





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Thawban-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;(( Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng mga Ispiya, Dumating sa kanila ang ginaw at nang dumating sila sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ipinag-utos niya sa kanila ang pagpunas sa turban at sandalyas))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ni Thawban-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpadala ng grupo mula sa mga kasamahan niya upang makipag-tagpo sa mga walang pananampalataya,at habang sila ay nasa paglalakbay nila,nahihirapan sila sa pagtanggal ng mga turban at mga sandalyas dahil sa matinding lamig ng panahon,At nang dumating sila sa Madinah,ibinalita nila ito kay Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol doon.Kaya`t ipinahintulot sa kanila ang pagpunas ng turban at sa sandalyas,ito man ay yari sa balat (ng hayop),o yari sa lana, o yari sa balahibo,bilang pagpapagaan at pagpapadali sa Taong inobliga,at ito ay sunnah na matatag para sa hindi manlalakbay at manlalakbay,at may mabigat man na dahilan o walang dahilan.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang mga kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong panahon niya ay naghihintay ng `ishā’ hanggang sa napayuyuko ang mga ulo nila. Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi nagsasagawa ng wuḍū'."
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng mga kasamahan noong buhay pa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naghihintay sa huling dasal sa gabi. Nakakatulog sila ng tulog na hindi mahimbing. Pagkatapos ay nagdarasal sila nang hindi inuulit ang wuḍū’. Ang sinumang gumawa ng isang gawain noong panahon ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at hindi niya minasama, ito ay itinuturing na bahagi ng pagsang-ayon. Ang pagsang-ayon ay itinuturing na isa sa mga anyo ng Sunnah ng Propeta na katumbas ng pagsabi o pagagawa o pagsang-ayon. Kaya ang anumang ginagawa noong panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at hindi niya minasama iyon, tunay iyon ay ibinibilang na bahagi ng Sunnah batay sa pagsang-ayon dahil kung sakaling ang dasal nila ay walang kabuluhan o ang gawa nilang ito ay hindi ipinahihintulot, ipinatalos na sana niya sa kanila iyon dahil sa kaalaman niya roon o sa pamamagitan ng pagsisiwalat ni Allah sa kanya. Ito ay salungat sa ginagawa matapos siyang sumakabilang-buhay. Ang "napayuyuko ang mga ulo nila" ay nangangahulugang dahil sa pananaig ng antok. Sa isang sanaysay: "hanggang sa tunay na ako ay talagang nakaririnig sa isa sa kanila ng hilik. Pagkatapos ay tumitindig sila, nagdarasal sila, at hindi na nagsasagawa ng wuḍū’." Sa isa pang sanaysay: "inilalapag nila ang mga tagiliran nila." Ang "Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi na nagsasagawa ng wuḍū'" ay nangangahulugang tumitindig sila para magdasal nang hindi na nila inuulit ang wuḍū’ dahil ang tulog nila ay hindi naging mahimbing at dahil sa kung sakaling nasira ang wuḍū’, talagang hindi niya sila pahihintulutan. Nagsabi tayo niyan bilang pagtutugma sa mga patunay sapagkat napagtibay na ang pagtulog ay nakasisira sa wuḍū’ gaya ng pagdumi at pag-ihi gaya ng sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "ngunit [hindi] dahil sa dumi, ihi, at tulog." May sabi siya gaya ng nasaad sa ḥadīth ayon kay `Alīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang mata ay sintas ng tumbong kaya ang sinumang natulog ay magsagawa ng wuḍū'." Nasaad naman sa ḥadīth ayon kay Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mata ay sintas ng tumbong kaya kapag natulog ang mga mata, nakakalag ang sintas." Sa mga patunay na ito ay may pagpapatibay na ang pagtuاog ay nakasisira sa wuḍū'. Sa ḥadīth ng usaping ito at ng nasaad kasama nito na mga sanaysay ay may pahiwatig na ang pagtulog ay hindi nakasisisra sa wuḍū'. Alinsunod doon, ipakakahulugan ang ḥadīth ng usapin at ganito rin ang sanaysay na "ِAng hilik at ang paghihiga ng tagiliran" na ang pagtulog ay hindi naging mahimbing. Makaririnig ka sa isa kanila ng hilik samantalang ito ay nasa simula ng pagtulog nito bago naging mahimbing ito. Ang paglalapag ng tagiliran ay hindi nag-oobliga ng pagkahimbing; maliwanag. Sa pamamagitan nito, napagtutugma ang mga patunay at maisasagawa ang lahat ng mga ito. Kapag maaari ang pagtutugma sa mga patunay, ito ay higit na karapat-dapat kaysa sa pagpapawalang-saysay sa ilan sa mga ito. Ang buod nito: Kapag nakatulog ang tao at nahimbing siya sa tulog niya sa paraang nawala nang lubusan ang kamalayan niya, ito ay mag-oobliga ng wuḍū’. Kung hindi naging mahimbing, hindi naoobligang magsagawa ng wuḍū'. Gayon pa man ang pinakakarapat-dapat at ang pinakamaingat ay na magsagawa ng wuḍū' bilang pag-iingat sa pagsamba. Kung nagduda kung ang tulog ay naging mahimbing ba o hindi, hindi masisira ang wuḍū' dahil ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng kadalisayan at hindi naglalaho ang tiyak dahil sa pagdududa. Nagsabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah, kaawaan siya ni Allah: "Tungkol sa tulog na pinagduduhan ito kung may naganap kasama nito na pag-utot o wala, hindi nasisira ang wuḍū' dahil ang kadalisayan ay nananatiling tiyak kaya hindi maglalaho dahil sa pagdududa." Majmū` Fatāwā Shaykh Al-Islām 21/394, Subul As-Salām 1/88-89, Fatḥ Dhi Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/238, Tawḍīḥ Al-Aḥkām 282-283, at Tashīl Al-Ilmām 1/170-171.
Ayon kay `Urwah na nagsabi: Pumasok ako kay Marwān bin Al-Ḥakam at binanggit namin ang bagay na isinasagawa dahil doon ang wuḍū’ kaya nagsabi si Marwān: At dahil sa pagsaling sa ari? Nagsabi si `Urwah: Hindi ko nalaman iyon. Nagsabi si Marwān: Ipinabatid sa akin ni Busrah bint Ṣafwān na siya ay nakarinig sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Ang sinumang sumaling ng ari niya ay magsagawa ng wuḍū'."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ng ḥadīth: Nagpapabatid si `Urwah, malugod si Allah sa kanya, na siya ay pumasok kay Marwān bin Al-Ḥakam, na pinuno noon sa Madīnah sa oras na iyon. Ang "at binanggit namin ang bagay na isinasagawa dahil doon ang wuḍū’" ay nangangahulugang ipinaalaala namin at tinalikay namin ang mga nakasisira sa wuḍū' at ang mga gawaing nasisira dahil sa mga iyon ang wuḍū'. Kaya nagsabi si Marwān: "At dahil sa pagsaling sa ari?" Nangangahulugan ito na kabilang sa kadahilanang nagaganap ang pagkasira ng wuḍū' ay ang pagsaling sa ari. Kaya nagsabi si `Urwah: "Hindi ko nalaman iyon." Nangangahulugan ito: Wala akong nalalamang patunay at wala akong kaalaman hinggil doon buhat sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi si Marwān: "Isinaysay sa akin ni Busrah bint Ṣafwān, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: 'Ang sinumang sumaling ng ari niya ay magsagawa ng wuḍū'.'" Sa sanaysay ni Imām At-Tirmidhīy: "huwag siyang magdasal hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'." Ang sanaysay na ito ay isang teksto sa usapin ng pagsaling sa ari ay nakasisira sa wuḍū'. Magkatulad kung ito ay dahil sa pagnanasa o dahil sa hindi pagnanasa at magkatulad din kung sinadya ang pagsaling dito o hindi sinadya, subalit sa kundisyong naganap ang pagsaling nang walang pagdidiit: nang walang nakaharang sa pagitan. Kapag naman ito ay sa likod ng nakaharang, hindi nakaaapekto ang pagsaling niya dahil sa kawalan ng pagkakaroon ng tunay na pagkasaling dahil ang pagsaling ay ang pagdidiit ng bahagi ng katawan sa bahagi ng katawan. Nagpapatunay para roon ang isnaysay ni Imām An-Nasā'īy at iba pa sa kanya: "Kapag pinaabot ng isa sa inyo ang kamay niya sa ari niya habang walang namagitan dito na takip ni harang, magsagawa siya ng wuḍū'." Subul As-Salām 1/97, Fatḥ Dhī Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/260-261, at Tawḍīḥ Al-Aḥkām 1/298.
Ayon kay Jābir bin Samurah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay nagtanong sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Magsasagawa ba ako ng wudhu mula sa [pagkain ng] karne ng tupa? Nagsabi siya: ((Kung gusto mo ay magsagawa ka ng wudhu,at kung gusto mo ay huwag ka ng magsagawa ka ng wudhu)) Nagsabi siya:Magsasagawa ba ako ng wudhu mula [pagkain ng] karne ng kamelyo?Nagsabi siya: (( Oo,magsagawa ka ng wudhu mula [pagkain ng] karne ng kamelyo)) Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kwadra ng tupa? Nagsabi siya: ((Oo)) Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kulungan ng kamelyo? Nagsabi siya:((Hindi))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng Hadith: "Magsasagawa ba ako ng wudhu mula sa [pagkain ng] karne ng tupa?" Ito ay katanungan mula sa isang kasamahan ng Propeta tungkol sa karne ng tupa,kung nararapat ba ang pagsasagawa ng wudhu sa pagkain nito kung ninais ang pagdarasal,o ano ang mga kondisyon sa kanya sa pagdadalisay? "Kung gusto mo ay magsagawa ka ng wudhu,at kung gusto mo ay huwag ka ng magsagawa ka ng wudhu" Pinapili siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagitan ng pagsasagawa ng wudhu at pag-iwan nito,ang dalawang ito ay ipinapahintulot . "Magsasagawa ba ako ng wudhu mula [pagkain ng] karne ng kamelyo?" : Ibig sabihin: Nararapat ba sa akin ang pagsasagawa ng wudhu mula sa pagkain ng karne ng kamelyo kung ninais ang pagdarasal,o ano ang mga kondisyon sa kanya sa pagdadalisay? "Oo,magsagawa ka ng wudhu mula [pagkain ng] karne ng kamelyo" Ibig sabihin ay nararapat sa iyo ang pagsasagawa ng wudhu mula sa karne ng kamelyo,kahit ang nakain rito ay kaunti,ngunit ang gatas at sabaw nito;ay hindi nararapat ang pagsasagawa ng wudhu rito;Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi siyanag-utos sa mga Uraniyen ng pagsasagawa ng wudhu mula sa [pag-inom ng] gatas ng kamelyo,at tunay na inutos niya sa kanila na inumin ito,at ang pagpapahuli ng paglilinaw sa oras ng pangangailangan ay hindi ipinapahintulot " Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kwadra ng tupa?Ibig sabihin:Maaari bang isagawa ang pagdarasal sa mga lugar na tinutulugan ng mga tupa? "Nagsabi siya: ((Oo))": Ibig sabihin ay:Ipinapahintulot sa iyo ang pagdarasal sa mga yaong lugar dahil sa walang kinatatakutan rito."Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kulungan ng kamelyo?" Ibig sabihin ay:Maaari bang isagawa ang pagdarasal sa mga lugar na tinutulugan ng mga tupa at hinihigaan niya? "Nagsabi siya: ((Hindi))" Ibig sabihin ay: Huwag kang magdasal rito,dahil hindi ito ligtas mula sa pagtakas niya,makakamit ng nagdadasal ang pinsala mula sa pagkabangga at iba pa.at ito ang kahulugan ng ligtas mula sa mga tupa,dahil sa napapaloob rito na katahimikan at kaunting [pangyayari ng] pagtakas niya,at hindi pamiminsila nito. Subul Assalām (1/99) Fathu Dhil Jalāli wal-Ikrām (1/264) Tawdīh Al-Ahkām (305/304) Tashīl Al-ilmām (195,1/192)
`Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang lagnat ay mula sa init ng Impiyerno kaya palamigin ninyo ito sa pamamagitan ng tubig."
Napagkaisahan ang katumpakanIpinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang lagnat ay mula sa tindi ng init ng Impiyerno kaya ng anumang nararamdaman ng maysakit mula sa lagnat ay mula rito at naaalis ang init na iyon sa pamamagitan ng tubig.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa. Ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawang mababa sa una. Kung pinatay niya ito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa." Sa isang sanaysay: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlong palo ay [magkakamit] ng mababa roon."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimHinimok at inudyukan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagpatay sa tuko. Ipinabatid niya na ang sinumang pumatay nito sa unang palo ay isusulat para sa kanya ang isandaang magandang gawa; ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng mababa kaysa roon; at ang sinumang pumatay nito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng mababa kaysa sa ikalawa.
Ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyDumaan ang isang ililibing kay Umar malugod si Allah sa kanya-at kasama nito ang ilang tao,sumaksi sila dito ng kabutihan at kagandahan,nagsabi si Umar malugod si Allah sa kanya-naway ipanatili sa kanya ito,pagkatapos ay dumaan ang ililibing pang iba,sumaksi sila dito ng kabutihan at kagandahan,tulad ng ililibing na una,sinabi ni Umar malugod si Allah sa kanya-:naway ipanatili sa kanya ito,Pagkatapos ay dumaan ang ililibing na ikatatlo,sumaksi sila sa kanya dito ng kasamaan sa sitwasyon nito sinabi ni Umar malugod si Allah sa kanya-:naway ipanatili sa kanya ito,Nagroblima si Abe-Al-Aswad sa salita ni Umar malugod si Allah sa kanya,At gusto niyang iipapaliwanag ang ibig-sabihin doon:Nagsabi siya malugod si Allah sa kanya:Sinabi ko ang katulad ng sinabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kahit sino mang muslim na magsaksi sa kanya ang apat mula sa mga magaganda at mabubuting tao na siya ay kabilang sa mga magaganda at mabubuting tao,mapapanatili sa kanya ang paraiso,Nagsabi ang mga kasamahan ng propeta nang marinig nila ito mula sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At sinuman ang magsaksi sa kanya ng tatlo mula sa mga mabubuting tao?:Nagsabi siya: At ganoon din,kapag nagsaksi sa kanya ang tatlo mula sa mga mabubuting tao,ay mararapat sa kanya ang paraiso,Nagsabi ang kasamahan ng propeta:At sinuman ang magsaksi sa kanya na dalawa,mabibilang ba siya mula sa mga tao ng paraiso?Nagabi siya:At sinuman ang magsaksi sa kanya ng dalawa,ay mararapat sa kanya ang paraiso,at hindi na namin tinanong sa kanya,ang sinumang magsaksi sa kanya na isa sa mga mabubuting tao,mapapasok ba siya sa paraiso?
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapag-alay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging panangga sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).
Napagkaisahan ang katumpakanNagsabi ang isang babae kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Naging abala kana sa mga kalalakihan sa lahat ng oras,At naging kami ay wala ng mahanap na oras na makatagpo ka namin at matanong ka namin tungkol sa relihiyon namin,dahil sa pagsasama nila sa iyo sa buong araw,Pumili ka para sa amin na mga kababaihan ng isang araw na makakatagpo ka namin upang maturuan mo kami rito sa mga kautusan ng relihiyon namin,At pumili ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanila ng isang araw na magtitipon sila rito,At nagtipon-tipon ang mga kababaihan sa araw na pinili ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanila,Dumating siya sa kanila at itinuro niya ang itinuro sa kanya ni Allah mula sa mga kailangan nila na kaalaman,Pagkatapos ay naghatid siya sa kanila ng magandang balita na wala mula sa kanila na isang babae na namatayan siya ng tatlo mula sa kanyang mga anak,lalaki man o babae,inialay niya ito sa kabilang buhay,na may pagtitimpi at paghahangad ng gantimpala,maliban na darating sa kanya ito na magsisilbing panangga sa kanya mula sa impyerno kahit nararapat sila rito dahil mga kasalanan nila,Nagsabi ang isang babae: At papaanu kung namatayan siya ng dalawa?Mayroon ba siyang gantimpala,tulad ng gantimpala ng sinumang namatayan ng tatlo sa kanyang mga anak?Nagsabi ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:At ganoon din,kapag namatay sa kanya ang dalawa sa anak niya,ang gantimpala niya ay gantimpala ng sinumang namatay sa kanya ang tatlo sa mga anak niya.
Ayon kay 'Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang nagsagawa siya ng Takbir sa yumaong anak niya nang apat na Takbir,tumayo siya matapos Ang pang-apat (na takbir)na kasing-tagal nang pagitan ng dalawang Takbir,humihingi ng kapatawaran sa kanya at ipinapanalangin niya.Pagkatapos ay sinabi niya:Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ganyan ang kanyang ginagawa.At sa isang salaysay:Nagsagawa siya ng apat ng Takbir at tumigil ng isang oras hanggang sa inakala namin na magsasagawa pa siya ng pang-limang takbir,pagkatapos ay nagsagawa siya ng Salam sa kanan nito at sa kaliwa nito.At nang siya at umalis,sinabi namin sa kanya na: Ano Ang ginawa mo?Nagsabi siya;Katotohanang hindi ko dinadagdagan (ang ginawa ko) sa inyo sa anumang nakita ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginawa niya, O: Ganyan ang ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinalaysay ito ni Imām Al-ḤākimIpinapaalam ni 'Abdullah bin Abe Awfa malugod si Allah sa kanya na siya ay nagdasal sa yumao niyang anak,Nagsagawa siya ng apat na takbir,nagtakbir siya bilang panimula sa pagdarasal,pagkatapos ay nagbasa siya sa kabanata ng Al Fatihah ,pagkatapos ay nagsagawa siya ng takbir sa pangalawa,pagkatapos ay (binasa niya) ang pagpapala sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay nagsagawa siya ng takbir na ikatlo,pagkatapos ay ipinanalangin niya ang patay,pagkatapos ay nagsagawa siya ng ika apat na takbir, at naantala siya ng konti pagkatapos niya magsagawa ng takbir na ika apat, nanalangin siya at humingi ng kapatawaran sa kanya.Pagkatapos ay nagsabi siya ,pagkatapos magsagawa ng Salam sa kayang pagdarasal,Nagsabi siya sa sinumang sumama sa kanya sa pagdarasal,Ganyan ang ginagawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Na ibig sabihin ay : Nagsasagawa ng apat na takbir at ipinapanalangin niya ang patay pagkatapos niya magsagawa ng ika apat ng takbir.At sa isang salaysay: Katotohanan siya ay nagsagawa ng apat na takbir tulad ng naipaliwanag sa una,pagkatapos ay nanalangin siya sa kanya at humingi ng kapatawaran pagkatapos niya magsagawa ng ika apat na takbir, hanggang sa inakala nang sinumang nasa likod niya na siya ay magsasagawa ng ika limang takbir.Pagkatapos ay nagsagawa siya ng dalawang salām:Una sa bandang kanan at pangalawa sa bandang kaliwa tulad ng naka-ugaliang pagdarasal,at pagkatapos makompleto ang pagdarasal,ay tinanong siya ng mga tao sa likod niya sa dahilan ng pagka antala niya pagkatapos isagawa ang ika apat na takbir at hindi siya nagsagawa kaagad ng salam, pagkatapos niya.Nagsabi siya:katotohanang ang ginawa ko ay walang dagdag sa ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pinaka tama at pinaka maraming pagsaganap ng mga kasamahan ng Propeta ay ang pagsagawa ng salam sa bandang kanan lamang