





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang paghahlintulad sa maramot at magpagbigay ay kahalintulad ng dalawang lalaking nakasuot ng baluting yari sa bakal mula sa dibdib nila hanggang sa balagat nila. Tungkol sa magpagbigay, tuwing gumuguol siya, lumalawak o lumalago, sa balat niya hanggang sa takpan nito ang mga dulo ng mga daliri at pinawi nito ang bakas niya. Tungkol naman sa maramot, tuwing nagnanais siyang gumugol ng anuman, dumidikit ang bawat argolya sa kinalalagyan nito at siya ay nagpapaluwag nito ngunit hindi ito lumuluwag."
Napagkaisahan ang katumpakanGumawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang paghahalintulad para sa maramot at mapagbigay. Inilarawan niya silang dalawa na dalawang lalaking nakasuot ang bawat isa sa kanilang dalawa ng baluti mula sa dibdib hanggang sa balagat, ang butong nasa pinakamataas na bahagi ng dibdib. Ang mapagbigay, sa tuwing gumugugol siya, lumalago at humaba ang baluti niya hanggang sa nahihila ito sa likuran niya at natatakpan ang mga paa niya at ang bakas ng paglalakad niya at mga hakbang niya. Ang maramot naman ay gaya ng lalaking ginapos ang kamay niya sa leeg niya. Sa tuwing nanaisin niyang kalagin ito, natitipon ito sa leeg niya at dumidikit sa balagat niya.
Ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Habang ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagtatalumpati walang anu-ano ay may isang lalaki na nakatayo kaya nagtanong siya tungkol doon at nagabi sila: Si Abu Israel ay namanata na tatayo sa ilalim ng araw, hindi uupo, hindi magpapalilim, hindi magsasalita, at mag-aayuno. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Utusan ninyo siya na magsalita siya, magpalilim siya, maupo siya, at lubusin niya ang ayuno niya."
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyNamanata ang kasamahang ito na titigil sa pagsasalita, pagkain, at pag-inom, at na tatayo sa ilalim ng araw at hindi magpapalilim. Ito ay may dulot na pagpaparusa sa sarili at pahirap rito. Ito ay panatang ipinagbabawal. Dahil dito, ipinagbawal sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon ngunit inutusan siyang lubusin ang pag-aayuno niya dahil ito ay isang pagsambang isinabatas. Alinsunod dito, ang sinumang namanata ng isang pagsambang isinabatas, naoobliga siya na gawin ito. Ang sinumang namanata ng isang isang pagsambang hindi isinabatas, tunay na siya ay hindi naoobligang gawin ito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang nakasumpong ng ari-arian niya mismo sa piling ng isang lalaki - o isang tao - na nabangkarota, siya ay higit na karapat-dapat dito kaysa sa sinumang iba pa sa kanya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sinumang nagbenta ng paninda niya sa isang mamimili o naglagak nito o nagpautang nito roon at tulad niyon at nabangkarota iyon at tulad niyon sa paraang ang yaman niyon ay hindi makababayad dahil sa mga utang niyon, ang nagbenta ay may karapatang bumawi ng paninda niya kapag natagpuan niya ito mismo sapagkat siya ay higit na karapat-dapat dito sa iba pa sa kanya.
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-(( Sinuman ang magbinta ng Puno ng Palmerang pinapabunga,Ang magiging bunga nito ay para sa Taong nagbinta,maliban kong kasama ito sa kondisyon ng bumibili)) At sa isang salaysay:((At sinuman ang magbinta ng isang alipin,ang salapi nito ay sa yaong nagbinta sa kanya,maliban kong kasama ito sa kondisyon ng bumibili))
Napagkaisahan ang katumpakanAng may karapatan sa Pagpapabunga ay ang nagbinta;at isinunod niya rito ang bunga,dahi sa siya mismo ang naging dahilan nito, at ito ay ang pagpapabunga;Ngunit, kung kailan hiningi ito [bilang kondisyon] ng bumibili,na mapasakanya ang bunga-kahit pa ang Punong Palmera ay sinadyang pinabunga-at tinanggap ito ng nagbibinta;Silang dalawa ay batay sa magiging kondisyon nilang dalawa. At gayundin ang Alipin,Kung saan ay ginawa ng Pinuno ,na sa kamay niya ay may salapi,kapag ibinita niya ito,ang salapi niya ay mapupunta sa pinuno niya na nagbinta sa kanya,dahil hindi ito nakasali sa napagkasunduan,maliban kapag ginawa itong kondisyon ng bumibili o gumawa ng kondisyon sa mga ilang bahagi nito,ito ay mapapaloob sa pagbibinta
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."
Napagkaisahan ang katumpakanDinalaw ng isang babae si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, at binanggit nito sa kanya ang dami ng dasal niya. Binanggit naman ni `Ā’ishah iyon sa Sugo ni Allah, malugod si Allah sa kanya, kaya ipinagbawal niya sa atin ang pagpapalabis-labis sa pagsamba at pag-aatang sa sarili ng hindi nakakaya nito. Ipinabatid niya rito na si Allah ay hindi makikitungo sa inyo ng pakikitungo ng panghihinawa hanggang sa manghinawa kayo at itigil ninyo ang pagsamba. Nararapat sa inyo na gawin ang makakayang panatiliin upang manatili ang gantimpala Niya sa inyo at ang kabutihang-loob Niya sa inyo.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Siya ay nagsabi:((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na salubungin ang mga panindang [dumarating],at ibinta ito ng mga nanahanan sa lugar sa mga taong naninirahan sa Disyerto.Nagsabi si Ibn `Abbas:Ano ang ibig sabihin sa sinabi niyang: nanahanan sa lugar sa mga taong naninirahan sa Disyerto? Nagsabi siya: Ang hindi siya maging ahente))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito,ay ipinagbabawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang ilan sa mga uri ng ipinagbabawal na pagbibinta,dahil sa napapaloob rito na mga kapinsalaan na bumbalik sa nagbebenta o mamimili,o maliban sa kanilang dalawa: Una:Ipinagbawal na salubungin ang mga taong dumarating upang ipagbinta ang mga gamit nila mula sa pagkain o mga hayop,Sasadyain sila bago sila dumating sa merkado,at bibilhin niya sa kanila ang mga dala-dala nila,At dahil sa kawalan nila ng kaalaman sa halaga nito,marahil ay dayahin nila ito sa pagbenta sa kanila,at mawawala sa kanila ang natitirang biyayang pinagpaguran nila,at isinara nila dahil rito ang mga tagumpay.At napagtamo nila ang mga panganib.At ito ay naging parang malamig na pagkain,para sa sinumang hindi nakaranas nito.Ang pangalawa:Ang dalhin ng mga naninirahan sa Disyerto o mga nayon ang mga bagahe niya papunta sa lungsod upang ipagbinta ito sa tamang halaga nito sa isang araw at babalik din.,o sa halagang kinakailangan lamang niya at sapat na sa kanya,subalit darating ang isang taga lungsod at sasabihin niyang:ipagkatiwala mo ito sa akin upang ibinta ko ng unti-unti,sa mataas na halaga,bilang pagpipinsala sa mga taga-lungsod.Kaya dumating ang Batas ng Islam,na nangangalaga sa karapatan ng nagtitindang taga kanluran mula sa taga-lungsod at nangangalaga sa karapatan ng taga-lungsod.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Muzabanah [Pagbibinta na may Pagtatantiya],;Ang ibinta niya ang bunga ng Harden niya kung ito ay Punong-Palmera;kapalit ng Tamr [Bunga ng Punong Palmera],sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Ubas;kapag ibininta niya ito kapalit ng Tuyong-Ubas ,sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Pananim:Kapag ibininta niya ito kapalit ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At ang lahat ng mga ito ay ipinagbawal niya))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbabawal ng Popeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Muzabanah [Pagbibinta na may pagtantiya],kung saan ito ay pagbibinta ng nakikita sa hindi natitiyak [na sukat,dami o halaga] mula sa uri niya,Ito ay dahil sa mga pinsalang napapaloob sa pagbibintang ito,at dahil sa mga hindi tiyak [na sukat,dami o halaga] na napapaloob rito.sa pamamagitan ng pagtatantiya ng dalawang ibinibinta na maaaring humantong sa Pagpapatubo.At naibigay ang mga ilang halimbawa na magbibigay linaw rito at maghahayag.At ito ay tulad halimbawa ng;Kapag ibininta niya ang bunga ng harden niya ,kung ito ay puno ng Palmera,kapalit ang Tamr [Bunga ng Punong Palmera],sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami] ,At kung ito ay Ubas,Kapag ibininta niya ito,kapalit ang Tuyong Ubas sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay pananim;Kapag ibinita niya ito,kapalit ang pagkain mula sa ibang uri nito sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],Ipinagbawal ang lahat ng ito,dahil sa napapaloob rito na mga katiwalian at mga kapinsalaan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa Shighār."
Napagkaisahan ang katumpakanAng pangunahing panuntunan sa pagsasagawa ng kasal ay na hindi ito naisasagawa malibang may bigay-kaya sa babae, na tumutumbas sa pagkakaloob niyon sa sarili niyon. Dahil dito, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa ganitong pag-aasawang ayon sa Panahon ng Kamangmangan na lumalabag dahil dito ang mga tagatangkilik sa katarungan sa mga babaing tinatangkilik dahil ipinakakasal nila ang mga babaing iyon nang walang bigay-kayang napupunta ang pakinabang sa mga babaing iyon. Ipinakakasal lamang nila ang mga babaing iyon ayon sa ikinalulugod ng mga pagnanais nila at mga hilig nila. Ipinakakasal nila ang mga babaing iyon sa mga lalaki sa kundisyong ipakakasal ng mga ito ang mga babaing tangkilik ng mga ito nang walang bigay-kaya. Ito ay paglabag sa katarungan at pagpapakasal sa mga babae nang hindi ayon sa ibinaba ni Allāh. Ang anumang gaya niyon, ito ay ipinagbabawal na walang kabuluhan.
Ayon kay `Abdullāh ibnu `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitindang ḥabalulḥabalah. Ito ay isang pagtitindang isinasagawa ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Ang lalaki ay bumibili ng kamelyo mula sa isisilang pa ng inahing kamelyo na nasa tiyan pa nito." Sinabi: "Ipinagbibili noon ang Shārif, ang matandang inahing kamelyo, sa pamamagitan ng supling ng sanggol na nasa tiyan ng inahing kamelyo nito."
Napagkaisahan ang katumpakanIto ay isang pagtitindang kabilang sa mga pagtitindang ipinagbabawal. Ang pinakatanyag sa mga pakahulugan ng pagtitindang ito ay dalawang pakahulugan: 1. Na ang kahulugan nito ay ang pagbimbin. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtitinda ng isang bagay kapalit ng halagang ipagpapaliban ang pagbibigay sa loob ng panahong nagtatapos sa panganganak ng inahing kamelyo at pagkatapos ay pagkapanganak ng nasa tiyan nito. Ipinagbawal ito dahil sa kawalan ng kaalaman sa yugto ng kabayaran. Ang yugto ay may epekto sa halaga sa haba nito at ikli nito. 2. Na ang kahulugan nito ay ang pagtitinda ng bagay na hindi umiiral at hindi nalalaman. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtitinda ng supling ng ipinagbubuntis na kamelyong nasa tiyan pa ng matandang inahing kamelyo. Ipinagbawal ito dahil sa dulot nito na malaking kapinsalaan at panganib sapagkat hindi nalalaman kung ito ba ay babae, o kung ito ba ay isa o dalawa, o kung ito ba ay buhay o patay? Hindi rin alam ang yugto ng pagkamit nito. Ito ay kabilang sa mga panindang hindi nalalaman, na dumarami ang kapinsalaan nito at ang pagdadahilan dito kaya humahantong sa mga alitan. Nangangahulugang itong ang usapin ay naging may apat na anyo: 1. Na ipagbili ang ipinagbubuntis ng inahing kamelyo. 2. Na ipagbili ang ipinagbubuntis ng ipinagbubuntis ng inahing kamelyo. 3. Na ipagpapaliban ang paninda, na nangangahulugang ipagpapaliban ang panahong ang bagay ay magiging pagmamay-ari ng mamimili hangang sa magsilang ang inahing kamelyo o magsilang ang nasa tiyan nito. 4. Na ang paninda ay habang buhay ngunit ang halaga ay ipinagpapaliban sa yugtong hindi nalalaman.