





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Saed aL-Khudri-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala sa tribo ng Lahyan, Nagsabi siya:((Katotohanang lalabas sa bawat dalawang lalaki ang isa sa kanila;at ang gantimpala ay mapapasa-kanilang dalawa)) at sa isang salaysay:(( Katotohanang lalabas mula dalawang lalaki ang isang lalaki)) Pagkatapos ay nagsabi siya sa Namumuno:(( Sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad nito}sa (taong) nasa labas, sa pamilya nito at sa yaman nito para sa kabutihan,mapapasa kanya ang kalahati ng gantimpala nang nasa labas.))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNaisalaysay sa Hadith ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagnais na magpadala ng Hukbong Sandatahan sa tribo ng Lahyan,at sila ang pinakatanyag sa tribo ng Hudhayl. At nagka-isa ang mga may kaalaman na ang tribo ng Lahyan sa panahong yaon ay hindi pa mananampalataya,kaya`t ipinadala sa kanila {ng Propeta} ang ipinadalang makikipandarambong sa kanila.( Nagsabi siya) sa mga Hukbo ng Sandatahan:(Katotohanang lalabas sa bawat dalawang lalaki ang isa sa kanila) at ang ipinapahiwatig nito,sa bawat tribo ay ang kalahating bilang nito.( At ang gantimpala);Ay ang kabuuan na makakamit ng nandarambong at ang pumalit {gumanap sa responsibiladad nito} sa kanya sa kabutihan ( sa pagitan nilang dalawa) ito ay ang kahulugan ng Hadtih na nauna:(( At sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad } ng Nandarambong,ay tunay na nandarambong)) At sa Hadith ni Imam Muslim:((Sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad } nang nasa labas,sa pamilya nito at sa yaman nito,sa kabutihan,mapapasakanya ang tulad ng kalahati ng gantimpala nang nasa labas)) At ang kahulugan nito ay: Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa kanila na lumabas ang isa sa kanila at manatili ang isa upang pumalit {gumanap sa responsibiladad } nag nandarambong sa pamilya nito at mapapasakanya ang kalahati ng gantimpala nito;Sapagkat ang pangalawang kalahati ay para sa nandarambong.
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang mag-angkin sa hindi niya ama, samantalang siya ay nakaaalam na ito ay hindi niya ama, ang Paraiso sa kanya ay bawal."
Napagkaisahan ang katumpakanNasaad ang ḥadīth para sa paglilinaw sa babala laban sa isang gawaing ginagawa noon ng mga tao ng Kamangmangan. Ito ay ang pag-uugnay ng kaangkanan sa hindi ama. Ang tao ay kinakailangang mag-ugnay ng kaangkanan sa mag-anak niya: sa ama niya, lolo niya, lolo ng ama niya, at nakawangis niyon. Hindi ipinahihintulot sa kanya na mag-ugnay ng kaangkanan sa hindi niya ama samantalang nalalaman niyang ito ay hindi niya ama. Halimbawa, kapag ang ama niya ay kabilang sa liping Polano at itinuturing niya na ang liping ito ay may kapintasan kung ihahambing sa ibang lipi kaya iniugnay niya ang sarili sa ibang lipi na may higit na mataas na reputasyon upang alisin sa sarili ang kapintasan ng lipi niya, ang taong ito ay binabantaan ng pagkakait ng Paraiso.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Huwag kayong mamuhi sa mga magulang ninyo sapagkat ang sinuman namuhi sa magulang niya, siya ay tumangging sumampalataya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng sinumang namuhi sa kaangkanan ng magulang niya nang nalalaman at kusang-loob, ito ay maliit na kawalang-pananampalataya. Hindi ibig sabihin nito ang tunay na kawalang-pananampalataya na magpapanatili sa tao sa Impiyerno. Bagkus ito ay maliit na kawalang-pananampalatayang mababa sa malaking kawalang-pananampalataya. Ito ay pagtitiyak at pagbibigay-diin sa pagbabawal sa gawaing ito at pagpapapangit dito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Kapag may maliit o malaking pangkat na nakipaglaban, nakakuha ng samsam, at nakaligtas, natanggap nga nila nang maaga ang dalawang katlo ng mga kabayaran nila. Kapag may maliit o malaking pangkat na nabigo at dinapuan ng kasawian, malulubos ang mga kabayaran nila [sa Kabilang-buhay]."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng hadith ay may dalawang posibilidad: Una: Na ang bawat pangkat ay nakipaglaban sa mga kaaway. Pagkatapos ay nakaligtas sila laban sa mga iyon at nakakuha ng samsam sa digmaan. Tunay na ang kabayaran ng pangkat na ito ay higit na kaunti kaysa sa isang pangkat na hindi nakaligtas o nakaligtas at hindi nakakuha ng samsam. Ito ang itinuring ni An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah, na matimbang na pakahulugan. Ikalawa: Ang hadith ay patunay sa pagiging ipinahihintulot ng samsam sa digmaan at hindi nakababawas ito sa gantimpala [sa Kabilang-buhay]. Mayroon lamang ditong pagpapaaga sa ilan sa gantimpala nito. Magkapantay sa gantimpala ang nakakuha ng samsam at ang hindi nakakuha ngunit ang nakakuha ng samsam ay maagang pinagkakalooban ng dalawang katlo (2/3) ng gantimpala niya. Ang nakakuha ng samsam at ang hindi nakakuha ay magkapantay sa kabuuan ng gantimpala. Tutumbasan naman ni Allah sa Kabilang-buhay ang hindi nakakuha ng samsam ng katumbas sa hindi niya nakuha mula sa samsam sa digmaan. Si Allah ay nagpaparami ng gantimpala sa sinumang loloobin Niya gaya ng sinabi ni Ibnu `Abdirraḥmān, kaawaan siya ni Allah.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagpalaya ng isang aliping Muslim, palalayain siya ni Allah sa bawat bahagi ng katawan niya katumbas ng bahagi ng katawan niyon, pati ang ari niya katumbas ng ari niyon."
Napagkaisahan ang katumpakanSa hadith na ito ay may paglilinaw ng kalamangan ng pagpapalaya ng aliping Muslim. Ang sinumang nagpalaya ng isang alipin ay para bang napalaya ang buong katawan niya mula sa Impiyerno. Sa pagpapalaya ng alipin ay may pagsasabuhay sa karangalan ng mga Muslim sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanila ng kahamakan ng pagkaalipin.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nag-ayuno sa landas ni Allah, maglalagay si Allah sa pagitan niya at ng Impiyerno ng isang kanal [na ang luwang ay] gaya ng sa pagitan ng langit at lupa."
Isinaysay ito ni At-TirmidhīySa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa kalamangan ng sinumang nag-ayuno ng isang araw na wagas na inukol sa ikasisiya ng mukha ni Allah yayamang iniligtas siya ni Allah mula sa Impiyerno at inilayo siya mula roon gaya ng layo ng langit sa lupa.
Ayon kay Abū Rāfi`, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagpaligo ng isang patay at ikinubli niya ang kapintasan nito, patatawarin siya ni Allah nang apatnapung ulit."
Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-ṬabrānīySa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa kalamangan ng sinumang nagpaligo ng patay, na nakakita rito ng isang kapintasan at inilihim ito. Ang nakikita niya sa patay na mga kasiraan ay dalawang uri. Ang unang uri ay ang nauugnay sa kalagayan ng patay at ang ikalawang uri ay ang nauugnay sa katawan nito. Ang una ay kung sakaling nakita niya, halimbawa, na ang patay ay nagbago ang mukha nito: nangitim at pumangit, ito ay maaaring isang tanda ng kasagwaan ng wakas nito. Hinihiling natin kay Allah ang kagaligtasan. Hindi ipinahihintulot sa kanya na sabihin sa mga tao na nakita niya ang patay na ito sa kalagayang iyon dahil iyon ay paglalantad sa mga kapintasan nito. Ang patay ay pumunta sa Panginoon nito at gagantihan ito ng anumang karapat-dapat na katarungan o kabutihang-loob. Ang ikalawa ay para bang nakakita siya ng isang kapintasan nito na itinatago nito dati sa mga tao noong nabubuhay pa ito. Ang nagtatakip ay magkakaroon dahil doon ng malaking kabayaran gaya ng pagpapatawad na apatnapung ulit.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang hindi nakilahok sa pakikibaka o nagbibigay sa nakikibaka ng kakailangin o humalili sa nakikibaka sa mag-anak nito nang mabuti, padadapuan siya ni Allah ng isang dagok bago ang Araw ng Pagkabuhay."
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudNasaad sa ḥadīth na ito ang paghimok sa pakikibaka at ang paglilinaw sa matinding parusa mula kay Allah sa Mundo bago ang Kabilang-buhay sa sinumang iniwan ang pakikibaka sa landas ni Allah o iniwan ang pagtulong sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng salapi o sa pag-alalay sa kanila sa pagkalinga sa mga mag-anak nila at pangangalaga sa mga ito habang wala sila. Ang mga tumigil sa pagsasagawa sa mga bagay na ito, dadapuan sila ng mga malaking kasawian resulta ng pagkukulang niya sa pagtulong sa Relihiyon ni Allah.
Ayon kay 'Udayy bin Hātim-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi Siya: Sinabi ko:O Sugo ni Allah!Tunay na Ako ay nag-uutos ng Asong naturuan, Nanghuhuli siya para sa akin,at binabanggit ko [sa kanya] ang pangalan ni Allah? Ang sabi niya:" Kapag pinakawalan mo ang Aso mong naturuan [upang mangaso] at nabanggit mo ang pangalan ni Allah,Kumain ka sa anumang nahuli niya para sa iyo". Kahit na napatay niya?Nagsabi siya: Kahit na napatay niya,Kapag hindi siya nasamahan ng ibang aso na Hindi kabilang rito". Sinabi ko sa kanya:Ako ay naghahagis ng sibat para sa pangangaso at tinatamaan ko ito?Nagsabi siya: Kapag naghagis ka ng sibat at nakatama ito, Kainin mo ito, at kapag tinamaan niya ito ng sibat [at hindi nasugatan] huwag mo itong kainin." At sa Hadith ni Sha'biy, buhat kay 'Udayy at tulad nito,ay napapaloob rito ang: " Maliban kung kinain ito ng aso,kapag nakain ito, huwag mo itong kainin;Sapagkat nangangamba Ako na ito ay nahuli niya sa sarili niya,dahil ito ay nahaluan ng asong iba sa kanya Kaya huwag mo itong kainin;Sapagkat tunay na ang binanggitan mo [sa pangalan ni Allah] ay ang aso mo, at Hindi mo binanggitan [sa pangalan ni Allah] ang iba rito." At napapaloob din dito:" Kapag nag-utos ka ng aso mong mangangaso, banggitin mo ang pangalan ni Allah,Kapag nakahuli siya para sa iyo at inabutan mo ito ng buhay, katayin mo ito,at kapag inabutan mo ito na patay at Walang nakakain rito, Kainin mo ito.Dahil ang pagkuha ng aso ay dahil sa talino niya". At napapaloob din dito:" Kapag hinagis mo ang palaso mo,Banggiti mo ang pangalan ni Allah"At napapaloob rin dito:" Kapag nawala sa iyo ito ng isang araw o dalawang araw-at sa isang salaysay: Ang dalawa at ang tatlo- Wala kang makikita rito maliban sa bakas ng palaso mo,Kainin mo ito kung naisin mo,at kapag natagpuan mo itong nalunod sa tubig,huwag mo itong kunin;sapagkat hindi mo alam kung ang tubig ba ang nakapatay sa kanya o ang palaso mo?
Napagkaisahan ang katumpakanTinanong ni 'Udayy bin Hātim ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pangangaso gamit ang asong naturuan, na kung saan at tinuruan ito ng nagmamay-ari nito ng pangangaso.Ang sabi niya sa kanya:Kainin mo anumang nahuli niya para sa iyo kapag binanggit mo ang pangalan ni Allah sa kanya sa pagpakawala mo sa kanya, at wala kang natagpuang kasama niya na ibang aso,at kapag natagpuan mong may kasama siyang ibang aso, huwag mo itong kainin, sapagkat tunay na ang binangitan mo lamang ng pangalan [ni Allah] at ang aso mo, at hindi mo binanggit ang pangalan [ni Allah] sa ibang aso, at gayundin kapag naghagis ka ng [matulis na kahoy] at ito ang sibat at nakatama ibig sabihin ay pumasok sa katawan ng hinuhuli at dumaloy mula sa kanya ang dugo, kainin mo ito, sa isang kondisyon; ang pagbanggit rito [sa pangalan ni Allah], at kapag ito at tinamaan ng sibat at napatay niya dahil dito, huwag mo itong kainin, Sapagkat ito at namatay dahil sa tama Kaya naging itoy tulad ng pagkamatay ng hayop dahil sa matinding pagkahampas at pagkamatay ng hayop Dahil sa pagkahulog sa bangin,At kapag pinakawalan niya ang aso at natagpuan niya ang nahuling hayop na may buhay pa at hindi ito napatay ng aso, nararapat sa kanya na katayin niya ito at sa oras na iyon itoy magiging Halal kahit na nakisali sa kanya ang ibang aso,At nagtanong Siya sa pamamagitan ng paghagis sa palaso kapag binanggit niya ang pangalan ni Allah rito, ipinagbawal-utos niya sa kanya na kainin ang anumang natamaan niya,at kapag nawala ito sa kanya ng isang araw o dalawang araw at hindi niya ito natagpuan maliban sa bakas ng palaso niya, Tunay na ipinapahintulot sa kanya ang pagkain rito,at kapag natagpuan niya itong malugod sa tubig, huwag niya itong kainin, sapagkat hindi niya nalalaman kung ang tubig ba ang nakapatay sa kanya o ang palaso niya