





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng [mahabang] tahajjud sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi sa kanya si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa pag-aakalang sumasamba lamang siya kay Allah dahil sa pangamba sa pagkakasala at paghingi ng kapatawaran at awa gayong naisakatuparan na para sa kanya ang pagpapatawad ni Allah, pagkataas-taas Niya, kaya naman hindi na siya nangangailangan niyon: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na sa iyo si Allah sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya rito: "Kaya hindi pa ba ako magiging isang lingkod na mapagpasalamat sapagkat ang pagsambang ito, ang dahilan nito ay ang pagpapasalamat sa kapatawaran."
Ayon kay Jāber bin 'Abdullah malugod si Allah sa kanilang dalawa:(( Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal sa Najāshi (Hari ng Habasha), at Ako at nasa ikalawang Linya o ikatlo.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni Jāber bin 'Abdullah malugod si Allah sa kanya-Na nag Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal sa Najāshī (Hari ng Habasha) ng dasal na Ghāib (wala ang dinadasalan) at tunay na siya ay kabilang sa mga nagdasal ngunit hindi niya matandaan kung siya ba ay nasa pangalawang linya o ikatlo,at ang pag-aalinlangan na ito at nagmula aa kanya at hindi sa tagapag-salaysay.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya: "Ang digmaan ay panlilinlang."
Napagkaisahan ang katumpakanSa ḥadīth na ito ay may pagpapahintulot sa paggamit ng panggugulang sa pakikidigma sa mga Kāfir dahil ito ay nagsasakatuparan sa mga kapakanang kapaki-pakinabang sa Islam at sa mga alagad ng Islam.
Ayon kay Sa`īd bin Al-Ḥārith, siya ay nagtanong kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya, tungkol sa wuḍū' dahil sa [pagkaing] nasaling ng apoy kaya nagsabi ito: "Hindi; kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga pamunas kundi ang mga palad namin, ang mga braso namin, at ang mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyTinanong ni Sa`īd bin Al-Ḥārith si Jābir, malugod si Allāh sa kanya, tungkol sa wuḍū' dahil sa [pagkaing] nasaling ng apoy dahil sa pagluluto o pag-iihaw at tulad niyon kung kinakailangan pa ba ito o hindi. Nagsabi si Jābir na hindi kinakailangan ang wuḍū' dahil doon. Pagkatapos ay nilinaw niya ang patunay niya roon. Sinabi niya: "Kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga panyong ipinampupunas sa sebo ng pagkain subalit ipinupunas namin ang mga daliri namin, matapos dilaan ang mga ito, sa mga palad namin, mga braso namin, at mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'."
Ayon kina Abū Hurayrah, Abū Qatādah, at Ibrāhīm Al-Ashhalīy, ayon sa ama nito - ang ama nito ay kasamahan - malugod si Allāh sa kanila, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa libing at nagsabi: "Allāhumma ghfir liḥayyinā wa mayyitinā, wa shāhidinā wa ghā’ibinā, wa saghīrinā wa kabīrinā, wa dhakarinā wa unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa’aḥyihi `ala l’islām, wa man tawaffaytahu minnā fatawwaffahu `ala l’īmān. Allāhumma lā taḥrimnā ajrahu, wa lā tuḍillanā ba`dah. (O Allāh, patawarin Mo ang nabubuhay pa sa amin at ang namatay na sa amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin, ang bata sa amin at ang matanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin. O Allāh, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa Islām at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng buhay na nasa pananampalataya. O Allāh, huwag Mong ipagkait sa amin ang kabayaran [sa pagtitiis] para sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw ngayong wala na siya.)"
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdasal noon para sa libing. Sinabi niya ang kahuluan nito: "O Allāh, patawarin Mo ang lahat ng mga nabubuhay pa sa amin at ng mga namatay na sa amin na pulutong ng mga Muslim, ang nakababata sa amin at ang nakatatanda sa amin, ang lalaki sa amin at ang babae sa amin, ang naririto ngayon sa amin at ang wala ngayon sa amin. O Allāh, ang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin ay pamuhayin Mo siya sa pagsunod sa mga batas ng Islām at ang sinumang babawian Mo sa amin ng buhay ay bawian Mo ng buhay na nasa pananampalataya. O Allāh, huwag Mong ipagkait sa amin ang kabayaran [sa pagtitiis] ng kasawian dahil sa kanya at huwag Mo kaming ipaligaw kapag wala na siya."
Ayon kay Wāthilah bin Al-Asqa`, malugod si Allah sa kanya: "Namuno sa amin sa pagdarasal ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, para sa isang lalaking kabilang sa mga Muslim kaya narinig ko siyang nagsasabi: "O Allah, tunay na si Polano na anak ni Polano ay nasa pangangalaga Mo at hangganan ng kinaroroonan Mo, kaya ipagsanggalang Mo siya sa pagsubok sa libingan at sa pagdurusa sa Impiyerno yamang Ikaw ay karapat-dapat sa katapatan at papuri. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maaawa Ka sa kanya; tunay na Ikaw ang Mapagpatawad at ang Maawain."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng dasal para sa patay para sa isang lalaking kabilang sa mga Muslim. Pagkatapos ay nagsabi siya ng pananalitang ang kahulugan ay ganito: "O Allah, tunay na si Polano ay nasa kalinga Mo, pangangalaga Mo, at paghingi ng tawad Mo, kaya patatagin Mo siya sa sandali ng tanong ng pagsubok sa libingan. Iligtas Mo siya sa pagdurusa sa Impiyerno sapagkat tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa pangako at Ikaw ay ang nagtataglay ng katotohanan. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maawa Ka sa kanya; tunay na Ikaw ay marami sa pagpapatawad sa mga masagwang gawa at marami sa awa sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga pagtalima at ng pagpaparami sa mga magandang gawa."
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid ng anak niyang si Ibrāhīm, malugod si Allah sa kanya, samantalang ito ay nagpapalabas ng hininga nito. Nagsimula ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na lumuha kaya nagsabi sa kanya si `Abdurraḥmān bin `Awf: "At ikaw, o Sugo ni Allah, ay umiiyak?" Nagsabi siya: "O anak ni `Awf, tunay na ito ay awa." Pagkatapos ay pinasundan niya ito ng isa pang pag-iyak at nagsabi: "Tunay na ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi tayo nagsasabi malibang ang kinululugdan ng Panginoon. Tunay na kami, o Ibrāhīm, dahil sa pakikipaghiwalay sa iyo, ay talagang mga nalulungkot."
Napagkaisahan ang katumpakanPumasok ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa silid ng anak niyang si Ibrāhīm, malugod si Allah sa kanya, habang ito ay naghihingalo. Nagsimula ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na lumuha kaya nagsabi sa kanya si `Abdurraḥmān bin `Awf: "At ikaw, o Sugo ni Allah" dala ng pagkagulat. Ibig sabihin: ang mga tao ay hindi nakapagtitiis sa kasawian at ikaw ay gumagawa ng ginagawa nila? Para bang ito ay nagtataka dahil doon sa kanya kalakip ng pagkakaalam nito sa kanya na siya ay nag-uudyok sa pagtitiis at nagbabawal sa pagkabagabag kaya sumagot siya sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na ito ay awa." Ibig sabihin: Ang kalagayang nasaksihan mo mula sa akin ay kalambutan ng puso sa anak. Pagkatapos ay pinasundan niya ito ng isa pang pangungusap at nagsabi siya: "Tunay na ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi tayo nagsasabi malibang ang kinululugdan ng Panginoon." Ibig sabihin: hindi kami nagngingitngit at nagtitiis kami. "Tunay na kami, o Ibrāhīm, dahil sa pakikipaghiwalay sa iyo, ay talagang mga nalulungkot." Ang awa ay hindi nagkakaila sa pagtitiis at pananampalataya sa pagtatakda.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: (( Dumating ang isang lalaki,Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsesermon sa mga tao sa araw ng Jumu`ah.Nagsabi siya: Nakapagdasal ka ba o pulano? Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya:Tumayo ka at magsagawa ng dalawang pagyuko.At sa ibang pananalita:Magdasal ka ng dalawang tindig-))
Napagkaisahan ang katumpakanPumasok si Sulayk Al-Ghatafānīy-sa Masjid ng Propeta,at ang Propeta- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon sa mga tao, umupo siya up ang makinig sa Sermon,at hindi siya nagdasal ng Tahiyyatul Masjid [Dalawang tindig], marahil ay dahil sa kamang-mangan niya sa panuntunan nito o marahil ay inakala niya na ang pakikinig ng Sermon at higit na mahalaga,Hindi nakapagpigil sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aalaala niya at pagiging abala niya sa pagbibigay ng sermon ,para pagtuturo sa kanya,Datapuwat ay kinausap niya ito sa pagsasabing:Nakapag-alay kaba ng dasal o pulano sa dulo ng Masjid bago kita makita?Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya: Tumayo ka at magsagawa ka ng dalawang pagyuko,At sa salaysay ni Imām Muslim: Ipinag-utos niya na padaliin ang dalawang ito , ibig sabihin ay pagaanin silang dalawa,Nagsabi siya nito sa isang dakilang pagtitipon,upang maturuan niya ang isang lalaki sa oras ng pangangailangan,at gayundin ay upang ang pagtuturo ay maging para sa pangkalahatan,kasaligi ang mga nakadalo.At sinuman ang pumasok sa Masjid at ang Nagsesermon ay nagbibigay sermon, ang ipinag-uutos sa kanya ay mag-alay ng dasal.At nagpapatunay sa kanya ang Hadith na ito,At sa isang Hadith:" Kapag dumating ang isa sa inyo sa Araw ng Jumu'ah at ang Imām ay nagbibigay ng sermon,Magdasal siya ng dalawang tindig". Kung-kaya't sinabi ni Imām Annawawī sa pagpapaliwanag sa Hadith ni Imam Muslim,sa Pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Kapag dumating ang isa sa inyo at ang Imām ay nagbibigay ng sermon, magdasal siya ng dalawang tindig, at pagaanin ang dalawang ito" Nagsabi siya:Ito ay isang salita na hindi nangangailangan ng pagbibigay kahulugan,At hindi inaakala na ang isang May kaalaman, kapag nakarating sa kanya ang pananalitang ito at pinaniwalaan niyang tumpak, Pagkatapos ay susuwain niya
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-siya ay nagsabi: ((Nakasama ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay hindi nagdadagdag sa dalawang tindig ,sa kanyang paglalakbay At gayundin sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman))
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-na nakasama niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga paglalakbay niya,at gayundin ,nakasama niya sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman-malugod si Allah sa kanila-At ang bawat isa sa kanila ay pinapa-ikli ang dasal na may apatang tindig at [ginagawa] itong dalawahan,at hindi na sila nagdadagdag pa rito,Ibig sabihin ,Ang bawat isa sa kanila ay hindi nila kinokompleto [sa apatang tindig] ang mga dasal na isinasatungkulin at hindi rin sila nagdadasal ng mga Sunnah Arrawatib [kapag sila ay nasa ] paglalakbay,At binanggit niya sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman,upang patunayan na ang Panuntunang ito ay hindi nawala,datapuwat ito ay nananatili pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at walang sinasang-ayunang [ibang salita ] na sumasalungat dito,Ngunit ipinapahintulot ang pagkompleto [ng tindig sa pagdarsal] sa paglalakbay,ngunit ang pagpapa-ikli ay higit na mainam,Dahil sa pagsabi Niya-Pagkataas-taas Niya: {Hindi isang kasalanan sa inyo kung inyong paikliin ang inyong pagdarsal} Nawala ang pagkakasala,kaya nagpapahiwatig ito na Sunnah,at hindi inoobliga,At dahil ang unang panuntunan rito ay ang pagkompleto,at ang pagpapaikli ay ginaganap mula sa bagay na mas mahaba rito,At ang pinakamainam para sa mga manlalakbay ay huwag iwan ang pagpapaikli,bilang pagsunod sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at bilang pagtaliwas sa pagsalungat sa sinumang nag-obliga sa kanya nito,At dahil din sa ito ang pinakamainam ayon sa karamihan ng mga may kaalaman.