





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: " Umiihi ang isang Arabeng disyerto sa masjid kaya tumayo ang mga tao papunta sa kanya upang sagupain siya kaya nagsabi naman ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.'"
Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-BukhārīyTumindig ang isang arabeng disyerto at nagsimula sa pag-ihi sa Masjid ng Propeta kaya sinagupa siya ng mga tao sa pamamagitan ng salita nila hindi sa pamamagitan ng mga kamay nila. Ibig sabihin ay sinigawan nila siya. Nagsabi naman sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hayaan nila ito. Noong natapos na ito sa pag-ihi nito, inutusan niya sila na magbuhos sa lugar na inihian niyon ng isang timbang tubig. Nilinaw niya sa kanila na sila ay mga tagapag-anyaya para sa pagpapadali at hindi para sa pagtataboy at pagpapalayo sa mga tao sa patnubay.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: Sila ay nagkatay ng isang tupa kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ano ang natira mula rito?" Nagsabi siya: "Walang natira mula rito kundi ang balikat nito." Nagsabi siya: "Natira ang lahat nito maliban sa balikat nito."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyKumatay ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang tupa. Pagkatapos ay ikinawanggawa nila ito maliban sa balikat nito kaya nagsabi sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Nanatili ang tupa kay Allah, pagkataas-taas Niya, bilang isang gantimpala at isang kabayarang matatagpuan natin sa Kabilang-buhay dahil ikinawanggawa ito. Ang hindi naman ikinawanggawa ay hindi mananatili nang tunay.
Ayon kay Ayon kay Jābir bin Samurah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ako noon ay nagdarasal kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga dasal. Ang dasal niyon noon ay katamtaman at ang talumpati niya ay katamtaman."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng dasal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang talumpati niya ay nasa pagitan ng sobrang haba at labis na pagpapaikli, na inilarawang katamtaman at kaigihan. Siya ang halimbawa at ang tinutularan para sa mga Muslim sa pangkalahatan, at para mga imaān at mga mangangaral lalo na.
Ayon kay Iyās bin `Abdillāh bin Abī Dhubāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mamalo ng mga babaing alipin ni Allāh," ngunit dumating si `Umar sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagpangahas ang mga babae laban sa mga asawa nila," kaya nagpermiso siya sa pagpalo sa kanila. May pumalibot naman sa mag-anak ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang may pumalibot nga sa mag-anak ni Muḥammad na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Ang mga iyon ay hindi pinakamabubuti ninyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu MājahSumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpalo sa mga maybahay ngunit dumating ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naglakas-loob ang mga babae sa mga asawa nila at sumagwa ang mga kaasalan nila." Kaya nagpermiso siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpalo sa kanila nang isang palong hindi nakasasakit kapag umiral ang kadahilanan doon gaya ng pagpigil nila sa pagganap ng karapatan ng asawa, pagsuway sa kanya, at tulad niyon. Kaya may dumating matapos nito na mga babae sa piling ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na naghihinaing laban sa pagpalo ng mga asawa nila sa kanila nang isang palong nakasasakit. Dahil sa kasagwaan ng paggamit ng permisong ito, nagsabi tuloy ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga lalaking iyon na namamalo ng mga maybahay nila nang palong nakasasakit ay hindi ang pinakamabubuti sa inyo."
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya: "Kapag sinaktan ng isang babae ang asawa niya sa Mundo, magsasabi ang maybahay nito na kabilang sa mga dilag na maganda ang mata: Huwag mo siyang saktan; awayin ka ni Allah sapagkat siya sa piling mo ay isang panauhin lamang na napipintong humiwalay sa iyo papunta sa amin."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadPinagbawalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang maybahay na saktan ang asawa niya sa Mundo sapagkat ang asawang ito ay isang panauhin at nanunuluyan sa Mundo na napipintong na lumisan mula rito patungo sa Kabilang-buhay. Papasok ito sa Paraiso at ito ay magiging ukol sa mga babae ng Kabilang-buhay.
Ayon kay `Ā’sma` bint Abū Bakr, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Nagsabi siya:Sinabi sa akin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((huwag kang {mag-ipon} at maging maramot,at magiging Maramot { Ang Allah} sa iyo)) at sa isang salaysay:(( Gumugol ka o Gumastos ka,o Magbigay ka,Huwag kang Humadlang At hahadlangan ni Allah {ang biyaya} sa iyo,at huwag kang mag-imbag,at mag-iimbag [Maging maramot] ang Allah sa Iyo))
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Asma bint Abu Bakar Assidiq-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Huwag kang magpondo at tinitipid mo ang nasa sa iyo at pinipigilan mo ang nasa kamay mo,at mapuuptol ang mga bagay na biyaya sa iyo,At ipinag-utos niya sa kanya ang paggugol sa kaluguran ni Allah Pagkataas-taas Niya,At huwag mong isipin ang takot na maputol ang biyaya,at magiging dahilan ito ng pagtigil mo sa paggugol,at ito ang ibig sabihin niya sa:((At hahadlangan ni Allah {ang biyaya} sa iyo)at huwag mong pigilan ang kainaman ng yaman para sa mga Dukha,at pipigilan ni Allah ito sa iyo ang kainaman nito at haharangin sa iyo.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling ako ay mag-uutos sa isa man na magpatirapa sa isa pa, talagang mag-uutos ako sa babae na magpatirapa sa asawa niya."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyIpinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kung sakaling siya ay mag-uutos sa isa man na magpatirapa sa isa pa, talagang mag-uutos siya sa babae na magpatirapa sa asawa niya. Iyon ay bilang pagdakila sa karapatan ng lalaki sa maybahay niya ngunit ang pagpapatirapa sa iba pa kay Allah ay ipinagbabawal na hindi ipinahintulot nang lubusan.
`Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsasabi: "Pumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa masjid at [nakapansin na] may lubid na nakabanat sa pagitan ng dalawang panukod. Nagsabi siya: Ano ang lubid na ito? Nagsabi sila: Ang lubid na ito ay para kay Zaynab sapagkat kapag nanghina siya, kumakapit siya rito. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kalagin ninyo iyan; magdasal ang [bawat] isa sa inyo ayon sa sigla niya at kapag napagod siya ay matulog siya."
Napagkaisahan ang katumpakanPumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa masjid at nakatagpo siya sa harapan niya ng isang lubid na nakasabit sa pagitan ng dalawa sa mga haligi ng masjid. Nagulat siya. Tinanong niya ang dahilan ng pagsasabit niyon at nagsabi sa kanya ang mga kasamahan niya na iyon ay kay Zaynab. Nagdarasal ito ng kusang-loob na dasal at pinatatagal iyon. Kapag nakaramdam ito ng pagod, nagdarasal ito at kumakapit sa lubid. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na alisin ang lubid. Hinimok niya na magpakakatamtaman sa pagsamba. Ipinagbawal niya ang pagpapakalulon doon upang mapagtuunan iyon nang may sigla.
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi karapat-dapat sa taong Muslim na may isang bagay na itatagubilin dito na magpapagabi ng tatlong gabi malibang habang ang tagubilin niya ay nasa kanya na nakasulat."} Nagsabi si `Abdullāh na anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Walang nagdaan sa akin na isang gabi magmula ng nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi niyon malibang habang nasa akin ang tagubilin ko.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi nararapat sa isang Muslim na may isang bagay na itatagubilin dito na mga karapatan o mga ari-arian, kahit pa man ang mga ito ay kaunti, na magpagabi siya nang tatlong gabi malibang habang ang tagubilin niya ay nakasulat sa kanya. Nagsabi si `Abdullāh na anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Hindi ako nagpagabi ng isang gabi magmula ng nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi niyon malibang habang nasa akin ang tagubilin ko.