





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān. Aling buwan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Dhulḥijjah? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: At aling bayan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Al-Baldah? Nagsabi kami: Opo." Nagsabi siya: At aling araw ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: Kaya tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito. Makatatagpo ninyo ang Panginoon ninyo at tatanungin Niya kayo tungkol sa mga gawa ninyo. Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba. Makinig, magpaabot ang nakasaksi sa nakaliban sapagkat harinawang ang ilan sa aabutan nito ay maging higit na nakatatalos dito kaysa sa ilan sa nakarinig ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: O Allāh, sumaksi Ka."
Napagkaisahan ang katumpakanNangusap ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Araw ng Pag-aalay. Iyon ay sa Ḥajj ng Pamamaalam. Ipinabatid niya na ang panahon ay natapat sa taong iyon na ang pagpapaliban ng buwan ay naging umaayon sa isinabatas ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ito ay kaugnay sa mga buwang bawal makipaglaban dahil binago at pinalitan nga ito sa Panahon ng Kamangmangan noong ginagawa nila noon ang pagpapaliban ng buwang bawal makipaglaban. Nilalabag nila ang buwang bawal makipaglaban at ipinagbabawal nila ang buwang ipinahihintulot makipaglaban. Pagkatapos ay nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang bilang ng mga buwan ay labindalawang buwan: Al-Muḥarram, Ṣafar, Rabī`ul'awwal, Rabī`uththāni, Jumādal'ūlā, Jumādaththāhiyah, Rajab, Sha`bān, Ramaḍān, Shawwāl, Dhulqa`dah, at Dhulḥijjah. Ang mga ito ay ang labindalawang buwang ginawa ni Allāh na mga buwan para sa mga lingkod Niya magmula ng nilikha Niya ang mga langit at lupa. Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang labindalawang buwang ito, mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod at iisang namumukod. Ang tatlong magkakasunod ay Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, Al-Muḥarram. Ginawa ni Allāh ang mga ito na mga buwang bawal makipaglaban: ipinagbabawal sa mga ito ang pakikipag-away. Hindi nakikipag-away sa mga buwang ito ang isa laban sa isa dahil ang mga buwang ito ay ang mga buwan ng paglalakbay ng mga tao patungo sa pagsasagawa ng ḥajj sa Banal na Bahay ni Allāh. Ginawa ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang mga ito na bawal makipaglaban upang hindi maganap ang paglalaban sa mga buwang ito habang ang mga tao ay naglalakbay patungo sa pagsasagawa ng ḥajj sa Banal na Bahay ni Allāh. Ito ay bahagi ng karunungan ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "...at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān." Ito ay ang ikaapat na buwan. Sila noong Panahon ng Kamangmangan ay nagsasagawa ng `umrah sa buwang ito. Itinatalaga nila ang buwan ng Rajab para sa `umrah at ang tatlong buwan naman para sa ḥajj. Kaya ang buwang ito ng Rajab ay naging bawal: ipinagbabawal dito ang pakikipaglaban gaya ng pagbabawal sa Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram. Pagkatapos ay tinanong sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aling buwan ito? Aling bayan ito? Aling araw ito?" Tinanong sila ng Propeta tungkol doon upang pukawin ang mga interes nila at ang kamalayan nila dahil ang usapin ay mabigat na usapin. Tinanong niya sila: "Aling buwan ito?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Tunay na sila ay nagtuturing na malayong magtanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa buwan yayamang ito ay nalalamang Dhulḥijjah, subalit bahagi ng kagandahang asal nila, malugod si Allāh sa kanila, ay na sila ay hindi nagsabing ito ay buwan ng Dhulḥijjah dahil ang bagay na ito ay alam. Bagkus bahagi ng kagandahang asal nila na sila ay nagsabing si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Pagkatapos ay nanahimik siya dahil ang tao, kapag nagsalita at saka nanahimik, ay nakatatawag ng pansin ng mga tao. Kaya nanahimik ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsasabi si Abū Bakrah: "Hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ito ba ay hindi Dhulḥijjah?" Nagsabi sila: "Opo." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Aling bayan ito?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam," gayong nalalaman nila na ito ay Makkah subalit dahil sa kagandahang asal nila at paggalang nila sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hindi sila nagsabi: "Ito ay isang bagay na alam, o Sugo ni Allāh; papaanong nagtatanong ka pa ng tungkol dito?" Bagkus sinabi nila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Pagkatapos ay nanahimik siya hanggang sa inakala nilang siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito at nagsabi siya: "Ito ba ay hindi Al-Baldah?" Ang Al-Baldah ay isa sa mga pangalan ng Makkah. Nagsabi sila: "Opo." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Aling araw ito?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam," tulad ng sinabi nila sa una. Nagsabi siya: "Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allāh," gayong sila ay nakaaalam na ang Makkah ay bawal labagin, na ang buwan ng Dhulḥijjah ay bawal labagin, at na ang Araw ng Pag-aalay ay bawal labagin. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga ito ay bawal labagin at iginagalang. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito." Binigyang-diin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagbabawal sa paglabag sa tatlong ito: ang mga buhay, ang mga ari-arian, at ang mga dangal. Ang lahat ng mga ito ay ipinagbabawal labagin. Ang mga buhay ay sumasaklaw sa mga buhay at anumang mababa sa mga ito. Ang mga ari-arian ay sumasaklaw sa kaunti at marami. Ang mga dangal ay sumasaklaw sa pangangalunya, sodomiya, paninirang-puri, at marahil ay panlilibak, panlalait, at pang-aalipusta. Ang tatlong bagay na ito ay bawal sa Muslim na labagin sa kapatid niyang Muslim. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba." Ito ay dahil sa ang mga Muslim kung sakaling nananaga na ang ilan sa kanila ng mga leeg na mga iba, sila ay magiging mga Kāfir dahil walang nagtuturing na ipinahihintulot na padanakin ang dugo ng Muslim maliban sa Kāfir. Pagkatapos ay ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ipaabot ito ng nakasaksi sa nakaliban. Nangangahulugan ito na ipaabot ng sinumang nakasaksi sa kanya at nakarinig sa talumpati niya sa nalalabi sa Kalipunang Islām. Ipinabatid niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na marahil ang pinaabutan ay higit na nakatatalos sa pananalita kaysa sa nakarinig. Ang tagubiling ito mula sa Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay isang tagubilin para sa sinumang nakadalo sa araw na iyon at isang tagubilin para sa sinumang nakarinig sa pananalita niya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba?" Tinatanong niya ang mga kasamahan, malugod si Allāh sa kanila. Nagsabi sila: "Opo; naipaabot mo po." Kaya nagsabi siya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga: "O Allāh, sumaksi Ka."
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw. Ayon kay Qatādah bin Malḥān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-uutos sa amin noon na mag-ayuno sa mga araw ng Bīḍ: sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw." Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumitigil sa pag-aayuno sa mga araw ng Bīḍ sa pananatili ni sa paglalakbay."
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu MājahAyon kay Abū Dharr na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kapag nag-ayuno ka, Abū Dharr, sa anumang buwang ng tatlong araw." Ibig sabihin: [Kapag] ninais mong mag-ayuno niyon nang kusang-loob. Ang "mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw" ay nangangahulugang mag-ayuno sa ikalabintatlong araw ng buwan at sa dalawang araw pagkatapos nito. Tinawag ang tatlong ito na mga araw ng Bīḍ, na ang ibig sabihin ay mga araw ng gabing maliwanag dahil sa pagbibigay-liwanag sa mga ito ng buwan. Ang pag-aayuno sa mga ito sa bawat buwan ay itinatagubilin. Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumitigil sa pag-aayuno sa mga araw ng Bīḍ" Ibig sabihin ay sa araw ng mga gabing maliwanag. Ito ay ang ikalabintatlo, ang ikalabing-apat, at ang ikalabinlimang araw dahil ang mga ito ay mga araw na maliwanag ang buwan mula sa simula ng mga ito hanggang sa katapusan ng mga ito. Isinabay niya ang pag-aayuno sa mga ito bilang pasasalamant kay Allah pagkataas-taas Niya. Ang sabi niyang "sa pananatili ni sa paglalakbay" ay nangangahulugang ipinagpatuloy niya ang pag-aayuno sa mga ito, nanatili man sa bahay o naglalakbay. Ang pag-aayuno sa mga ito ay tiniyak sunnah. Itinuturing na matimbang na mag-ayuno ng mga ito sa araw ng Bīḍ dahil sa pagiging nasa kaligitnaan ng buwan ang mga ito. Ang kalagitnaan ng bagay ay ang pinakakatamtaman nito. Tingnan: Al-Fatḥ 227/4, Mirqāh Al-Mafātīḥ 566/4, Fayḍ Al-Qadīr 395/1, at Dalīl Al-Fāliḥīn 72/7.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo at mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan. Kapag natapos ang panawagan, humaharap siya hanggang sa kapag isinagawa na ang iqāmah, tumatalikod siya hanggang sa kapag natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya sa pagitan ng tao at sarili nito. Sinasabi niya: 'Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon,' para sa hindi niya naalaala noong una hanggang sa manatili ang lalaki na hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito."
Napagkaisahan ang katumpakanKapag nagsagawa ng adhān ang Mananampalataya, tumatalikod ang demonyo at lumalayo sa pinagsasagawaan ng adhān nang sa gayon ay makaalis nang malayo upang hindi niya marinig ang adhān. Ang "mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan" ang hayag na kahulugan nito ay sinasadya niya ang pagpapalabas ng utot na iyon upang makaabala ito sa pakikinig sa tinig na inilalabas ng tagapanawagan ng adhān o ginagawa niya iyon bilang panghahamak gaya ng ginagawa ng mga hangal. Malamang na siya ay nananadya niyon, bagkus nagaganap sa kanya sa pagkarinig ng adhān ang tindi ng pangamba na pinangyayari sa kanya ng tinig na iyon. Malamang na siya ay nananadya niyon upang tapatan ng karumihan ang nababagay sa pagdarasal na kadalisayan. Ang "natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya" ay nangangahulugang nanunulsol siya. Lumalapit siya upang ilihis ang mga anak ni Adan. Tumatakas lamang ang demonyo sa sandali ng adhān dahil sa nakikita niya na pagkakasabay ng pagpapahayag ng adhikain ng Tawḥīd at iba pang mga kapaniwalaan at pagdadaos ng mga gawaing pagsamba. Ito ay dahil sa pagkasuklam na marinig ang pag-alala kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ito ang kahulugan ng sabi ni Allah: "laban sa kasamaan ng bumubulong na palaurong." (Qur'an 114:4) Ang demonyo ay ang umuurong sa sandali ng pagbanggit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, nagtatago, at lumalayo. Ang sabi niya: "sa pagitan ng tao at sarili nito" ay lumalapit siya hanggang sa makahadlang sa pagitan ng tao at puso nito sa pagdarasal nito, na nagsasabi rito: "Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon." Ang "hindi niya naalaala noong una" ay nangangahulugang bago siya magsimula sa pagdarasal. Ang "hanggang sa manatili ang lalaki" ay nangangahulugang makalimot at magalaho ang gana niya. Ang "hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito" ay nangangahulugang dumating lamang ang demonyo sa sandali ng pagdarasal gayong mayroon itong pagbigkas ng Qur'an dahil ang kadalasan nito ay pakikipag-usap kay Allah sapagkat mayroon siyang paraang makalusot para sirain ito sa pamamagitan ng nagsasagawa nito o sirain ang kataimtiman nito. Sinasabi: Tumatakas siya sa sandali ng adhān nang sa gayon ay hindi siya mapilitang sumaksi sa anak ni Adan sa Araw ng Pagkabuhay gaya ng nasaad ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn 6/319 at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 5/34 at pagkatapos nito.
Ayon kay Mu`ādhah, siya ay nagtanong kay`Ā'ishah, malugod si Allāh dito: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo." Kaya nagsabi ako: "Mula sa aling buwan siya nag-aayuno noon?" Nagsabi ito: "Hindi niya pinapansin noon mula sa aling buwan siya nag-aayuno."
Nagsalaysay nito si Imām MuslimAyon kay Mu`ādhah, siya ay nagtanong kay`Ā'ishah, malugod si Allāh dito: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo." Nangangahulugang ito: Ito ang pinakakaunti sa pinaiikli niya noon. Ang "Kaya nagsabi ako: Mula sa aling buwan" ay bilang pag-iingat na baka maunawaang ang tanong ay tungkol sa mga araw ng linggo. Ang "siya nag-aayuno noon" ay nangangahulugang: Ang tatlong ito mula sa simula nito o kalagitnaan nito o wakas nito nang magkakasunod o magkakahiwalay. Ang "Hindi niya pinapansin noon" ay nangangahulugang hindi siya nagpapahalaga sa pagtatakda sa alin sa mga araw ng buwan: nag-aayuno siya nang walang pagtatakda dahil ang gantimpala ay natatamo sa alin man sa tatlo. Nag-aayuno siya noon ng mga ito ayon sa hinihiling ng pananaw niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Siya ay nahaharap noon sa pinagkakaabalahan niya sa halip na alalahanin pa iyon o ginagawa niya iyon upang linawin ang pagkapahintulot Lahat ng iyon kaugnay sa kanya ay higit na mainam. Tingnan: Mirqāh Al-Mafātīḥ 4/1416 at Dalīl Al-Fāliḥīn 7/71.
Ayon kay Shurayh bin Hani;Nagsabi siya:Dumating ako kay `Aishah ,tatanungin ko siya tungkol sa pagpunas ng dalawang medyas, Nagsabi siya:Nararapat ka (magtanong kay) ibn Abe Talib,Tanungin mo siya sapagkat siya ay naglalakbay kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinanong namin siya,Nagsabi siya: ((Ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tatlong araw at gabi nito sa manlalakbay;at isang araw at isang gabi sa naninirahan))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimShurayh bin Hani mula sa grupo ng mga kasamahan ni `Ali-malugod si Allah sa kanya-Dumating siya kay `Ali na naghahanap ng kasagutan (sa tanong niya) tungkol sa nakatakdang oras sa pagpupunas ng dalawang medyas,at ang pagtatanong na ito ay naganap pagkatapos ng pagsusumithi nitong ligtas ni `Aishah malugod si Allah sa kanya- kay `Ali;Ito ay dahi sa siya ay mas dalubhasa sa Sunnah ng Pagpupunas, Nagsabi siya;(Nagtanong kami sa kanya tungkol sa Pagpupunas) ibig sabihin ay; ang tagal nito,At ang pagpupunas ay ang paglagay sa kamay na basa sa isang bahagi, at ang Medyas ay tsinelas na yari sa balat na natatakpan ang dalawang bukong-bukong.At ang medyas ay pantakip ng kalalakihan mula sa anumang bagay na yari sa buhok at lana,makapal man o manipis na nakakatakip hanggang sa taas ng bukong-bukong na ginagamit sa taglamig.Sinagot sila ni `Ali bin Abe Talib malugod si Allah sa kanya ( tatlong araw at gabi nito sa manlalakbay;at isang araw at isang gabi sa naninirahan) at dito ay may pagpapatunay sa mga sinang-ayunan ng karamihan sa mga may kaalaman mula sa pagtatakda ng oras sa pagpupunas ng tatlong araw sa mga manlalakbay,at isang araw at isang gabi sa naninirahan,at kaya dinagdagan sa tagal ang manlalakbay sapagkat siya ay mas karapdapat na mabigyan ng pagpapahintulot kaysa sa Naninirahan,dahil sa paghihirap sa paglalakbay.
Ayon kay 'Āeishah-malugod si Allah sa kanya-atynagsabi:Gusto ba ninyo na ikwento ko sa inyo ang tungkol sa akin at sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi kami: Oo,Sinabi niya,Nagsabi siya:Sa isang gabi na kung saan ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nasa akin,lumingon siya at inilagay nito ang damit niya at tinanggal nito ang sapatos niya,at inilagay ang dalawang ito sa paa niya,at iniunat niya ang dulo ng malong niya sa higaan niya,hanggang sa humiga siya,hindi siya nagtagal at sa oras na iyon ay inakala niyang nakatulog na ako,kinuha niya ang damit niya nang malumanay,at isinuot niya ang sapatos niya ng malumanay,at binuksan niya ang pintuan at lumabas siya,at isinarado niya ito ng dahan-dahan,inilagay ko ang damit ko sa ulo ko at nagtakip ako at nagtakip ako ng aking mukha at isinuot ko ang malong ko,Pagkatapos ay lumabas ako na (sumusunod) likod niya. Hanggang sa dumating siya sa Al-Baq'ē at tumayo siya,pinatagal niya ang pagtayo,Pagkatapos ay itinaas niya and kamay niya ng tatlong beses,Pagkatapos ay umalis na siya at umalis narin ako,nagmadali siya at nagmadali din ako,tumakbo siya at tumakbo narin ako,dumating siya at dumating din ako,nauna Ako sa kanya kayat pumasok na ako,at wala akong (nagawa) kundi humiga,kayat pumasok siya;at nagsabi: (( Ano nangyari sa iyo? O 'Āieshah,at hinika ka at hiningalo kana))Nagsabi siya:Sinabi ko;Wala anuman ito,Nagsabi siya;(( Sasabihin moba sa akin o hahayaan mong ang katotohanan ay sabihin sa akin ng Napaka-bait na Mas higit na Nakaka-alam)) Nagsabi Ako:Sinabi ko: O Sugo ni Allah,sumpa man sa aking ama at ina,at sinabi ko sa kanya.Nagsabi siya;(Ikaw ba na nakita ko sa harap ko ?)) Sinabi ko:Oo,biglang sumakit ang dibdib ko na (parang) bigat na humapdi sa akin,pagkatapos ay sinabi niya: Inakala moba na (gagawan)ka ng hindi makatarungan ni Allah at nang kanyang Sugo?)) Ang sabi niya:(( Kahit Ano pa ang itago ng Tao ay malalaman din ni Allah,Oo.Ang sabi niya:Katotohanang si Jibrēl ay dumating sa akin sa oras na nakita mo,ay tinawag niya ako,at itinago niya ito sa iyo,tinugon ko ito at itinago ko rin sa iyo,at hindi na siya pumasok sa iyo sapagkat ibinaba mona nag damit mo,at inakala korin na nakatulog kana.Kayat namunghi akong gisingin kita at natakot akong madistorbo kita,Nagsabi siya (Jibrel) :Katotohanan and Panginoon mo ay nag-uutos sa iyo na pumunta ka ng libingan sa Al-Baqēi,at ihingi mo sila ng kapatawaran",Nagsabi siya:Sinabi ko:Papaano ko sasabihin sa kanila O Sugo ni Allah?Ang sabi niya:Sabihin mong:((Sumainyo nawa ang kapayapaan sa mga naninirahan ng libingan na ito,mula sa mga naniniwalang Mu'min at Muslim at,Pagpalain nawa ni Allah ang mga nauna sa atin at ang pinaka-huli sa atin at katotohanan kami sa kapahintulutan ni Allah ay susunod sa inyo))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIkinekwento ng Ina ng mananampalataya na si 'Āishah ng isang kwentong nangyari sa kanya kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Habang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nasa kanya sa gabing (siya'y nasa kanya),pumunta siya sa higaan niya,inilagay niya ang damit niya at tinanggal niya ang sapatos niya,inilagay niya ang dalawang ito sa paa niya pagkatapos ay humiga na siya,at nang inakala na niya na tulog na ako kinuha niya ang damit ng dahan-dahan upang hindi niya ako madistorbo,at isinuot niya ang sapatos niya ng dahan-dahan,pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan at lumabas siya pagkatapos ay isinara niya ng dahan-dahan,at kaya niya iyon ginawa pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na patago ipang hindi siya magising at makalabas siya sa kanya,at baka salubungin niya ito dahil pag-iisa niya sa kadiliman ng gabi,Kayat isinuot ni 'Aishah ang damit niya at nagtakup siya ng mukha pagkatapos ay umalis siya at (sumunod ito) sa likod niya,hanggang sa dumating sila sa Al-Baqīe at ito ay libingan sa AlMadinah,Tumayo siya,at napatagal siya sa pagtayo,pagkatapos ay itinaas niya ang kamay niya ng tatlong beses na nananalangin,pagkatapos ay tumalikod siya upang maka-uwi sa bahay niya kayat mabilis na tumalikod din si 'Āishah,pagkatapos ay nagmadali siyang lumakad kayat nagmadali din siya,pagkatapos ay tumakbo siya kayat tumakbo din siya,nauna ako sa kanya kaya pumasok na ako,humiga ako kayat pumasok siya,at nagsabi siya:((Anong nangyari sa iyo O 'Aishah,hinika ka at hiningalo kana)) ang kahulugan ay :Nangyayari sa iyo ang mahirap na paghinga at ito ay hika at pagkamayamutin na nangyayari sa taong nagmamadali sa paglalakad at naghihingalo sa pagsasalita dahil sa taas na paghinga at panginginig nito,At ang sinabi nito:((hiningalo)) ;ibig sabihin at tumataas ang tiyan. Sinabi niya: walang nangyayari sa akin.Nagsabi siya:Ito ba sasabihin mo sa akin o hahayaan mong sabihin sa akin ito ni Allah na Napaka-bait at Mas higit na Nakaka-alam.at sinabi niya sa ka nya ang nangyari,Nagsabi siya:Ikaw ba ang taong nakita ki sa harap ki?Ang sabi niya:Oo,hinawakan niya sa kamay nito ang dibdib niya,naging masakit ito sa kanya,pagkatapos ay sinabi niya:Inakala moba na (gagawan) ka ng hindi makatarungan ni Allah at nang kanyang Sugo?)) Ibig sabihin ay: Inakala Moba na Hindi makatarungan sa iyo si Allah at ang kanyang Sugo?Na ang gabi na ibinahagi para sa iyo ay ipinunta niya sa iba, mula sa kanyang mga asawa?Nagsabi siya:(( Kahit pa anong pagtatago ng Tao ay malalaman din ni Allah,Oo))Ibig sabihin ay: Ang lahat ba ng itinatago ng Tao ay nalalaman ni Allah?at para baga ng sabihin niya ito ay pinatotohan niya ito sa sarili niya,kay at Nagsabi siya:Oo,Pagkatapos ay ipinaalam niya na si Jibrēl ay dumating sa kanya ngunit hindi pumasok sa kanya sa bahay nito,dahil si 'Aishah ay ibinaba na niya ang damit nito at nakahanda na sa pagtulog,kayat inakala ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siya ay tulog na.at natakot siyang magising ito upang Hindi siya matapot na nag-iisa sa kadiliman ng gabi.Ang sabi sa kanya ni Jibrēl: Katotohanan ang Panginoon mo ay nag-utos sa iyo na pumunta ka ng libingan sa Baqēi, at ihingi mo sila ng kapatawaran,Pumunta ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bilang pagsunod sa kautusan,Dumating siya sa mga naninirahan sa libingan ng Baqēi,humingi siya ng kapatawaran sa kanila at nanalangin sa kanila,Nagsabi si 'Aishah:Papaano ko sasabihin sa kanila,O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:(( Pagpalain nawa ni Allah ang mga nauna sa atin at ang pinaka-huli sa atin at katotohanan kami sa kapahintulutan ni Allah ay susunod sa inyo))
Ayon kay 'Abdullah bin 'Amr-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Nagsabi:((Ang oras ng Dhuhr,kapag lumihis ang araw at ang anino ng lalaki ay kasin-laki nito,na hindi dumarating sa oras ng Asr,at ang oras ng Asr,kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan,at ang oras sa dasal ng Maghrib; bago sumapit ang takip-silim,at ang oras sa Dasal ng 'Eishah,hanggang sa hating-gabi ng kalagitnaan nito,at ang oras ng Dasal ng Subh,mula sa pagsikat ng Bukang-liwayway,bago sumikat ang araw,at kapag sumikat ang araw,pigilan ang pagdarasal,dahil ito (ang araw) ay sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ni Satanas
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIkinukwento sa Hadith ni `Abdullah bin `Amr ang mga Oras ng Pagdarasal,buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Una:(Oras ng Dhuhr):at tinawag ito na hinango sa pangalan nito na oras ng tanghali,at ito ang tama,at ang kahulugan nito:Ang unang oras nito (Kapag lumihis ang araw): ibig sabihin: lumihis mula sa kalagitnaan ng kalangitan patungo sa dakong Kanluran,at ang magiging kalalabasan nito sa atin,ay sa pamamagitan ng pagdag-dag ng anino nang kasin-laki nito patungo sa dakong Silangan ( at ang) ibig sabihin; ay magiging (anino ng lalaki ay kasin-laki niya) ibig sabihin ay: malapit rito,Hanggang sa oras ng Asr.Ang Pangalawa:Nagsabi siya sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:( At ang oras ng Asr ay) ibig sabihin ay: nagsisimula sa binanggit na anino ng lalaki na kasing-laki nito,at nagpapatuloy na hindi kinamumunghian na (pagdarasal) (kapag hindi pa naninilaw ang kalangitan) ang ibig sabihin dito;sa oras ng pagpipili dahil sa sabi niya sumakanya ang pagpapala at pangangalaga sa Sahehayn:( At Sinuman ang umabot ng isang tindig mula sa oras ng Asr bago lumubog ang araw,tunay na umabot siya sa Asr)) Ibig sabihin ay:naisakatuparan,at sa isang salaysay:"Ang oras ng Asr,hanggat hindi lumulubog ang araw" at sa isang salaysay ni Imam Muslim: Hanggat hindi naninilaw ang kalangitan at nahulog ang una nitong sungay" Ang Pangatlo:( Ang Oras ng Dasal na Maghrib) Binanggit ang Dasal sa mga kalagayan,at binura naman sa panghuli,bilang pagpapatunay ng pagpapahintulot sa dalawang tinutukoy ( Hanggat hindi nagtakip) ibig sabihin ay:hanggat hindi nahuhulog ang ( silim) at ito ay ang mapula-pula na sumusunod sa araw pagkatapos nitong lumubog,at ito ay nagpapatunay sa pagpaparugtong ng oras ng Maghrib hanggang sa paglubog ng Silim,at kapag lumubog ang mga iilan rito,hindi parin pumapasok ang oras ng Eishah,tulad ng hindi pagpasok ng Maghrib dahil sa paglubog ng ilang bahagi (ng araw).At ang Pang-apat:( At ang oras ng Dasal na Eishah) ibig sabihin ay:mula sa likod ng Silim na pinagsama hanggang sa kalahati ng gabi sa kalagitnaan,at ang ibig sabihin dito;ay oras din ng pagpipili,at ang oras ng pagpapahintulot ay pinapalawak hanggang sa pagsikat ng bukang-liwayway.Ang Pang-lima:( At ang oras ng Dasal ng Subh,mula sa pagsikat ng Bukang-liwayway) Ibig sabihin ay: Ang tunay na madaling-araw (bago sumikat ang araw): ibig sabihin: ang ilang bahagi nito (At kapag ito ay sumikat) Ibig sabihin ay: magsisimula sa pagsikat, (Pigilan ang pagdarasal) ibig sabihin ay: Iwan ito,( Sapagkat ito): ibig sabihin ay: Ang araw ( sumisikat sa pagitan ng dalawang sungay ni Satanas) Ibig sabihin ay: Nasa dalawang gilid ng ulo nito,Sapagkat si Satanas ay pinagmamasdan ang oras ng pagsikat ng araw,at pinagtitibay nito ay pagtindig sa mukha ng araw na nakarap sa sinumang nagpapatirapa sa Araw,upang baliktarin ang pagpapatirapa ng mga (Hindi mananampalataya) sa araw, sa pagsamba sa kanya.Kaya`t ipinagbawal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Ummah niya,ang pagdarasal sa oras na ito,Upang maging ang pagdarasal ng sinumang sumasamba kay Allah,ay hindi sa oras ng pagsamba ng sinumang sumasamba kay Satanas.
Ayon kay Rafie bin Khudayj Al-Awsiy-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Kami ay nag-aalay ng dasal na Al-Maghrib kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-aalis ang isa sa amin,at tunay na nakikita sa mga parte ng palaso niya.
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag sa Marangal na Hadith na Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay maraming beses na nag-aalay ng dasal ng Al-Maghrib sa unang oras nito,kayat naging malinaw na ito ay kabilang sa Sunnah,At ang patunay rito,Sila ay nagbabawal ng pag-aalay ng mga dasal,ngunit nananatili paring nakikita ito sa mga parte ng mga palasong hinahagis nila.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Katotohanan ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Sinuman ang umabot mula sa dasal na Subh ng isang tindig bago sumikat ang araw,ay tunay na inabutan niya ang dasal na Subh,at sinuman ang umabot ng isang tindig mula sa dasal na Asr bago lumubog ang araw,ay tunay na inabutan niya ang dasal na Asr))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga Ummah niya ang pinakahuling oras sa dalawang dasal na Subh at Asr,Ipinaalam niya na sinuman ang umabot ng isang tindig ibig sabihin ay nagdasal at umangat siya mula sa pagyuko sa pagdarasal ng Subh bago sumikat ang araw,Magkagayun siya ay umabot sa dasal na Subh na naisagawa niya dahil sa pagganap niya ng isang tindig sa [takdang] oras,At gayundin ang sinumang umabot ng isang tindig mula sa dasal na Asr bago lumubog ang araw,Magkagayun siya ay umabot sa dasal na Asr na naisagawa niya dahil sa pagganap niya ng isang tindig sa [takdang] oras.