para magdasal. Kaya siya noon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti.
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.
Napagkaisahan ang katumpakanAng ḥadīth na ito ay may kuwento at ito ay pinaikli rito: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay "bumili mula sa kanya ng isang kamelyo..." Nangangahulugan ito: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula kay Jābir, malugod si Allāh dito, ng isang kamelyo. Ang "kaya tumimbang para sa kanya [ng bayad]" ay nangangahulugan: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay tumimbang para sa kanya ng halaga ng kamelyo. Ito ay bahagi ng palihis na pagtukoy sapagkat tunay na ang totoong tagapagtimbang sa ḥadīth na ito ay si Bilāl, malugod si Allāh dito, ayon sa utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gaya ng nasa orihinal ng ḥadīth: "inutusan niya si Bilal na tumimbang para sa akin sa wuqīyah, kaya tumimbang ito para sa akin at nagpakiling ito sa timbang." Nangangahulugan ito: Nagdagdag siya sa timbang ng [bayad] higit sa karapat-dapat kay Jābir, (r), para sa halaga ng kamelyo. Sila dati, noong una, ay nakikipagpalitan ng mga salapi ayon sa timbang hindi sa bilang bagamat nakikipaglitan din sila ng mga ito sa bilang sublit ang madalas ay sa timbang.
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-adya ka sa kapatid mo habang nang-aapi o habang inaapi." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, mag-aadya ako sa kanya kapag siya ay naging inaapi. Kaya ano po sa tingin mo kapag siya ay naging nang-aapi, papaano po akong mag-aadya sa kanya?" Nagsabi siya: "Hahadlang ka sa kanya – o pipigil ka sa kanya – sa pang-aapi sapagkat tunay na iyan ay pag-aadya sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyNag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na mag-adya ito sa kapatid nitong Muslim maging iyon man ay nang-aapi o inaapi. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, mag-aadya ako sa kanya kapag siya ay naging inaapi sa pamamagitan ng pagpawi ng pang-aapi sa kanya. Kaya ano po sa tingin mo kapag siya ay naging nang-aapi, magiging papaano po ang pag-aadya ko sa kanya?" Nagsabi siya: "Sasaway ka sa kanya, hahawak ka sa mga kamay niya, hahadlang ka sa kanya, at pipigil ka sa kanya sa pang-aapi sapagkat tunay na iyan ay pag-aadya sa kanya laban sa demonyo at laban sa sarili niyang palautos ng kasagwaan."