





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:((Kapagnatagpuan ninyo si pulano at si pulano)) dalawang kalalakihan mula sa Quraysh na pinangalanan niya (( Sunugin ninyo silang dalawa sa Apoy)),Pagkatapos ay nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ninais na naming lumabas:(( Katotohanan ako ay nag-utos sa inyo na sunugin sina pulano at pulano,Ngunit katotohanang ang apoy ay walang gumagamit nito sa pagpaparusa maliban si Allah,Kapag natagpuan ninyo silang dalawa,patayin ninyo silang dalawa))
Isinaysay ito ni Imām Al-BukhārīyIpinapahayag ni Abu Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na ito,Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala sila sa isang hukbong sandatahan upang makipaglaban sa mga kalaban,at ipinag-utos sa kanila kapag nakita nila ang dalawang lalaki mula sa Quraysh na pinangalanan niya sa kanila, na sunugin silang dalawa sa apoy,Pagkatapos ay nagsabi siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - sa kanila,nang dumating sila upang magpaalam sila sa kanya bago sila umalis:Katotohanan ako ay nag-utos sa inyo na sunugin sina pulano at pulano,Ngunit katotohanang ang apoy ay walang gumagamit nito sa pagpaparusa maliban si Allah,Kapag natagpuan ninyo silang dalawa,patayin ninyo silang dalawa"
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay. Umalis siya dahil sa tawag ng kalikasan niya. Nakakita kami ng isang [ibong] ḥummarah§ na may kasamang dalawang inakay. Kinuha namin ang dalawang inakay nito. Dumating naman ang ḥummarah saka nagsimula itong magladlad [ng pakpak]. Dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Sino ang nagpadalamhati rito dahil sa anak nito? Isauli ninyo rito ang anak nito." Nakakita naman siya ng isang nayon ng mga langgam na sinunog nga namin kaya nagsabi siya: "Sino ang sumunog nito?" Nagsabi kami: "Kami po." Nagsabi siya: "Tunay na walang nararapat na magdulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū DāwudBinanggit ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na sila minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay ngunit umalis siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa pagtugon sa tawag ng kalikasan niya. Nakakita naman ang mga Kasamahan niya ng ibong ḥummarah na may kasamang dalawang inakay. Kinuha nila ang dalawa kaya nagsimula ang ḥummarah na magladlad ng pakpak nito at magbukas ng mga ito dala ng pangingilabot dahil sa pagkawala ng dalawang inakay nito. Dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi siya: "Sino ang nagpalungkot rito at nagpangamba rito dahil sa pagkuha sa mga anak nito?" Pagkatapos nag-utos siya ng pagsauli nito rito. Pagkatapos nakakita naman siya ng nayon ng mga langgam na sinunog na sa apoy kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sino ang sumunog nito?" Nagsabi naman ang ilan sa mga Kasamahan: "Kami po." Kaya nagsabi siya: "Tunay na hindi pinapayagan sa isa na magdulot ng pagdurusa sa isang buhay sa pamamagitan ng apoy kundi si Allāh na Tagalikha nito.
Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya: "Ang kabanalan ng mga maybahay ng mga nakikibaka para sa mga nananatili ay gaya ng kabanalan ng mga ina nila. Kapag may isang lalaking kabilang sa mga nananatili, na humalili sa isang lalaking kabilang sa mga nakikibaka, sa pangangalaga sa mag-anak nito at nagtaksil siya rito kaugnay sa kanila, tatayo siya sa harap nito sa Araw ng Pagkabuhay at kukuha ito mula sa mga magandang gawa niya ng anumang loloobin nito hanggang sa malugod ito." Pagkatapos ay lumingon sa amin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: "Ano ang palagay ninyo?"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng pangunahing panuntunan ay na ang babaing hindi kaanu-ano ay ipinagbabawal sa mga lalaking hindi kaanu-ano. Nadaragdagan ito ng pagbabawal kaugnay sa mga maybahay ng mga nakikibakang lumisan para sa pakikibaka sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya, nag-iwan sa mga maybahay nila sa bahay nila, at ipinagkatiwala ang mga ito sa mga naninirahan. Ang isinasatungkulin sa mga pinagkakatiwalaan ay na mag-ingat sila na malabag ang mga dangal ng mga ito. Hindi sila gagawa ng pakikipagsarilinan ni pagtingin ni mahalay na pakikipag-usap dahil ang mga ito ay nasa kalagayang bawal lapastanganin gaya ng pagkabawal lapastanganin ng mga ina nila para sa kanila. Ito ay dahil sa ang mga nakikibaka ay nagtagubilin sa mga ibang tao na magsagawa ng kinakailangan para sa mga mag-anak nila. Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na tungkulin ng tao na isagawa ang isinasatungkulin sa kanila at huwag siyang magtataksil sa kanila sa pamamagitan ng pagtingin ni pagtatangkang masadlak sa bagay na ipinagbabawal ni sa pagkukulang sa anumang hinihiling sa kanya na pangangalaga, pag-iingat, pagdudulot ng kabutihan sa kanila, at pagtataboy ng kapinsalaan palayo sa kanila. Ang "Kapag may isang lalaking kabilang sa mga nananatili, na humalili sa isang lalaking kabilang sa mga nakikibaka, sa pangangalaga sa mag-anak nito at nagtaksil siya rito kaugnay sa kanila, tatayo siya sa harap nito sa Araw ng Pagkabuhay at kukuha ito mula sa mga magandang gawa niya ng anumang loloobin nito hanggang sa malugod ito" ay nangangahulugang ang sinumang maglakas-loob na halayin ang mga maybahay ng mga nakikibaka sa panahong wala sila at nagtaksil sa kanila kaugnay sa mga maybahay niya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magpapanaig sa nakikibaka laban sa kanya at kukuha ang nakikibaka, mula sa mga magandang gawa ng nagtaksil, ng nanaisin nito hanggang sa masiyahan ito at malugod ang kalooban nito. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ano ang palagay ninyo?" Nangangahulugan ito: Kaya ano ang ipinagpapalagay ninyo sa pagkaibig ng nakikibaka sa pagkuha ng mga magandang gawa niyon at sa pagpaparami mula sa mga ito sa sandaling iyon? Nangangahulugan ito: walang matitira sa mga iyon malibang kinuha niya. Mirqāh Al-Mafātīḥ 6/2461, at Sharḥ Sunan Abī Dāwud Lil`Ibād, isang Kopyang Elektronika.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Nakakita ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batang lalaki na inahit ang bahagi ng ulo nito at hinayaan ang iba rito. Ipinagbawal niya sa kanila iyon at sinabi: Ahitin ninyo ito: ang lahat nito, o hayaan ninyo ito: ang lahat nito."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudAng kahulugan ng ḥadīth: Nakakita ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batang lalaki na inahit ang bahagi ng ulo nito at hinayaan ang iba rito. Ipinagbawal niya sa kanila na gawin muli iyon sa bata. Sinabi niya sa kanila na huwag ahitin ang isang bahagi ng buhok samantalang hahayaan ang iba.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Kapag naputol ang pamigkis ng sandalyas ng isa sa inyo, huwag siyang maglakad suot ang kabila hanggang sa naayos niya ito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimPinagbawalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang Muslim, kapag nalagot ang tali ng sandalyas niya at hindi maaari sa kanya ang maglakad suot ito, ay hindi maglalakad na nakasuot ng kabilang sandalyas, bagkus tungkulin niyang ayusin ang nasira o hubarin ang kabila at maglakad nang nakayapak.
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ihinarap si Abū Quḥāfah, ang ama ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, malugod si Allah sa kanilang dalawa, noong Araw ng Pagsakop sa Makkah, habang ang balbas niya ay gaya ng busilak sa kaputian kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaitiman [ng balbas]."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng ḥadīth: Ihinarap si Abū Quḥāfah, ang ama ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong Araw ng Pagsakop sa Makkah, habang ang buhok sa ulo nito at ang balbas nito ay gaya ng Thaghāmah. Ito ay isang uri ng halamang maputi. Noong nakita ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si Abū Quḥāfah sa gayong kalagayan ay nagsabi siya: "Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaitiman." Ipinag-utos niya na baguhin ang kulay ng uban at iwasan ang kulay puti dahil ang kulay puti ay nangangahalugang pinanunumbalik ang tao sa pagiging bata. Iyon ay pagsalungat sa kalikasan ng pagkalalang ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at sa Kalakaran Niya sa paglikha Niya. Ang mga tina gaya ng kulay pula at dilaw o sa pamamagitan ng hena at anyil na magkahalo ay walang masama. Kapag lumabas ang kulay palayo sa itim at naging nasa pagitan ng itim at pula, walang masama rito. Ang ipinagbabawal sa pagtitina ay ang dalisay na itim. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagkulay sina `Umar at Ṣaḥīḥ, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng hena at anyil.
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya, malugod si Allah sa kanya: "Huwag ninyong bunutin ang uban sapagkat tunay na ito ay liwanag ng Muslim sa Araw ng Pagkabuhay."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudPinagbawalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang Muslim laban sa pagbunot ng puting buhok, maging ito man ay mula sa buhok ng ulo niya o balbas niya o sa iba pa sa dalawang ito mula sa mga bahagi ng katawan. Ang ubang ito ay magiging liwanag sa may-ari nito sa Araw ng Pagkabuhay. Sharḥ Sunan Ibni Mājah ni As-Suyūṭīy, p. 264, at Nayl Al-Awṭār 1/151.
Ayon kay Abē Mūsa-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū:(( Walang taong namamatay na tatayo ang mga nagsisi-iyakan sa kanya at sinasabing: O bundok namin, O sandigan namin! O ang mga tulad pa nito, maliban sa itatalaga sa kanya ang dalawang Anghel na magtutulak sa [dibdib] kanya: Ikaw ba ay ganyan?))
Isinaysay ito ni At-TirmidhīyKatotohanang kapag namatay ang isang muslim, at tumayo ang isang tao na umiiyak sa kanya,nanaghoy at nagsasalita na ang namatay na ito para sa kanya ay parang isang bundok na sinasandigan niya sa kahirapan,at para sa kanya, siya ay isang haligi at tinatakbuhan; o mga tulad nito;Maliban sa darating sa kanya ang dalawang Anghel na magtutulak silang dalawa sa dibdib niya at tatanungin siya ng tanong na nanunuya: Ikaw ba ay tulad ng sinasabi nila? mula sa mananaliksik
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Habang kami ay nasa masjid kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) biglang may dumating na isang Arabeng-disyerto. Tumindig ito para umiihi sa masjid kaya nagsabi ang mga kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag, huwag." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpahinto sa kanya; magpabaya kayo sa kanya." Umiwan sila rito hanggang sa nakaihi ito. Pagkatapos tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-anyaya rito saka nagsabi rito: "Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop para sa isang bagay kabilang sa ihing ito ni sa minamarumi. Ang mga ito lamang ay para sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdarasal, at pagbigkas ng Qur'ān." O gaya ng sinabi ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Kaya nag-utos siya sa isang lalaki kabilang sa mga tao saka nagdala ito ng isang timba at nagbuhos nito roon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nitoAng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa masjid niya habang kasama niya ang mga Kasamahan niya saka biglang may dumating na isang Arabeng-disyerto mula sa ilang saka umupo habang umiihi sa isang dako ng masjid. Itinaboy ito ng mga Kasamahan at nagsabi sila: "Magpigil ka at itigil mo iyan." Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan ninyo siya at huwag ninyong putulin sa kanya ang pag-ihi niya." Kaya iniwan nila siya hanggang sa nakatapos siya. Pagkatapos tinawag niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ito saka nagsabi rito: "Tunay na ang masjid ay hindi naaangkop para sa anuman sa pag-ihing ito ni sa mga uri ng karumihan." Ang mga ito lamang ay para sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdarasal, pagbigkas ng Qur'ān, tulad nito." Pagkatapos nag-utos siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang lalaki kabilang sa mga Kasamahan kaya nagdala ito ng isang timbang pinuno ng tubig saka ibinuhos ito sa ihi nang madali.