





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Abū Dharr, kapag nagluto ka ng sabaw, paramihin mo ang tubig nito at magmalasakit ka sa mga kapit-bahay mo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Dharr Al-Ghirārīy (malugod si Allāh sa kanya) na kapag nagluto siya ng sabaw ay na magparami siya ng tubig nito at magmalasakit siya at magsiyasat sa mga kapit-bahay niya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu-"Kumaain kayo,uminom kayo,magkawang-gawa kayo,nang walang halong pagmamataas at walang pagwawaldas"
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām AḥmadPinapatunayan ng Hadith na ito ang Pagbabawal ng Pagwawaldas sa pagkain,pag-inom,pagdamit at sa mga bagay na pagkakawang-gawa na walang halong pakitang-tao at pagkukunwari,At ang tunay na pagwawaldas ay paglampas sa limitasyon sa lahat ng gawain o salita,at sa pagkakawang-gawa ito ay higit na nakikita.At ang Hadith ay kinuha mula sa Pagsabi niya-Pagkataas-taas Niya" { At kumain kayo at Uminom kayo at huwag kayong magwaldas} [Al-A`raf :31],At napapaloob dito ang pagbabawal sa Pagmamataas at Pagmamalaki,At ang Hadith na ito ay may kabuuang kainaman sa pamamahala ng tao sa sarili niya,at napapaloob rito ang kabutihan sa kaluluwa at katawan para sa Mundo at sa Kabilang buhay,Dahil ang pagwawaldas sa lahat ng bagay ay nakakapinsala sa katawan at nakakapinsala sa pamumuhay,at humahantong ito sa pagkasira at napipinsala nito ang kaluluwa kapag ito laging nakasunod sa katawan sa madalas na pagkakataon,At ang Pagmamataas ay nakakapinsala sa kaluluwa dahil ito ay nagdudulot ng paghanga,at nakakapinsala sa Kabilang buhay sapagkat ito ay naagdudulot ng Kasalanan,at sa Mundo,sapagkat ito ay nagdudulot ng poot mula sa mga tao,At nagpuna si Imam Al-Bukhari,ayon kay Ibn `Abbas: ((Kumain ka nang anumang naisin mo,Uminom ka nang anumang naisin mo,Huwag kang magkamali sa dalawang bagay,Pagwawaldas at Pagmamataas))
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfu: ((Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nag-uutos sa pagpapagaan,at ipinag-aanyaya niya ito sa pamamagitan ng salita at gawa,At kabilang sa pagpapagaan,ang pagpapagaan sa pag-alay ng dasal na may kasamang pagkakaloob ng karapatan sa pagsamba mula sa pagiging ganap at kompleto,Kaya itinatanggi ni Anas bin Malik, na siya ay nakapagdasal sa likod ng kahit sinong Imam mula sa mga Imam,Ngunit ang pagdarasal niya sa likod ng Pinakadakilang Imam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay higit na magaan,dahil hindi siya nakakapaghirap sa mga nagdadasal,lumalabas sila mula rito na sila ay may [nararamdamang] kagalakan. At wala ng hihigut pa sa [pagiging] ganap ng pagdarasal niya,tunay na isinasagawa niya ito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan-na kompleto.Hindi niya ito ipinapawalang-bahala,datapuwat ginaganap niya ito sa pamamagitan ng pangangalaga sa [pagsasagawa] ng mga obligado nito at sa mga Sunnah nito,At ito ay mula sa palataandaan ng Pagpapala niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Abē Qilābah na si 'Abdillah bin Yazīd Al-Jarmīy Al Basrīy-siya ay nagsabi:Dumating sa amin si Mālik bin Al-Huwayrith, sa Masjid naming ito,Nagsabi siya:Tunay na ako ay magdadasal para sa inyo,Ngunit hindi ko nilalayun dito na magdasal [ng obligado], Magdarasal ako, kung papaano ko nakita ang Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal.Sinabi ko kay Abē Qilābah: Papaano siya magdasal? Nagsabi siya: Tulad ng pagdarasal ng Guro nating ito,Siya ay umuupo kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa bago siya bumangon)) Ang tinutukoy niya na Guro nila ay si: Abā Burayd, 'Amr bin Salamah Al-Jarmīy.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīySinasabi ni Abū Qilābah: Dumating sa amin si Mālik bin Al-Huwayrith; isa sa mga kasamahan ng Propeta, sa Masjid namin,Tunay na dumating Ako sa inyo upang magdasal para sa inyo ng isang dasal,Ang layunin ko rito ay ituro sa inyo ang pagdarasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pamamaraan ng pagsasasagawa,upang ang pagtuturo sa pamamagitan ng pagsasagawa, ay higit na malapit [sa katuruan ng Propeta] at mananatili sa kaisipan ninyo.Nagsabi ang taga salaysay, buhat kay Abē Qilābah: Papaano ang pamamaraan ni Mālik bin Al-Huwayrith sa pagdarasal-na siyang nagturo sa inyo sa pamamaraan ng Pagdarasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya: Tulad ng pagdarasal ng Guro naming si Abē Yazīd 'Amr bin Salamah Al-Jaramīy- At siya ay umuupo ng panandaliang pag-upo kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa para pagtindig,bago siya bumangon sa pagtayo.
Ayon kay Jaber bin `Abdullah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-(( Tunay na si Muadh bin Jabal: Ay nagdadasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng `Eishah na panghuli,Pagkatapos ay bumabalik siya sa mga tao niya,at idinadasal niya sa kanila ang yaong dasal))At sa isang salaysay: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi kay Muadh:((Kung ikaw ay nagdasal lamang ng " Luwalhatiin ang Pangalan ng Iyong Panginoon", "Ako [Allah] ay nanunumpa sa Araw at sa kanyang marilag na liwanag","Ako [Allah] ay nanunumpa sa Gabi habang lumulukob sa liwanag"? Sapagkat nagdadasal sa likod mo ang Matatanda at Mahihina at May Pangangailangan))
Napagkaisahan ang katumpakanAng mga tahanan ng mga anak ni Salamah ay mga kasamahan ni Muadh bin Jabal Al-Ansari sa kabilang dako ng Madinah,at si Muadh bin Jabal -malugod si Allah sa kanya-ay may matinding pagnanais sa Kabutihan,at siya ay nagsusumikap na makadalo sa pagdarasal kasama ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pagmamahal niiya sa kanya at pagnanais niyang matuto.at Pagkatapos niyang isagawa ang obligadong dasal sa kasama [likod] ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Lumalabas siya sa mga kasamahan niya at idinadasal niya sa kanila yaong dasal, kayat itoy magiging kusang-loob [ na dasal] para sa kanya-at obligado para sa mga kasamahan niya,At [ang mga pangyayaring ito] ay nalalaman ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinasang-ayunan niya ito sa kanya.Ngunit pinahaba niya ang pagbabasa isang beses,At ang Batas ng Islam ay inilalarawan sa [kanyang pagiging] Mapag-bigay at Magaan,at hindi paghihigpit,Sapagkat ang pahihigpit at Pagpapahirap,ang katumabas nito ay ang Pag-iwas.At nang makarating sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na si Muadh ay nagpapahaba sa pagbabasa,Pinatnubayan niya ito sa pagpapagaan kapag siya ang nangunguna sa pagdarasal.At binigyan niya siya ng mga halimbawa sa mga babasahin na katamtaman , na may pagpapaliwanag " Luwalhatiin ang Pangalan ng Iyong Panginoon", "Ako [Allah] ay nanunumpa sa Araw at sa kanyang marilag na liwanag","Ako [Allah] ay nanunumpa sa Gabi habang lumulukob sa liwanag" Sapagkat ang mga ito ay nakakayanan ng mga may malalaking idad,at ng mahihina,at ang may mga pangangailangan,na saan ay sila ang mga naghihirap sa pagpapataas,Kaya`t nakakabuti ang pag-aawa sa kanila at pangangalaga sa kanila [sa pamamagitan] ng pagpapagaan,Ngunit kapag ang Muslim ay nagdadasal na nag-iisa,nasa sa kanya ang pagpapataas sa anumang naisin niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi: ((Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamatayan ng Najashi sa araw ng kamatayan nito,Lumabas siya sa kanila sa pinagdadasalan,Nagsagawa ng linya sa kanila, at Nagsagawa siya ng Takbir [Allah Akbar] ng Apat na beses))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Najashi ay ang Hari ng Habashah,Sa kanya ay may kamay na mapagbigay sa mga Nagsilikas sa kanya mula sa mga kasamahan ng Propeta,Sa panahon na naging mahigpit sa kanila ang mga Qurash sa Meccah,At bago yumakap sa Islam ang mga Taong naninirahan sa Madinah,naging mabuti ang loob niya sa kanila,Pagatapos naging daan ito sa mabuting intensiyon niya,at pagsunod niya sa katotohanan,at tinanggal niya ang pagmamalaki [sa kanyang sarili] hanggang sa yumakap siya sa Islam,Namatay siya sa lugar niya,at hindi nakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Dahil sa pagiging mabuting-loob niya sa mga Muslim,at sa laki ng Katungkulan niya,at dahil, siya ay nasa lugar na hindi siya naipagdasal rito,Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ang pagkamatay niya,mismo sa araw ng pagkamatay niya,At lumabas siya sa kanila sa Pinagdadasalan,bilang pagmamalaki sa antas ng Najashi,at pagdedeklara sa pagyakap niya sa Islam,at Pag-aanunsiyo sa Kainaman niya at bilang Kabayaran sa kanya dahil sa ginawa niya sa mga Nagsilikas,At bilang kahilingan sa pagpaparami ng lipon na magdadasal sa kanya,Gumawa siya ng linya sa kanila,at Nagdasal siya parasa kanya,At nagsagawa siya ng Takbir [Pagdadakila sa Allah] sa yaong dasal ng Apat na beses,bilang pamamagitan sa kanya kay Allah-Pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`-malugod si Allah sa kanya-at siya ay kabilang sa mga nakasama sa [nangako] sa isang puno-siya ay nagsabi: ((Kami ay nagdarasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Jumu`ah,pagkatapos ay nagsisi-alisan na kami,at ang dingding ay walang silong na maaari naming masilungan))
Napagkaisahan ang katumpakanBinabanggit ni Salamah bin Al-Akwa-kalugdan siya ni Allah-na sila ay nagsasaksi sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Jumu`ah,Sila ay nagdadasal ng maaga;kung saan ay tinatapos nila ang dalawang sermon at pagdarasal,pagkatapos ay nagsisipag-uwian sila sa mga tahanan nila,at wala sa mga ding-ding ang sapat na silong na masisilungan nila. At ang pangalawang salaysay: Sila ay nagdadasal ng Jumu`ah kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag lumihis ang araw,pagkatapos ay nagsisipag-uwian sila.Napag-kaisahan ng mga may kaalaman na ang huling oras sa pagdarasal ng Jumu`ah ay ang huling oras sa pagdarasal ng Al-Dhuhr,At ang inaka-una at pianaka-mainam ,ang pagdarasal pagkatapos ng paglihis ng[Araw],Sapagkat ito ang kadalasang gawain ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At dahil ito ang oras na napagkaisahan sa pagitan ng mga may kaalaman;maliban kung may kasunod itong matinding pangangailangan,tulad ng matinding init ng araw at wala sa kanila ang masisilungan rito,o ninais nilang lumabas upang makibaka [sa landas ni Allah] bago ang paglihis ng araw,ipinapahintulot ang pagdarasal rito bago ang paglihis ng araw,kapag napalapit na.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khattab.-malugod si Allah sa kanilang dalawa- ((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon ng dalawang beses habang siya ay nakatayo,at pinaghihiwalay niya ang pagitan nito sa pag-upo)) At sa isang salaysay ni Jaber-malugod si Allah sa kanya-:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsesermon ng dalawang beses habang siya ay nakatayo,at pinaghihiwalay niya ang pagitan nito sa pag-upo))
Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie - Napagkaisahan ang katumpakanAng araw ng Biyernes ay isang malaking pagtitipon para sa lahat ng nananahan sa kani-kanilang mga lugar,Kung-kaya`t ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kabilang sa karunungan niya, siya ay nagsesermon sa araw ng Biyernes ng dalawang beses,nangangaral sa kanila sa dalawang [sermon] na ito ng kabutihan at nagbibigay babala sa kasamaan.At siya ay nagbibigay ng dalawang sermon na nakatayo sa Al-Minbar,Nang sa ganoon ay maging ganap sa pangangaral niya sa kanila at pagpapayo sa kanila,dahil matatagpuan sa pagtayo ang pagpapakita ng lakas ng Islam at pagmamahal nito.At kapag natapos siya sa unang sermon ,umuupo siya ng panandaliang pag-upo upang makapagpahinga,kaya`t nahihiwalay ang una sa ikalawa,pagkatapos ay tatayo siya at magsesermon para sa ikalawang beses,upang hindi mapagod ang bagsesermon at hindi mayamot ang tagapakinig
Ayon kay Jundub bin 'Abdillah Al-Bajallīy malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Pagkatay,pagkatapos ay nagsermon,pagkatapos ay nagkatay, at Nagsabi siya: Sinuman ang kumatay bago siya magdasal,ay magkatay ng iba bilang kapalit niya,at sinuman ang hindi pa nakapagkatay,ay kumatay sa pangalan ni Allah))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsimula ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Araw ng Pagkatay sa Pagdarasal,pagkatapos ay ipinangalawa niya ang Pagsermon,pagkatapos ay ipinangatlo niya ang Pagkatay,at siya ay lumalabas sa pagkakatay niya bilang pagpapakita sa mga Palatandaan ng Islam at Pagbibigay Kapakinabangan sa Pangkalahatan,at Pagbibigay-aral sa Ummah,At nagsabi siya na may pagbabatay sa kanila sa Panuntunan at Kondisyon mula sa mga kondisyon ng pagkakatay:Sinuman ang kumatay bago siya magdasal,Tunay na ang kinatay niya ay walang gantimpala,magkatay ng iba bilang kapalit niya,At sinuman ang hindi pa nakapagkatay,ay kumatay sa pangalan ni Allah,Nang sa gayon,ang pagkatay ay maging tumpak,at ang kinatay ay maging Halal,na siyang nagpapatunay sa pag-oobliga ng pagkakasunod-sunod na ito,na kung saan ay hindi ginagantimpalaan ang iba rito,At ang Hadith na ito ay tumutukoy din sa pagsisimula ng oras ng pagkakatay sa pagtatapos ng pagdarasal ng `Eid,at hindi sa oras ng pagdarasal,at hindi sa pagkatay ng Imam maliban sa sinumang hindi na-oobliga sa kanya ang pagdarasal ng `Eid,katulad ng manlalakbay.Taysīrul 'Allām Tanbīhul Ahlām Ta'sīsul Ahkām