





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagkamit nga si `Umar ng isang lupain sa Khaybar at pinuntahan niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang sangguniin hinggil doon. Nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagkamit ng isang lupain sa Khaybar. Hindi ako nagkamit ng isang ari-arian kailanman na higit na mamahalin para sa akin kaysa roon. Ano ang ipag-uutos mo sa akin doon?" Nagsabi ito: "Kung loloobin mo, panatilihin mo ang kabuuan niyon at magkawanggawa ka sa pamamagitan niyon." Sinabi: "Kaya nagkawanggawa siya sa pamamagitan niyon gayon pa man hindi ipagbibili ang kabuuan niyon, hindi ireregalo, at hindi mamanahin." Sinabi: "Kaya nagkawanggawa si `Umar sa mga maralita, sa mga kaanak, sa [pagpapalaya ng] mga alipin, sa landas ni Allāh, sa kinapos sa landas, at panauhin. Walang sala sa tagapag-alaga niyon na kumain mula roon ayon sa kalakaran, o magpakain ng isang kaibigan, nang hindi nagkakamal dahil doon.
Napagkaisahan ang katumpakanNagkamit nga si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ng isang lupain sa Khaybar, na ang sukat ay isandaang sahm (729 metro kwadrado), na pinakamahal sa mga ari-arian niya para sa kanya dahil sa kainaman nito at kahusayan nito. Sila noon, malugod si Allāh sa kanila, ay nag-uunahan sa pagkamit ng mga matuwid na gawaing mananatili. Pumunta si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa pagmimithi sa kabutihang nabanggit sa sabi ni Allāh (Qur'ān 3:92): "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuting-loob malibang gugugol kayo mula sa naiibigan ninyo." Sinasangguni niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa katangian ng pagkakawanggawa niyon alang-alang sa ikalulugod ng Mukha ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pinayuhan siya nito ng pinakamagaling sa mga paraan ng mga pagkakawanggawa. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kabuuan niyon at ilalaan ito para sa kawanggawa. Ginawa ni `Umar iyon at naging kaloob iyon kaya hindi magagawang ipagbili o iregalo o manahin o iba pa roon na mga uri ng magagawa, na bahagi ng kahihinatnan ay malipat ang pagmamay-ari o maging isang dahilan ng pagkakalipat nito. Nagkakawanggawa sa pamamagitan niyon sa mga maralita at mga dukha, sa mga kaanak at mga kapamilya, pagbili mula roon ng mga alipin bilang pagpapalaya sa pagkaalipin, pagbabayad ng mga diyah (blood-money) para sa mga karapat-dapat, pag-alalay sa mga nakikibaka sa landas ni Allāh upang itaas ang salita Niya at panagumpayin ang Relihiyon Niya, pagpapakain sa manlalakbay na kinapos sa gugulin niya sa hindi niya bayan, at pagpapakain mula roon sa panauhin din sapagkat ang pagpaparangal sa panauhin ay bahagi ng Pananampalataya kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Dahil iyon ay may pangangailangan sa mangangasiwa at mag-aalaga sa pamamagitan ng pagpapatubig at paglinang, at kaalinsabay ng pag-alis ng sagabal at kasalanan sa sinumang kumakalinga niyon, maaaring kumain ito mula roon ayon sa kalakaran. Kakain ito ng kakailanganin niya at mapakakain nito mula roon ang isang kaibigan, nang hindi kumukuha mula roon ng anumang lumalabis sa pangangailangan sapagkat iyon ay hindi inilaan malibang para sa paggugol sa mga paraan ng kabutihan at pagmamagandang-loob hindi para sa pagkamal at pagpapayaman.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakakita kay `Abdurraḥmān bin `Awf habang mayroon itong isang bakas ng asapran kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ano iyan?" Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nagpakasal po ako sa isang babae." Nagsabi siya: "Ano ang ibinigay-kaya mo sa kanya." Nagsabi ito: "Singbigat ng buto na ginto." Nagsabi siya: "Magdulot si Allāh ng pagpapala sa iyo. Maghanda ka kahit man lamang isang tupa."
Napagkaisahan ang katumpakanNakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Abdurraḥmān bin `Awf ng isang bakas ng asapran. Ang karapat-dapat sa mga lalaki ay magpabango ng lumilitaw ang amoy at nagkukubli ng bakas nito. Kaya tinanong siya ng Propeta - nang may pagtutol - tungkol sa bakas na nasa kanya at ipinabatid niya na siya ay bagong kasal at nasagian siya mula sa maybahay niya kaya nagpahintulot sa kanya dahil doon. Yayamang ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay magiliw sa kanila, madamayin sa kanila, inaalam niya ang mga kalagayan nila upang ayunan sila sa maganda sa mga iyon at pagbawalan sila sa masagwa. Nagtanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa bigay-kaya niya roon. Nagsabi siya na nakatutumbas ng bigat ng isang butil na ginto. Dumalangin para sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng biyaya at inutusan siya na maghanda ng kahit isang tupa dahil sa pag-aasawa niya.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Nagdala si Bilāl sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng datiles na barnīy kaya nagsabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Mula saan mo nakuha ito?" Nagsabi si Bilāl: "Mayroon kami dating datiles na masamang uri kaya nagbenta ako mula rito ng dalawang ṣā` kapalit ng isang ṣā` upang kainin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aray! Aray! Ang mismong patubo. Huwag mong gawin subalit kapag ninais mong bumili, ipagbili mo ang datiles kapalit ng ibang paninda. Pagkatapos ay ipambili mo ito."
Napagkaisahan ang katumpakanDinalhan ni Bilāl ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng mahusay na datiles na barnīy. Humanga ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kalidad nito at nagsabi: "Mula saan ito?" Nagsabi si Bilāl: "Dati mayroon kaming datiles kaya ibinenta ko ang dalawang ṣā` kapalit ng isang ṣā` ng mahusay na ito upang maging pagkain ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Minasama iyon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Umaray siya dahil ang pagsuway para sa kanya ay ang pinakamabigat sa mga kasawian. Nagsabi siya: "Ang gawain mong ito ay ang mismong patubong ipinagbabawal kaya huwag mo nang gawin, subalit kapag ninais mong palitan ang masamang uri, ipagbili mo ang masamang uri sa pera. Pagkatapos ay ipambili mo ang pera ng mahusay na datiles. Ito ay isang paraang ipinahihintulot na gagawin mo upang maiwasan ang pagkasadlak sa ipinagbabawal." Taysīr Al-`Allām Sharḥ `Umdah Al-Aḥkām, p. 568.
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal [sa pagtanggap] sa bayad sa aso, kaloob sa patotot, at pasalubong sa manghuhula."
Napagkaisahan ang katumpakanAng paghahanap ng ikabubuhay ay may mga paraang marangal, kagalang-galang, at kaaya-aya, na ginawa ni Allāh na panumbas sa mga paraang marumi at kalait-lait. Kaya yayamang sa mga unang paraan ay may kasapatan para gawin pa ang mga ikalawang paraan at yayamang ang mga katiwalian ng ikalawa ay mabigat na hindi makatutumbas ang anumang taglay nitong kapakinabangan, ipinagbawal ng Batas ng Islām ang mga maruming paraang kabilang sa kabuuan ng mga ito ang tatlong transaksiyon: 1. Ang pagtitinda ng aso sapagkat ito ay marumi at salaula, 2. Gayon din ang tinatanggap ng nangangalunya kapalit ng kahalayan niya na nagdudulot ng kasiraan sa buhay panrelihiyon at pangmundo, 3. Tulad nito ang tinanggap ng mga alagad ng panunuba at pagliligaw na mga nag-aangkin daw ng kaalaman sa nakalingid at ng karapatang gawin ang anuman sa mga nilalang, na nanlalansi sa mga tao sa pamamagitan ng kabulaanan nila upang dambungin ang mga yaman nila at pakinabangan ang mga ito ayon sa kabulaanan. Ang lahat ng mga paraang ito ay marumi at ipinagbabawal, na hindi ipinahihintulot gawin ni tanggapin ang kabayaran dito. Pinalitan na ang mga ito ni Allāh ng mga paraang ipinahihintulot at marangal.
Ayon kay Jābir bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Siya noon ay naglalakbay sakay ng isang kamelyo niya ngunit napagod ito kaya ninanais niyang pawalan ito. [Nagsabi ito:] Naabutan ako ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Dumalangin siya para sa akin at tinapik niya ito kaya tumakba ito nang takbong hindi tumakbo ito ng tulad niyon. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ipagbili mo sa akin ito ng isang ūqīyah." Nagsabi ako: "Hindi." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ipagbili mo sa akin ito." Kaya ipinagbili ko ito ng isang ūqīyah at isinakundisyon ko ang pagkakarga sa akin papunta sa mag-anak ko. Kaya noong nakarating ako, pumunta ako sa kanya dala ang kamelyo at binayaran niya ako ng halaga niyon. Pagkatapos ay umuwi ako ngunit may ipinadala siya [na nakasunod] sa likuran at nagsabi siya: "Itinuturing mo bang ako ay bumarat sa iyo upang kunin ko ang kamelyo mo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat iyon ay para sa iyo."
Napagkaisahan ang katumpakanSi Jābir bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isa sa mga pagsalakay. Siya noon ay nakasakay sa isang kamelyong nangayayat kaya napagod sa paglakad kasabay ng paglalakbay ng hukbo hanggang sa ninais na niyang pawalan ito at umalis ito nang kusa dahil sa kawalan ng pakinabang nito. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa habag niya sa mga Kasamahan niya at Kalipunan niya ay naglalakad noon sa hulihan ng hukbo bilang pagdamay sa mahina, nanghihina, at naiiwan. Naabutan niya si Jābir habang ito ay sakay ng payat na kamelyo nito. Dumalangin siya para rito. Tinapik niya ang kamelyo nito at ang tapik niyang marangal at maawain ay naging lakas at tulong para sa kamelyong nanghihina kaya tumakbo ito nang takbong hindi tumakbo ito ng tulad niyon. Ninais niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa karangalan ng kaasalan niya at kabaitan niya na pagalakin si Jābir at isali ito sa pag-uusap na nakatutulong sa pagtahak sa paglalakbay. Sinabi niya: "Ipagbili mo sa akin ito ng isang ūqīyah." Pinanabikan ni Jābir, malugod si Allāh sa kanya, ang kabutihang-loob ni Allāh at nalalaman niya na hindi nababawasan ang pagrerelihiyon niya sa pagtangging ipagbili iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil ito ay hindi napaloob sa pagtalimang isinasatungkulin yayamang ang utos ay hindi sa paraang pag-oobliga. Sa kabila nito, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay umulit ng hiling sa kanya kaya ipinagbili niya ito ng isang ūqīyah at isinakundisyon niyang isakay siya nito hanggang sa mag-anak niya sa Madīnah. Tinanggap naman ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang kundisyon niya. Noong nakarating sila, inihatid niya ang kamelyo at ibinigay sa kanya Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang halaga. Noong umuwi siya, may ipinadalang taong nakasunod sa likuran niya. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Inaakala mo bang nakipagbilihan ako sa iyo sa paghahangad sa kamelyo mo upang kunin sa iyo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat ang mga ito ay para sa iyo." Hindi ito kataka-taka sa kagalantehan niya, kaasalan niya, at kabaitan niya sapagkat taglay niya ang mga dakilang saloobin.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Binanggit ang `azl sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Bakit ginagawa iyon ng isa sa inyo?" Hindi siya nagsabing kaya huwag gawin iyon ng isa sa inyo, sapagkat tunay na walang kaluluwang nilikha malibang si Allāh ay Tagapaglikha nito.
Napagkaisahan ang katumpakanBinanggit ang `azl sa harapan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ginagawa raw ito ng ilan sa mga lalaki sa mga maybahay nila at mga alipin nila kaya nag-usisa sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa anyong patutol hinggil sa dahilang nag-uudyok doon. Pagkatapos ay ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang layon nila sa gawaing ito sa pamamagitan ng sagot na kapani-paniwala, na nakapipigil sa paggawa nila. Iyon ay dahil sa si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtakda na ng mga naitakda kaya ang gawa ninyong ito ay hindi hahadlang sa isang kaluluwang itinadhana na ni Allāh ang paglikha rito at itinakda na ang pag-iral nito dahil naitakda na ang mga dahilan at ang mga kalalabasan. Kaya kapag ninais Niya ang paglikha ng punlay mula sa likido ng lalaki, pupunta ito nang hindi nararamdaman ng lalaki sa [sinapupunang] matibay na tinutuluyan nito.
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Tinutulan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Uthmān bin Mađ`ūn ang pag-ayaw sa pakikipagtalik. Kung sakaling nagpahintulot siya roon, talagang nagpakapon sana kami."
Napagkaisahan ang katumpakanIsinaysay ni Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allāh sa kanya, na si `Uthmān bin Mađ`ūn, dahil sa tindi ng paghahangad nito sa pagtuon sa pagsamba, ay nagnais na maglaan ng sarili para sa pagsamba lamang at iwan ang sarap ng buhay. Nagpaalam ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na hindi makipagniig sa babae at tumuon sa pagtalima kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ngunit hindi siya nagpahintulot dito dahil ang pag-ayaw sa sarap ng buhay at ang pagtuon sa pagsamba lamang ay bahagi ng pagpapakalabis sa relihiyon at pinupulaang monastisismo. Ang tumpak na Relihiyon lamang ay ang pagsasagawa ng pagsamba kay Allāh kalakip ng pagbibigay sa sarili ng bahagi nito sa mga kaaya-ayang bagay. Dahil dito, tunay na kung sakaling nagpahintulot ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Uthmān, talagang sinunod na sana ito ng marami sa mga masikap sa pagsamba.
Na ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumating sa kanya ang isang babae at nagsabi: Tunay na iniaalok ko aking sarili sa iyo:Tumindig siya ng matagal,Nagsabi ang isang lalaki: O Sugo ni Allah,ipaasawa mo siya sa akin,kung wala kang nararamdaman sa kanya.Nagsabi siya:Mayroon kabang ilang bagay na maibibigay mo (Dore) sa kanya?Ang sabi niya:Walang-wala ako,maliban sa sarong na ito,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang sarong mo,kapag ibinigay mo ito,uupo ka na wala kang sarong,Maghanap ka ng kahit na anong bagay,Sinabi niya: Wala akong natagpuan,Nagsabi siya: Maghanap ka kahit singsing na yari sa bakal,Naghanap siya ngunit wala siyang natagpuan.Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Mayroon kabang naisa-ulo mula sa Qura-an?Sinabi niya: Oo,Nagsabi ang Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-Ipinapa-asawa kita sa kanya sa mga naisa-ulo mo mula sa Qur-an))
Napagkaisahan ang katumpakanPinagtatanto ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga Panuntunan na sa kanya lamang at wala ito sa iba kabilang rito:Pag-aasawa niya sa sinumang (babaeng) mag-alok sa sarili niya na walang Dore,Dumating ang isang babae na iniaalok ang sarili niya sa kanya,marahil ay mapabilang siya sa isa mga asawa niya,Tiningnan niya ito ngunit wala siyang naramdaman sa sarili nito,ngunit hindi niya ito tinanggihan upang hindi siya mapahiya, ipinakilala niya ito at umupo siya,Sinabi ng isang lalaki:O Sugo ni Allah,ipa-asawa mo siya sa akin kung wala kang nararamdaman sa kanya,At dahil sa ang dore ay nararapat sa pag-aasawa,nagsabi siya sa kanya:Mayroon kabang ilang bagay na maibibigay mo (Dore) sa kanya?Ang sabi niya:Walang-wala ako,maliban sa sarong ko.At kapag ibinigay niya ang sarong niya mananatili siyang nakahubad na walang suot na sarong,Kung kaya`t;sinabi niya sa kanya: "Maghanap ka kahit na singsing na yari sa bakal" Kaya`t nang wala siyang natagpuan na kahit anumang bagay mula sa kanya,nagsabi siya: "Mayroon kabang naisa-ulo mula sa Qura-an?Sinabi niya: Oo,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-Ipinapa-asawa kita sa kanya sa mga naisa-ulo mo mula sa Qur-an,ituturo mo ito sa kanya,at magiging dore niya ito.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:((Nagkawanggawa ako ng kabayo sa landas ni Allah,ngunit pinabayaan ito ng nag-aalaga sa kanya,Inibig kong bilhin ito muli,at inakala kong ibibinta niya ito sa murang halaga,Nagtanong ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Huwag mo itong bilhin,at huwag mong bawiin ang ipinagkawang-gawa mo,kahit ibigay niya sa iyo sa halagang isang Dirham;Dahil ang bumabawi sa ipinagkaloob nito ay tulad ng pagbalik sa isinuka nito))
Napagkaisahan ang katumpakanTinulungan ni `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-ang isang lalaking sa Pakikibaka sa landas ni Allah,Binigyan niya ito ng Kabayo na gagamitin niya sa pakikipandarambong,Naging pabaya ang lalaking sa paggamit o pag-aalaga ng kabayong ito,at hindi niya pinagbuti ang paggamit sa kanya,pinapagod niya ito hanggang sa pumayat at nanghina,Inibig ni `Umar na bilhin ito,at alam niya na ito ay magiging mura dahil sa pagiging payat niya at panghihina niya.Ngunit hindi inuna ang pagbili nito hanggat hindi siya nakapaghingi ng opinyon sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sarili niya mula sa mga bagay na ito,Pinagbawalan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagbili nito kahit na ito ay sa kaunting halaga,Dahil ang bagay na ito ay ibinigay para sa landas ni Allah -Pagkataas-taas Niya,kayat hindi dapat na maakit ang iyong sarili gayundin ang magkagusto rito,at nang sa gayun ay hindi manaig sa pinagkalooban mo ng ragalo ang pagkagusto niya sa halaga nito,na magiging dahilan ng pagbawi mo sa mga ilang ipinagkawang-gawa mo,Sapagkat ito ay lumabas mula sa iyo,at naging kapatawaran sa iyong mga kasalanan,at paglabas ng iyong mga dumi at kalat,Kaya dapat na ito ay maibalik sa iyo,kaya tinawag ang pagbili rito na pagbawi sa kawanggawa,kahit na ito ay may kapalit na halaga.