





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang siksikan at isang lalaking nililiman nga iyon. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang lalaking nagtipon doon ang mga tao at nililiman nga iyon laban sa init ng araw at tindi ng uhaw. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay. Manatili kayo sa permiso ni Allāh na ipinermiso Niya sa inyo."
Ayon kay Abū Ad-Dardā', malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa buwan ng Ramaḍān sa matinding init hanggang sa ang isa amin ay talagang naglalagay ng kamay niya sa ulo niya dala ng tindi ng init. Wala sa aming nag-aayuno maliban ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah.
Napagkaisahan ang katumpakanNagpapabatid si Abū Ad-Dardā', malugod si Allāh sa kanya, na sila ay lumisan sa isang paglalakbay sa buwan ng Ramaḍān. Iyon noon ay nasa panahon ng isang matinding init hanggang sa tunay na dala ng tindi ng init ay talagang naglalagay ng kamay ang lalaki sa ulo niya upang ipagsanggalang ang ulo niya gamit ang kamay niya laban sa tindi ng init. Wala sa kanilang nag-aayuno maliban ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya. Tiniis nga nilang dalawa ang tindi ng init at nag-ayuno, na kabilang sa nagpapatunay sa pagpapahintulot sa pag-aayuno sa paglalakbay sa kabila ng hirap na hindi humahantong sa hangganan ng kapahamakan. Taysīr Al-`Allām pahina 327, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/432, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/241.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Walang zakāh na tungkulin sa Muslim sa alipin niya ni sa kabayo niya." Sa isang pananalita: "maliban sa zakātulfiṭr sa alipin."
Napagkaisahan ang katumpakanAng batayan ng zakāh ay nasa pagkakapantay at katarungan. Dahil dito, isinatungkulin ni Allah, (t), sa mga yaman ng mga mayaman na lumalago at nakahanda sa paglago gaya ng lumalabas sa lupa at mga paninda ng pangangalakal. Tungkol naman sa mga yamang hindi lumalago, ang mga nanatili sa pagmamay-ari at paggamit, ang mga ito ay walang zakāh sa may-ari ng mga ito dahil sa pagkakalaan sa Muslim ng mga ito para sa sarili niya. Iyon ay gaya ng sasakyang kabayo, kamelyo, kotse, at gayon din ang alipin niyang nakalaan sa paglilingkod, ang higaan niya, at ang mga sisidlan niyang nakalaan para gamitin. Subalit itinatangi mula roon ang zakātulfiṭr para sa alipin sapagkat ito ay kinakailangan kahit pa man hindi nakalaan para sa pangangalakal dahil ito ay nakaugnay sa katawan hindi sa yaman.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Hadith na Marfu: ((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom)) ((Ang sinuman ang magnais na magpatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw],magpatuloy ito hanggang sa [kainan] sa madaling araw))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ang pagpatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw],bilang habag at awa sa kanila,Subalit ang mga kasamahan ng Propeta,dahil sa pag-ibig nila sa mga kainaman at pagsusumikap sa anumang [gawaing magiging dahilan] ng paglapit kay Allah,nasiyahan sila sa pagpapatuloy bilang paghuhuwaran sa Propeta-dahil sa pagpapatuloy niya,at nagsabi sila? Tunay na ikaw ay nagpapatuloy.Sinabi niya sa kanila na ,sa kanya ay may nagpapakain,na nagpapakain sa kanya,at nagpapa-inom na nagpapainom sa kanya,bilang pumapalit sa kanyang mga pagkain at inumin.Subalit kung sinuman sa inyo ang magnais na magpatuloy,nararapat sa kanya na magpatuloy hanggang sa [kainan] sa madaling araw.Ang Batas ng Islam ay pagpapatawad at magaan,walang pasakit at pagpapahirap rito,at walang paglalabis at pagpapa-ilalim,dahil ito ay pagpaparusa sa sarili at pagpapasakit sa kanya,at si Allah ay hindi nagbigay ng pasanin sa sinumang kaluluwa maliban sa ito`y kanyang makakayanan.At dahil ang pagpapagaan at pagpapadali ay higit na nanatili sa mga gawain at higit na kataggap-tanggap kaysa sa pagkapagod at pagka-inip.At napapaloob rito ang katarungan na inilagay ni Allah sa kalupaan.,ito ay ang ipagkaloob sa Allah ang anumang ipinag-utos Niya sa kanyang mga alipin,at ipagkaloob sa sarili ang anumang mga pangunahing pangangailangan nito
Ayon kay Muhammad bin 'Ubbād bin Ja'far -siya ay nagsabi:(( Tinanong ko si Jābir bin 'Abdillāh: Ipinagbawal ba ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang pag-aayuno sa araw ng Biyernes? Nagsabi siya: Oo)) At sa isang salaysay:(( At sa Panginoon ng Ka'bah))
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Napagkaisahan ang katumpakanNang ang araw ng Biyernes ay araw ng pagdiriwang para sa mga Muslim,ipinagbawal ng Islam ang pagtatalaga rito sa pag-aayuno at pagtindig ng dasal.maliban kung mag-aayuno kasama nito ng araw bago ito o kasunod nito.o ito ay mapabilang sa naka-ugaliang niyang pag-aayuno,at upang hindi isipin ng pangakalahatan ang pagtatalaga sa araw ng Biyernes ng karagdagang pagsamba sa iba nitong mga obligadong [gawain]
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu : ((Ang sinuman ang mamatay at sa kanya ay may [naiwang] obligadong pag-aayuno,Mag-aayuno para sa kanya ang kamag-anak nito))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa mga magulang,na sinuman ang mamatay, at sa kanya ay may pananagutang mga tungkuling pag-aauyuno tulad ng panata,o kabayaran [bilang pagsisisi o bayad-puri sa mga panunumpa],o pagbayad sa [mga araw na hindi napag-ayunuhan] sa buwan ng Ramadhan,-na ito ay kanyang bayaran; dahil ito ay pagkaka-utang niya at ang mga kamag-anak niya ang pinakamalapit sa mga tao na nararapat magbayad nito,Sapagkat ito [magsisilibing] mabuting gawa ,pagmamahal at pakikipag-ugnay sa kanya,At ito ay bagay na kanaisnais at hindi inoobliga.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNagpapabatid si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng `Arafāt. Ipinahintulot niya sa kanila ang pagsusuot ng medyas sa sandali ng kawalan ng sapatos. Hindi niya binanggit ang pagputol nito sa higit na mababa sa mga bukungbukong. Ipinahintulot niya sa kanila ang pagsusuot ng salawal para sinumang hindi nakatagpo ng tapis. Hindi isinakundisyon ang pagbiyak nito bilang pagpapagaang mula sa Tagapagbatas na Marunong, napakamaluwalhati Niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi]."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinababatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa kahatulan ng pananagutan ng pagkasira o pagkabawas ng nagaganap sa ginawa ng hayop o sa pagkahulog sa balon o minahan. Walang pananagutan kaugnay rito sa isa man. Gayon din sa naganap na pagkasira o pagkabawas sa balong binabaan ng tao at ikinasawi niya, o sa minahang binabaan niya at ikinasawi niya dahil ang hayop, ang balon, at ang minahan ay hindi maaari ang paglipat ng pananagutan sa mga ito ni sa nagmamay-ari ng mga ito kapag walang naganap mula rito na pananakit o pagkukulang. Pagkatapos nabanggit niya na sinumang makatagpo ng isang kayaman, kaunti man o marami, tungkulin siyang patawan ng ikalimang bahagi nito dahil natamo ito nang walang hirap at walang pagod, at ang natitira ay ukol sa kanya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'"
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na ang Propeta, (s), at ang mga Kasamahan niya ay pumunta sa Makkah sa Ḥajj ng Pamamaalam sa umaga ng ikaapat ng Dhulḥijjah. Ang iba sa kanila ay nagsagawa ng iḥrām at kabilang sa kanila ang mga nag-uugnay ng ḥajj at `umrah. Nag-utos siya sa sinumang hindi nagdala ng alay kabilang sa dalawang pangkat na ito na kumalas mula sa ḥajj nila at gawin nila ang iḥrām nila bilang isang `umrah. Bumigat sa loob nila iyon at itinuring nilang mahirap na kumalas nang buong pagkalas na nagpapahintulot sa pakikipagtalik, pagkatapos ay magsasagawa ng iḥrām para sa ḥajj. Dahil dito, nagtanong sila sa kanya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, alin pong pagkalas? Ano po ang pagkalas na gagawin namin?" Nagsabi siya, (s): "Ang pagkalas ay kabuuan nito kaya ipahihintulot sa inyo ang ipinagbawal sa inyo bago ang iḥrām." Kaya sumunod sila sa kanya, malugod si Allah sa kanila.