





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: "Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya." Sa isang sanaysay batay kay Imām Al-Bukhārīy: "ang sinumang walang bahagi sa kanya sa Kabilang-buhay."
napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niyaIpinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang sutla ay hindi isinusuot ng mga lalaki maliban ng sinumang walang parte sa kanya at walang bahagi sa kanya sa Kabilang-buhay. Ito ay nagsasaad ng isang matinding banta dahil ang sutla ay kabilang sa kasuutan ng mga babae at kabilang sa kasuutan ng mga maninirahan sa Paraiso. Walang nagsusuot nito sa Mundo maliban sa mga may pagmamalaki, paghanga sa sarili, at kapalaluan. Dahil dito, ipinagbawal niya ang pagsusuot nito. Ang pagbabawal ay nauukol sa natural na sutla subalit nararapat sa lalaki na hindi magsuot kahit pa ng artipisyal na sutla dahil sa taglay nito na pagkabinabae at pagwawangis sa mga masuwayin.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: Noong araw ng Khybar, may dumating na isang pangkat mula sa mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Si Polano ay martir, si Polano ay martir," hanggang naparaan sila sa isang lalaki at nagsabi sila: "Si Polano ay martir," kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aba'y hindi; tunay na ako ay nakakita sa kanya sa Impiyerno dahil sa isang balabal na inumit niya o isang kapa."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: Noong araw ng paglusob sa Khaybar, may dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mga tao mula sa mga Kasamahan niya, habang sila ay nagsasabi: "Si Polano ay martir, si Polano ay martir," hanggang sa naparaan sila sa isang lalaki at nagsabi sila: "Si Polano ay martir," kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aba'y hindi; tunay na ako ay nakakita sa kanya sa Impiyerno dahilan sa isang balabal na itinago niya , na ninanais niyang ilaan para sa sarili niya kaya parurusahan siya dahil doon sa apoy ng Impiyerno." Nawala sa kanya ang dakilang katangiang ito, ang pagkamartir sa landas ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, alin ang kawanggawa na pinakamabigat sa kabayaran?" Nagsabi siya: "Na magkawanggawa habang ikaw ay malusog na maramot, na kinatatakutan mo ang karalitaan at minimithi mo ang pagyaman, at huwag mong ipagpaliban hanggang sa nang umabot na [ang kaluluwa] sa lalamunan ay saka mo sasabihing para kay Polano ay ganito, para kay Polano ay ganito, gayong ito ay naging para na kay Polano."
Napagkaisahan ang katumpakanMay pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatanong sa kanya ng pinakamainam na kawanggawa kaya nagsabi siya rito: "Na magkawanggawa ka habang ikaw ay malusog ang katawan, na maramot ang sarili, na pinangangambahan mo ang karalitaan kung tumagal sa iyo ang buhay mo, at hinahangad mo ang pagyaman; at huwag mong antalain ang pagkakawanggawa hanggang sa nang dumating na sa iyo kamatayan at nalaman mong ikaw ay lilisan na sa Mundo ay saka mo sasabihing para kay Polano ay ganitong salapi bilang kawanggawa o habilin at para kay Polano ay ganitong salapi bilang kawanggawa o habilin, gayong ang yaman ay naging para na sa nagmana sa iyo." Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 2/29-30. Dalīl Al-Fāliḥīn, 2/52-53.
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumuha ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sutla sa kaliwang kamay niya at ng isang ginto sa kanang kamay niya, pagkatapos nag-angat siya kalakip ng dalawang ito ng mga kamay niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu MājahKumuha ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang damit na yari sa sutla o isang piraso mula rito sa kaliwang kamay niya at kumuha siya ng isang ginto mula sa isang alahas o nakawangis nito sa kanang kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na ang sutla at ang ginto ay bawal ang pagsusuot ng dalawang ito sa mga lalaki. Hinggil naman sa mga babae, ang dalawang ito ay pinahihintulutan sa kanila."
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May nag-anyayang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa pagkaing ginawa nito para sa kanya bilang ikalima sa limang [inanyayahan] ngunit sinundan sila ng isang lalaki. Noong nakaabot ito sa pintuan, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito." Nagsabi iyon: "Bagkus, nagpapahintulot po ako sa kanya, o Sugo ni Allāh."
Napagkaisahan ang katumpakanMay nag-anyayang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa pagkaing lima silang inanyayahan ngunit sinundan sila ng isang lalaki kaya sila ay naging anim. Noong nakarating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa tahanan ng nag-anyaya, nagpaalam siya para sa ikaanim na lalaki. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito." Pinahintulutan ng may-ari ng paanyaya ang lalaki bilang pagpaparangal sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at sa sinumang kasabay niya.
Ayon kay Ka`b bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain noon sa pamamagitan ng tatlong daliri: ang hinlalato, ang hintuturo, at ang hinlalaki. Ito ay nagpapatunay sa kawalan ng katakawan at kasibaan sa pagkain. Kapag natapos siya sa pagkain niya, dinidilaan niya ang mga daliri niya. Kaya ang itinuturing na kaibig-ibig ay na ang pagkain ay sa pamamagitan ng tatlong daliri malibang kapag ang pagkain ay hindi maaaring hawakan ng tatlong daliri kaya naman sa pamamagitan ng anumang madali.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi :((Kasama kami ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa paglalakbay,ang iba sa amin ay nag-ayuno at ang iba ay hindi.,Nagsabi siya:Nagpahinga kami sa isang lugar sa napakainit na araw,at ang may pinakamarami sa amin na masisilungan ay yaong may maraming damit,at ang iba sa amin ay nagtatakip ng kamay niya dahil sa init ng araw.Nagsabi siya:Bumigay ang mga nag-ayuno,at tumayo ang mga hindi nag-aayuno,at nagpatayo sila ng mga tolda,pina-inom ang mga kamelyo,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nag-unahan ang hindi nag-aayuno sa araw na ito sa mga gantimpala"
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga kasamahan ng Propeta,ay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isa sa kanyang paglalakbay,ang ilan sa kanila ay hindi nag-ayuno at ang ilan naman ay nag-ayuno.At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tumitingin sa kanila sa bawat kalagayan nito,Bumaba sila sa napakainit ng panahon upang makapag-pahinga mula sa hirap ng paglalakbay at tindi ng init ng araw,At nang bumaba na sila sa matinding init ng araw na ito,bumigay ang mga nag-ayuno dahil sa tindi ng init at uhaw,hindi nila kayang magtrabaho,Tumayo ang mga hindi nag-ayuno,at nagpatayo sila ng mga bahay-bahayan ,sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tolda at maliliit na bahay,At pina-inom nila ang mga kamelyo,at pinagsilbihan nila ang mga kapatid nilang nag-aayuno,At nang makita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang ginawa nila,at ang mga ginawa nilang pagsisilbi sa mga mandirigma,naghikayat siya sa kanila at ipinahayag niya ang kainaman nila at nagsabi siyang: "Nag-unahan ang hindi nag-ayuno sa araw na ito sa mga gantimpala"
Ayon kay `Abdullāh bin Zayd bin `Āṣim, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Noong ibinigay ni Allāh sa Sugo Niya ang nasamsam sa digmaan sa araw ng Ḥunyan, hinati-hati niya ito sa mga tao at napalulubag-loob ang mga puso ngunit hindi siya nagbigay sa Anṣār ng anuman kaya para bang siya ay nalungkot para sa sarili nila yamang hindi niya sila nabigyan ng ibinigay niya sa mga tao. Kinausap niya sila: "O pulutong ng Anṣār, hindi ko ba kayo natagpuang mga naliligaw at pinatnubayan kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Kayo noon ay mga nagkakahati-hati at pinagbuklod kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Mga dahop at binigyan kayo ng kasapatan ni Allāh sa pamamagitan ko?" Sa tuwing may sinabi siya, nagsasabi sila: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit ay higit na mapagkaloob. Nagsabi siya: Ano ang pumipigil sa inyo sa pagtugon sa Sugo ni Allāh. Nagsabi sila: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na mapagkaloob. Nagsabi: Kung sakaling niloob ninyo, talagang sinabi sana ninyo: Pumunta ka sa amin na ganito at ganiyan. Hindi ba kayo nalulugod na umaalis ang mga tao kasama ang mga tupa at ang mga kamelyo at aalis kayong kasama ang Sugo ni Allāh patungo sa mga tinatahanan ninyo? Kung hindi sa paglikas talagang ako sana ay naging isang lalaking kabilang sa Ānṣār. Kung sakaling pumaloob ang mga tao sa isang lambak o isang daanang bundok, talagang pumaloob na sana ako sa lambak ng Ānṣār at daanang bundok nila. Ang Ānṣār ay mga damit panloob at ang mga tao ay mga damit panlabas.Tunay na kaya ay makatatagpo matapos ko ng pagtatangi-tangi kaya magtitiis kayo hanggang sa makatagpo ninyo sa lawa.
Napagkaisahan ang katumpakanNoong nagbukas si Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng maraming samsam sa digmaan sa labanan sa Ḥunayn at matapos na itinigil niya ang pagkubkob sa Ṭā'if, binalikan niya ang mga samsam sa digmaan, na ang pinakamarami sa mga ito ay mga hayupan yamang natipon ang higit sa 40,000 kamelyo at 125,000 tupa. Nagbigay ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga taong bagong yakap sa Islām upang mabuklod sila ngunit tinutulan iyon ng ilan sa Anṣār. Ang mabubuti sa kanila ay nakaaalam na ang pakikitungo ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pakikitungo ayon sa karapatan. Noong nakaabot sa kanya ang sinasabi nila yamang nagsabi ang ilan sa kanila: Nagbibigay ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng samsam sa mga tao na tumutulo ang mga tabak natin ng mga dugo ni Allāh at iniiwan niya tayo. Ipinag-utos ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na tipunin sila sa harap niya sa isang kupola. Nagtipon sila at nagsabi siya: "May sinasabing nakaabot sa akin tungkol sa inyo..." Pinagsabihan niya sila at kinilala niya sa kanila ang ipinagkaloob nilang tulong sa kanya at sa Islām na inihatid niya. Bumuti ang pakiramdam nila at nalaman nila dahil doon ang malaking inilaan ni Allāh para sa kanila na pagiging kasamahan ng Sugo Niya at pagbabalik nila kasama niya mga tinatahanan nila, karagdagan pa sa inilaan ni Allāh para sa kanila sa tahanan sa Kabilang-buhay dahil sa ipinagkaloob niya at inialay nila Inutusan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magtiis sa makatatagpo nila matapos niya na kanya na pagtatangi-tangi.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa kalagitnaang sampung araw ng Ramaḍān. Nagsagawa siya ng i`tikāf nang isang taon hanggang sa nang sumapit ang gabi ng dalawampu't isa, ang gabi na lumalabas siya noon sa umaga nito mula sa i`tikāf niya. Nagsabi siya: "Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung araw at hanapin ninyo ito sa bawat gansal [na gabi]." Umulan ang langit nang gabing iyon. Ang masjid ay anyong barongbarong. Natuluan ang masjid. Nakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa noo niya ay may bakas ng tubig at putik nang umaga ng dalawampu't isa.
Napagkaisahan ang katumpakanNagpapabatid si Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya, na ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa kalagitnaang sampung araw ng Ramaḍān sa paghahangad sa Laylatulqadr. Nagsagawa siya ng i`tikāf nang isang taon gaya ng kaugalian niya hanggang sa nang sumapit ang gabi ng dalawampu't isa, ang gabi na lumalabas siya noon sa umaga nito mula sa i`tikāf niya. Nalaman niya na ang Laylatulqadr ay nasa huling sampung araw. Nagsabi siya sa mga kasamahan niya: "Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay ipagpatuloy niya ang i`tikāf niya at magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw." Ipinabatid niya na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagpabatid nito sa kanya sa panaginip. Pagkatapos ay ipinalimot sa kanya ngunit nakita niya sa panaginip na ito ay may mga tanda sa taon na iyon. Ito ay ang pagpapatirapa niya sa dasal sa madaling-araw sa tubig at putik. isinakatuparan ni Allāh ang panaginip ng Propeta Niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Umulan ang langit nang gabi ng ikadalawampu't isa. Ang masjid niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay naitayo gaya ng anyo ng barongbarong. Ang haligi nito ay mga puno ng datiles at ang bubong nito ay yari sa palapa nito kaya natuluan ang masjid resulta ng ulan. Nagpatirapa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa umaga ng ikadalawampu't isa sa tubig at putik. Taysīr Al-`Allām pahina 349, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/472, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/292.