





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Umar bi Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu- (( Sinuman ang nakatulog mula sa pagdarasal nito [gitna ng ]Gabi,o di kaya`y sa ilang bahagi nito,Pagkatapos ay binasa niya ito sa pagitan ng Dasal ng Fajr at Dasal ng Dhuhr,Isusulat sa kanya,na para niya itong binasa sa [gitna ng ] Gabi.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng bahagi:Ang kahulugan nito ay bahagi ng ilang bagay,kabilang rito ay mga bahagi ng Qur-an,Kapag sa isang Tao ay nakapagtakda ng dasal na dadaslin niya sa (hating) gabi;ngunit siya ay nakatulog rito,o di kaya`y sa ilang bahagi nito,at isinagawa niya ito sa pagitan ng Dasal na Fajr at Dasal na Dhuhr; kahalintulad ito na dinasal niya sa gabi nito,ngunit kapag siya ay nagsagawa ng Witr sa gabi,tunay na kapag isinagawa niya ito sa Araw,ay hindi siya magsasagawa ng Dasal na Witr,Ngunit gagawin iyang dalawahan ang Witr,ibig sabihin ay dadagdagan niya ng isang tindig (ang Witr),Kapag ang naka-ugalian niya ay ang magdasal ng Witr ng tatlong tindig,isasagawa niya ito ng apat,at Kapag ang naka-ugalian niya ay ang magdasal ng Witr ng lima,isasagawa niya ito ng anim,,Kapag ang naka-ugalian niya ay ang magdasal ng Witr ng pitong,isasagawa niya ito ng walo,at ganoon.At ang patunay rito ay ang Hadith ni `Aishah malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nanaig sa kanya ang pagtulog o di kaya`y nagkasakit sa gabi,Nagdadasal siya sa Araw nang labin-dalawang Tindig,At ipinahayag niya na ang pagsasagawa ay gaganapin,pagkatapos ng pagsikat ng araw na kasing-taas ng palaso,upang hindi siya makapagdasal sa oras na ipinagbabawal.
Ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagtanong sa pamilya niya ng palaman,Nagsabi silang: Walang mayroon sa atin maliban sa suka,hiniling niya ito at kumain siya rito at nagsasabing :((Tunay na mainam na palaman ang suka,Tunay na mainam na palaman ang suka))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHumingi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pamilya niya ng pagkaing kakainin niya kasama ng tinapay,Nagsabi silang:Walang mayroon sa atin maliban sa suka,ipinag-utos ilagay ilagay ito kaya dinala ito sa kanya,at kumain siya nito,at nagsasabi siyang: Tunay na mainam na palaman ang suka,Tunay na mainam na palaman ang suka,At ito ay pagpupuri sa suka,kahit na ang suka ay iniinom,subalit ang pag-inom ay tinatawag din na pagkain;Tulad ng sinabi ni Allah-pagkataas-taas Niya: { Ang sinuman ang uminom nito ay hindi kabilang sa akin,at ang sinuman ang hindi kumain nito ay tunay na kabilang sa akin},At kaya ito tinawag na pagkain,dahil sa kanya ay mayroong lasang nalalasahan.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na ang mga Ash`arīy, kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah, ay nagtitipon ng anumang taglay nila sa iisang damit. Pagkatapos ay hinahati-hati nila ito sa pagitan nila sa iisang lalagyan nang pantay-pantay, kaya naman sila ay bahagi ko at ako ay bahagi nila."
Napagkaisahan ang katumpakanTunay na ang mga Ash`arīy, ang mga tao ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, kapag nangaunti ang pagkain nila o sila ay nasa labanan ng Pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah, ay nagtitipon ng pagkain nila at naghahati-hati nito sa pagitan nila nang magkapantay. Kaya dahil doon, naging karapat-dapat sila na maugnay sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kaugnayan ng karangalan at pag-ibig. Siya rin ay bahagi nila sa pamamaraan nila sa dakilang kaasalang ito ng pagtatangi sa iba at pananatili sa pagtalima.
Ayon kay `Imrān bin Al-Ḥusayn, malugod si Allah sa kanilang dalawa: May isang babaing kabilang sa liping Juhaynah na dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit po ako ng takdang parusa kaya ipatupad mo po ito sa akin." Tinawag ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang tagatangkilik niya at nagsabi: "Pagandahin mo ang pakikitungo sa kanya at kapag nagsilang siya, dalhin mo siya sa akin." Ginawa naman niyon. Nag-utos para rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na igapos dito ang damit nito. Pagkatapos ay nag-utos siya na batuhin ito. Pagkatapos ay nagdasal siya para rito.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimSa ḥadīth ayon kay `Imrān bin Al-Ḥusayn, malugod si Allah sa kanya: May isang babaing dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit po ako ng takdang parusa kaya ipatupad mo po ito sa akin." Ninanais niya mula sa Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ipatupad sa kanya ang takdang parusa, ang pagbato, dahil siya ay may asawa. Ipinatawag ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang tagatangkilik nito at sinabi roon: "Pagandahin mo ang pakikitungo sa kanya at kapag nagsilang siya, dalhin mo siya sa akin." Ang sabi niya: "Pagandahin mo ang pakikitungo sa kanya" ay pag-uutos niyon dahil sa pangamba para sa kanya dahil sa idinulot niya sa kanila na kahihiyan at dahil sa pagpapahalaga sa mga karangalan. Ang pagdulot ng kahihiyan sa kanila ay ang magtutulak sa kanila sa pananakit sa kanya. Kaya nagtagubilin ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, para sa kanya bilang babala laban doon at para sa karagdagang awa sa kanya dahil siya ay nagbalik-loob. Nagsigasig siya sa pagpapaganda ng pakikitungo rito dahil sa taglay ng mga puso ng mga tao na pagkalayo ng loob sa tulad niya at sa pagpaparinig sa kanya ng pananalitang nakasasakit. Dinala siya sa Sugo ni Allah, (d), matapos maisilang ang ipinagdadalang-tao. Pagkatapos ay nag-utos sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maghintay hanggang sa maawat ang bata. Noong naawat na niya ito, pumunta siya at ipinatupad sa kanya ang takdang parusa. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na igapos sa kanya ang kasuutan niya upang hindi siya mayanig sa sandali ng pagbato sa kanya at malantad ang kahubaran niya. Pagkatapos ay ipinag-utos na parusahan siya at binato siya. Nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, para sa libing niya.
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya): {Si Anghel Gabriel ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Muḥammad, naghinaing ka ba?" Kaya nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo laban sa bawat bagay na namemerhuwisyo sa iyo at laban sa bawat kasamaan ng sarili o matang naiinggit. Si Allāh ay magpagaling sa iyo. Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimDumating si Anghel Gabriel (sumakanya ang pagbati) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong ito sa kanya: "O Muḥammad, naghinaing ka ba dahil sa sakit?" Kaya nagsabi siya: "Oo." Kaya nag-orasyon si Anghel Gabriel sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng sabi nito: "Sa ngalan ni Allāh," habang nagpapatulong sa Kanya, "nag-oorasyon ako para sa iyo" at dumadalangin ng pagkupkop sa iyo "laban sa bawat bagay na namemerhuwisyo sa iyo" na malaki man o maliit man "at laban sa bawat kasamaan ng sarili" na karima-rimarim "o matang naiinggit" na makausog ito. "Si Allāh ay magpagaling sa iyo," magsasanggalang sa iyo, at mangalaga sa iyo laban sa lahat ng mga sakit. "Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo." Nag-uulit siya nito para sa pagpapalabis. Nagpasimula ito sa pamamagitan niyon at nagpawakas ito sa pamamagitan niyon bilang isang pahiwatig na walang Tagapagpakinabang kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).
Ayon kay Abe Asha`tha`a,Nagsabi siya:Kami ay naka-upo kasama si Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya,sa Masjid,hanggang sa tumawag ng Adhan ang mananawag,Tumayo ang isang lalaki mula sa Masjid at naglakad,sinundan siya ni Abe Hurayrah sa mata nito hanggang sa lumabas siya sa Masjid,Nagsabi si Abu Hurayrah:Ngunit ang gawaing iyan,ay totoong sumuway kay Abal Qa`seem,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Nagsalaysay nito si Imām MuslimBinabanggit ni Abe Asha`tha`a,na sila ay naka-upo kasama si Abe Hurayrah sa Masjid,hanggang sa tumawag ng Adhan ang mananawag,kung kaya`t may isang lalaki pagkatapos ng Adhan na naglakad,Nanatili si Abe Hurayrah malugod si Allah sa kanya sa pagtitig sa kanya,kung lalabas ba siya sa Masjid o anu ang gusto niya? At nang mapatunayan sa kanya na siya ay lumabas,ipinahayag niya na siya, sa gawain niyang ito,ay totoong sumuway kay Abal Qa`seem,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Assa'b bin Jathāmah-malugod si Allah sa kanya-siya ay Nagsabi:Nagregalo ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang isang mabangis na Asno-ibinalik niya ito sa akin,At nang makita ang mukha ko,Nagsabi siya:((Tunay na hindi namin ito ibinbalik sa iyo maliban sa kami ay nasa [kalagayan ng] Ihram))
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang sa kabutihan ng pag-uugali ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay hindi nambobola sa mga tao [pagdating]sa Relihiyon ni Allah,at hindi niya kinaliligtaan na pasiyahin ang kanilang mga puso,Kaya`t si Assa'b bin Jathāmah-malugod si Allah sa kanya-ay dumaan sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-ay nasa [kalagayan ng] Ihram,At si Assa'b bin Jathāmah-ay isang mananakbo at manghahagis,At nang dumaan siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-nangaso siya para sa kanya ng isang mabangis na Asno,at dumating siya para ibigay ito sa kanya-ngunit tinanggihan ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-kaya naging mabigat ito para kay Assa'b,Papaanong nagawang tanggihan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-ang regalo niya?Nag-iba ang mukha niya,At nang makita niya ang kanyang mukha,pinasaya niya ang kaniyang puso,At sinabi niyang walang ibang dahilan kung bakit niya ito tinanggihan maliban sa siya ay nasa [kalagayan] ng Ihram,At ang nasa kalagayan ng Ihram ay hindi dapat kumain sa hayop na nahuli [sa pangangaso] kung ito ay hinuli para sa kanya.
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok sapagkat tunay na ang sinuman sa inyo kapag nagdarasal habang siya ay inaantok ay hindi nalalaman: marahil siya ay nagnanais humingi ng tawad ngunit nalalait niya ang sarili niya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng paksa ng ḥadīth ay ang pagkasuklam sa pagpagod sa sarili sa pagsamba. Kaya kapag nakadama ang nagdarasal ng pagsisimula ng pananaig ng antok habang siya ay nagdarasal, putulin niya ang pagdarasal niya o lubusin niya ito. Pagkatapos ay hihiga siya at ipapahinga ang sarili niya upang hindi mamutawi sa kanya ang panalangin laban sa sarili niya sa sandali ng kapaguran niya.
Ayon kay Abū Ḥumayd As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagtalaga ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaki sa [pagkalap ng] mga kawanggawa ng Angkan ng Sulaym, na tinatawag na Anak ng Lutbīyah. Noong dumating ito, nakipagtuos siya rito. Nagsabit ito: "Ito ay yaman ninyo at ito naman ay regalo [sa akin]." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya bakit kaya hindi ka naupo sa bahay ng ama mo at ina mo hanggang sa pumunta sa iyo ang regalo mo, kung ikaw ay naging tapat?" Pagkatapos nagtalumpati siya sa amin kaya nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi Rito. Pagkatapos nagsabi siya: "Hinggil sa matapos niyan, tunay na ako ay nagtalaga ng lalaki kabilang sa inyo sa paggawa mula sa iniatang sa akin ni Allāh saka dumating ito saka nagsabi ito: 'Ito ay yaman ninyo at ito naman ay regalo, na iniregalo sa akin.' Kaya bakit ba hindi siya naupo sa bahay ng ama niya at ina niya hanggang sa pumunta sa kanya ang regalo niya? Sumpa man kay Allāh, walang nangunguhang isang kabilang sa inyo ng anuman nang walang karapatan sa kanya malibang makikitagpo siya kay Allāh habang nagpapasan siya nito sa Araw ng Pagbangon. Talagang hindi nga ako kikilala sa isa kabilang sa inyo, na makikitagpo kay Allāh habang nagpapasan ng isang kamelyong mayroon itong pag-ungal, ng isang bakang mayroon itong pag-unga, at ng isang tupang umuungol." Pagkatapos nag-angat siya ng kamay niya hanggang sa nakita ang kaputian ng kilikili niya habang nagsasabi: "Nakapagpaabot kaya ako?" [Nagsabi ang tagasalaysay:] "Ayon ito sa pagkakita ng mata ko at pagkarinig ng tainga ko."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagtalaga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking sinasabing Anak ng Lutbīyah, na nagtitipon ng zakāh mula sa lipi ng Angkan ng Sulaym. Noong nakabalik ito sa Madīnah, nakipagtuos siya rito. Nagsabit naman ang Anak ng Lutbīyah: "Ito ay yaman ninyo na tinipon ko mula sa zakāh at ang yamang ito naman ay iniregalo sa akin." Kaya nagsabi siya rito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya bakit ba hindi ka naupo sa bahay ng ama mo at ina mo nang sa gayon maghintay ka kung may magreregalo kaya sa iyo, kung ikaw ay naging tapat? Tunay na ang mga tungkulin na ginawa mo alang-alang doon ay ang kadahilanan sa pagreregalo sa iyo. Kung sakaling nanatili ka sa tirahan mo, walang ireregalo sa iyo na anuman. Kaya naman hindi nararapat sa iyo na magsolo nito dahil lamang sa pagiging ito ay nakarating sa iyo bilang regalo." Pagkatapos umakyat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pulpito bilang mananalumapati, habang siya ay galit, saka nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi Rito. Pagkatapos nagsabi siya: "Hinggil sa matapos niyan, tunay na ako ay nagtalaga ng lalaki kabilang sa inyo bilang isang manggagawang empleyado sa tungkulin na inilagay ni Allāh sa akin ang pangangasiwa roon kabilang sa mga zakāh at mga samsam sa digmaan saka dumating ito mula sa gawain niya saka nagsabi ito: 'Ito ay para sa inyo at ito naman ay regalo, na iniregalo sa akin!' Kaya bakit ba hindi siya naupo sa bahay ng ama niya at ina niya hanggang sa pumunta sa kanya ang regalo niya? Sumpa man kay Allāh, walang nangunguhang isa man ng anuman mula sa ibinibigay sa kanya nang walang karapatan sa kanya malibang makikitagpo siya kay Allāh habang siya ay nagpapasan nito sa Araw ng Pagbangon sa leeg niya, kung ang kinuha niya ay isang kamelyong mayroon itong tunog ng pag-ungal o isang bakang mayroon itong tunog ng pag-unga, at isang tupang mayroon itong ungol na hinihiyaw nito." Pagkatapos nag-angat siya ng kamay niya nang matindi hanggang sa nakakita ang mga nakaupo sa kaputian ng mga kilikili niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh nakapagpaabot ng kahatulan Mo sa kanila." Pagkatapos nagpabatid si Abū Ḥumayd As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya) na ito ay kabilang sa nakita ng mata ko at narinig ng tainga niya.