





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: May isang lalaking pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Ang kapatid ko ay dumaraing ng tiyan niya." Nagsabi siya: "Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos ay pumunta ito sa ikalawang pagkakataon at nagsabi siya: "Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos ay pumunta ito sa ikatlong pagkakataon at nagsabi siya: "Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos ay pumunta ito sa kanya at nagsabi ito: "Ginawa ko na." Kaya nagsabi siya: "Nagpakatotoo si Allah at nagsinungaling ang tiyan ng kapatid mo. Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Kaya gumaling iyon.
Napagkaisahan ang katumpakanAyon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: May isang lalaking pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Ang kapatid ko ay dumaraing ng tiyan niya." Nagsabi siya: "Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos ay pumunta ito sa ikalawang pagkakataon at nagsabi siya: "Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos ay pumunta ito sa ikatlong pagkakataon at nagsabi siya: "Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos ay pumunta ito sa kanya at nagsabi ito: "Ginawa ko na." Kaya nagsabi siya: "Nagpakatotoo si Allah at nagsinungaling ang tiyan ng kapatid mo. Painumin mo siya ng pulut-pukyutan." Kaya gumaling iyon.
Ayon kay Abū Salamah bin `Abdirraḥmān bin `Awf, na nagsabi: Tinanong ko si `Ā'ishah, ang Ina ng mga Mananampalataya, malugod si Allah sa kanya: "Sa pamamagitan ng aling panalangin ang Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nagpapasimula noon ng dasal niya kapag bumangon siya para magdasal sa gabi?" Nagsabi siya: "Kapag bumangon siya para magdasal sa gabi, nagpapasimula siya ng dasal niya [ng ganito]: Allāhumma rabba jibra'īla wa mīkā'īla wa isrāfīl, fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍ, `ālima -lghaybi wa -shshahādah, anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn, ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi'idhnika innaka tahdī man tashā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm. (O Allāh, Panginoon nina Jibrā'īl, Mīkā'īl at Isrāfīl, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, Ikaw ay hahatol sa mga lingkod Mo hinggil sa anumang pinagtatalunan nila noon. Patnubayan Mo ako sa pinagtatalunan na katotohanan, ayon sa kapahintulutan Mo; tunay na Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loloobin mo tungo sa isang matuwid na landasin.)"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimTinanong ni Abū Salamah bin `Abdirraḥmān bin `Awf si `Ā'ishah, ang Ina ng mga Mananampalataya tungkol sa panalanging ang Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpapasimula noon ng dasal niya kapag nagdasal siya sa pagbangon sa gabi? Nagsabi si `Ā'ishah: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagdasal siya sa pagbangon sa gabi, ay nagsasabi ng panalanging ito: "Allāhumma rabba jibra'īla wa mīkā'īla wa isrāfīl..." Ang pagtatangi sa pagbanggit sa tatlong anghel na ito karagdagan sa pagbanggit na Siya, pagkataas-taas Niya, ay Panginoon ng bawat bagay, ay para sa pagpaparangal sa kanila at pagtatangi sa kanila sa iba pa sa kanila. Para bang iniuna si Jibrīl dahil siya ay katiwala sa mga makalangit na aklat sapagkat ang lahat ng mga usaping panrelihiyon ay sumasangguni sa kanya. Inihuli sa pagbanggit si Isrāfīl dahil siya ay ang tagaihip sa tambuli at dahil dito sumasapit ang Huling Sandali. iginitna si Mīkā'īl dahil siya ay katiwala sa ulan, halaman, at tulad ng mga ito na nauugnay sa mga panustos na nag-aaruga sa Mundo. Ang "fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍ..." ay nangangahulugang: ang nagpairal sa mga ito at ang nagpasimula sa mga ito. Ang "`ālima -lghaybi wa -shshahādah..." ay nangangahulugang: ang nakaaalam sa anumang nalingid sa mga tao at anumang nasaksihan nila. Ang "anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn" ay nangangahulugang: humahatol Ka sa pagitan ng mga tao sa anumang sila noon ay nagtatalo-talo hinggil sa usapin sa Relihiyon sa mga araw sa Mundo. Ang "ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi'idhnika" ay nangangahulugang: patnubayan Mo ako sa totoo at tama sa pagtatalo-talong ito na nagkaiba-iba ang mga tao hinggil doon kabilang sa mga usapin ng Relihiyon at Mundo sa pamamagitan ng pagtutuon Mo at pagpapadali Mo. Ang "innaka tahdī man tashā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm" ay nangangahulugang: sapagkat Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loobin Mo sa daan ng totoo at tama.
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya, sinabi sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Magsasagawa ba tayo ng wuḍū' mula sa balon ng Buḍā`ah gayong ito ay balong nagtatapon doon ng pasador, patay na aso, at bulok na bagay." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi ng anuman."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNililinaw ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi dahil lamang sa pagkakadiit ng karumihan dito hanggat hindi nababago ang kulay nito o lasa nito o amoy nito.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naliligo noon gamit ang labis [sa tubig] ni Maymūnah, malugod si Allah sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naliligo noon gamit ang natitirang tubig mula sa ipinampaligo ng maybahay niyang si Maymūnah.
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Naligo ang isa sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula sa batya. Dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang magsagawa ng wuḍū’ mula roon o maligo kaya nagsabi ito sa kanya: "O Sugo ni Allah, tunay na ako kanina ay junub." Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na ang tubig ay hindi nagiging junub."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng isa sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naligo noon dahil sa pagiging junub. Dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang magsagawa ng wuḍū’ o maligo. Ninais niyang gamitin ang tubig na natitira sa ipinampaligo ng maybahay niya, malugod si Allah sa kanya at ipinabatid naman nito na ito kanina ay nasa pagiging junub. Pinatnubayan niya ito na ang tubig na iyon ay hindi naapektuhan niyon sa pagiging dalisay na ipinandadalisay.
Ayon kay Kabshah bint Ka`bin Mālik, at siya noon ay maybahay ni Abū Qatādah: Si Abū Qatādah ay pumasok at nagbuhos siya para sa kanya sa wuḍū'. May dumating na pusa at uminom ito roon. Inihilig niya para rito ang sisidlan hanggang sa nakainom ito. Nagsabi si Kabshah: Kaya nakita niya ako na nakatingin sa kanya at nagsabi siya: Nagtataka ka ba, o anak ng pinsan ko? Nagsabi ako: Oo. Nagsabi siya: Tunay na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ito ay hindi marumi. Tunay na ito ay kabilang sa mga lalaking umiikut-ikot sa inyo at mga babaing umiikut-ikot."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyNasaad sa ḥadīth na si Abū Qatādah ay nagsimula sa pagsasagawa ng wuḍū’ at may pumasok na pusa. Ang pusa ay pumapasok sa mga bahay at nakikihalo sa mga tao at bumabalik-balik sa kanila. Inihilig niya para rito ang sisidlan ng tubig upang makainom ito mula sa tubig ng wuḍū’ kaya nagtaka si Kabshah, na anak ng pinsan niya, sa ginawa niya. Iyon ay tubig na inihanda para sa wuḍū’at hindi maiiwasang ito ay maging dalisay na ipinandadalisay. Ipinabatid niya rito ang ḥadīth na nagsasabing ang pusa ay hindi marumi at hindi nakaaapekto sa tubig dahil ito ay kabilang sa mga nakikihalo sa mga tao palagi.
Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq — o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq — sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu MājahNagpabatid si Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagdelegasyon siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng iba pa sa kanya kabilang sa mga kalipi niya, ang Angkang ng Muntafiq. Nagsabi siya: "Hindi kami nakatagpo sa kanya sa tahanan niya at nakatagpo naman kami sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) saka nag-utos ito na gumawa para sa amin ng sopas mula sa harina at taba at may inihain para sa amin na isang bandehang may datiles. Pagkatapos dumating siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "May inihain ba sa inyo na anumang pagkain?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi si Laqīṭ: "Habang kami naman kasama niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang dumating ang pastol ng mga tupa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nag-aakay ng mga ito papunta sa lugar ng pagmamagdamagan ng mga ito habang nagdadala kasama nito ng isang anak na tupa, na sumisigaw. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan?" Nagsabi ito: "Babae po." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka nga magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon lamang kaming mga tupa na ang bilang ng mga ito ay isang daan at hindi kami nagnanais na madagdagan lampas sa bilang na ito. Kaya kapag may dumating na isang baong ipinanganak, nagkakatay kami kahalili nito." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang maybahay ko ay may dilang mahaba at may kahalayan. Kaya papaano po ang gagawin ko sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang matagal na pinagsamahan sa akin at may supling ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pangaralan mo siya sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, tutugon siya sa pangaral mo; at kung hindi naman siya tumugon, paluin mo siya nang isang palong hindi nakasasakit. Huwag kang mamalo sa kanya gaya ng pagpalo mo sa mga alipin mo." Pagkatapos nagsabi pa si Laqīṭ: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Magpaabot ka ng tubig sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' sa mga parteng ukol dito. Magpalubos ka sa bawat bahaging hinuhugasan ng karapatan nito. Huwag kang mag-iwan ng anuman sa mga tungkulin dito at mga sunnah dito. Magpahiwalay ka ng mga daliri ng mga kamay mo at mga paa mo sa sandali ng paghuhugas sa mga ito. Magpasobra ka sa paghatak ng tubig paloob sa ilong mo sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' at pagpapalabas nito maliban na ikaw ay nagsagawa nga ng pag-aayuno upang hindi pumasok ang tubig sa kaloob-looban mo."
Ayon kay Hssan bin Bilal-siya ay nagsabi: Nakita ko si `Ammar bin Yaser-kalugdan siya ni Allah-na nagsagawa ng Wudhu,pinaghiwa-hiwalay niya [sa paghugas] ang balbas niya,Sinabi sa kanya: o Ngsabi siya: Sinabi ko sa kanya:- Pinaghihiwalay mo ba [sa paghugas] ang balbas mo? Nagsabi siya:( At ano naman ang pumipigil sa akin? tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pinaghihiwalay niya [ sa paghugas] ang balbas niya))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-TirmidhīyIpinapahayag ni Hassan bin Bilal na nakita niya si `Ammar bin Yaser na pinaghihiwalay niya [sa paghugas] ang balbas niya sa pagsasagawa ng Wudhu,Tinanong siya tungkol sa paghihiwalay [ sa paghugas] ng balbas sa pagsasagawa ng Wudhu,Para bang namangha siya sa larawang ito ,kung saan ay hindi niya ito nalaman noon,maliban sa oras na nakita niya si `Ammar bin Yaser na ginagawa ito." At ano ang pumipigil sa akin?Tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pinaghihiwalay niya [ sa paghugas] ang balbas niya" Sinagot siya ni `Ammar-malugod si Allah sa kanya-Na walang pumipigil sa kanya sa paghihiwalay [sa paghugas ng balbas] niya,at Tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginagawa ito. Ang paghihiwalay [sa paghugas] ng balbas ay may dalawang paglalarawan: Ang Una:Ang kumuha ng sapat na tubig,at ilalagay niya ito sa dulo niya,at kukuskusin niya ito hanggang sa mapaghihiwalay niya [sa paghuhugas] ito. Ang pangalawa:Ang kumuha ng sapat na tubig,at paghihiwalayin niya [sa paghugas ang balbas niya] gamit ang mga daliri niya tulad ng suklay.
Ayon kay `Abdullāh bin Zaid, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu:((Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang dalawang-ikatlong bahagi ng palad [ng kamay ng tubig],at minamasahe niya ang kanyang braso))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah - Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa Hadith na ito,ipinapahayag sa atin ni `Abdullah bin Zayd-malugod si Allah sa kanya-ang dami ng tubig na ginagamit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagsasagawa ng Wudhu,at siya ay nagsasagawa ng Wudhu sa dalawang-ikatlong bahagi ng palad [ng kamay],liban sa siya ay nagsasagawa sa layunin, nang walang pagsasayang,At siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagmamasahe sa kanyang braso;at ito ay dahil sa layuning umabot ang tubig sa buong bahagi ng katawang hinuhugasan.