





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Samurah bin Jundub, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:((Nakapagdasal ako sa likod ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babae namatay dahil sa kanyang panganganak;Tumayo siya gitna nito))
Napagkaisahan ang katumpakanAng pagdarasal sa patay-at isinasatungkulin sa bawat namamatay na muslim,lalaki o babae,bata o matanda,Ipinapahayag ni Samurah bin Jundub, malugod si Allah sa kanya-na siya ay nakapagdasal sa likod ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay magdasal sa isang babaing namatay dahil sa panganganak niya;Tumayo siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa gitna ng tagiliran nito
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-Nagsabi siya:((Tumiklop ang Araw [nawala ang kanyang liwanag] sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga tao,Tinagalan niya ang pagtayo pagkatapos at yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko,pagkatapos ay tumayo siya,at tinagalan niya ang pagyuko,at ito ay liban pa sa unang pagtayo-pagkatapos ay yumuko siya,at tinagalan niya ang pagyuko-at ito ay liban pa sa unang pagyuko- pagkatapos ay nagpatirapa siya,tinagalan niya ang pagpapatirapa,pagkatapos ay ginawa niya ito sa ibang tindig ang tulad ng ginawa niya sa unang tindig,pagkatapos ay umalis siya,at naging hayag na ang araw,Nagsermon siya sa mga tao,Nagluwalhati siya kay Allah at Nagpuri siya sa Kanya,Pagkatapos ay sinabi niya: Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.Pagkatapos ay sinabi niya: O Ummah ni Muhammad,Wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagseselos liban kay Allah ,sa pangangalunya ng alipin niya o pangangalunya ng Umah ni Muhammad,Sumpa kay Allah;Kung nalalaman lang ninyo ang nalalaman ko,Tunay na matatawa kayo ng kaunti at tunay na maiiyak kayo ng marami)) At sa isang pananalita:((Ginanap niya sa apat na tindig at apat na pagpapatirapa))
Napagkaisahan ang katumpakanTumiklop ang Araw [nawala ang kanyang liwanag] sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At dahil sa ang Pagtiklop ng araw ay isang pangyayaring hindi nakasanayan sa kanila,kaya nagdasal sila ng isang dasal na hindi din nila nakasanayan,sa mga galaw nito at tagal nito,Tumayo siya at nagdasal sa mga tao,tinagalan niya ang pagtayo pagkatapos ay yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko pagkatapos ay tumayo siya at nagbasa siya ng mahaba bukod pa sa unang binasa niya,pagkatapos ay yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko;at ito ay mas magaan kaysa unang pagyuko,pagkatapos ay nagpatirapa siya at tinagalan niya ang pagpapatirapa,pagkatapos ay ginawa niya sa ikalawang tindig ang tulad ng ginawa niya sa una,sa mga galaw nito at na ito ay liban doon,at sa lahat ng tindig ay higit na kaunti mula sa tindig na una rito,hanggang sa naganap itong apat na pagyuko at apat na pagpapatirapa,sa dalawang tindig, pagkatapos ay umalis siya mula sa pagdarasal,at naging hayag na ang araw,Nagsermon siya sa mga tao tulad ng naka-ugalian niya sa mga kaganapan,Nagluwalhati siya kay Allah at Nagpuri sa kanya,at nangaral siya sa kanila,at nangyari nagkataon ang araw na iyon na nangyari ang pagtiklop sa pagkamatay ng anak niyang si Ibrahim-malugod si Allah sa kanya-Ang sabi ng bawat isa sa kanila;Nagtiklop ,dahil sa pagkamatay ni Ibrahim,Nangyayari ito sa mga nakaugalian nila sa panahon ng kamang-mangan na ito ay hindi nagtitiklop maliban sa pagkamatay ng dakilang tao o panganganak sa dakilang tao;At inibig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pagpayo niya at pagkadalisay niya sa pagsagawa ng mensahe niya,at pagpapakinabang sa mga likha,na tanggalin ang anumang nakasabit sa pag-iisip nila mula sa mga kathang isip na ito,na hindi maaaring maging batayan ,Hindi sa tumpak na kapahayagan,at Hindi ang matinong kaisipan,at ipinahayag niya ang layunin sa pagtiklop ng araw at ng buwan,Nagsabi siya sa Sermon niya:Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito;Ngunit ito ay pinapangyari ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa Kapangyarihan Niya,upang sindakin ang mga alipin niya,at ,maipaalaala Niya sa kanila ang mga biyaya Niya,,at kapag nakita ninyo ito,manalangin kayo kay Allah-Pagkataas taas Niya,Na nagbabalik-loob at nagsisisi,Manalangin kayo at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo,dahil sa napapaloob dito na panangga sa mga sakunang mangyayari,at pampatanggal sa mga kaparusahan na bumababa.Pagkatapos ay kinuha niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ipinapaliwanag niya sa kanila ang ilan sa mga malalaking kasalanan kay Allah tulad ng Pangangalunya,na nagdudulot ng katiwalian sa Komunidad at kaugalian,na kung saan ay nagpaparapat sa Poot Niya at Kaparusahan Niya,At sumumpa siya sa pangangaral na ito-at siya ang pinakatapat sa lahat ng tapat-na nagsasabi:O Ummah ni Muhammad,Wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagseselos liban kay Allah ,sa pangangalunya ng alipin niya o pangangalunya ng Umah ni Muhammad.Pagkatapos ay ipinahayag niya na wala silang kaalam-alam sa kaparusahan ni Allah liban sa napakaliit lamang,At kung alam lang nila ang nalalaman niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-madadais sila ng tinding takot nila,at tunay na matatawa sila sa kaligayahan ng kaunti lamang,at tunay na iiyak sila at malulungkot sila ng marami,Ngunit si Allah sa Karunungan niya,ay Itinago Niya ito sa kanila.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Nagsabi siya: (( Ako ay natutulog sa harapan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang paa ko ay nasa Qiblah [pinagpapatirapaan] niya,Kapag nagpatirapa siya ay kinakalabit niya ako,kaya hinihila ko ang paa ko,At kapag tumayo siya ay pinapahaba ko ito,at ang mga bahay sa oras na yaon ay walang mga ilaw
Napagkaisahan ang katumpakanSi `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.Ay nagsasabi:Ako ay natutulog sa harapan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nagdadasal sa gabi,at dahil sa liit ng bahay namin,nalalagay ang paan ko sa Qiblah niya sa pagitan niya at pagitan ng lugar na pinagpapatirapaan niya;Habang siya ay nanatili sa pagtayo sa pagdarasal,pinapahaba ko ang mga ito,at kapag siya ay nagpatirapa,kinakalabit niya ako kaya hinihila ko ang mga ito upang siya ay makapagpatirapa.Kung nakikita ko lamang siya kapag siya ay nagpapatirapa,hinila ko na ito na walang pagkalabit mula sa kanya,ngunit sa mga bahay namin ay walang mga ilaw para makita mo rito ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya pinipigilan niya ang dalawang paa niya na hindi na niya hinahanap ang pagkalabit niya.
Ayon kay `Abdullāh binZaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagdadasal [upang manalangin ng ulan],Humarap siya sa Qiblah,pagkatapos ay nagdasal ng dalawang tindig,at ginawa niyang hayag ang pagbabasa rito)) at sa isang pananalita (( sa pinagdadasalan))
Napagkaisahan ang katumpakanSinusubukan ni Allah-Pagkataas-taas Niya ang kanyang mga alipin ng ibat-ibang pagsubok;Upang maisagawa nila ang pananalangin sa kanya na Nag-iisa at upang alalahanin nila Siya,At nang matuyo ang kalupaan sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Lumabas siya sa mga tao sa lugar na Pinagdadasalan nila ng Eid sa disyerto;Upang manalangin ng ulan mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya-at upang maging pinakamalapit sa pagpapakita ng pananalangin at pangangailangan kay Allah-Pagkataas-taas Niya-,Humarap siya sa Qiblah,na walang pag-aalinlangang matatanggap ang pananalangin,At nagpatuloy siya sa pananalangin na mabigyan ng biyaya ang mga Muslim,at matanggal sa kanila ang Tagtuyot,at bilang Pagtitiwala sa pagbabago ng kalagayan nila mula sa pagkagutom patungo sa pagyabong,at mula sa kahirapan patungo sa kasaganahan,Binaliktad niya ang manta niya mula sa gilid patungo sa ibang [gilid],Pagkatapos ay nagdasal siya sa kanila ng dasal na Istisqa [para sa pananalangin ng ulan] ng dalawang tindig,ginawa niyang hayag ang pagbabasa rito,sapagkat ito ay dasal na pangkalahatan
Ayon kay Mutarrif bin `Abdullah,Nagsabi siya:(( Nagdasal ako at si `Emran bin Husayn sa likod ni `Ali bin Abe Talib,at kapag siya ay nagpapatirapa,nagdadakila siya [Pagbanggit ng Allah Akbar] at kapag iniangat niya ang ulo niya ,nagdadakila siya at kapag bumangon siya mula sa dalawang tindig,nagdadakila siya ,At nang matapos ang pagdarasal,kinuha ni `Emran bin Husayn ang kamay ko at nagsabi siya: Ipinapaalala sa akin nito ang pagdarasal ng Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- o Sinabi niyang: Nagdasal siya sa atin,na tulad ng pagdarasal ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito ay pagpapahayag ng mga palatandaan sa Pagdarasal, at ito ang pagpapanatili sa Pagdadakila at pagbabanal sa Allah napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya at ito ay sa pamamagitan ng Pagdadakila:Sinasabi ni Mutarrif na nagdasal siya at si `Emran bin Husayn sa likod ni `Ali bin Abe Talib at siya ay nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] sa pagbaba niya sa pagpapatirapa,pagkatapos ay nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] siya kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,At kapag siya ay tumayo mula sa pagsasagawa niya ng Unang Tashahhud sa pagdarasal na may dalawang pagsasaksi,Nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] siya sa kalagayan ng pagtayo niya,At tunay na iniwan ng karamihan sa mga tao ang paghahayag ng pagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] sa kalagayang ito,At nang matapos isya sa pagdarasal,Kinuha ni `Emran ang kamay ni Mutarrif,At sinabi niya na si `Ali ay-malugod si Allah sa kanya- ay pinaalala niya sa kanya sa pagdarasal niyang ito ang pagdarsal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Sapagkat siya ay nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] sa kalagayang ito
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-((Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay [binalot sa sapot] sa mga damit na puti na nagmula pa sa Yaman,wala rito ang sando at wala rin ang turban))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ni `Aishah-malugod si Allah sa kanya-ang tungkol sa pagbalot ng sapot sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa kulay nito at sa bilang nito,tunay na sinamahan niya ito ng tatlong Lifaf [telang pambalot sa patay] na puti na ginawa pa sa Yaman,at hindi siya binalot ng sapot sa sando at hindi rin sa turban,at mas dinagdagan ang mga damit,sapagkat ang pantakip ng patay ay higit na pinapainam mula sa pantakip ng buhay at higit na nangunguna sa pangangalaga.
Ayon kay Jubayr bin Mut`im malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagbabasa sa [dasal ng] Maghrib ng Attur))
Napagkaisahan ang katumpakanAng naka-ugalian sa pagdadasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagpapahaba ng pagbabasa sa dasal ng Al-Fajr,at nagpapa-ikli siya sa dasal ng Al-Maghrib,at katamtaman maliban sa dalawang [dasal ] na ito,mula sa limang beses na pagdarasal.Subalit paminsan-minsan ay iniiwan niya ang kanyang naka-ugalian upang ipahayag ang pagpapahintulot rito,at sa iba pang layunin.Tulad ng naiulat sa Hadith na ito,Na siya ay nagbabasa sa dasal ng Maghrib ng Kabanata " Attur", at ito kabilang sa mahabang nahiwalay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.Nagsabi siya: ((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sina Abu Bakar,at `Umar,sila ay nagdadasal ng dalawang Eid bago ang Sermon))
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang sa mga naka-ugalian ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga Khulafa Arrashiden,Ang pagdadasal sa mga tao ng Dasal na Eid sa Fitr at Adha`,At nagsesermon sila,at Inuuna nila ang pagdarasal sa pagsesermon,At nagpatuloy ang mga gawaing tulad nito anggang sa dumating si Marwan,Lumabas siya at Nagsermon bago ang Dasal.
Ayon kat `Abdullah bin `Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa;Nagsabi siya;((Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tinitipon niya sa paglalakbay ang ng dasal na Dhuhr at dasal na `Asr;kapag ito ay nasa gitna ng paglalakad,at tinitipon niya ang pagitan ng Dasal na Maghrib at `Eishah))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNaiiba ang [Pamamaraan ng ] Batas ng Propeta natin na si Muhammad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa ibang [Pamamaraan ng ] Batas ng kalangitan dahil sa pagiging Mapag-patawad at Magaan at pagtanggal sa lahat ng pagdurusa at paghihirap sa mga inoobliga o di kaya`y ang pagpapagaan rito,At kabilang sa mga pagpapagaan na ito: Ang pag-tipon sa paglalakbay ng dalawang Dasal na pinagsama sa oras.Ang nararapat ay ang pag-oobliga sa paggawa ng bawat dasal sa oras nito,Ngunit kabilang sa nakasanayan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay naglalakbay,at napatindi sa kanya ang paglalakad sa paglalakbay niya;ay ang Pag-tipon sa pagitan ng dasal na Dhuhr at `Asr,maging ito man ay Pagpapa-una o Pgpapahuli,at ang Pag-tipon sa pagitan ng dasal na Maghrib at `Eishah,maging ito man ay Pagpapa-una o Pgpapahuli,Isinasaalang-alang niya ang mas madali sa kanya at sa sinumang naging kasama niya sa mga manlalakbay,Kaya`t ang paglalakbay niya ang magiging dahilan sa pag-tipon niya sa dalawang dasal,sa oras ng isa sa kanila;Sapagkat ang oras ay naging isang oras para sa dalawang dasal na ito,At dahil din sa ang Paglalakbay ay tahanan ng paghihirap sa pagbaba at paglalakad,at dahil sa ang pagpapahintulot sa pag-tipon ay hindi ginawa liban pagpapadali rito [sa manlalakbay].