





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Huzayfah-malugod si Allah sa kanya--Hadith na Marfu-(( Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay:Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAng Hadith na ito ay upang ipahayag ang karangalan ng Ummah na ito at kainaman nito sa natitirang Ummah dahil sa iilang kalamangan nito-At ang pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: "Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay" Ibig sabihin:Tunay na si Allah ay ginawa tayong higit na mainam sa lahat ng mga naunang Ummah dahil sa tatlong bagay:At walang pinipili sa mga katangian ng Ummah na ito na tatlong bagay: Sapagkat siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ay bumababa sa kanya ang mga katangian ng Ummah niya,nang unti-unti,Ipinapahayag niya ang bawat bagay na bumababa sa kanya sa oras ng pagbaba nito ayon sa naaangkop rito:"Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel" at ito ay: Tunay na ang pagtayo natin sa pag-aalay ng dasal,aay tulad ng pagtayo ng mga Anghel sa Panginoon niya,at tunay na ginaganap nila ang unang [linya],pagkatapos ay ang sumusunod rito mula sa mga linya,Pagkatapos ay nagsisiksikan sila sa linya,ayon sa naisalaysay sa pagpapahayag rito sa Sunan Abe Dawud at iba pa nito (Hindi ba kayo maglilinya tulad ng paglilinya ng mga Anghel sa Panginoon niya?) Sinabi namin: O Sugo ni Allah,Papaano ba maglinya ang mga Anghel sa Panginoon niya? Nagsabi siya:(Ginaganap nila ang unang linya,at nagsisiksikan sila sa linya).At ito ay salungat sa mga naunang Ummah,sapagkat sila ay nagdadasal ayon sa pamamaraan sinasang-ayunan."at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay: Ibig sabihin:Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay ginawa Niya ang buong kalupaan ay mga lugar na ipinapahintulot para sa pagsasagawa sa pag-alay ng dasal,Kaya mag-aalay siya ng dasal sa kahit saang lugar siya aabutan ng oras ng pagdarasal,kaya walang pinipiling lugar na hindi ipinapahintulot sa iba,itoy bilang pagpapagaan sa kanila at pagpapadali.Salungat sa mga naunang Ummah,sapagkat sila ay hindi nag-aalay ng dasal maliban sa Simbahan o Kumbento,Kung kayat dumating sa ibang salaysay ang Hadith na ito mula kay Ahmad: (At ang mga nauna sa akin,sila ay nag-aalay ng dasal sa Simbahan) At sa ibang salaysay:(At wala kahit na isa mula sa mga Propeta ang nagdadasal liban sa pagdating nila sa Kumbento) Ngunit inilabas sa kabuuan ng Hadith na ito ang mga lugar na ipinagbawal sa Islam ang pag-aalay ng dasal rito,Tulad ng Palikuran at Libingan,tahanan ng Kamelyo,at ang mga lalagyan ng dumi."At Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay"Ibig sabihin ang paglipat sa pagsasagawa ng Tayammum ay [nangangailangan] ng kondisyon na pagkawala ng tubig,at napatunayan din ito sa Banal na Qur-an,Nagsabi siya-Pagkataas-taas Niya: {At kayo ay hindi nakatagpo ng tubig,kung gayun kayo ay magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa} [An-Nisa:43] at ito ay napagkaisahan ng mga May Kaaalaman,at kabilang din [maaaring walang matagpuang tubig] ang sinumang napipinsala sa paggamit nito."At nabanggit niya ang iba pang bagay" Ang nauna ay ang dalawang bagay;Sapagkat ang nabanggit patungkol sa kalupaan na [maaaring gawing] Masjid,at Ito ay dalisay, ay iisang bagay lamang.,At ang ikatlo ay hindi nabanggit rito,At naisalaysay ang pagbanggit rito sa Salaysay ni Imam An-Nisa-ie,na dumaan kay Abe Malik,na siyang tagasalaysay rito,sa [aklat ni Imam Muslim],Nagsabi siya: (At ipinagkaloob sa akin itong mga huling talata sa kabanata ng Al-Baqarah,na isang kayamanan sa ilalim ng Trono ni Allah,Hindi ito naipagkaloob sa sinumang nauna sa akin,at Hindi ipagkakaloob sa sinumang susunod sa akin)
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-(( Ako ay naliligo at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa isang lagayan ng tubig,nagsasalungat ang mga kamay namin dito,[dahil sa pagligo] mula sa pagiging junub)) At sa isang salaysay: (( At nagsasalubong)
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Napagkaisahan ang katumpakanIkinikwento ng ina nating si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.- na siya ay sumabay sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagligo ng tubig na mayroon sa nag-iisang kinalalagyan nito,upang matanggal ang malaking dumi [Hadath Al-Akbar],at ito ang Junub.Tulad ng paglalarawan sa itsura ng pagsabay sa sinabi niyang: "nagsasalungat ang mga kamay namin dito" ibig sabihin ay ipapasok ko ang kamay ko sa lalagyanng isang beses upang sumandok rito,at ipapasok niya ang kamay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lalagyan ng isang beses upang sumandok rito,tulad ng dumating sa salaysay ni Imam Al-Bukhariy,ayon kay `Ā’ishah-na siya ay nagsabing:"Ako ay naliligo at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa isang lagayan ng tubig,sumasandok kaming lahat rito"At ang sa salaysay ni Ibn Habban na ikalawa: Dumating ito sa maselang pagpapaliwanag sa larawan ng pagsabay na ito sa pagligo.At ito ay sa sinabi niyang: " At nagkakasalubong" Ibig sabihin ay: ang mga kamay;Ibig sabihin ay nagkakasabay sa oras ng pagkuha at pagsandok sa lalagyan.At sa salaysay na ito; Katotohanang ang mga kamay ay nagkakasalungat sa ilang beses na pagsandok at nagkakatagpo ang bawat isa nito
Ayon kay Umm Salamah-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing hinihigpitan ko ang pusod [ng buhok ko] sa aking ulo,kakalagan ko ba ito sa pagligo dahil sa pagtatalik [ at sa isang salaysay: at regla]? Nagsabi siya:(( Hindi! Sapagkat tunay na sapat na para sa iyo ang paglagay mo ng tubig sa palad mo para sa ulo mo, nang tatlong palad ,Pagkatapos ay ibuhos mo ito sa iyong [katawan] ang tubig,at magiging dalisay ka))"
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Umm Salamah-malugod si Allah sa kanya-na pinupusod nito ang buhok sa ulo niya,pagkatapos ay nagtanong siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pamamaraan ng pagligo mula sa hadath na malaki [pagligo dahil sa pagregla at pakikipagtalik] kung nararapat ba sa kanya na paghiwa-hiwalayin nito ang buhok niya upang umabot ang tubig sa kailaliman nito,o hindi na nararapat ang pagpapahiwalat rito? Nagsabi siyang: (( Hindi! Sapagkat tunay na sapat na para sa iyo ang paglagay mo ng tubig sa palad mo para sa ulo mo nang tatlong palad))" Ibig sabihin ay:Hindi ito obligado sa iyo,subalit sapat na sa iyo na buhusan mo ng tubig ang ulo mo,gamit ang palad mo ,na puno [ng tubig] ng tatlong beses,na may kasamang pag-aakala na umabot ito sa ugat ng buhok,umabot man ito ilalim ng buhok o hindi umabot;sapagkat kung isinasatungkulin ang pag-abot nito hanggang sa ilalim nito,nararapat sana ang pagkalag nito upang malaman kung umabot ba ang tubig rito o hindi umabot."tatlong palad" Hindi ipinapahiwatig sa [pagsasabi ng] tatlong palad,ang paglimitado, subalit ang kinakailangan ay umabot ang tubig sa ugat ng buhok,at kapag umabot na ito sa unang beses,ang tatlong beses ay magiging sunnah,at kapag hindi naman ito umabot,ang pagdadagdag ay inoobliga,hanggang sa umabot ito sa ugat nito na may kasamang kasapatan nito." Pagkatapos ay ibuhos mo sa iyong [katawan] ang tubig" Ibig sabihin ay ibuhos mo ang tubig sa buo mong katawan,at sa hadith ni `Aishah-malugod si Allah sa kanya-:" Pagkatapos ay ibuhos mo sa iyong ulo ang tubig" "magiging dalisay ka" at sa isang salaysay ni Abe Dawud at sa iba nito: "Kung ganoon,tunay na ikaw ay naging dalisay" Ibig sabihin: mula sa hadath na malaki na nangyari sa iyo. At sa kabuuan: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbigay sa kanya ng fatwa na hindi inoobliga sa kanya na kalagan ang buhok sa ulo niya upang maligo [dahil sa] pakikipagtalik at regla,at sa halip ay sapat na para sa kanya na kumuha ng tubig gamit ang kanyang palad at [ibuhos] sa ulo niya ang tatlong kulong ng palad na puno [ng tubig],at ikalat sa buong katawan niya ang tubig,at sa ganoon ay nakapagdalisay siya mula sa malaking hadath
Ayon kay Maymunah-malugod si Allah sa kanya-Nagbuhos ako para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pampaligo,Kumuha siya nito sa kanang [kamay niya] at inilagay niya sa kaliwang [kamay niya] at hinugasan niya ang dalawang ito,Pagkatapos ay hinugasan niya ang harapan niya,Pagkatapos ay ihinampas niya ang kamay niya sa lupa at ipinahid niya ito sa lupa,pagkatapos ay hinugasan niya,Pagkatapos ay nagmumog siya at suminghot [ng tubig],Pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya,at nagpahid siya [ng tubig] sa ulo niya,pagkatapos ay binaliktad niya ito [sa pagpahid],Hinugasan niya ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang panyo,ngunit hindi siya nagpunas rito.
Napagkaisahan ang katumpakanAng kahulugan ng Hadith:Ipinapahayag ni Maymunah na siya ay naghanda ng Tubig para sa kanya upang makaligo rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pagiging Junub;Kumuha siya mula sa lalagyan ng tubig gamit ang kanang [kamay niya],at ibinuhus niya ito sa kaliwa niya,Pagkatapos ay hinugasan niya ang yaong dalawang kamay na magkasabay,Sapagat ang dalawang kamay ay kasangkapan sa paglipat ng tubig,Ninais niyang hugasan ang dalawang ito bilang pagkamit sa kadalisayan nilang dalawa at paglilinis sa kanilang dalawa.Hinugasan niya silang dalawa,at sa ibang salaysay,ayon kay Maymunah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa salaysay ni Imam Al-Bukahari:"Hinugasan niya ang dalawang kamay niya nang dalawang beses o tatlo"At pagkatapos niyang hugasan ang dalawang kamay niya,hinugasan niya ang ari niya gamit ang kaliwang kamay niya,upang matanggal ang mga dumi na naging epekto ng Tamud at iba pa.At ang ipinapahiwatig sa Ari rito ay ang harapan.At binibigyang linaw ito sa salaysay ni Imam Al-Bukhari: "Pagkatapos ay linagyan niya ng tubig ang kaliwang [kamay niya],at hinugasan niya ang harapan niya" Pagkatapos ay ihinampas niya ang kamay niya sa lupa,At ang ipinapahiwatig ng paghampas sa lupa ay kamay rito ay: "Ang kaliwang kamay,Binibigyang linaw ito sa salaysay ni Imam Al-Bukhari: "Pagkatapos ay ihinampas niya ang kaliwang kamay niya sa lupa,ipinahid niya ito ng matinding pagpahid" Ipinahid niya ito sa lupa upang matanggal ang mga bagay na sumabit rito ula sa maruming epekto o amoy na hindi kanais-nais.Pagkatapos ay hinugasan niya ang kaliwang kamay sa tubig,upang matanggal ang mga sumabit na lupa at iba pa mula sa mga dumi.Tunay na ang paghuhugas sa dalawang kamay niya at paglilinis niya sa mga [dumi] nakasabit rito ay ipinag-uutos para sa pagmumog at pagsinghot.Pagkakatapos ay hinugasan niya ang mukha niya-at hindi naisalaysay rito na siya ay nagsagawa ng Wudhu-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-,Ngunit sa ibang Hadith nito ayon sa naisalaysay ni Imam Al-Bukhari at Imam Muslim: 'Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Wudhu,ng Wudhu na para sa pagdarasal" At ganyan ito naisalaysay buhat kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Pagkatapos ay Pagkatapos ay naglagay siya ng tubig sa ulo niya,At sa ibang nitong salaysay:" Pagkatapos ay naglagay siya ng tubig sa ulo niya nang tatlong palad,pinuno niya ang palad nito,pagkatapos ay hinugasan niya ang mga natitirang katawan niya"At sapat na ang isang beses lang.kapag nabasa nito ang buong katawan.Pagkatapos ay lumipat siya sa ibang lugar,malayo sa lugar ng paliguan,Hinugasan niya ang dalawang paa niya pagkatapos niyang isagawa ang Wudhu niya at pagligo niya,At hinugasan niyang muli ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang pamunas ngunit hindi siya nagpunas rito,at hindi siya nagpahid gamit ang pamunas sa basa ng tubig,At sa ibang salaysay mula sa kanya-malugod si Allah sa kanya-" Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya ang pamunas,ngunit ibinalik niya ito" At sa ibang salaysay:" Ibinigay sa kanya ang pamunas ngunit hindi siya nagpahid rito,at sinasabi niyang: sa tubig na ganito" ibig sabihin ay pinupunas niya.
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa Kanya-Tunay na si Ummu Sulaym ay nakipag-usap,Na siya ay nagtanong sa Propeta ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa babaeng nakita niya sa pagtulog niya ang tulad ng nakikita ng isang lalaki,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kapag nakita ito mga babae,siya ay(nararapat na) maligo))Nagsabi si Ummu Sulaym; Nahiya ako dahil dito,Nagsabi siya: Maaari bang mangyari ito?Sinabi ng Propeta ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Oo, Saan manggagaling ang pagkakahawig?Tunay na ang tubig ng lalaki ay makapal na kulay puti,at ang tubig ng babae ay manipis na kulay dilaw,At kahit saan sa dalawang ito ang pumataas o mauna,ito ang magiging kahawig niya))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-ayon kay Ummu Sulaym-malugod si Allah sa kanya-Tunay na siya ay nagtanong sa Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa babaeng nakikita niya sa pagtulog niya ang tulad ng nakikita ng lalaki mula sa pagtatalik.Sinagot siya ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na:(( Kapag nakita ito ng babae,siya ay (nararapat na) maligo)) Ibig sabihin: Kapag nakita ng babae sa pagtulog niya ang nakikita ng lalaki,ay (nararapat siyang) maligo,at ang ipinapahiwatig rito:Ay kapag lumabas ang tubig,tulad ng naisalaysay sa Hadith ni Imam Al-Bukhārī: "Nagsabi siya:Oo,kapag nakita niya ang tubig"Ibig sabihin ay ang Simelya,makikita niya ito pagkatapos niyang gumising,Ngunit kapag siya at nakakita ng panaginip sa pagtulog at walang nakitang Simelya ,at hindi nararapat sa kanya ang Pagligo. Sapagkat ang panuntunan ay nakasalalay sa paglabas,Kung kaya't nang tanungin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa lalaking na may natagpuang basa at Hindi nito naaalala na siya na nanaginip,Nagsabi siya: " Siya ay (nararapat na) maligo." At ang tungkol sa lalaking nakakita siya sa panaginip niya,ngunit wala siyang natagpuang basa,Nagsabi siya:Hindi (nararapat sa kanya) ang Pagligo.Nagsabi si Ummu Sulaym: Ang babaing nakakita nito,nararapat ba sa kanya ang pagligo? Nagsabi siya:Oo,Tunay na ang mga kababaihan at kapatid ng mga kalalakihan"Isinaysay ito ni Imām Ahmad at Imām Abū Dawūd.At nang marinig ni Ummu Sulaym ang kasagutan mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-napahiya siya dahil dito,at nagsabi siya:"Maaari bang mangyari ito?Ibig sabihin ay: Maaari bang mangyari na managinip ang babae at labasan tulad ng sitwasyon ng isang lalaki?Nagsabi ang Propeta ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Oo":Ibig sabihin ay:Mangyayari sa isang babae ang pananaginip at paglabas,tulad ng nangyayari sa isang lalaki at Wala itong pagkakaiba.Pagkatapos at sinabi nito sa kanya bilang pagpapaliwanag dito:Saan manggagaling ang pagkakahawig?" At sa ibang salaysay sa Sahēhayn:" at saan ang magiging kahawig ng anak niya" Ibig sabihin: Saan manggagaling ang paghahawig ng bata sa ina niya,kung hindi ito labasan ng Tamud?! Pagkatapos ay ipinahayag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ann katangian ng Simelya ng lalaki at katangian ng Simelya na babae sa pagsabi niyang:" Tunay na ang tubig ng lalaki ay makapal at kulay puti,at ang tubig ng babae ay manipis at kulay dilaw" At ang paglalarawang ito,ay isinasaalang-alang sa kadalasang nangyayari at ligtas na sitwasyon; Sapagkat ang Simelya ng lalaki ay maaaring maging manipis dulot ng sakit,at mamula-mula dahil sa maraming beses ng pagtatalik, At maaari ding maging kulay puti ang tamud ng babae dahil sa lakas nito.At nabanggit ng mga may kaalaman-Kaawaan sila ni Allah-Na sa ang Simelya ng kalalakihan ay may ibang palatandaan upang matiyak ito,at ito ay: Pagpatak niya sa paglabas niya,pumapatak siya pagkaraan na pagpatak,at ipinapatnubay ng Qur-an ang mga ito,Nagsabi siya-Pagkataas-taas Aniya:(Mula sa isang patak na sumago) At ang paglabas nito ay may kasamang pagnanasa at kasiyahan at kapag ito at nakalabas magiging kasunod niya sa paglabas nito ang panlalamig at isang amoy na kasing-amoy ng sumisibol na Puno ng Palmera,at ang amoy ng sumisibol ay malapit sa amoy ng masang (harina).At Simelya ang ng babae,nagsasabi sila rito: Na sa kanya ay may dalawang katangian,malalaman ang isa mula sa dalawang ito,Ang una rito: Ang amoy nito ay kasing-amoy ng Simelya ng lalaki at ang ikalawa ay ang kasiyahan sa paglabas nito at panlalamig dahil sa pagnanasa nito,na susunod sa paglabas nito.At hindi kondisyon sa pagtukoy na ito ay Simelya,ang pagsasama ng lahat ng katangiang (nabanggit) sa una,datapuwat sapat na ang paghatol rito na Simelya sa pamamagitan ng isang katangian lamang,at kapag walang natagpuan sa alinmang mga bagay na ito,hindi ito mahahatulan na Similya,at mananaig sa pag-aakala na ito ay hindi Similya."at kahit saan sa dalawang ito ang pumataas o mauna,ito ay magiging kahawig niya" at sa ibang salaysay:"manaig"ibig sabihin at mula sa tubig ng lalaki o tubig ng babae;Sinuman ang manaig ang tubig nito sa tubig ng iba;dahil sa dami at lakas,ang paghahawig ay mapapasakanya,o di kaya'y mauuna ang isa rito sa iba sa paglabas,Magiging hawig nito ay sa kanya.at Nagsabi ang mga ilang may kaalaman:Na ang ibig sabihin ng pumataas ay nauuna,kapag nauna ang tubig ng lalaki ang paghahawig ay mapapasakanya,at kapag nauna ang tubig ng babae ang paghahawig ay mapapasakanya.Ito at dahil sa ang Semilya ng lalaki at ang Semilya ng babae ay naghahalo sa sinapupunan,Ang babae ay linalabasan at ang lalaki ay linalabasan at naghahalo ang tubig nilang dalawa,at sa paghahalo nila,mabubuo ang sanggol;Kung-kaya't nagsabi siya-pagkataas-taas Nita:(Katotohanang Aming nilikha ang tao mula sa Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae)[Al-Insān;1-2] Na Ibig sabihin ay pinaghalo mula sa tubig ng lalaki at tubig ng babae.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway na mag-iwang ng dumi [ng hayop] at buto [ng hayop]. Nagsabi siya: "Tunay na ang dalawang ito ay hindi nakapagdadalisay."}
Nagsalaysay nito si Imām Ad-DāraquṭnīySumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang tumugon sa tawag ng pangangailangan niya na pag-ihi o pagdumi na magpunas siya ng buto ng hayop o dumi nito at mga inilalabas nitong tuyo. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga ito ay hindi nakaaalis ng karumihan at hindi nakapagdadalisay."
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām AḥmadAng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas mula sa pagtugon sa tawag ng kalikasan niya mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo, O Allāh."
Ayon kay Salmān (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi siya: "Nagsabi sa amin ang [isa sa] mga tagapagtambal: "Tunay na ako ay nakakikita sa kasamahan ninyo na nagtuturo sa inyo hanggang sa magturo siya sa inyo ng pagpapalikuran." Nagsabi siya: "Siya nga. Tunay na siya ay sumaway sa amin na mag-iwang ang isa sa amin sa pamamagitan ng kanang kamay niya o humarap sa qiblah. Sumaway siya laban sa [pag-iwang ng] dumi at buto [ng hayop]. Nagsabi siya: Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}
Nagsalaysay nito si Imām MuslimNagsabi si Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya): Nagsabi sa amin ang [isa sa] mga tagapagtambal bilang pangungutya: "Tunay na ang Propeta ninyo ay nagtuturo sa inyo ng bawat bagay hanggang sa magturo siya sa inyo kung papaano kayong tutugon sa tawag ng kalikasan ninyo ng pag-ihi o pagdumi!" Kaya nagsabi si Salmān: "Oo. Nagturo siya sa amin ng mga etiketa ng pagtugon sa tawag ng kalikasan. Kabilang doon na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa amin na maghugas kami [ng dumi] matapos ng pagtugon ng tawag ng kalikasan sa pamamagitan ng kanang kamay bilang pangangalaga para rito laban sa karumihan at bilang pagpaparangal, o humarap kami sa dako ng Ka`bah sa sandali ng pag-ihi o pagdumi. Sumaway siya laban sa pag-iwang ng dumi ng mga hayop, mga inilalabas ng mga ito, at buto ng mga ito; at na hindi magkasya ang dumumi sa pag-iwang ng higit na kaunti sa tatlong bato."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kumuha si Al-Ḥasan bin`Alīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng isang datiles mula sa mga datiles ng kawanggawa at inilagay niya ito sa bibig niya kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Huwag, huwag; itapon mo iyan. Hindi mo ba nalaman na tayo ay hindi kumakain ng kawanggawa?" Sa isang sanaysay: "na tayo ay hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa"
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakanKumuha si Al-Ḥasan bin `Alīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng isang datiles mula sa natipon sa mga zakāh ng datiles at inilagay niya ito sa bibig niya kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag, huwag," na nangangulugang "hindi ito naaangkop sa iyo." Pagkatapos ay inutusan niya ito na ilabas iyon mula sa bibig nito at nagsabi: "Tunay na hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa." Ang kawanggawa ay hindi ipinahihintulot sa mag-anak ni Muḥammad. Iyon ay dahil sa sila ay ang pinakamaharlika sa mga tao. Ang mga kawanggawa at ang mga zakāh ay mga latak ng mga tao at hindi nababagay sa mga maharlika sa mga tao na kumuha sa mga latak ng mga tao, gaya ng sinabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa tiyuhin niyang si Al-`Abbās bin `Abdulmuṭṭalib, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na tayo ay mag-anak ni Muḥammad; hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa. Ito ay mga latak lamang ng mga tao."