





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jābir bin Abdullah, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ipinadala kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinamuno niya sa amin si Abū `Ubaydah, malugod si Allah sa kanya, upang makatagpo ng karaban ng Quraysh. Pinabaunan niya kami ng isang supot ng datiles; wala na siyang natagpuan para sa amin maliban doon. Si Abū `Ubaydah ay nagbibigay sa amin noon ng tig-iisang datiles. May nagsabi: Papaano ang ginagawa ninyo roon? Nagsabi siya: Sinisipsip namin iyon gaya ng pagsipsip ng sanggol. Pagkatapos ay iniinuman namin ito ng tubig at nakasasapat ito sa amin sa araw namin hanggang sa gabi. Kami noon ay dumidikdik gamit ang mga tungkod namin ng mga dahong nalaglag. Pagkatapos ay binabasa namin ang mga ito ng tubig at kinakain namin. Pumunta kami sa baybayin ng dagat at may lumitaw sa amin sa baybayin ng dagat na gaya ng anyo ng malaking bunton ng buhangin. Pinuntahan namin ito at ito pala ay isang hayop na tinatawag na espermang balyena. Nagsabi si Abū `Ubaydah: Patay ito. Pagkatapos ay nagsabi siya: Hindi bale; tayo ay mga sugo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa landas ni Allah at kayo ay nagipit kaya magsikain kayo. Tumigil kami doon ng isang buwan - kami ay tatlong daan - hanggang sa tumaba kami. Talaga ngang nakita kong sumasalok kami mula sa butas ng mata nito ng pitsel-pitsel na taba. Humihiwa kami mula rito ng tipak-tipak na [na karne] na gaya ng toro o kasukat ng toro. Talaga ngang kumuha sa amin si Abū `Ubaydah ng labintatlong lalaki at pinaupo niya sila sa butas ng mata nito. Kumuha siya ng isang tadyang mula sa mga tadyang nito at itinayo ito. Pagkatapos ay siniyahan niya ang pinakamalaking kamelyong kasama namin at dumaan siya sa ilalim nito. Nagbaon kami mula sa karne nito na mga tapa. Noong dumating kami sa Madīnah, pinuntahan namin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at binanggit namin iyon sa kanya. Kaya nagsabi siya: Ito ay panustos na pinalabas ni Allah para sa inyo kaya mayroon ba kayong anuman sa karne nito, na ipakakain ninyo sa amin? Kaya nagpadala kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula roon at kinain niya iyon."
Napagkaisahan ang katumpakanNagpadala ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batalyon at pinamuno niya sa kanila si Abū `Ubaydah upang kunin ang isang karaban na nagdadala ng trigo at pagkain para sa liping Quraysh. Binigyan niya sila ng sisidlang yari sa balat na may lamang datiles. Ang pinuno nila ay nagbibigay sa bawat isa sa kanila ng isang datiles dahil sa kakauntian ng baong dala nila. Sinisipsip nila ito at iniinuman ito ng tubig. Dinidikdik nila ng mga tungkod nila ang mga dahon ng mga puno na kinakain ng mga kamelyo. Pagkatapos ay binabasa nila ito ng tubig para alisin ang kagaspangan nito. Noong nakarating na sila sa baybayin ng dagat, nakakita sila ng tulad ng tumpok ng buhangin. Pinuntahan nila iyon at iyon pala ay isang malaking balyena na tinatawag na esperma. Pinagbawalan sila ng pinuno nilang si Abū `Ubaydah na kumain mula roon dahil ito ay patay [na hindi nakatay] at ang patay [na hindi nakatay] ay ipinagbabawal ayon sa teksto ng Qur'an. Pagkatapos ay nagbago ang pagtitimbang-timbang niya at ipinahintulot niya sa kanila na kumain mula roon. Iyon ay dahil sa ang patay [na hindi nakatay] ay ipinahihintulot na kumain mula rito sa sandali ng kagipitan lalo pa at sila ay nasa isang paglalakbay bilang pagtalima kay Allah, napakamaluwalhati Niya. Nakalingid sa kanila na ang patay na hayop ng dagat ay ipinahihintulot. Pagkatapos ay ipinangatwiran nila ang kagipitan kaya kumain sila mula rito at nagdala sila pauwi. Noong nakarating sila sa Madīnah, ipinabatid nila iyon sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at sinang-ayunan naman niya sila sa ginawa nila at kumain siya mula roon.
Ayon kay `Ā’ishah bint Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa isang Hudyo ng isang pagkain at nagsangla siya rito ng isang baluting yari sa bakal.
Napagkaisahan ang katumpakanBumili ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa isang Hudyo ng isang pagkaing mula sa trigo at nagsangla siya rito ng isang kinakailangan sa kanya sa pakikibaka sa landas ni Allāh at sa pagtataas ng Salita Niya, ang baluti niyang isinusuot niya sa mga digmaan bilang pananggalang - matapos si Allāh, pagkataas-taas Niya - laban sa sandata ng kaaway at pakana nila.
Ayon kay Abe Saed Al-Khudrie-malugod si Allah sa kanya-Habang kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating ang isang lalaki sa dala nitong sasakyan,lumilihis ang paningin nito sa bandang kanan at kaliwa,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman ang nagmamay-ari ng labis na masakyan (kamelyo),ipagkawang-gawa niya ito sa sinumang walang masakyan (kamelyo),at sinuman ang nagmamay-ari ng labis na pagkain,ipagkawang-gawa niya ito sa sinumang walang pagkain",Binanggit niya ang ibat-ibang uri ng kayamanan,tulad ng pagkabanggit niya hanggang sa naisip namin na wlang karapatan ang isa sa amin sa labis ( nitong pagmamay-ari)
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsabi si Abu Saed Al-Khudrie-malugod si Allah sa kanya-Na sila ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating ang isang lalaking sa (sakay nitong) kamelyo,tumiting sa bandang kanan at kaliwa upang makahanap ng anumang bagay na makakatugon sa pangangailangan nito,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman ang nagmamay-ari ng labis na masakyan (kamelyo),ipagkawang-gawa niya ito sa sinumang walang (masakyan kamelyo),at sinuman ang nagmamay-ari ng labis na pagkain,ipagkawang-gawa niya ito sa sinumang walang pagkain,Nagsabia ang nagsasalaysay: Hanggang sa naisip namin na walang karapatan ang isa sa amin,sa anumang (pagmamay-ari nitong) labis sa pangangailangan nito.
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Mukhābarah at ang Muḥāqalah, ang Muzābanah, ang pagtitinda ng datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaungkupan nito, at na hindi magtinda malibang gamit ang dīnār at ang dirham maliban sa `arāyā."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang ilang uri ng mga pagtitinda na nauugnay sa datiles dahil may dulot itong kapinsalaan sa isang panig o dalawang panig. Kabilang doon ang Mukhābarah. Ito ay ang pagpapaupa ng lupa kapalit ng ani sa isang takdang bahagi ng lupa. Ito ay hindi isang makatarungang proporsiyon. Gayon din, ipinagbawal niya ang pagtitinda ng mga trigong nasa mga puso pa nito kapalit ng mga trigong naalisan na ng ipa. Gayon din, ipinagbawal niya na ipagbili ang datiles na nasa mga puno pa kapalit ng mga datiles na tulad ng mga ito, at na ipagbili ang datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaangkupan nito, subalit ipinahintulot niya sa manibalang [na napitas] matapos na mataya ito at malaman ang kantidad nito ayon sa kantidad ng datiles [na hindi pa napitas]. Ang pagtataya ay ang pag-aalam sa kantidad sa pamamagitan ng pagtatantiya at pananaig ng palagay, sa kundisyong ito ay limang wasq at pababa dahil sa nasaad ibang mga ḥadīth.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: ((Kapag kami ay bumababa sa isang lugar,Hindi kami nagluluwalhati hanggat hindi namin nakalag ang aming mga kasangkapan))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ng Hadith: Ako kahit na kami ay nagsusumikap [sa pangangalaga] ng pagdarasal,subalit hindi namin ito inuuna sa pagbababa ng mga kagamitan mula sa likod ng kamelyo;upang pagpahingain siya
Ayon kay Qays bin Abī Ḥāzim na nagsabi: "Pumunta kami kay Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, upang dalawin siya noong nagpapaso siya ng pitong paso. Nagsabi siya: 'Tunay na ang mga kasamahan nating nauna ay yumao at hindi nila tinamasa ang Mundo. Tunay na tayo at dinapuan ng yamang wala na tayong natatagpuan para rito na isang paglalagyan kundi ang lupa. Kung hindi dahil sa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa atin na manalangin ng kamatayan, talagang ipinanalangin ko na sana ito.' Pagkatapos ay pinuntahan namin siya sa ibang pagkakataon habang siya ay nagpapatayo ng isang pader. Nagsabi siya: "Tunay na ang Muslim ay talagang gagantimpalaan sa bawat bagay na ginugugol niya maliban sa bagay na inilalagay niya sa lupang ito."
Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-BukhārīyNasaad sa ḥadīth na si Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, ay pinaso ng pitong paso (na isang paraan ng panggagamot). Pagkatapos ay pinuntahan siya ng mga kasamahan niya upang dalawin siya. Ipinabatid niya sa kanila na ang mga kasamahan na nauna sa kanila ay namatay na hindi nagtamasa ng anuman sa mga sarap ng Mundo. Iyon ay hindi magiging pambawas para sa kanila mula sa inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay. Tunay na siya ay dinapuan ng maraming yaman na hindi na siya makatagpo ng isang lugar na pag-iingatan niya nito malibang magpatayo siya sa pamamagitan nito. Nagsabi siya: "Kung hindi dahil sa ang Sugo ni Allah ay nagbawal sa atin na dumalangin ng kamatayan, talagang dumalangin na sana ako nito." Maliban sa sandali ng sigalot sa relihiyon sapagkat maaaring dumalangin sa pamamagitan ng nasaad. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang tao ay gagantimpalaan sa bawat bagay na ginugol niya maliban sa bagay na inilagay niya sa lupa." Nangangahulugan ito: sa gusali dahil ang gusali kapag kinulang sa kung ano ang makasasapat dito ay hindi nangangailangan ng malaking gugulin. Ang yamang ito na inilalagay sa gusaling kalabisan sa pangangailangan ay hindi ginagantimpalaan ang tao roon. O Allah, maliban sa gusaling ginagawa para sa mga maralita upang tirahan nila o inilalagay ang kita nito sa landas ni Allah o anumang nakakawangis niyon sapagkat ito ay ginagantimpalaan. Ngunit ang isang gusaling tinitirahan, walang gantimpala rito. Ang pagbabawal sa pagpapaso ay ukol sa sinumang naniniwala na ang kagalingan ay mula sa pagpapapaso mismo. Ang sinumang naniniwala na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay ang Tagapagpagaling, walang masama dito;. O iyon ay ukol sa may kakayahan sa ibang pagpapagamot noong nagmadali siya at hindi ginawa iyon na panghuling gamot.
Ayon sa Abe Atiyyah,Nagsabi siya:Pumasok ako at si Masrooq kay Aiesha malugod si Allah sa kanya,Nagsabi sa kanya si Masrooq: Ang dalawang lalaki mula sa mga kasamahan ni Muhammad pagpalain siya ni allah at pangalagaan,Silang dalawa ay hindi nagkulang sa paggawa ng kabutihan,Ang isa sa kanila,nagmamadali (magdasal) ng magrib at kumain ng panghapunan(iftar),at ang iba naman,ipinapahuli ang (pagdarasal)ng magrib at ang paghapunan (iftar),Nagsabi siya(Aeisha):Sinu ang nagmamadali sa (pagdrasal) ng magrib at paghapunan(iftar)?Nagsabi siya:Si Abdullah-ang ibig sabihin niya:anak ni Mas'ud; Nagsabi siya(Aeisha):Ganyan ang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNangtanong sina Abu Atiyyah at Masrooq sa Ina ng mga mananampalataya na si A-ieshah mlugod si Allah sa kanya-buhat sa dalawang tao na kasamahan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ang isa sa kanila- ipinapahuli ang hapunan (iftar) at ang pag (pagdarasal ng magrib.At ang pangalawa:Minamadali ang hapunan (iftar) at ang (pagdarasal) ng magrib,Alin sa dalawa ang pinaka-mainam?Nagsabi si Aeisha -sinu siya?: Ang nagmamadali?Nagsabi sila:Ang anak ni Mas'ud malugod si Allah sa kanya,At nagsabi siya:Ganyan ang ginagawa ng Propeta ni Allah- pag palain siya ni Allah at pangangalagaan, ang ibig sabihin- minamadali ang haponan (iftar) at minamadali ang pagdarasal ng magrib,kayat ito ang (Sunnah ng mga Gawain)mula sa kanya-Pagpalain siya ni Allah at pangangalagaan,Patunay na ang pinaka mainam ay pag-una sa haponan (iftar).
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya -Na ang Sugo ni Allah-Pagplain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuko niya at pagtirapa niya:(( Napaka-Maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay Aieshah,siya ay nagsabi,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuyuko niya at pagtitirapa niya"Napaka-Maluwalhati Niya-Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel" Ibig sabihin ay:Ikaw ay Napaka-Maluwalhati at Napaka-Banal,At ito ay salitang pagmamalabis sa Pagtanggi (Sa mga pangalan at katangian na hindi nararapat para sa kadakilaan Niya).At Siya na Kapita-pitagan at kamahal-mahalan ay Napaka-Maluwalhati Niya at Napaka-Banal Niya;"Panginoon ng mga Anghel" at sila ay mga sundalo ni Allah,Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-Mga Buhay na hindi natin nakikita,At "Ang Kaluluwa";Siya si Anghel Jibreel,Ang pinaka-mainam sa lahat ng mga Anghel,Kayat nararapat sa mga tao na paramihin sa pagyuko nito at pagpatirapa nito ang pagsabi niya nang:[SABBUHUN QUDDUSUN RABBUL MALA-IKATI WAR RUUH]"Napaka-Maluwlhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel.At ang Quddus ay kabilang sa mga Magagandang Pangalan ni Allah,at ito ay galing sa salitang Qaddasa (Binabanal),na ang ibig sabihin ay: Tinatanggal nito at inilalayo nito ang mga kasamaan na may kasamang Pamimitagan at Pagdadakila. At ang Napaka-maluwalhati Niya, ay mula sa Magagandang Pangalan ni Allah na Al-Musabihh (Ang Linuluwalhati).
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Pumasok sa silid ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa piling ko ay may isang lalaki kaya nagsabi siya, o `Ā'ishah, sino ito? Nagsabi ako: Kapatid ko sa pagpapasuso. Nagsabi siya: o `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo kung sino ang mga kapatid ninyo sapagkat ang [kapatiran sa] pagpapasuso ay dahil sa gutom [ng sanggol]."
Napagkaisahan ang katumpakanPumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa silid ni `Ā'ishah at natagpuan niya itong kasama ang lalaking kapatid nito sa pagpapasuso, at siya naman ay hindi nakaaalam tungkol doon, kaya nagbago ang mukha niya dahil sa pagkasuklam sa gayong kalagayan at bilang paninibugho para sa mga maḥram niya. Nalaman ni `Ā'ishah ang dahilan na nagpabago sa mukha niya kaya ipinabatid nito sa kanya na iyon ay kapatid nito sa pagpapasuso kaya nagsabi naman siya: "O `Ā'ishah, isaalang-alang ninyo at tiyakin ninyo ang pagpapasuso sapagkat tunay na mayroon dito na hindi nagdadahilan ng pagkamaḥram. Kailangan ang pagpapasuso na tumutubo dahil doon ang laman at tumatatag sa pamamagitan niyon ang mga buto. Iyon ay nangyayari dahil sa pagkagutom kapag ang sanggol ay nangangailangan ng gatas at hindi kumakain ng iba pa. Ang sanggol sa sandaling iyon ay magiging gaya ng bahagi ng nagpapasuso kaya magiging gaya ng isa sa mga anak niya kaya hindi siya magbebelo sa harap nito at makakapiling niya ito sa pribado. Ito ay magiging maḥram niya sa paglalakbay. Ito ay nakasasaklaw sa nagpapasuso, asawa niya, ang may-ari ng gatas, mga anak nilang dalawa, mga kapatid nilang dalawa, mga ama nilang dalawa, at mga ina nilang dalawa.