





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Mula kay Urwah Bin Az-zubair ay nagsabi: ((natanong si Usamah Bin Zaid-at ako ay nakaupo- papaano ang kalagayan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay maglakad luluwas (mula sa Arafah)? Sabi niya: Siya ay magpalatag o hindi makipagsiksikan, at kung makakita siya ng maluwag na espasyo ay magmadali o magpabilis siya)).
Napagkaisahan ang katumpakanSi Usamah Bin Zaid -Malugod si Allah sa kanilang dalawa- ay kaangkas ng Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- mula Arafah papuntang Muzdalifah. Sa makatuwid siya ang lubos na nakakaalam patungkol sa paglalakbay ng Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at naitanong siya sa katangian nito, sabi niya: Mejo may kabilisan kaunti, ibig sabihin mejo may kaluwagan at hindi makisiksikan sa karamihan, nang sa ganon hindi siya makakapinsala sa iba, at kapag makakita siya ng espasyo na walang tao ay pakilusin niya ang kanyang sinakyan at magmadali kaunti; dahil walang pinsala sa kanyang pagmamadali na iyon.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Tunay na ang pinakamamahal para kay Allah na pag-aayuno,ay ang pag-aayuno ni Propeta Dawud,at ang pinakamamahal na pagdarasal kay Allah ay ang pagdarasal ni Propeta Dawud,siya ay natutulog sa kalahati ng gabi,at nagdarasal sa isang katlo nito,at natutulog sa isang anim nito,at siya ay nag-aayuno sa isang araw at hindi nag-aayuno sa [susunod] na araw))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapaalam ni `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanya,Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito,Na ang pinakamamahal na pag-aayuno at pagdarasal [sa gabi] kay Allah -pagkataas-taas Niya,ay ang pag-aayuno at pagdarasal [sa gabi] ng kanyang mahal na Propeta na si Dawud-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ito ay dahil sa siya ay nag-aayuno sa isang araw at hindi nag-aayuno sa [susunod nitong] araw,Ito ay dahil sa pagkakamit ng gawaing pagsamba at pagbibigay ng kapahingaan sa katawan.At siya ay natutulog sa unang kalahati ng gabi,upang makapagsagawa siya na may sigla at magaan na pagsamba.Magdarsal siya sa unang katlo nito,pagkatapos ay matutulog siya sa unang anim nito ng huling [gabi],Umang maging masigla siya sa pagsamba sa unang araw,At ang pamamaraang ito,ang siyang hinihimok ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfu: ((Limang uri ng hayop,lahat sila ay nakakapinsala,[ipinapahintulot] ang pagapatay sa kanila sa loob ng Haram [Meccah]: Ang uwak,agila,alakdan,daga,at ang mabangis na agila)) At sa isang salaysay: ((Papatayin ang limang nakakapinsala sa labas at loob ng Haram [Meccah]))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito ay ipinaalam ni 'Āishah-malugod si Allāh sa kanya-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay nag-utos sa pagpatay ng limang uri ng hayop, lahat sila ay may katangiang nakakapinsala,maging ito man ay labas o loob ng Haram [Meccah], Pagkatapos ay ipinahayag niya ang limang ito sa sinabi niyang:Ang uwak,agila,alakdan,daga,at ang mabangis na agila.Ito ang limang uri ng hayop na may katangiang nakakapinsala,at ito ay labas sa katangian ng pagiging likas niya mula sa natitirang mga hayop,sa pagiging pananakit nito at pamiminsala.At nagbabala siya sa mga iilan dito dahil sa iba't-ibang [naidudulot na] pinsala nito.Kasama rito ang anumang [hayop] na kahawig nito sa pagpipinsala mula sa natitirang mga hayop.Papatayin ito dahil pamiminsala nito at pananakit.Sapagkat ang Haram [Meccah] ay hindi makakapagligtas rito at ang ihrām ay hindi makakapagpapakupkop rito
Ayon kay Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa knilang dalawa-((Na ang isang lalaki ay nagsabi; O Sugo ni Allah,Ano ang isusuot ng taong nagsagawa ng Ihraam,mula sa mga damit?Sinabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-; ((Hindi siya mag-susuot ng damit,mga turban,mga pantalon,mga damit(na bumabalot sa ulo hanggang paa),mga sandal( yari sa tela/balat),maliban sa isang walang mahanap na sapatos,maari siyang magsuot ng sandal(yari sa tela/balat),at puputulan niya ang dalawang ito nang mas-mababa pa sa bukong-bukong ng paa,at hindi siya mag-susuot na anumang damit na may halong Za-faran o Wars (dalawang uri ng halaman).)) At sa salaysay ni Imam Al-Buhkarie;(( At hindi magtatakip ng mukha ang babae at hindi magsusuot ng guwantes))
Napagkaisahan ang katumpakanTunay na napag-alaman ng mga kasamahan ng Propeta-pagpalain sila ni Allah at pangalagaan-Na sa pagsasagawa ng Ihram ay may kakaibang itsura sa itsura ng pagpapahintulot (pagsuot ng anumang naising-damit pagkatapos mag-sagawa ng ihram) kung-kayat nagtanong ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga bagay na ipinahihintulot na susuotin ng taong nag-sasagawa ng Ihram.At nang maging ang tanong ay angkop sa mga bagay na dapat nitong iwasan,dahil ito ay nabibilang at iilan lamang,at tunay na ibinahagi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang Kabuuan ng salita sa sagot niya,sa pagpapahayag ng mga bagay na dapat iwasan nang taong nag-ihram at mananatili siya sa anumang bagay maliban rito sa pinagmulan ng kapahintulutan,at dahil rito ay nakakamit ang maraming kaalaman.at siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay isina-alang-alang niya ang mga bagay na ipinagbabawal sa lalaking nag-ihram,mula sa pananamit,na may pagpapa-ingat sa bawat uri nito na may kahawig sa bawat-isa rito.Sinabi niya;Hindi mag-susuot ng damit,at ang lahat ng nahiwalay at sinukat sa antas ng katawan,at ng mga turban,damit na may talukbong,at sa lahat na bumabalot sa ulo,na kadikit nito,at mga pantalon,at sa lahat ng bumabalot rito-kahit na isang parte lamang-tulad ng mga guwantes,at mga tulad nito,sinukat man o ipinalibot ito,at hindi rin mga sandal ( yari sa tela/balat),na kung saan ay bumabalot ito sa dalawang bukong-bukong ng paa na gawa sa koton o lana o balat,at iba pa rito,sinuman ang hindi makahanap ng sapatos sa oras ng pagsasagawa niya ng ihram,ay magsuot siya ng sandal( yari sa tela/balat) at putulin niya ito nang mas mababa sa bukong-bukong ng paa nito upang ito ay mag-mukhang sapatos.Pagkatapos ay dinagdagan niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng mga kalamangan na hindi nabanggit sa tanong,at ang kinalalagyan nito ay nagpapahiwatig rito,Ipinahayag niya ang mga bagay na ipinagbabawal sa pagsasagawa ng Ihram sa pang-kalahatan,lalaki man o babae,Sinabi niya; Hindi siya dapat magsuot ng alinman sa mga damit o iba rito,ginamitan man ng sinulid o hindi,kapag ito ay hinaluan ng tina at pabango ng Saffron,bilang pagpapa-ingat sa pag-iwas ng kahit anong-uri ng pabango,Pagkatapos ay ipinahayag niya kung ano ang nararapat sa babae,mula sa pagbabawal sa pagtakip niya ng mukha at pagpasok sa dalawang kamay niya sa alinmang bagay na bumabalot rito,Sinabi niya;"At hindi magtatakip ng mukha ang kababaihan at hindi magsusuot ng guwantes"
Ayon kay Jāber bin ''Abdullāh-malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Nagsagawa ng Ihram ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at ang mga kasamahan para sa Hajj,at wala ni isa sa kanila ang mayroong pang-alay, maliban sa Propeta -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at si Talhah,At dumating si 'Alī-malugod si Allāh sa kanya-mula sa Yaman,Nagsabi siya:Nagsagawa ako ng ihram tulad ng pgsasagawang ihram ng Propeta pagapalain siya ni Allāh at pangalagaan-,Ipinag-utos ng Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa mga kasamahan niya: na gawin nila itong para sa Umrah,Magsasagawa sila ng tawāf pagkatapos ay magpapagupit at magtanggal ng kanilang ihrām,maliban sa sinumang mayroong pang-alay,Nagsabi sila: Pupunta tayo sa Minā habang ang ari ng isa sa atin ay tumutulo [dahil sa pagtatalik sa asawa]?Naiparating ito sa Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at siya ay nagsabi:Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin; Hindi ako mag-aalay, kung hindi lamang mayroon akong pang-alay, tunay na ako ay nagtanggal na ng ihrām.At nagkaregla si 'Āishah,siya ay sumamba at ginawa ang lahat ng gawain para sa Hajj,maliban sa siya ay hindi nagsagawa ng tawāf sa Tahanan [ ni Allāh],At nang siya ay naging dalisay at nakapagsagawa ng tawāf sa Tahanan [ni Allāh],siya ay nagsabi:O Sugo ni Allāh! Aalis kayo para pagsasagawa ng Hajj at 'Umrah, at ako ay aalis para sa Hajj lamang?Inutusan niya si 'Abdurrahmān bin Abē Bakar na sumama sa kanya sa Tan'īm,Nagsagawa siya ng Umrah pagkatapos ng Hajj))
Napagkaisahan ang katumpakanInilalarawan ni " Jāber bin 'Abdullāh"-malugod si Allāh sa kanilang dalawa-ang pagsasagawa ng Hajj ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na siya ay ang mga kasamahan niya ay nagsagawa ng Ihrām para sa Hajj,at walang nagdala ng kahit na isa sa kanila ng pang-alay maliban sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at si Talhah bin 'Ubaydillāh.At si 'Alīy bin Abē Tālib ay nasa Yemen,Dumating siya.At kabilang sa pag-uunawa niya,nagsagawa siya ng Ihrām at iniangkop niya ang pagsasagawa niya ng Ihrām sa pagsasagawang Ihrām ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.At nang dumating siya sa Meccah,inutusan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na palitan ang [layunin nila] sa pagsasagawa ng Ihrām mula sa Hajj patungo sa 'Umrah,At ang [pagsasagawa nila ng] Tawāf at Sa'ye, ay magiging para sa 'Umrah,pagkatapos ay maggugupit sila at magtatanggal ng Ihrām sa ganap nitong pagtatanggal.At ito ay para sa karapatan ng hindi nakapagdala ng pang-alay.Subalit para sa nakapagdala nito,at kabilang rito ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-nanatili sila-pagkatapos ng pagsasagawa nila ng Tawāf at Sa'ye- sa pagsuot ng kanilang Ihrām.Ang sabi ng yaong nautusan na palitan ang kanilang [pagsasagawang] Hajj ng 'Umrah-na may pagkamangha at pagdadakila-:Papaano kami magtatanggal ng Ihrām at nakikipagtalik kami sa mga asawa namin, pagkatapos ay pupunta tayo sa "Minā" na naghihintay sa para magsagawa ng Hajj,Habang ay bagong[yakap sa Islam] sa mga panahong yaon?At ng maiparating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang sinabi nila at ang pagdadakila nila rito sa kanilang mga sarili,Naging panatag ang kanilang kalooban sa anumang katotohanan, at Nagsabi siya:Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin;Hindi ako magdadala ng pang-alay na siyang naging dahilan upang hadlangan ako sa pagtatanggal ng Ihrām, at tunay na magtatanggal ako [ng Ihrām] kasama ninyo, Kaya nasiyahan ang mga sarili nila at naging panatag ang mga puso nila.Dinatnan ng regla si 'Āishah sa lugar na malapit sa papasukan nila sa Meccah,Kaya naging Qārinah [ang uri ng isinasagawa niyang Hajj];Dahil ang regla niya ay naging hadlang sa kanya sa pagsasagawa ng Tawāf sa Bahay[ ni Allāh], at isinagawa niya ang lahat ng mga gawain [para sa Hajj] maliban sa pagsasagawa ng Tawāf at Sa'ye.At nang siya ay naging dalisay at nakapagsagawa ng Tawāf para sa Hajj niya,nagkaroon siya ng pagdamdam sa kanyang sarili,Dahil ang karamihan sa mga kasamahan ng Propeta-at kabilang sa kanila ay ang mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay gumawa sila ng gawaing 'Umrah na hiwalay at mga gawaing Hajj.Habang siya ay ipinasok ang gawaing Umrah niya sa kanyang Hajj.Ang sabi niya: O Sugo ni Allāh! Aalis kayo [upang magsagawa ng ] Hajj at 'Umrah, at ako ay aalis para sa pagsasagawa [lamang] ng Hajj?Kaya't pinanatag ang nasa saloobin niya,at inutusan niya ang kapatid niyang si 'Abdurrahmān na lumabas kasama siya sa Tan'īm, at nagsagawa siya ng 'Umrah pagkatapos ng Hajj
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa Taon ng Pagsakop habang siya ay nasa Makkah: "Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito." Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa mga taba ng patay sapagkat tunay na ang mga ito ay ipinampipikpik sa mga bangka, ipinanlalangis sa mga katad, at ipinang-iilaw ng mga tao?" Kaya nagsabi siya: "Hindi; ito ay bawal." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon: "Sumpain nawa ni Allāh ang mga Hudyo. Tunay na noong si Allāh ay nagbawal ng mga taba ng mga ito, tinunaw nila iyon, pagkatapos itininda nila iyon saka kinain nila ang halaga niyon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNakarinig si Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi noong Taon ng Pagsakop habang siya ay nasa Makkah: "Tunay na si Allāh at ang Sugo Niya ay nagbawal ng pagtitinda ng alak, patay, baboy, at mga anito." Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, pinahihintulutan po ba na magtinda kami ng mga taba ng patay dahil ang mga ito ay ipinampapahid sa mga bangka, ipinanlalangis sa mga katad, at ipinangniningas ng mga tao sa mga sulo nila?" Kaya nagsabi siya: "Hindi; ang pagtitinda ng mga ito ay bawal." Pagkatapos nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandaling iyon: "Pasawiin nawa ni Allāh ang mga Hudyo at sumpain nawa Niya sila. Tunay na noong si Allāh ay nagbawal sa kanila ng mga taba ng mga hayop na iyon, nilusaw nila ang mga ito, pagkatapos itininda nila ang langis ng mga iyon saka kinain nila ang halaga niyon."
Ayon kay Zirr bin Ḥubaysh na nagsabi: {Pumunta ako kay Ṣafwān bin `Assāl Al-Murādīy, na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi siya: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman ako: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagahanap ng kaalaman bilang pagkalugod sa hinahanap niya." Kaya nagsabi ako: "Tunay na bumabagabag sa dibdib ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya pumunta ako na nagtatanong sa iyo. Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito – maliban sa janābah – dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog." Kaya nagsabi pa ako: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pagsinta ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang malakas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa tulad ng tinig niyon: 'Heto ako!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa ganito.' Nagsabi iyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa ng tinig ko.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'Papaano naman] ang taong umiibig sa mga tao at hindi pa siya nakaabot sa kanila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Hindi siya tumigil na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit iyon ng isang pinto sa dako ng kanluran, na ang luwang nito ay distansiya – o lalakbayin ng mangangabayo – ng apatnapu o pitumpung taon."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadPumunta si Zirr bin Ḥubaysh kay Ṣafwān bin `Assāl (malugod si Allāh sa kanya), na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi si Ṣafwān: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman si Zirr: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagapaghanap ng kaalaman bilang pagkalugod at bilang pagdakila sa ginagawa ng tagahanap ng kaalaman." Kaya nagsabi si Zirr: "Tunay na nag-aatubili sa sarili ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pumunta ako na nagtatanong sa iyo: Nakarinig ka kaya sa Propeta na bumabanggit kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi si Ṣafwān: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito dahil sa maliit na ḥadath gaya ng pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog, maliban sa janābah sapagkat kinakailangan ang pag-aalis kung gayon." Kaya nagsabi pa si Zirr: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pag-ibig ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang mataas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon sa isang mataas na tinig na malapit sa tinig niyon: 'Halika!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa pagtataas ng tinig sa piling niya.' Kaya nagsabi iyon dahil sa kagaspangan niyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa nito.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'O Sugo ni Allāh, [papaano naman] ang taong umiibig sa mga taong maayos at hindi siya nakagawa ng tulad sa gawa nila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Nagsabi pa si Zirr: "Hindi tumigil si Ṣafwān na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit ito ng isang pinto ng pagbabalik-loob sa dako ng Shām, na lumikha nito si Allāh sa araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa, na maglalakbay ang mangangabayo sa luwang nito ng apatnapu o pitumpung taon at hindi ipinipinid hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."
Ayon kay Ma`n bin Yazīd bin Al-Akhnas, malugod si Allāh sa kanila, ang ama kong si Yazīd noon ay naglaan ng mga dinar na ipinangkakawanggawa niya. Inilagay niya ang mga ito sa pag-iingat ng isang lalaki sa masjid. Pinuntahan ko, kinuha ko ang mga ito, at dinala ko ang mga ito. Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi sa iyo ko ninais." Kaya idinaing ko siya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: "Ukol sa iyo ang nilayon mo, o Yazīd; at ukol sa iyo ang kinuha mo, o Ma`n."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNaglaan si Yazīd bin Al-Akhnas ng mga salapi sa pag-iingat ng isang lalaki sa masjid upang ikawanggawa ang mga ito sa mga maralita. Dumating ang anak niyang si Ma`n at kinuha ito at nagsabi ito roon: "Hindi ko ninais na magkawanggawa ng mga salaping ito sa iyo." Kaya pumunta silang dalawa sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang magpahatol. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ukol sa iyo, o Yazīd, ang nilayon mo dahil ikaw ay nagparating ng kawanggawa sa isa sa mga mahirap ng mga Muslim kaya naman naging nauukol para sa iyo ang gantimpala dahil sa layunin mo at para sa iyo, o Ma`n, ang kinuha mo dahil ikaw ay kumuha niyon sa paraang tumpak." Ang anak niya noon ay naging kabilang sa mga karapat-dapat sa kawanggawang ito.
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimInilahad ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang mga gawa ng Kalipunan sa Propeta natin, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya natagpuan niya na kabilang sa mga kagandahan nito ang pag-aalis sa daan ng nakasasakit sa nagdaraan at natagpuan niya na kabilang sa mga kasagwaan nito ay na dumudura ang tao sa masjid at hindi inaalis ito sa pamamagitan ng paglilibing nito o iba pa.