





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Sahl bin Saad bin Sa`edi-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay umabot sa kanya na ang Mag-anak na Am`r bin Awf,ay mayroon sa pagitan nila'y hidwaan,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang ayusin ang pagitan nila sa mga tao na kasama niya,naantala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating na ang oras ng pagdarasal,At dumating si Bilal kay Abe Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naantala at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na manguna sa pagdarasal sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo,Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya hanggang sa tumindig siya sa isang linya,at gumawa ang mga tao ng palakpak,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay hindi lumilingon sa pagdarasal,At nang dumami ang mga tao sa pagpapalak-pak,ay lumingon siya,Kung kaya`t ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbigay ng senyales sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Itinaas ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ang kamay niya,at pinuri niya si Allah,at bumalik siya na lumalakad sa likod niya hanggang sa tumindig siya sa linya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal siya sa mga tao,at nang matapos ay humarap siya sa mga tao,Nagsabi siya:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pagpalak-pak?Ang palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,Sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag sinasabi ang:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon.O Aba Bakar:Anu ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng palatandaan sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Napagkaisahan ang katumpakanUmabot sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang mag-anak na Am`r bin Awf ay mayroon sa pagitan nila na hindi pagkaka-unawaan.hanggang sa umabot ito sa pakikipag-patayan,At ipinaalam ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol doon,Lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kasama nito ang ilan sa mga kasamahan niya,Naantala siya sa kanila at pumasok na ang oras ng pagdarasal at ito ay dasal sa hapon(Al-Asr),tulad ng nabanggit ni Imam Al-Bukharie sa salaysay nito at pananalita nito,At nang dumating ang oras ng pagdarasal ng hapon (Al-Asr),Nag-adhan at nag-iqamah,at ipinag-utos ni Abu Bakar at nanguna siya,"Pagkatapos ay dumating si Bilal kay Abe Bakar malugod si Allah sa kanya,at nagsabi siya:((O Aba Bakar,Katotohanan na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naantala at dumating na ang oras ng pagdarasal,Maaari ba sa iyo na mamuno sa pagdarasal sa mga tao?Nagsabi siya: Oo,kung nanaisin mo, Itinindig ni Bilal ang dasal,at nanguna si Abu Bakar,Nag Takbir siya at nag-takbir ang mga tao,at dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naglalakad sa mga linya ,Dinagdagan ni Imam Al-Bukharie sa salaysay:"nilalabag niya ito ng matinding paglabag" hanggang sa tumayo siya sa unang linya.At sa salaysay ni Imam Muslim:"Nilabag nito ang mga linya hanggang sa tumayo siya sa unang linya" At nang malaman ng mga tao na nandoon ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama nila,ay gumawa sila ng pagpalakpak,Sa kagustuhan nila na magdasal sa likod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya ay narinig niya ang palakpakan nila ngunit hindi niya napag-alaman ang dahilan,At siya malugod si Allah sa kanya ay hindi lumilingon dahil sa kaalaman nito nang pagbabawal ng paglingon sa pagdarasal,at ito ay paglihim mula kay satanas,naglilihim siya rito sa pagdarasal ng alipin,ayon sa naihatid doon mula kay Imam Attermidhie at iba pa sa kanya,Ngunit nang dumami ang mga tao sa pagpalakpak,lumingon siya malugod si Allah sa kanya,kung kaya`t nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na kasalukuyang nasa pagdarasal,Nagbigay siya ng palatandaan sa kanya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-na manatili sa kung ano ang mayroon sa kanya mula sa pangunguna sa pagdarasal ng mga tao,tulad ng naisalaysay ni Imam Al-Bukharie:"Nagbigay siya ng palatandaan sa kanya na, manatili ka sa lugar mo" Itinaas ni Abu Bakar ang kamay niya at pinuri niya ang Allah pagkataas-taas Niya,dahil sa nakita niya mula sa pakikitungo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanya,Pagkatapos ay bumalik siya na naglalakad ng dahan-dahan sa likod, hanggang sa tumayo siya sa linya ng mga mananampalataya,at pumunta sa unahan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nagdasal siya sa mga tao na namumuno,At nang matapos siya,Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa pagdarasal nito,humarap siya sa mga tao sa mukha nito,at nagsabi:(( O mga tao,ano ang nangyari sa inyo nang may dumating na bagay sa inyong pagdarasal ay gumawa kayo ng pag-palakpak?Ang pag-palakpak ay para lamang sa mga kababaihan,Pagkatapos ay ipinahayag niya sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin kung sakali na may dumating sa kanila na bagay sa pagdarasal,Nagsabi siya:(Sinuman ang may dumating sa kanya sa pagdarasal niya,ay magsabi ng:Subhanallah,sapagkat walang makakarinig nito kahit isa, kapag sinasabi ang:Subhanallah; maliban sa itoy mapapalingon).Pagkatapos ay nagsabi siya:(( O Aba Bakar:Ano ang humadlang sa iyo na magdasal sa mga tao nang magbigay ako ng palatandaan sa iyo?Nagsabi si Abe Bakar: Hindi karapat-dapat sa anak ni Abe Quha`fah na magdasal sa mga tao sa pagitan ng kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.at iyan dahil sa pagmamahal niya at pagdadakila niya at pagrespeto niya malugod si Allah sa kanya-sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay Asma`-malugod si Allah sa kanya-:Na ang isang babae ay nagsabi: O Sugo ni Allah,Tunay na mayroon akong (kasamang pangalawang asawa ng asawa ko);magkakaroon ba ako ng kasalanan kung magkukunwari akong busog sa asawa ko sa hindi naman niya ibinibigay sa akin?Ang sabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ang nagkukunwaring busog sa hindi naman ibinigay sa kanya ay tulad ng nagsusuot sa damit na hindi totoo.
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi ang isang babae sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Tunay na may asawang iba ang asawa nito,at gusto nitong sabihin na: Ang asawa ko binigyan ako ng ganito at binigyan ako ng ganito ngunit siya ay nagsisinungaling,Datapuwat gusto lamang niyang pagalitin ang ibang asawa ng asawa nito,magkakaroon ba siya dahil doon ng kasalanan?Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Na ang Nagpapaganda sa mga bagay na wala sa kanya,nagpapadami dahil doon, siya ay nagmamay-ari ng pagkahuwad at kasinungalingan.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tunay na nagsabi siya: ((O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya:O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya:O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok]))
Napagkaisahan ang katumpakanAng Pagkakalbo at pagpapa-iksi ng buhok ay kabilang sa gawaing Hajj at `Umrah,Ngunit ang Pagkakalbo ay higit na mainam sa pagpapa-iksi,sapagkat ito ay higit na ganap sa pagsamba,at pagpapakumbaba kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Sa pamamagitan ng pagpapakalbo sa buhok ng ulo para sa Allah-Pagkataas-taas Niya,Kung-kaya`y ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangin para sa mga nagpakalbo ng Habag [ ni Allah] nang tatlong beses,Habang ang mga taong naroroon ay ipinapaalala sa kanya ang mga nagpa-iksi,ngunit hindi niya ito pinapakinggan sa kanila,At sa ikatlo o apat na beses,Isinama niya sa kanila ang mga nagpa-iksi ng buhok sa pananalangin,bilang pagpapatunay sa karapatan ng mga kalalakihan ay siyang pinakamainam.At ito ay kapag hindi sa `Umrah na Attamattu,At nagiging masikip ang oras na kung saan ay hindi tutubo ang buhok,para isagawa ang pagkakalbo para sa Hajj,Kaya ang Pagpapa-iksi sa karapatan niya [Umrah Attamattu] ay higit na mainam;Sapagkat siya ay kakalbuhin din pagkatapos nito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.Nagsabi siya:((Tinipon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagitan ng Maghrib at `Eishah sa isang tipon,Bawat isa sa kanila ay may Iqamah,at hindi siya Nagluwalhati sa pagitan nilang dalawa,at hindi rin sa pagtapos ng bawat isa sa kanilang dalawa.))
Napagkaisahan ang katumpakanNang lumubog ang araw sa araw ng `Arafah,Umalis ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-rito,patungo sa Muzdalifah,Nagdasal siya dito ng Magrib at `Eishah na Pagtipon na Panghuli,na may Iqamah sa bawat pagdarasal.at hindi siya nagdasal ng kusang-loob sa pagitan nila;bilang pagkamit sa kahulugan ng Pagtipon,at hindi rin pagkatapos nito,upang samantalahin niya ang pagkakataon sa pamamahinga,bilang paghahanda sa susunod nito [na gawain] mula sa pag-aalay.
Ayon kay Busr bin Sa`īd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsugo ito sa kanya kay Abū Juhaym (malugod si Allāh sa kanya), na nagtatanong roon kung ano ang narinig niyon mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa nagdaraan sa harapan ng nagdarasal. Nagsabi si Abū Juhaym (malugod si Allāh sa kanya): Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nakaaalam ang nagdaraan sa harapan ng nagdarasal kung ano ang [kasalanan] sa kanya, talaga sanang ang tumindig siya nang apatanapu ay naging higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magdaan siya sa harapan niyon." Nagsabi si Abu An-Naḍr: "Hindi ako nakaaalam kung nagsabi siya nang apatnapung araw o buwan o taon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoNagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagdaan sa harap ng sinumang nagdarasal ng tungkuling ṣalāh o kinukusang-loob na ṣalāh; at na kung sakaling nakaaalam ang sinumang gumagawa niyon nang sadyaan ng naikakapit sa kanya na kasalanan, talaga sanang pinili niya na tumindig nang apatnapu sapagkat ito ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magdaan siya sa harapan niyon. Nagsabi si Abu An-Naḍr na tagapagsalaysay ng ḥadīth: "Hindi ako nakaaalam kung nagsabi siya nang apatnapung araw o buwan o taon."
Ayon kay Ummu Atiyyah Nusaybah Al-Ansariyyah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:((Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumabas kami sa dalawang Eid,ang mga dalaga,at ang may mga pangharang [sa bahay],at ipinag-utos sa mga may regla na lumayo sa pinagdadasalan ng mga Muslim)) At sa ibang pananalita:((Kami ay napag-utusan na lumabas sa Araw ng Eid,hanggang ilabas namin ang dalaga mula sa pangharang niya,hanggang sa ilabas ang may regla,Magdadakila sila sa Allah [magbibigkas ng Allahu Akbar] sa Pagdadakila nila [magbibigkas ng Allahu Akbar],at mananalangin sila sa oras ng pananalangin nila,at hihilingin nila ang pagpapala sa araw na yaon at kadalisayan nito [mula sa mga kasalanan]))
Napagkaisahan ang katumpakanSa araw ng Eid Al-Fitr at sa araw ng Eid Al-Adha ay kabilang sa mga araw na kainam-inam,kung saan ay nakikita rito ang mga palatandaan ng Islam,at lumalabas ang pagkakapatiran ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagtitipon nila at pagkakalapit nila,Ang bawat tao sa mga lugar,bumibisita sa lugar ng isa,bilang pagpapakita sa pagkaka-isa nila,at pagmamahalan ng mga puso nila,at pagtitipon ng mga salita nila para sa pagtataguyod sa Relihiyong Islam,at pagpapataas sa mga salita ni Allah,at pagsasagawa ng pag-aalaala kay Allah at pagpapakita sa mga palatandaan Niya.Kung kaya,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palabasin ang lahat ng kababaihan,kahit ang mga dalaga na may nakaharang sa mga bahay nila,at ang mga babaeng may regla,sa kondisyon na sila ay nasa lugar na malayo sa pinagdadasalan,upang masaksihan nila ang mga kabutihan,at ang pag-aanyaya ng mga Muslim at makakamit nila ang mga kabutihan sa mga pangyayaring ito,at makakamit nila rito ang mga pagpapala,mula sa Habag ni Allah at kaluguran Niya,at nang sa gayun,Ang Habag at Katanggap-tanggap [na panalangin] ay maging higit na malapit sa kanila.At ang Dasal sa Dalawang Eid ay Fard Al-Kifayah
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig siya noon para sa dasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa..." Nangangahulugan ito: "Ibinaling ko sa pagsamba." Ang kahulugan: "Inilaan ko ang pagsamba ko kay Allah na lumikha sa mga langit at lupa nang walang kahalintulad na nauna at bumaling ako palayo sa anumang iba pa sa kanya sapagkat tunay na ang sinumang nagpairal ng tulad ng mga nilikhang ito na mga nasa sukdulan ng pagkamalikhain at kahusayan ay karapat-dapat bumaling ang mga mukha sa Kanya, manalig ang mga puso sa Kanya sa lahat ng mga kalagayan. Hindi lilingon sa iba pa sa Kanya, at walang mimithiin kundi ang pamamalagi ng kaluguran Niya at kabutihan Niya." Ang "hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn..." ay nangangahulugang: "Bilang nakakiling palayo sa bulaang relihiyon tungo sa totoong Relihiyon, ang Relihiyon ng Islām, bilang matatag dito." [Ang hanīf na] ito sa ganang mga Arabe ay nanaig [ang pagkaunawa] sa sinumang nasa kapaniwalaan ni Abraham, sumakanya ang pangangalaga. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn." Nangangahulugan ito: "Ang dasal ko, ang pagsamba ko, at ang pagpapakalapit ko, lahat ng iyon, ay inilalaan sa mukha ni Allah. Hindi ako nagtatambal kaugnay roon ng iba pa sa Kanya. Gayon din ang buhay ko at ang kamatayan ko, ukol kay Allah, ang Tagapaglikha ng dalawang ito at ang Tagapagtakda ng dalawang ito: walang pangangasiwa para sa iba pa sa Kanya sa dalawang ito. Walang katambal sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya. Ipinag-utos nga sa akin ng Panginoon ko itong Tawḥīd at pagpapakawagas. Ako ay kabilang sa mga Muslim na nagpapaakay at tumatalima sa Kanya, napakamaluwalhati Niya." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta..." Nangangahulugan ito: "O Allah, Ikaw ay ang Hari sapagkat walang haring iba pa sa Iyo at walang paghahari sa katotohanan para sa iba pa sa Iyo. Ikaw ay ang namumukod-tangi sa pagkadiyos kaya walang sinasambang karapat-dapat kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay alipin Mo. Lumabag nga ako sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagkalingat sa pag-alaala sa Iyo at paggawa ng mga pagsuway at mga pagkakasala. Inamin ko na ang mga pagkakasala ko kaya magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw sapagkat tunay na Ikaw ay ang Tagapagpatawad, ang Mapagpatawad." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta..." Nangangahulugan ito: "Gabayan Mo ako, ituon Mo ako, patatagin Mo ako, paratingin Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan sa pagsamba sa Iyo at sa iba pa ritong mga kaasalang maganda, mabuti, hayagan, at patago sapagkat tunay na Ikaw ay ang Tagapagpatnubay tungo sa mga ito: walang tagapagpatnubay na iba pa sa Iyo. Ilayo Mo ako at pangalagaan Mo ako laban sa masama sa mga kaasalan sapagkat tunay na walang naglalayo sa akin at nangangalaga sa akin laban sa mga iyon kundi Ikaw." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "labbayka wa sa`dayka..." Nangangahulugan ito: "Nananatili ako sa pagtalima sa Iyo ayon sa pananatiling matapos ng isang pananatili at naliligayahan ako sa pagtalima sa Iyo at pagtugon ko sa paanyaya Mo ayon sa kaligayahang matapos ng isang kaligayahan." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "wa -lkhayru kulluhu fī yadayka..." Nangangahulugan ito: "Ang kabutihan, ang lahat ng ito ay nasa pangangasiwa Mo. Ikaw ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagapangasiwa rito kung papaano Mong loloobin." Ang "wa -shsharru laysa ilayka..." ay nangangahulugang: "Nagaganap lamang ang kasamaan sa mga gawa Mo at mga nilikha Mo hindi sa gawa Mo." Napakamaluwalhati Niya sapagkat ang kasamaan ay hindi inuugnay sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, sa anuman: hindi sa sarili Niya, hindi sa mga katangian Niya, hindi sa mga gawa Niya, at hindi sa mga pangalan Niya sapagkat tunay na ang sarili Niya ay nagtataglay na ganap na kalubusan mula sa lahat ng mga aspeto. Ang mga katangian Niya, ang lahat ng mga ito ay mga katangian ng kalubusan, na ipinampupuri at ipinagkakapuri dahil sa mga ito. Ang mga gawa Niya, ang lahat ng mga ito ay kabutihan, awa, katarungan, at karunungan; walang kasamaan sa mga ito sa anuman. Ang mga pangalan Niya, ang lahat ng mga ito ay pinakamagaganda. Kaya papaanong iuugnay ang kasamaan sa Kanya? Bagkus ang kasamaan ay nasa mga gawa Niya at mga nilikha Niya habang Siya naman ay nakahiwalay roon yayamang ang gawa Niya ay hindi bunga ng ginawa Niya sapagkat ang gawa Niya ay kabutihan lahat. Ang nilikha namang ginawan, mayroon ditong kabutihan at kasamaan. Kapag ang kasamaan ay nilikhang nakahiwalay na hindi umiiral sa Panginoon, napakamaluwalhati Niya, ito ay hindi inuugnay sa Kanya. Dito ay walang katwiran para sa mga Mu`tazil na nagpapalagay na si Allah ay hindi lumikha sa kasamaan. Si Allah ay Tagapaglikha ng kabutihan at kasamaan at Tagapaglikha ng bawat bagay, napakamaluwalhati Niya. Ang "anā bika wa ilayka..." Nangangahulugan ito: "Nagpapakupkop ako, sumasalig ako, nagpapakanlong ako, tumatayo ako sa Iyo, bumabaling ako, nagpapakalinga ako, at bumabalik ako sa Iyo, o sa Iyo ako naniniwala ng kaisahan, at sa Iyo nagwawakas ang kapakanan ko sapagkat Ikaw ay ang sinisimulan at ang winawakasan." Sinasabi: "Nagpapatulong ako sa Iyo at bumabaling ako sa Iyo." Ang "tabārakta wa ta`ālayta..." ay nangangahulugang: "Nagpakadakila Ka, nagpakamaluwalhati Ka, dumami ang kabutihan Mo, pagkataas-taas Mo sa anumang hinahakahaka ng mga hakahaka, ginuguniguni ng mga isip, at nagpakalayo-layo Ka sa bawat kakulangan at kapintasan." Ang "astaghfiruka wa atūbu ilayka..." ay nangangahulugang: "Hinihingi ko ang kapatawaran para sa nagdaan at bumabalik ako palayo sa paggawa ng mga pagkakasala sa anumang natira bilang bumabaling sa Iyo sa pamamagitan ng pagtutuon at katatagan hanggang kamatayan." Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī." Nangangahulugan ito: "Ang pagyukod ko ay ukol sa Iyo, tanging sa Iyo, wagas na inuukol sa Iyo. Sumampalataya nga ako sa Iyo at nagpaakay ako sa Iyo samantalang ang mga bahagi ng katawan ko gaya ng paningin, utak, buto, at litid ay hamak na nagpapaakay sa utos Mo." Kapag inangat niya ang ulo niya mula sa pagkakayukod, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d." Nangangahulugan ito: "Nagpupuri ako sa Iyo ng papuring kung sakaling naging mga katawan ay talagang napuno na sana ang mga langit at lupa, at napuno na sana ang anumang niloob mula sa nilikha Mo matapos ang mga langit at lupa." Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn." Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta." Nangangahulugan ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa naunang nagawa kong mga pagkakasala at nahuling nagawa ko sa mga ito." Para bang siya ay nagsabi: "Magpatawad Ka sa akin sa luma at bago." Ang "wa mā asrartu wa mā a`lantu..." ay nangangahulugang: "Magpatawad ka sa akin sa anumang ikinubli ko at inilantad ko, o anumang kinausap ko sa pamamagitan niyon ang sarili ko at anumang gumalaw dahil doon ang dila ko." Ang "wa mā asraftu" ay nangangahulugang: "Magpatawad ka sa akin sa anumang nilampasan ko kaugnay roon ang hangganan ng mga pagkakasala at mga pagsuway." Ang "wa mā anta a`lamu bihi minnī" ay nangangahulugang: "Magpatawad ka sa akin sa mga pagkakasala kong hindi ko nalalaman." Ang "anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru" ay nangangahulugang: "Inuuna Mo ang sinumang niloob Mo dahil sa pagtalima sa Iyo at iba pa rito at inihuhuli Mo ang sinumang niloob Mo doon gaya ng hinihiling na karunungan Mo. pinararangalan Mo ang sinumang niloloob Mo at hinahamak Mo ang sinumang niloloob Mo." Ang "lā ilāha illā anta" ay nangangahulugang: "Walang sinasambang karapat-dapat kundi Ikaw."
Ayon kay `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Bumangon ako kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para magdasal isang gabi. Tumindig siya at binigkas ang Kabanata Al-Baqarah. Wala siyang nadaraanang isang talata ng awa malibang tumitigil siya at humihiling. Wala siyang nadaraanang isang talata ng parusa malibang tumitigil siya at nagpapakupkop." Sinabi: "Pagkatapos ay yumukod siya nang singtagal ng pagkakatayo niya. Nagsasabi siya sa pagkakayukod niya: Subḥāna dhi -ljabarūti, wa -lmalakūti, wa -lkibriyā'i, wa -l`adhamah (Napakamaluwalhati ng may kapangyarihan, paghahari, dangal, at kadakilaan). Pagkatapos ay nagpatirapa siya nang singtagal ng pagkakatayo niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya sa pagkakapatirapa niya ng tulad niyon. Pagkatapos ay tumindig siya at binigkas ang Kabanata Āl `Imrān. Pagkatapos ay bumigkas siya ng kabanata-kabanata."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinababatid ni `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy, malugod si Allah sa kanya, na nagdasal siya kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tahajjud isang gabi. Tumindig ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binigkas ang Kabanata Al-Baqarah. Wala siyang nadaraanang isang talatang nababanggit dito ang awa at ang Paraiso malibang hinihiling niya ang awa at ang Paraiso ni Allah. Wala siyang nadaraanang isang talatang nababanggit dito ang parusa malibang nagpapakupkop siya kay Allah laban sa parusa. Pagkatapos ay yumukod siya nang matagal na singtagal ng pagkakatayo niya. Nagsasabi siya sa pagkakayukod niya: "Subḥāna dhi -ljabarūti, wa -lmalakūti, wa -lkibriyā'i, wa -l`ađamah (Napakamaluwalhati ng may kapangyarihan, paghahari, dangal, at kadakilaan)." Nangangahulugan ito: Ipinahahayag ko ang kasakdalan ni Allah, ang may-ari ng panggagapi at pananaig, ang may-ari ng paghahari nang hayagan at patago, ang may-ari ng karangalan, at ang may-ari ng kadakilaan. Pagkatapos ay nagpatirapa siya nang singtagal ng pagkakatayo niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya sa pagkakapatirapa niya ng tulad ng sinabi niya sa pagkakayukod niya. Pagkatapos ay tumindig siya at binigkas ang Kabanata Āl `Imrān. Pagkatapos ay bumigkas siya ng kabanata-kabanata.
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsagawa siya ng tahajjud sa gabi, ay nagsasabi: "Allāhumma rabbanā, laka -lḥamdu anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ, wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna, wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn, anta -lḥaqqu, wa qawluka -lḥaqqu, wa wa`duka -lḥaqqu, wa liqā’uka -lḥaqqu, wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun, wa -ssā`atu ḥaqq; Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (O Allāh Panginoon namin; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Tagapagpanatili ng mga langit at lupa; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Panginoon ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Liwanag ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; Ikaw ay ang Totoo, ang sabi Mo ay ang totoo, ang pangako Mo ay ang totoo, ang pagkikipagkita sa Iyo ay ang totoo, ang Paraiso ay totoo, ang Impiyerno ay totoo, at ang Huling Sandali ay totoo; o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahukom, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."
Napagkaisahan ang katumpakanAng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag bumangon para magdasal sa gabi, ay nagsasabi matapos magsagawa ng panimulang takbīr: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd..." Nangangahulugan ito: Ang lahat ng papuri ay isinasatungkulin at karapat-dapat para kay Allāh, pagkataas-taas Niya sapagkat Siya ang pinupuri dahil sa mga katangian Niya at mga pangalan Niya, dahil sa mga pagpapala Niya at mga pagpapakinabang Niya, dahil sa paglikha Niya at mga gawa Niya, at dahil sa utos Niya at pamamahala Niya. Siya ay ang pinupuri sa una at huli, at sa hayagan at palihim. Pagkatapos ay nagsabi siya: "anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ..." Nangangahulugan ito: Ikaw ay ang nagpairal sa mga ito mula sa wala at ang nangangalaga sa mga ito sa pamamagitan ng anumang magpapabuti sa mga ito at magpapairal sa mga ito sapagkat Ikaw ay ang Tagapaglikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapangasiwa, ang Tagabuhay, at ang Tagabawi ng buhay. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna..." Nangangahulugan ito: Ikaw ay ang Tagapagmay-ari ng mga ito at ng sinumang nasa mga ito, ang Tagapangasiwa sa mga ito sa pamamagitan ng kalooban Mo. Ikaw ay nagpalitaw sa mga ito mula sa wala sapagkat ang pagmamay-ari ay sa Iyo at hindi sa isa mang kasama sa Iyo sa pakikilahok at pamamalakad. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn..." sapagkat kabilang sa mga katangian Niya, napakamaluwalhati Niya, na Siya ay Liwanag at natatakpan Siya sa nilikha Niya sa pamamagitan ng liwanag. Siya, napakamaluwalhati Niya, ay Tagapagliwanag sa mga langit at lupa, at Tagapaggabay sa mga naninirahan sa mga langit at lupa. Hindi nararapat ipagkaila ang liwanag bilang katangian kay Allāh, pagkataas-taas Niya, o ipakakahulugan ito. Pagkatapos ay nagsabi siya: "anta -lḥaqqu..." Ang ḥaqq (totoo) ay isa sa mga pangalan ni Allāh at isa sa mga katangian Niya. Siya ay ang totoo sa sarili Niya at mga katangian Niya sapagkat Siya ay ang kinakailangan sa pag-iral, at ang lubos sa mga katangian at mga paglalarawan. Ang pag-iral Niya ay isa sa mga nakakapit sa sarili Niya. Walang pag-iral sa isang kabilang sa mga bagay malibang sa pamamagitan Niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa qawluka -lḥaqqu..." Ang anumang sinabi Mo, ito ay katapatan, totoo, at katarungan. Hindi nakapupunta sa Kanya ang kabulaanan sa harapan Niya, ni sa likuran Niya, ni sa ulat Niya, ni sa pamamahala Niya at Batas Niya, at ni sa pangako Niya at banta Niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa wa`duka -lḥaqqu..." Nangangahulugan ito: Hindi Ka sumisira sa pangako sapagkat ang anumang ipinangako Mo ay hindi maiiwasang maganap ayon sa ipinangako Mo sapagkat walang pagsira rito ni pagpapalit. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa liqā’uka -lḥaqqu..." Nangangahulugan ito: Hindi maiiwasan ng mga tao ang makipagtagpo sa Iyo kaya gagantihan Mo sila sa mga gawa nila. Ang pagkikipagtagpo ay naglalaman ng pagkakita kay Allāh, napakamaluwalhati Niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun..." Nangangahulugan ito: Napatunayang umiiral gaya ng ipinabatid Mo hinggil doon na ang dalawang ito ay para sa mga maninirahan sa dalawang ito sapagkat ang dalawang ito ay tahanan ng pananatili at tungo sa dalawang ito ang hantungan ng mga tao. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa -ssā`atu ḥaqq..." Nangangahulugan ito: Ang pagdating ng Araw ng Pagkabuhay ay totoo, walang pagdududa doon sapagkat ito ay napagtibay, hindi maiiwasan ito. Ito ay ang wakas ng Mundo at ang simula ng Kabilang-buhay. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Allāhumma laka aslamtu..." Ang kahulugan nito ay nagpaakay ako sa pamamahala Mo, sumuko ako, at nalugod ako. Ang sabi niya: "wa bika āmantu..." ay nangangahulugan: Naniwala ako sa Iyo at sa ibinaba Mo, at gumawa ako ayon sa hinihiling niyon. Ang "wa `alayka tawakkaltu..." ay nangangahulugang: Umasa ako sa Iyo at isinalig ko ang mga kapakanan ko sa Iyo. Ang "wa ilayka khāṣamtu..." ay nangangahulugang: Sa pamamagitan ng ibinigay Mo sa akin na mga patunay na ipinangatwiran ko sa nagmamatigas at nadaig ko. Ang "wa bika ḥākamtu..." ay nangangahulugang: Sa bawat sinumang umayaw sa pagtanggap sa katotohanan o tumanggi rito, ipinahatol ko siya sa Iyo at ginawa Kang ang Tagahatol sa pagitan ko at niya habang umiiwas sa pamamagitan niyon sa hatol ng bawat nagdidiyus-diyusan batay sa gawa-gawang batas o ng manghuhula o ng iba pa na dinudulugan ng tao sa pagpapahatol sa mga katayuang walang kabuluhan ayon sa Batas ng Islām. Ang sabi niya: "fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta..." ay nangangahulugang: Magpatawad ka sa akin sa anumang nalaman kong mga pagkakasala, anumang malalaman ko, anumang lumitaw sa mga ito sa isa sa nilikha Mo, at anumang nakakubli sa kanila at hindi nalaman ng iba pa sa Iyo. Pagkatapos ay winakasan niya ang panalangin niya sa pamamagitan ng sabi niya: "walang Diyos kundi Ikaw..." kaya hindi ako bumabaling sa iba pa sa Iyo yayamang ang bawat dinidiyos na iba sa Iyo ay walang kabuluhan at ang pagdalangin dito ay pagkaligaw at masamang kahihinatnan. Ito ang Tawḥīḍ na inihatid ng mga sugo ni Allāh at isinatungkulin Niya, pagkataas-taas Niya, sa mga lingkod Niya.