





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Buraydah, malugod si Allāh sa kanya, may isang lalaking nanawagan sa masjid at nagsabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?," kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo nawang matagpuan. Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinababatid ni Buraydah, malugod si Allāh sa kanya, sa ḥadīth na ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakarinig sa isang lalaking nagsasabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?" Hinahanap nito ang pulang kamelyo nito at kung sino ang nakaaalam ay ipabatid dito. Ang "Huwag mo nawang matagpuan" ay nangangahulugang: Huwag nawa ibalik ni Allāh sa iyo, gaya ng nasa ibang sanaysay. Ang "Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito." Nilinaw niya rito ang dahilan ng panalangin laban dito: Ang mga bahay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay hindi itinayo para sa mga makamundong bagay-bagay gaya ng paghahanap ng mga nawawala, pagtitinda, at pagbili, bagkus itinayo ito para sa pagdarasal, pag-alaala kay Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at paghahanap ng Kabilang-buhay.
Ayon kay Mu`ādh bin Anas Al-Juhanīy, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal ng upong ḥibwah sa araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati. [Ang upong ḥibwah: nakaupo sa pigi habang mga hita ay nakadikit sa tiyan.]
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng hadith na ito ay pinawalang-bisa gaya ng ipinahiwatig ni Abū Dāwud matapos ang naunang hadith. Tinukoy niya na si Mu`ādh bin Anas, malugod si Allah sa kanya, ay nagpapabatid na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa upong ḥibwah sa araw ng Biyernes habang ang Imām ay nagtatalumpati. Ang upong ḥibwah ay na ididikit ng tao ang mga hita niya sa tiyan niya at ang mga binti sa mga hita niya at tatalian niya ang sarili niya ng turban o tulad nito. Ipinagbawal nga ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang ang Imām ay nagtatalumpati sa araw ng Biyernes dahil sa dalawang kadahilanan. Una. Na marahil ang ḥibwah na ito ay magiging dahilan ng pagkatulog kaya makakatulog sa halip na makinig ng talumpati. Ikalawa. Dahil ito ay sandali ng posibilidad ng pagkalantad ng `awrah dahil ang kadalasan sa mga Arabe ay nakasuot ang isa sa kanila ng isang pirasong kasuutan kaya kapag naupo siya ng upong ḥibwah ay lalabas ang `awrah niya. Dahil dito nasaad ang pagbabawal doon nang lubusan gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim: "ipinagbawal...na umupong nakabalot sa iisang kasuutan habang nakalantad ang ari niya." Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah: "Ang pag-upong ḥibwah na ito ay kaugalian noon ng mga Arabe sa mga pagtitipon nila. Kung malaladlad dahil dito ang anuman sa `awrah niya, iyon ay ipinagbabawal." Kapag naman naging ligtas sa pagkakalantad, walang masama roon dahil ang pagbabawal ay kapag may kadahilanang makatwiran at naglaho naman ang kadahilanan kaya maglalaho rin ang pagbabawal. Napagtibay buhat sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ṣaḥīḥayn mula sa hadith ayon kay `Ubbād bin Tamīm, ayon sa tiyuhin niya na: "nakita niya ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nakahiga sa masjid na nakapatong ang isa sa mga paa niya sa isa." Sharḥ Musmim ni An-Nawawīy 77/14 at Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn 449/6.
Ayon kay Abū Qatādah, malugod si Allah sa kanya, siya ay nakarinig sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Kaingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ito ay nang-aakit sa pagbili, pagkatapos ay nagpapawalang-kabuluhan."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng kahulugan ng hadith ay mag-ingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda at pagbili kahit pa man tapat dahil ang madalas na nanunumpa ay mapaghihinalaang nasasadlak sa pagsisinungaling. Halimbawa, hindi nararapat sa tao na magsabi: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang nabili ko iyan sa halagang isandaan," kahit pa man siya nagsasabi ng totoo. Kung siya naman ay nagsisinungaling, ito ay magiging kawalang katarungan. Magpakupkop kay Allah. Kung sakaling sinabi naman niya: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang binili ko ito sa halagang isandaan," gayong binili niya lamang ito sa halagang walumpo. Ito ay magiging higit na matindi dahil siya dahil doon ay nagiging isang sinungaling na nanunumpa pa sa pagtitinda. Ipinagbawal nga ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon. Ipinabatid niya na ang mga panunumpa sa pagtitinda ay isang dahilan sa pagbili sa paninda. Pagkatapos, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magpapawalang-saysay sa biyaya rito dahil ang kinitang ito ay nakabatay sa pagsuway sa Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang pasuway sa Sugo ay isang pagsuway kay Allah. Marami sa mga tao ang nasasadlak sa bagay na ito. Makikita mo siya, halimbawa, na nagsasabi sa parokyano: "Sumpa man kay Allah, ito ay mabuti. Sumpa man kay Allah, nabili ko ito sa halagang ganito." Magkatulad laman kung siya ay tapat o sinungaling sapagkat ito ay ipinagbabawal dahil nagtataglay ito ng kawalang katarungan sa mga ibang tao. Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 461-462/6.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya nakaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya."
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng ḥadīth: Kapag nanumpa ang Muslim ng isang panunumpang nakasalalay sa mag-anak niya habang napipinsala sila dahil sa hindi niya pagsira sa sinumpaan niya at sa pagbawi niya naman niyon ay walang magiging pagsuway kay Allah, kamahal-mahalan Siya kapita-pitagan, pagkatapos siya ay nagpapatuloy at nagpupumilit sa pagtupad sa sinumpaan niya kaugnay sa mag-anak niya, ito ay "higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya." Nangangahulugan ito na higit na marami sa kasalanan at higit na mabigat sa paglabag para sa kanya. Ang "magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya" ay nangangahulugang inoobligga siya na magtakip-sala sa sinumpaan niyang isinatungkulin ni Allah sa kanya. Huwag siyang magpatuloy at huwag magpumilit sa sinumpaan niya hanggat ang pagbawi niya sa sinumpaan niya ay wala namang pagsuway kay Allah, pagkataas-taas Niya, bagkus tunay na ang pagpapatuloy niya at ang pagpupumilit niya sa sinumpaan niya ay isang pagsuway at isang mabigat na kasalanan dahil sa taglay niyon na pamiminsala sa mag-anak niya. Gumawa nga si Allah para sa kanya sa usaping ito ng kaluwagan. Nasaad sa Ṣaḥīḥayn: “Kapag nanumpa ka ng isang panunumpa at nakita mo na ang iba pa rito ay higit na mabuti kaysa rito, gawin mo ang mabuti at magbayad-sala ka para sa sinumpaan mo.” Sharḥ Muslim ni An-Nawawīy 11/123, Fatḥ Al-Bārī 11/519, at Mirqāh Al-Mafātīḥ 6/2239.
Ayon kay Ibin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa yaong nagtatalik sa asawa niya na ito ay may regla:Nagsabi siya: (( Magkawang-gawa siya ng isang dinar o kalahating dinar))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinapahayag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito,ang kabayaran sa sinumang magtalik sa asawa nitong may regla,ito ang pagkakawang-gawa ng isang dinar o kalahating dinar,at napag-alaman sa Hadith ang pagbabawal sa pakikipagtalik sa may regla,ito ay dahil sa kaakibat nitong kabayaran o kaparusahan,na siya ring patunay sa pagsasatungkulin ng pagkakawang-gawa dahil ito ay kapalit ng kasalanan
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222] hanggang sa huling talata,Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Gawin ninyo ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik)) Naiparating ito sa mga Hudyo,at sinabi nilang: Walang ibang hangarin ang lalaking ito na tantanan tayo sa mga gawain natin maliban upang salungatin niya tayo rito,Dumating si Usayyid bin Khudayr at `Ubbad bin Bishr;Sinabi nila:O Sugo ni Allah,Tunay na ang mga Hudyo ay nagsasabi ng ganito at ganito,Hindi ba kami makikipagtalik sa kanila? Nag-iba ang mukha ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-hanggang sa inakala namin na nagalit siya sa kanilang dalawa,Lumabas silang dalawa at nasalubong nila ang isang [lalaking may dalang] regalo mula sa gatas para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagpadala siya [ang Propeta] na sinumang makapag-anyaya sa kanilang dalawa,[at nang dumating silang dalawa] ay pina-inom niya sila,Napag-alaman nilang dalawa na hindi siya galit sa kanila
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinaalam ni Anas-malugod si Allah sa kanya--"na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay" Ibig sabihin:Tunay na ang mga Hudyo ay nagbabawal sa pakikisalo sa mga babaing may regla;sa pagkain,at hindi sila umiinom sa mga tira-tira niya,at hindi sila kumakain sa mga pagkaing ginawa niya;dahil pinaniniwalaan nila na ito ay mga dumi niya at dumi ng dugo niya,"at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,At ang ipinapahiwatig sa pakikisalamuha rito ay:Ang pakikisama,pakikihalubilo,Para sa mga Hudyo,ang babae kapag nagregla iniiwasan nila ito at hindi sila nakikihalubilo sa kanya,datapuwat ay pinapalabas ito sa bahay,Tulad ng naisaysay ni Anas-malugod si Allah sa kanya-kay Abe Darda: " Tunay na ang mga Hudyo,kapag nagregla sa kanila ang babae,pinapalabas nila ito sa bahay,at hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain at hindi rin sila nakikipag-inuman sa kanya,at hindi nila ito kinakasalamuha sa bahay" "Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Ibig sabihin;Tunay na ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang malaman nila ang kalagayan ng mga Hudyo mula sa pag-iwas sa kanilang kababaihan sa panahon ng pagregla,Nagtanong sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol roon:" ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Gawin ninyo ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik));Ipinahintulot ng Batas ng Islam ang pakikihalubilo sa kanya at pakikisalamuha sa kanya sa pagkain,at pakikipag-inuman sa kanya at pakikipag-hawakan sa kanya at pakikipaglambingan sa kanya ,at ipinahintulot sa kanya ang lahat ng mga bagay,maliban sa pakikipagtalik sa ari.At ang sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "Gawin ninyo ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik" Dito ay may paglilinaw sa sa kabuuan ng talata; Dahil ang pag-iwas ay sumasaklaw sa pakikipagtalik,pakikihalubilo,pakikisalo sa pagkain,pakikipag-inuman,at pakikisama,kaya`t nilinaw ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang ipinapahiwatig sa pag-iwas ay ang pag-iwan sa pagtatalik lamang,at wala ng iba." naiparating ito sa mga Hudyo": Ibig sabihin:Tunay na ang mag Hudyo ay naiparating sa kanila na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinahintulot nito sa mga kasamahan niya na gawin nila sa mga kababaihan nila sa panahon ng regla ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik."Walang ibang hangarin ang lalaking ito na tantanan tayo sa mga gawain natin maliban upang salungatin niya tayo rito"Ibig sabihin: Kapag nakita niya tayo nagumagawa ng isang bagay,inuutos niya nas salungatin ito at ipinapatnubay niya na labagin ito,at siya ay nagsisikap na salungatin tayo sa lahat ng bagay."Dumating si Usayyid bin Khudayr at `Ubbad bin Bishr;Sinabi nila:O Sugo ni Allah,Tunay na ang mga Hudyo ay nagsasabi ng ganito at ganito,Hindi ba kami makikipagtalik sa kanila?" Ibig sabihin: Tunay na si sayyid bin Khudayr at `Ubbad bin Bishr- malugod si Allah sa kanilang dalawa ay ipinarating nila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang anumang sinabi ng mga Hudyo nang malaman nila ang pagsalungat ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanila,Pagkatapos,silang dalawa-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagtanong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa kapahintulutan ng pagtatalik upang makamit ang pagsalungat sa mga Hudyo sa lahat ng mga bagay.At ang kahulugan nito:Kung tayo ay nasalungat natin sila sa hindi nila pakikihalubilo,habang tayo ay nakikihalubilo nakikipaglambingan,nakikisalamuha sa pagkain at nakikipag-inuman,at ginagawa natin ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik-Hindi ba tayo makikipagtalik sa kanila,upang makamit ang pagsalungat sa kanila sa lahat ng bagay? "Nag-iba ang mukha ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan"Ibig sabihin: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nagpahintulot sa kanilang dalawa sa naisip nila,datapuwat ay nagalit siya at nakita ang palatandaan sa paggalit niya sa mukha; Dahil ang sinabi nilang dalawa ay isang pagsalungat sa Batas ng Islam;Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya :{kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222]: At nilinaw ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung ano ang ipinapahiwatig sa pag-iwas na nabanggit sa talata,at ito ay ang:Hindi nararapat sa inyo na makipagtalik sa kanila sa oras ng pagregla. "hanggang sa inakala namin na nagalit siya sa kanilang dalawa" Ibig sabihin ay: Nagalit siya sa kanilang dalawa. "Lumabas silang dalawa at nasalubong nila ang isang [lalaking may dalang] regalo mula sa gatas para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagpadala siya [ang Propeta] na sinumang makapag-anyaya sa kanilang dalawa,[at nang dumating silang dalawa] ay pina-inom niya sila" Lumabas silang dalawa mula sa kanya,at sa oras ng paglabas nila ay nakasalubong nila ang isang lalaking may dala-dalang regalo na gatas,at ereregalo niya ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at nang nakapasok ang may-ari ng regalo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng sinumang maaaring tumawag sa kanilang dalawa,At nang dumating silang dalawa sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pina-inom niya sila sa gatas na iyon,at naging mabait siya sa kanilang dalawa bilang pagpapakita ng kaluguran para sa kanilang dalawa." Napag-alaman na hindi siya nagalit sa kanilang dalawa" Ibig sabihin ay: Hindi siya nagalit;Sapagkat silang dalawa ay walang kasalanan dahil sa mabuting intensiyon nila sa anumang nasabi nila tungkol rito,At hindi nagpatuloy ang galit niya sa kanilang dalawa,subalit naalis ito,at ito ay kabilang sa kagandahang asal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pagiging mabait niya sa mga kasamahan niya
Ayon kay Hamnah bint Jahsh-malugod si Allah sa kanya-Ako ay nagdurogo ng matindi at marami kapag ako ay may regla,Pumunta ako sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang humingi ng kasagutan at masabi ko ito sa kanya-Natagpuan ko siya sa bahay ng kapatid ko na si Zaynab bint Jahsh-At sinabi ko sa kanya: O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla,Ano sa palagay mo rito,nahahadlangan ako nito sa pagdarasal at pag-aayuno, Nagsabi siya:((Inilalarawan ko sa iyo ang paggamit ng koton sapagkat ito ay nakakasimsim ng dugo)) Nagsabi siyang:Ngunit ito ay mas marami rito,Nagsabi siya:(( Kung gayun ay gumamit ka ng damit)) Sinabi niyang: Ito ay mas marami pa rito,dahil ito ay dumadaloy sa akin at napakalakas, Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipag-uutos ko sa iyo ang dalawang bagay at kahit saan sa dalawang ito ang gawin mo, ikaw ay gagantimpalaan, at kapag nakayanan mo ang dalawang ito,ikaw ang higit na nakakaalam)) Nagsabi siya sa kanya: (( Tunay na ito ay panlilinlang mula kay Satanas,kayat hayaan mong magkaregla ka sa loob ng anim hanggang pitong araw batay sa kaalaman ni Allah,pagkatapos ay maligo ka, hanggang sa kapag nakita mong ikaw ay naging dalisay (mula sa pagkaregla) at naputol na sa iyo (ang pagdaloy ng) dugo,magdasal ka sa loob ng dalawamput tatlong gabi o dalawamput apat na gabi at araw nito, at ikaw ay mag-ayuno,dahil ikaw ay gagantimpalaan rito,At gawin mo ito sa bawat buwan katulad ng pagregla ng mga kababaihan,at katulad ng pagdalisay nila sa oras ng pagreregla at pagdalisay nila,at kapag nakayanan mong ipagpahuli ang Dhuhr at madaliin ang 'Asr, maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal, ang Dhuhr at 'Asr, at ipagpahuli mo ang Maghrib at madaliin mo ang 'Eishah pagkatapos ay maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal; ay gawin mo, At gayundin ( kapag nakayanan mong) maligo ka sa Fajr ay gawin mo, at mag-ayuno ka kapag nakayanan mo ito)) Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -((At ito ang pinakamamahal mula sa dalawang gawain para sa akin))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadAng kahulugan ng Hadith ni Hamnah-malugid si Allah sa kanya-"Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla" Ibig sabihin: Tunay na ang dugo ay dumadaloy sa kanya at nagpapatuloy ito sa mahabang panahon na matindi at napakarami kapag lumalabas ito."Pumunta ako sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang humingi ng kasagutan at masabi ko ito sa kanya" Pagktapos ay dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagtatanong sa kanya ng Panuntunang Islamiko;at kung ano ang nararapat niyang gawin:" Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla,Ano sa palagay mo rito,nahahadlangan ako nito sa pagdarasal at pag-aayuno" Ibig sabihin:Ang dugo na dumadaloy sa kanya,ay nakakahadlang sa kanya sa pagdarasal at pag-aayuno,dahil sa ito ay dugo ng pagregla.at ito ang nagpasimula sa kanya sa unang pangyayari,Pagkatapos ay ipinahayag sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang dugong dumadaloy sa kanya sa ganitong paglalarawan ay isang pamiminsala mula kay satanas at hindi dugo mula sa pagkaregla. Nagsabi siya:"Inilalarawan ko sa iyo ang paggamit ng koton sapagkat ito ay nakakapag-alis ng dugo": Ibig sabihin ay gumamit ka ng koton,at ito ay upang ilagay niya sa kanyang ari,higpitan niya ito upang mapigilan ang [lumalabas] na dugo; "Sinabi niyang: Ito ay mas marami pa rito," Ibig sabihin ay: ang dugong dumadaloy matindi ay napakarami,at ang koton ay hindi maaaring gampanan ang layuning ito. Nagsabi siya: (( Gumamit ka ng damit)): Ibig sabihin ay: idagdag mo sa koton ang paggamit ng damit upang maging makapal ito at makayanan ang pagpigil ng dugo."Sinabi niyang: Ito ay mas marami pa rito,dahil ito ay dumadaloy sa akin at napakalakas" Ibig sabihin : ang dugo ay bumubuhos mula sa kanya ng napakarami at napakalakas,kaya hindi kayang pigilan ng koton at gayundin ang damit,dahil ito ay dumadaloy ng napakalakas at napakarami." Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ipinag-uutos ko sa iyo ang dalawang bagay))" Ibig sabihin ay: Ang isa sa dalawang panuntunan,at ito ay ang mga sumusunod: Una: Ang pagligo sa bawat pagdarasal,At ang pangalawa:Ang ipunin mo ang pagitan ng Dhuhr at Asr,at ang Maghrib at `Eishah,At maliligo ka ng tatlong beses;Para sa Dhuhr at Asr ay isang beses na pagligo,at sa Maghrib at Eishah ay isang beses na pagligo;at para sa Fajr ay isang beses na pagligo " Kahit saan sa mga ito ang gawin mo ay gagantimpalaan ka" Ibig sabihin;ikaw ay mamimimili sa pagitan ng dalawang bagay ito:" At kapag nakayanan mo ang dalawang ito;Ikaw ang higit na nakakaalam" Ibig sabihin: kapag nakayanan mo ang dalawa ito; Ang una at ang pangalawa;Ikaw ang higit na nakakaalam sa iyong kalagayan,kaya pumili ka alin sa dalawa ang naisin mo " Pagkatapos ay sinabi niyang ang mga bagay na ito ay isang pamiminsala mula kay Satanas)) Ang kahulugan nito: Tunay na si Satanas ay nakakita ng daan upang lituin siya sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang relihiyon ,pagdadalisay at pagdarasal;hanggang sa nakalimutan nito ang naka-ugalian niya;At naging konklusyon na isa itong pamiminsala mula sa kanya,at hindi rin maiaalis na ito ay isang ugat na tinatawag na Adhil [isang uri ng ugat na dinadaluyan ng dugo sa pagregla] tulad ng naisalaysay sa Hadith ni Fatimah bint Hubaysh-malugod si Allah sa kanya-sa sinabi niyang:" Ako ay isang babaing linalabasan ng dugo,at hindi ako nakakapagdalisay,iiwan ko ba ang pagdarasal?Nagsabi siya: Hindi;sapagkat ito ay ugat,at hindi regla" Isinasaalang-alang na si Satanas ay sinaktan niya ito hanggang sa sumabog,at nakikita na ang pananakit na ito ay tunay;at walang hadlang sa [pagbibigay] ng kahulugang ito.",Kayat hayaan mong magkaregla ka sa loob ng anim hanggang pitong araw" Ibig sabihin: Iwanan mo ang pagdarasal at pag-aayuno sa iyong sarili sa loob ng anim na araw o pitong araw,manatili ka rito at iwan mo ang pagdarsal rito,At ito ay pagsasaalang-alang na ang karaniwan sa mga kababaihan ay [nareregla sa loob] ng anim na araw o pitong araw."batay sa kaalaman ni Allah" Ibig sabihin ay:batay sa panuntunan ni Allah at sa batas Niya, At sa sinabi niyang:" Sa loob ng anim na araw o pitong araw" " Ang -o-" ay hindi nangangahulugang pag-aalinlangan,subalit ito ay bilang [paglalarawan ng] iba`t-ibang sitwasyon ,at ang patunay na ang ibang mga kababaihan ay nareregla ng anim na araw at ang iba sa kanila ay pitong araw,inalam ito sa mga kamag-anak ng kababaihan kung sino ang nasa kanyang kaedad at pinakamalapit sa kanyang pag-uugali "Pagkatapos ay maligo ka, hanggang sa kapag nakita mong ikaw ay naging dalisay (mula sa pagkaregla) at naputol na sa iyo (ang pagdaloy ng) dugo,magdasal ka sa loob ng dalawamput tatlong gabi o dalawamput apat na gabi at araw nito, at ikaw ay mag-ayuno,dahil ikaw ay gagantimpalaan rito" Ibig sabihin: Kapag lumipas na ang anim o pitong araw,nararapat sa iyo ang pagligo mula sa pagregla,at ang anumang naidagdag sa anim o pitong araw;at ito ay ang :dalawamput tatlong araw o dalawamput apat na araw,ito ay mga araw ng pagdalisay,gawin mo rito ang lahat ng ginagawa ng mga dalisay mula sa pag-aayuno at pagdarasal;dahil ito ay sapat na sa iyo."At gayunding,gawin mo ito sa bawat buwan katulad ng pagregla ng mga kababaihan,at katulad ng pagdalisay nila sa oras ng pagreregla at pagdalisay nila" Ibig sabihin ay: Magreregla ka bawat buwan ng anim na araw o pitong araw tulad ng nakaugalian ng mga kababaihan,pagkatapos ay maligo ka at magdasal,at ganoon din sa oras ng pagdadalisay mo,ito ay sa tagal ng naging nakaugalian ng mga kababaihan mula sa dalawamput tatlo hanggang sa dalawamput apat na araw."At kapag nakayanan mong ipagpahuli ang Dhuhr at madaliin ang 'Asr, maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal, ang Dhuhr at 'Asr, at ipagpahuli mo ang Maghrib at madaliin mo ang 'Eishah pagkatapos ay maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal; ay gawin mo, At gayundin ( kapag nakayanan mong) maligo ka sa Fajr ay gawin mo, at mag-ayuno ka kapag nakayanan mo ito" Ang kahulugan nito: Kapag nakayanan mo na ipagpahuli ang Dhuhr sa huling oras nito at magdasal ka ng Asr sa unang oras nito at gayunding ipagpahuli mo ang Maghrib sa huling oras nito at magdasal ka ng `Eishah sa unang oras nito-at ito ang tinatawag ng mga Eskolar na paglalarawan ng pag-iipon- At ang sa Fajr:ay maliligo ka para sa pagdarasal ng isang beses na paligo,at kapag nakayanan mo ito ay gawin mo;At dahil rito ay: ,maliligo ang linalabasan ng dugo [na hindi regla] ng tatlong beses;Para sa Dhuhr at Asr ay isang beses na paligo,at para sa Maghrib at `Eishah ay isang beses na paligo,at para sa Fajr ay isang beses na paligo,at iipunin ang pagitan ng dalawang dasal nang paglalarawan ng pag-iipon."At ito ang pinakamamahal mula sa dalawang gawain para sa akin"Ibig sabihin ay:ang gawaing ito ang pinakamamahal sa akin;ito ay ang:pag-iipon niya sa pagitan ng Dhuhr at Asr at ang Maghrib at `Eishah,at maliligo siya ng tatlong beses;para sa Dhuhr at Asr ay isang paligo,at para sa Maghrib at `Eishah ay isang paligo at para sa Fajr ay isang paligo.Ang unang gawain ay ang pagligo sa bawat pagdarasal;subalit wala sa Hadith na ito ang pagbanggit ng pagligo sa bawat pagdarasal;liban sa ito ay dumating sa ibang salaysay mula kay Abe Dawud; Na siya ay naliligo sa bawat pagdarasal,Ito ay sa pagsabi niya ng:" Kapag nakayanan mo ay maligo ka sa bawat pagdarasal,at kung hindi ay ipunin mo ang pagitan ng dalawang pagdarasal sa isang pagligo" At walang pag-aalinlangan na ang pagligo sa bawat pagdarasal ay may nakikitang kahirapan;kung kaya`t sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pangalawang gawain: " Na ito ang pinakamamahal mula sa dalawang gawain para sa akin" Ibig sabihin: Ang pinakamamahal sa dalawang ito ara sa akin;sapagkat ito ay higit na madali at magaan mula sa una
Ayon kay Asmā’ bint `Umays, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi:Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Si Fatimah bint Abe Hubaysh ay nagdugo [maliban sa pagkaregla]-mula ganito at ganito-hindi na siya nakapagdasal,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ang kaluwalhatian ay sa Allah! ito ay mula sa satanas,upang umupo ka sa palanggana,at kapag nakita niya ang dilaw sa ibabaw ng tubig,maligo siya para sa Dhuhr at `Asr ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Maghrib at `Eishah ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Fajr ng isang ligo lamang,at magsagawa ng Wudhu sa pagitan ng mga ito))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudIpinapaalam ni Asmā’ bint `Umays, malugod si Allāh sa kanya.-ang nangyari kay Fatimah bin Abe Hubaysh mula sa pagdurugo.at ito paghahadlang sa kanya sa pagdarasal mula sa oras [na kanyang pagdudrugo] Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "Ang kaluwalhatian ay sa Allah" ito ay pagtataka,at ang kahulugan ay: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagtaka sa pagputol niya ng pagdarasal,datapuwat ang dugo ay hindi dugo ng regla,subalit ito ay isang pamamaraan ni satanas,Tulad ng naisalaysay sa ibang Hadith:"upang umupo ka sa palanggana kapag nakakita siya ng dilaw sa ibabaw ng tubig" Pagkatapos ay pinatnubayan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang makilala niya ang regla sa Istihada [dugo maliban sa regla],na umupo siya sa palanggana,ito ay lalagyan na linalabhan ng damit,kapag nakakita siya ang dilaw sa ibabaw ng tubig na inuupuan niya,ito ay palatandaan na siya ay naging dalisay mula sa pagkaregla niya,sapagkat ang dugo ng regla ay maitim at malagkit,at ang iba rito ay dugo ng Istihada [dugo maliban sa regla]," Maligo siya para sa Dhuhr at `Asr na isang ligo lamang,at maligo siya ng Maghrib at `Eishah ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Fajr ng isang ligo lamang)) Ibig sabihin: Kapag nakakita siya ng dilaw sa ibabaw ng tubig,maligo siya araw at gabi nito ng tatlong beses,sa Dhuhr at `Asr ay isang ligo lamang,at sa Maghrib at `Eishah ay isang ligo lamang,at sa Fajr ng isang ligo lamang.
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu; Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Ipinagkaloob sa akin ang mga bagay na hindi ipinagkaloob sa kahit sinuman sa mga Propeta" Sinabi namin; O Sugo ni Allah,ano ang mga ito?: Nagsabi siya:Ipinagtagumpay ako dahil sa sindak,at ipinagkaloob sa akin ang mga susi sa kalupaan,at pinangalanan akong si Ahmad,at ginawa ang lupa para sa akin na ito ay dalisay,at ginawa ang nasyon ko na pinakamainam sa mga nasyon"
Isinaysay ito ni Imām AḥmadSa sinabi niya: ":Ipinagtagumpay ako dahil sa takot" Sa hayag nito,ang bawat isa sa mga nabanggit ay hindi nangyari sa kahit isa sa mga nauna sa kanya,sa sinabi niya: "Ipinagtagumpay dahil sa sindak"Ibig sabihin: dahil sa takot ng kalaban sa kanya,at ito ay pagputol sa mga puso ng kalaban niya,pinuksa ang mga tinik nila,at pinaghiwa-hiwalay ang mga hukbo nila,Sa sinabi niya: "at ipinagkaloob sa akin ang mga susi" maramihan ng isang susi,ito ay pangalan ng isang gamit ipinambubukas gamit ito,at ito rin sa orihinal nito, ay ang lahat ng bagay na nagkakamit dahil rito sa paglabas ng mga nakasara,na hindi nakakayanan ang pagkamit nito dahil rito, Sa sinabi niya: " mga imbakan sa kalupaan" salitang hiram sa pangako ni Allah sa kanya sa pagtagumpay sa mga bansa.ito ay pangmaramihan ng [salitang] isang imbakan,[ito ay ang] anumang bagay na iniimbak sa loob nito ang mga kayamanan,naimbak sa mga nanahanan ng bansa bago ito masakop,Sa sinabi niya: " at pinangalanan akong si Ahmad" ibig sabihin ay:hindi ito ipinangalan sa kahit isa sa mga nauna sa kanya bilang pangangalag mula kay Allah,upang hindi makapasok ang pagkalito sa mga mahihina [ang pananampalataya ] sa puso,o mag-alinlangan,na siya ay ihinawig sa [pangalang] Ahmad sa mga naunang Aklat,Sa sinabi niya:" at ginawa ang lupa para sa akin na ito ay dalisay" Ibig sabihin ay:ginagamit sa pagdadalisay kapag walang magamit na tubig