





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag ngang pagbabawalan ng isang kapit-bahay ang kapit-bahay niya na magtalasok ng kahoy nito sa dingding niya." Pagkatapos ay nagsasabi si Abū Hurayrah: "Bakit nakikita ko kayo na mga umaayaw roon? Sumpa man kay Allah, talagang ikakalat ko nga iyon sa mga harapan ninyo."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kapit-bahay ay may mga tungkulin sa kapit-bahay niya, na kinakailangang isaalang-alang sapagkat hinimok ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagpapanatili ng kaugnayan sa kapit-bahay. Binanggit niya na si Anghel Gabriel ay hindi tumigil sa pagtatagubilin sa kanya hanggang sa inakala niya na ito ay magtatagubiling pamanahan niya ang kapit-bahay niya dahil sa bigat ng karapatan nito at tungkuling magpakabuti rito. Dahil dito, isinasatungkulin sa kanila ang magandang pakikitungo, ang kapuri-puring asal, ang pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng pagkakapit-bahay, at ang pagpipigil ng isa't isa ang kasamaang pampananalita at panggawain. Bahagi ng kagandahan ng pagkakapit-bahay at pagsasaalang-alang sa mga karapatan nito ay na magkaloob ang ilan sa kanila sa iba ng mga kapakinabangang hindi nagdudulot sa kanila ng malaking kapinsalaan kasabay ng kapakinabangan para sa kapit-bahay. Kabilang doon kung ninais ng kapit-bahay na maglagay ng kahoy sa dingding ng kapit-bahay nito. Kung nagkaroon ng pangangailangan sa may-ari ng kahoy at ang walang kapinsalaan ang paglalagay ng kahoy sa may-ari ng dingding, isinasatungkulin sa may-ari ng dingding na magpahintulot doon sa pakikinabang na ito na walang kapinsalaan sa kanya kalakip ng pangangailangan na kapit-bahay niya roon at pipilitin siya ng namamahala roon kung hindi siya nagpahintulot. Kung mayroong kapinsalaan o walang pangangailangan doon, ang kapinsalaan ay nananatiling kapinsalaang tulad niyon. Ang pangunahing prinsipyo kaugnay sa karapatan ng Muslim ay ang paghadlang [sa kapinsalaan] kaya naman hindi isinasatungkulin sa kanya na magpahintulot. Dahil dito, tunay na si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, noong nalaman niya ang nilalayon ng Pinakadakilang Tagapagbatas mula sa tiyak na sunnah na ito, nagmasama sa kanila sa pagtanggi nila sa pagpapatupad nito. Binantaan niya sila na oobligahin niya sila na ipatupad iyon sapagkat tunay na ang kapit-bahay ay may mga karapatang isinatungkulin ni Allah, pagkataas-taas Niya, na kinakailangan ang pagsasaalang-alang niyon at ang pagsasagawa niyon. Nagkaisa ang pahayag ng maaalam sa pagbabawal sa paglalagay ng kahoy ng kapit-bahay sa dingding ng kapit-bahay kapag may kapinsalaan malibang may kapahintulutan niyon batay sa sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang kapinsalaan at walang pamiminsala."
Ayon kay `Abdullāh bin Yazīd Al-Khaṭmīy na nagsabi: {Nagsanaysay sa akin si Al-Barā', na hindi mapagsinungaling, na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," ay walang nagbabaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nakapatirapa, pagkatapos lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya.)
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitosi Al-Barā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya), na isang tapat, na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-angat siya noon ng ulo niya mula sa pagkakayukod at nagsabi ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," ay hindi tumitigil ang sinumang nasa likuran niya sa pagkatayo at walang nagbabaluktot na isa man ng likod niya hanggang sa maglagay siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng noo niya sa lapag, pagkatapos lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag dumaing noon sa kanya ang tao ng karamdaman o ito ay may ulsera o sugat, ay nagpapahiwatig ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pamamagitan ng daliri niya ng ganito: inilagay ni Sufyan bin `Uyaynah ang hintuturo niya sa lupa, at saka iniangat ito at nagsabi: "Sa ngalan ni Allah; alabok ng lupa namin kasama ng laway ng sinuman sa amin, gagaling sa pamamagitan nito ang maysakit sa amin ayon sa kapahintulutan ng Panginoon namin."
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagkasakit ang isang tao o nagkaroon ito ng sugat o anuman, kumukuha siya mula sa laway niya at inilalagay sa daliri niyang hintuturo. Pagkatapos ay inilalagay niya ito sa alabok kaya may kumakapit dito mula roon. Ipinapahid nito ito sa kinalalagyan ng sugat o karamdaman at nagsasabi siya; "Sa ngalan ni Allah; alabok ng lupa namin kasama ng laway ng sinuman sa amin, gagaling sa pamamagitan nito ang maysakit sa amin ayon sa kapahintulutan ng Panginoon namin."
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: ((Kabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa].At kapag nakasal siya sa may karanasan sa pag-aasawa [balo o debersiyo],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,pagkatapos ay hahatiin niya [ang mga araw sa kanyang mga asawa])) Sinabi ni Abu Qilabah: "Kung ninais ko lang ay sinabi ko nang:Tunay na si Anas ay itinaas niya ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))
Napagkaisahan ang katumpakanKabilang sa Sunnah,kapag nakasal ang dalaga sa may asawa,mananatili siya sa kanya ng pitong araw upang lambingin niya ito,at tanggalin ang pagkamahiyain niya,dahil bago sa kanya ang pag-aasawa.Pagkatapos ay hahatiin nito [ang mga araw] sa mga asawa niya nang pantay-pantay.At kapag nag-asawa siya ng may karanasan sa pag-aasawa[ balo o biyuda],mananatili siya sa kanya ng tatlong araw,dahil mas maliit ang pangangailangan niya sa una.At ang marangal na panuntunang ito,ay naisalaysay sa Hadith na ito,na kung saan ay may panuntunang pagtaas;Dahil ang mga nanalaysay,kapag sinabi nilang;Mula sa Sunnah,Wala silang ibang layunin dito maliban sa Sunnah ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At ang pagtaas at ang Hadith na itinaas,ang kahulugan nito ay ang naidugtong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa babaing anak ni Ḥamzah: "Hindi siya ipinahihintulot para sa akin. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa kaangkanan. Siya ay babaing anak ng kapatid ko sa pagpapasuso."
Napagkaisahan ang katumpakanHinangad ni `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mapangasawa ang anak ni ng tiyuhin nilang si Ḥamzah. Ipinabatid niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dito na iyon ay hindi ipinahihintulot na mapangasawa niya dahil iyon ay anak ng kapatid niya sa pagpapasuso. Tunay na siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ang tiyuhin niyang si Ḥamzah ay sumuso kay Thuwaybah, na alipin ni Abū Lahab, kaya si Ḥamzah ay naging kapatid niya sa pagpapasuso at siya naman ay naging tiyuhin ng anak nito. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal tulad niyon dahil sa kaangkanan.
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsisikap na mag-ayuno sa Lunes at Huwebes
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapaliwanag sa atin A-ieshah-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ay nagsisikap at nag-iintensiyon sa pag-aayuno ng lunes at huwebes,sapagkat ang mga gawain ay iniaalay (sa dalawang araw na ito) kay Allah pagkataas taas Niya,Kayat ninanais niya- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na iniaalay ang mga gawain niya, na siya ay nag-aayuno.at sapagkat si Allah-Pagkataas-taas Niya,ay nagpapatawad dito(lunes at huwebes) sa bawat Muslim,maliban sa mga hindi nagkakasundo,tulad ng nabanggit sa iba pang mga Hadith.
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kumakain ng Iftar bago magdasal,ng mga Rutab,at kapag hindi ang mga Rutab ay ang mga Tam`r at kapag hindi ang mga Tam`r ,ay umiinom siya ng dahan-dahan mula sa tubig.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ni Anas malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na ito na Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kumakain ng Iftar-kapag siya ay nag-aayuno-(Rutab) bago siya magsagawa ng dasal na Maghrib,at kapag wala siyang natagpuan na Rutab,Siya ay kumakain ng Iftar na Tam`r,at kapag wala siyang natagpuang mga Tam`r,umiinom siya ng tubig,At ang pag-uumpisa niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga ,sa pagkain ng Tam`r o tubig ay naangkop,Sapagkat ang nag-aayuno,nagiging walang laman ang tiyan nito,kaya`t hindi nararapat na mag-umpisa agad ng pagkain na may taba,upang hindi siya mapinsala.
Ayon kay Al-Aswad bin Yazīd na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah kung ano ang ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya. Nagsabi ito: "Siya noon ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya," tumutukoy siya sa pagsisilbi sa mag-anak niya, "saka kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya papunta sa pagdarasal."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-BukhārīyTinanong ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah tungkol sa kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya at kung papaano noon ang ginagawa niya. Nagsabi ito: "Siya ay isang taong kabilang sa mga tao at gumagawa ng ginagawa ng mga lalaki sa mga bahay nila sapagkat siya ay nasa sa paglilingkod sa sarii niya at mag-anak niya. Naggagatas siya ng tupa niya, nagsusulsi siya ng damit niya, nagkukumpuni siya ng sandalyas niya, at nagtatapal siya ng timba niya. Kapag naman sumapit ang pagsasagawa ng pagdarasal, lumalabas siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) papunta roon nang walang pagpapahuli."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kabilang sa pinakamabuti sa pamumuhay ng mga tao ukol sa kanila ay isang lalaking humahawak sa renda ng kabayo niya alang-alang sa landas ni Allah, na kumakaripas sakay sa likod nito, na sa tuwing nakarinig ng isang ingay [ng digmaan] at isang kalansing [ng digmaan], kumakaripas siya roon, na naghahangad ng pagpatay o pagkamatay sa mga lugar na maaasahan iyon; o isang lalaking nasa mga tupa sa tuktok ng isang burol kabilang sa mga burol na ito, o sa loob ng isang lambak kabilang sa mga lambak na ito, na nagpapanatili ng dasal, nagbibigay ng zakāh, at sumasamba sa Panginoon niya hanggang sa datnan siya ng kamatayan; wala siyang kaugnayan sa mga tao maliban sa mabuti."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNasaad sa ḥadīth ang paglilinaw na kabilang sa pinakamabuti sa mga kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay isang lalaking humahawak sa renda ng kabayo niya. Ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "kumakaripas sakay sa likod nito, na sa tuwing nakarinig ng isang ingay [ng digmaan] at isang kalansing [ng digmaan], kumakaripas siya roon, na naghahangad ng pagpatay o pagkamatay sa mga lugar na maaasahan iyon." Ang kahulugan nito ay nagdadali-dali siya sakay sa likod ng kabayo sa tuwing nakarinig ng isang ingay ng digmaan, ang tunog sa pagdating ng kaaway. Ang kalansing ng digmaan ay ang pagbangon papunta sa kaaway. Ang paghahangad ng pagkamatay sa mga lugar na maaasahan iyon ay ang paghahanap niya rito sa mga pook nito na maaasahan ito sa mga iyon, dahil sa tindi ng paghahangad niya sa pagkamartir. May nasaad din ditong patunay na ang pagbubukod ay higit na mabuti. Ang sinumang nasa isang lugar, kabilang sa mga lambak at mga daan sa pagitan ng bundok, habang nakabukod malayo sa mga tayo, na sumasamba kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na walang kaugnayan sa mga tao maliban sa mabuti, ito sa kanya ay mabuti.