





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang bumabawi sa regalo niya ay gaya ng kumakain sa isinuka niya." Sa isang pananalita: "Sapagkat tunay na ang bumabawi sa kawanggawa niya ay gaya ng asong sumusuka pagkatapos ay kumakain sa isinuka nito."
Napagkaisahan ang katumpakanGinawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, bilang isang paghahalintulad sa pagpapaudlot sa pagbawi ng regalo sa pinakakarumal-dumal anyo: na ang bumabawi niyon ay gaya ng asong sumusuka, pagkatapos ay babalikan nito iyon at kakainin. Kabilang ito sa nagpapatunay sa pagkakarumal-dumal ng kalagayang ito, pagkahamak nito, at pagkaaba ng gumagawa nito.
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bahay niya na siya ay may sakit,Nagdasal siyang naka-upo,habang nagdasal sa likod niya ang mga tao na nakatindig,nagsenyas siya sa kanila; na maupo sila,At nang matapos [ang pagdarasal] Nagsabi siya: Kaya ginawa ang Imam upang ito ay sundan,Kapag siya ay yumuko,yumuko kayo,at kapag siya ay umangat,umangat kayo,At kapag sinabi niyang:"Naway dinggin ni Allah ang pumupuri sa Kanya" Sabihin ninyong:"Panginoon namin,Saiyo ang lahat ng papuri",At kapag ito ay nagdasal na nakaupo,magdasal din kayong lahat na naka-upo))
Napagkaisahan ang katumpakanSa Hadith na ito ay [naisalaysay] ang pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naka-upo dahil sa sakit niya,at dito ay pagpapahayag sa paglalarawan ng paggaya sa Imam at pagsunod nito sa kanya.Tunay na nagpatnubay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga mananampalataya sa layunin ng pagtatalaga sa Imam,ito ay upang gayahin at sundin.Hindi nararapat na siya ay salungatin sa mga gawaing pagdarasal,datapuwat ay nararapat lamang na pangalagaan [ang pagsunod sa mga] galaw niya [batay sa magandang] pamamaraan,Kapag siya ay nagsagawa ng Takbiratul Ihram,Gayundin kayo ay magsagawa ng Takbiratul Ihram,at kapag siya ay yumuko,yumoko din kayo pagkatapos niya,At kapag ipinaalala niya sa inyong Tunay na si Allah ay tumutugon sa mga pumupuri sa Kanya,tulad ng pagsabi niyang: "Naway dinggin ni Allah ang pumupuri sa kanya" Purihin ninyo si Allah sa pagsasabi ninyo ng: "Panginoon namin Saiyo ang lahat ng Papuri".At kapag nagpatirapa siya,sundan ninyo siya at magpatirapa kayo,At kapag nagdasal siya na naka-upo dahil sa kawalan ng kakayahan niya sa pagtayo-bilang pagtupad sa salitang pagsunod-Magdasal din kayo na naka-upo,kahit na kayo ay may kakayahan sa pagtayo,Binanggit ni `Ā'ishah-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagreklamo sa kanyang sakit,nagdasal siya na nakaupo,ngunit inakala ng mga kasamahan niya na nararapat silang tumayo dahil mayroon silang kakayahan rito,kaya nagdasal sila sa likod niya na naatayo,at nagsenyas siya sa kanila na umupo sila.At nang matapos sila sa pagdarasal,nangaral siya sa kanila;na ang Imam ay hindi dapat salungatin,datapuwat ,nararapat lamang na siya ay dapat gayahin,upang maipasatupad ang ganap na pagsunod at ganap na paggaya.kaya nararapat lamang na magdasal ang mga Ma`mum na nakaupo kahit na sila ay may kakayahan sa pagtayo,ito ay dahil sa pag-upo ng Imam na walang kakayahan [sa pagtayo].At ito ay kapag sinimulan niya sa kanila ang pagdarasal na nakaupo,magdarasal ang nasa likod niya na nakaupo,ngunit kapag sinimulan sa kanila ng nakatalagang Imam-ang pagdarasal na siya ay nakatayo,pagkatapos ay bigla siyang nagkasakit sa mga oras na ito,at umupo siya,[nararapat na] ipagpatuloy ng nasa likod niya ang [pagdasal na] na nakatayo,na inoobliga.Bilang pagpapatupad sa Hadith na pamamaraan ng pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abe Bakar at sa mga tao, nang siya ay magkasakit,nang sakit na nakakamatay.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Pumunta ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Madīnah noong sila ay nagpapaunang-bayad sa mga bunga [na matatanggap] sa dalawang taon hanggang tatlo. Nagsabi siya: "Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay magpaunang-bayad sa isang itinakdang takal at itinakdang timbang para sa itinakdang panahon."
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Madīnah bilang lumilikas at natagpuan niya ang mga naninirahan doon, dahil sila ay nagsasaka at nagtatanim, na nagpapaunang-bayad. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapauna sa pagbayad at pagpapahuli sa pagkuha sa binayarang bunga sa loob ng isang taon o dalawang taon o tatlong taon. Inayunan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa transaksiyong ito at hindi niya ito itinuring na bahagi ng pagtitinda ng hindi taglay ng tagapagtinda, na humahantong sa panggugulang, dahil ang paunang-bayad ay nauugnay sa mga pananagutan hindi sa mga paninda. Subalit nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kanila kaugnay sa transaksiyon ang ilang mga panuntunang maglalayo sa kanila sa mga alitan at mga sigalutang marahil kakaladkad dito nang mahabang panahon. Sinabi niya: "Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay tiyakin niya ang kantidad nito sa pamamagitan ng takal nito o timbang nito, na batay sa kilalang Batas ng Islām, at iugnay niya ito sa isang takdang panahon nang sa gayon ay malaman niya ang kantidad nito at taning nito, maputol ang sigalot at ang pagtatalo, at malubos ng mamimili ang karapatan niya nang mapayapa.
Ayon kay Rāfi` ibnu Khudayj, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Kami noon ay ang pinakamarami sa Anṣār sa mga sakahan at kami noon ay nagpapaupa ng lupain sa kundisyong ukol sa amin [ang ani] nito at ukol sa kanila [ang ani] niyan. Marahil umani ito at hindi umani iyan, kaya ipinagbawal niya sa amin iyon. Tungkol naman sa [pagbabayad ng] pilak, hindi niya kami pinagbawalan."
Napagkaisahan ang katumpakanSa ḥadīth na ito ay may paglilinaw at pagdedetalye para sa pakikisakang tumpak at mali. Binanggit nga ni Rāfi` bin Khudayj na ang mag-anak niya ay ang may pinakamaraming sakahan at pataniman sa mga naninirahan sa Madīnah. Sila noon ay nagpapaupa ng lupain sa paraang pampanahon ng kamangmangan sapagkat ipinasasaka nila ang lupa sa kundisyong sa kanila ang isang bahagi ng sakahan at sa magsasaka ang ibang bahagi. Marahil mamumunga itong isang bahagi at masisira iyang isang bahagi. Pinagbawalan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng ganitong transaksiyon dahil sa taglay nito na panggugulang at kamangmangan. Kailangan ang kaalaman sa pagbabayaran kung papaanong kailangan ang pagkakapantay-pantay sa pakinabang at pinsala. Kung ang panumbas ay isang bahagi mula sa ani, ito ay pakikisaka o pakikipatubig. Ang batayan nito ay ang katarungan at ang pagkakapantay-pantay sa kapakinabangan doon sa paraang ang bawat isa ay may parteng malinaw gaya ng 1/4 o 1/2 o tulad niyon. Kung ito ay may bayad, ito ay pagpapaupang kailangang may kaalaman sa pababayaran. Ito ay ipinahihintulot tumbasan ng ginto o pilak, at ito ay pagpapaupa; o ng tumutubo mula sa lupa, at ito ay pakikisaka. Ito ay batay sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth; ngunit kung may anumang bagay na alam at ginarantiyahan, walang masama rito.
Ayon kay Jābir bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kami noon ay nagsasagawa ng `azl samantalang ang Qur'ān ay bumababa." Nagsabi si Sufyān: "Kung nangyaring may isang bagay na ipinagbabawal, talagang pinagbawalan na sana kami niyon ng Qur'ān."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinababatid ni Jābir bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na sila noon ay nagsasagawa ng `azl sa mga maybahay nila at mga alipin nila sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at inayunan naman niya sa kanila iyon. Kung sakaling iyon ay hindi ipinahihintulot, hindi na sana niya inayunan iyon. Para bang sinasabi sa kanya: "Marahil hindi nakaabot sa kanya ang ginagawa ninyo?" kaya nagsabi siya: "Kapag hindi nakaabot sa kanya, tunay na si Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ay magpapaalam sa kanya habang ang Qur'ān ay ibinababa. Kung sakaling ito ay kabilang sa ipinagbabawal, talagang pinagbawalan na sana siya ng Qur'ān at talagang hindi na sana kami inayunan ng tagapagbatas." Ang pag-uugma sa mga teksto: Ang ḥadīth ayon kay Jābir ay nagsasaad ng pagpapahintulot sa `azl ngunit may mga ibang ḥadīth na nasaad na mauunawaan mula sa mga ito ang hindi pagpapahintulot ng `azl. Halimbawa ang isinaysay ni Imām Muslim ayon kay Judhāmah bint Wahb. Sinabi nito: "Dumalo ako sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga tao at tinanong nila siya tungkol sa `azl kaya nagsabi siya: "Iyon ang patagong paglilibing ng buhay." Papaano maaaring pagtugmain ang mga tekstong ito? Ang pangunahing panuntunan ay ang pagpapahintulot gaya ng nasa ḥadīth ayon kina Jābir at Abū Sa`īd, malugod si Allāh sa kanilang dalawa. Ang ḥadīth ayon kay Judhāmah ay maipakahuhulugang kapag ninais sa `azl ang pag-iingat sa pagkakaroon ng anak, at nagpapatunay rito ang sabi niya niya: "Iyon ang patagong paglilibing ng buhay;" o ang `azl ay kinasusuklaman hindi ipinagbabawal.
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot ng isang damit na tinina maliban ng isang damit na `aṣb, hindi siya gagamit ng kuḥl, at hindi siya hihipo ng pabango malibang kapag natapos magregla: isang katiting na qust o ađfār."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoSinaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mga babae laban sa pagluluksa — sa pamamagitan ng pagwawaksi ng panggayak gaya ng mabangong bagay, kuḥl, mga alahas, at mga marikit na damit — sa isang patay maging ito man ay ama o kapatid o anak o iba pa sa kanila nang hihigit sa tatlong araw, maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot sa pagluluksa niya sa asawa ng lahat ng damit na kinulayan para sa gayak maliban sa damit na `aṣb, na isang damit na Yamānīy, na kinulayan [ang mga sinulid] bago mahabi. Hindi siya maglalagay ng kuḥl sa mata para sa paggayak. Hindi siya magpapabango ng mga halimuyak na pampabango (perfume) at iba pa sa mga ito, malibang kapag nakapaligo siya matapos ng regla niya sapagkat makagagamit siya ng isang katiting na qust o ađfār, na dalawang kilalang uri ng insenso at hindi tumutukoy sa pabango. Nagpahintulot dito para sa babaing nakapaligo matapos ng pagreregla para sa pag-alis ng mabahong amoy, na inireresulta ng bakas ng dugo sa ari ng babae, hindi para sa pagpapabango.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Huwag kayong magtinda ng ginto kapalit ng ginto malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda ng pilak kapalit ng pilak malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda mula rito ng isang nakaliban kapalit ng isang nakahanda." Sa isang pananalita: "malibang kamay sa kamay..." Sa isa pang pananalita: "malibang isang timbang kapalit sa isang timbang, isang tulad kapalit sa isang tulad, isang kapantay kapalit sa isang kapantay..."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanSa marangal na ḥadīth na ito, ipinagbabawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang ribā (patubo) sa dalawang uri nito: ang faḍl (pagpapalabis) at ang nasī'ah (pagpapaliban). Siya ay nagbabawal sa pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto, maging ang mga ito man ay mga ginawang pera o hindi mga ginawang pera, malibang kapag nagkatulad ang isang timbang sa isa pang timbang at naganap ang palitan sa lugar ng transaksiyon yayamang hindi ipinahihintulot ang pagbibilihan na ang isa sa dalawa ay nakahanda at ang isa naman ay nakaliban. Ipinagbawal niya rin ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, maging ang mga ito man ay ginawang pera o hindi ginawang pera, malibang ang mga ito ay nagkakatulad sa timbang at nagpapalitan sa lugar ng transaksiyon. Hindi ipinahihintulot ang pagdaragdag sa isa sa dalawa higit sa isa pa ni ang paghihiwalay [ng nagbibilihan] bago ang palitan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi pagsasamahin ang babae at ang tiyahin sa ama niya, ni ang babae at ang tiyahin sa ina niya."
Napagkaisahan ang katumpakanDumating ang Dinalisay na Batas ng Islām dala ang bawat nagdudulot ng kabutihan at kapakanan at nakidigma sa anumang nagdudulot ng kapinsalaan at katiwalian. Kabilang doon ang paghimok nito sa pagkakaayon, pag-ibig, at pagmamahalan; at pagbabawal nito sa paglalayuan, pagpuputulan ng ugnayan, at pagkamuhi. Yayamang ipinahintulot ng Tagapagbatas ang pag-aasawa ng hanggang apat dahil sa maaaring hinihiling ng mga kapakanan at ang pagkakaroon ng mga maybahay ng isang lalaki ay nagsasanhi sa kanila ng pagkasuklam at pagkamuhi dahil sa idinudulot ng panibugho, ipinagbawal Niyang pagsamahin sa pag-aasawa ang ilan sa mga babaing magkamag-anak, sa takot na magkaroon ng pagputol ng ugnayan sa pagitan ng mga kaanak. Ipinagbawal na pangasawahin ang hipag habang asawa pa ang kapatid nito, at ang tiyahin habang asawa pa ang pamangkin nito. Ang dalawang babaing kung sakaling ipagpapalagay na ang isa sa kanila ay lalaki at ang isa naman ay babae at ipinagbabawal sa kanilang mag-asawa dahil sa pagkakamag-anak, hindi rin ipinahihintulot na pangasawahin ang isa habang asawa pa ang isa. Ang ḥadīth na ito ay naglilinaw sa pagkapangkalahatan ng sabi ni Allah (Qur'ān 4:24): "Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon..."
May pumanaw na isang kaanak si Umm Ḥabībah kaya nagpakuha siya ng isang dilaw na pabango at ipinahid sa mga braso niya at sinabi: "Ginagawa ko lamang ito dahil ako ay nakarinig sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: Hindi ipinahihintulot sa sa isang babaing sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na magluksa sa isang patay nang higit sa tatlong [araw], maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]."
Napagkaisahan ang katumpakanPumanaw ang ama ni Umm Ḥabībah at narinig na niya ang pagbabawal sa pagluluksa nang higit sa tatlong araw maliban sa asawa. Ninais niyang ipatupad ang pagsunod kaya nagpakuha siya ng isang pabangong nahaluan ng kulay dilaw at ipinahid niya ito sa mga braso niya. Nilinaw niya ang dahilan ng pagpapabango niya: na siya ay nakarinig sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Hindi ipinahihintulot sa sa isang babaing sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na magluksa sa isang patay nang higit sa tatlong [araw], maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]."