





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Jubayr bin Mut`im malugod si Allah sa kanya-hadith na marfu-(( Huwag ninyong hadlangan ang isang taong magsasagawa ng tawaf sa Tahanang ito,at magdadasal ng kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyAng pangangaral sa hadith na ito ay para sa sinumang namamahala sa kapakanan ng Haram [Meccah], at sila sa kapanahunan ng propeta mula sa angkan ni `Abdu Manaf,siya ay nagsabing: Wala sa inyo ang may karapatan sa paghadlang sa isa sa mga tao sa pagsasagawa ng Tawaf sa Meccah,o sa pagdarasal rito sa kahit anong oras na kanyang ibigin sa gabi o araw,At ang pagdarasal na [ipinapahiwatig rito ay ang dalawang tindig para sa pagsasagawa ng tawaf,at gayunding ito ay sumasaklaw sa lahat ng oras kabilang ang mga oras na ipinagbawal rito ang pagdarasal
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa.Nagsabi siya: nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Ang Bukang liwayway ay may dalawang uri,Ang Bukang liwayway na hinahalintulad sa buntot ng lobo,at hindi ipinapahintulot ang pagdarasal rito,at hindi ipinagbabawal ang pagkain,at ang yaong [unti-unting] nawawala na pahaba sa kalangitan,tunay na ipinapahintulot dito ang pagdarasal at ipinagbabawal ang pagkain.
Isinalaysay ito ni Imām Al-ḤākimBinahagi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Bukang-liwayway batay sa panuntunan ng dalawang bahagi: Ang unang bukang-liwayway:Tinatawag itong Bukang-liwayway na sinungaling,Pumapataas siya sa kalangitan na tulad ng haligi,siya ay tulad ng buntot ng lobo,dahil ang buntot niya ay tumutuwid pataas,at ito ay naihahalintulad sa buntot ng lobo sa pagdudugtong nito sa taas ng kalangitan,pagkatapos ay mawawala ito at susunod dito ang dilim,ang bukang-liwayway na ito ay hindi ipinapahintulot rito ang pagdarasal,ibig sabihin ay ang dasal ng Fajr,at ipinapahintulot rito ang pagkain at pag-inom sa nag-aayuno,ibig sabihin ay sinumang nag-intensiyon sa pag-aayuno,sapagkat hindi siya ang tunay na Fajr na kung saan ay ipinapahintulot dito ang pagdarasal ng Fajr,at ipinagbabawal rito sa nag-aayuno ang pagkain at pag-inom. At ang ikalawang Bukang-liwayway: at tinatawag itong;Bukang-liwayway na totoo,siya ang pahaba,ibig sabihn ay nagdudugtong sa kalangitan mula sa Hilaga hanggang sa Timog,at walang kaakibat na dilim pagkatapos nito, datapuwat ay nadadagdagan ang liwanag nito,ng unti-unti. hanggang sa lumaganap sa buong kalangitan,At ito yaong ipinapahintulot rito ang pagdarasal ng Fajr,at ipinagbabawal rito ang pagkain at pag-inom sa nag-aayuno,At ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bukang-liwayway,Ang Bukang liwayway na totoo,ay nagdudugtong mula sa Hilaga patungo sa Timog,at ang sinungaling ay kabaliktaran nito,At ang ikalawa:Ang Bukang-liwayway na totoo,walang kaakibat na dilim pagkatapos nito;at ang sinungaling ay sinusundan ito ng dilim niya.Ang ikatlo:Ang totoo,ang liwanag nito ay nagdudugtong at ang [sinungaling] ay naghihiwalay. At ang tatlong pagkakaiba na ito ay mula sa dako paglikha ng Patalismo,at ang mula sa dako ng Kaalaman sa Islam,Tunay na ang Bukang-liwayway na sinungaling ay hindi ipinapahintulot rito ang pagdarasal,ibig sabihin ay ang dasal ng Fajr,at ipinapahintulot rito ang pagkain at pag-inom,sa sinumang nakapag-intensiyon ng pag-aayuno,At ang Bukang-liwayway na totoo ay kabaliktaran,Ipinapahintulot rito ang pagdarasal ibig sabihin ay ang dasal ng Fajr,at ipinagbabawal rito pagkain at pag-inom sa nag-aayuno.
Ayon kay Yaser,katulong ni Ibn `Umar,Nagsabi siya:Nakita ako ni `Ibn `Umar habang ako ay nagdadasal,pagkatapos ng dasal ng Fajr,Nagsabi siya: O Yaser,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas sa amin at kami ay nagdadasal sa dasal na ito,Ang sabi niya: ((Tunay na iparating ng nakapagsaksi sa inyo sa mga hindi nakadalo sa inyo;Huwag kayong magdasal pagkatapos ng Fajr maliban sa dalawang pagpapatirapa.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadNakita ni `Abdullah bin `Umar -malugod si Allah sa kanilang dalawa-si Yaser,at siya ay katulong niya,Ibig sabihin ay:Siya ay alipin niya,at pinalaya niya ito,Nakita niya ito na nagdadasal ng kusang-loob na dasal pagkatapos ng pagsikat ng Fajr at bago ang pagdarasal,At marahil ay nakapagdagdag siya ng dalawang tindig,Nagsabi siya: " O Yaser,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas sa amin,at kami ay nagdadasal sa dasal na ito," ibig sabihin ay: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nakita sila na nagdadsal ng kusang-loob na dasal pagkatapos ng pagsikat ng Fajr,at bago ang pagdarasal,Sobra sa kusang-loob na dasal" Nagsabi siya:"(Tunay na iparating ng nakapagsaksi sa inyo sa mga hindi nakadalo sa inyo;Huwag kayong magdasal pagkatapos ng Fajr maliban sa dalawang pagpapatirapa" ibig sabihin ay: Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ibig sabihin ay: Ipaparating ng nakadalo sa dinadaluan,ang hindi nakadalo ang salitang ito," Huwag kayong magdasal pagkatapos ng dasal ng Fajr" ibig sabihin ay:Pagkatapos ng pagsikat ng Fajr, At pinagtitibay ito ng salaysay ni Imam Ahmad( Walang dasal pagkatapos ng pagsikat ng Fajr maliban sa dalawang tindig ng Fajr) Ibig sabihin ay: Walang kusang-loob na dasal pagkatapos ng pagsikat ng Fajr maliban sa Sunnah na Rawatib at ito ay dalawang tindig,At ang nasabi niya:" Maliban sa dalawang pagpapatirapa" ibig sabihin ay:Dalawang buong tindig,at ito ay sa pangkalahatan ng ilang bahagi nito,at pagnanais sa kabuuan;Tulad ng pagbibigay kahulugan nito sa unang salaysay.At ito ang sinasang-ayunan dahil sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapagkat siya ay hindi nagdadasal pagkatapos ng pagsikat ng Fajr maliban sa dalawang tindig namagaan,At sa kanya;Kapag sumikat ang Fajr,Hindi ipinapahintulot sa sa isang Muslim na magdasal ng kusang-loob na dasal maliban sa dalawang tindig na dasal sa Fajr,Tulad ng naipatnubay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At ang pinakamainam na patnubay,ay ang patnubay ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya napagpasiyahan ang hindi pagpapahintulot sa pagdasal ng kusang-loob na dasal pagkatapos sumikat ng Fajr maliban sa Sunnah na Rawatib.At itinuturing ang oras na ito sa mga oras na ipinagbabawal ang pagganap ng dasal rito.
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,nagsabi siya; Nang ipag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kampanilya na gamitin sa mga Tao upang magtipon para sa pagdarasal,umikot sa akin habang ako ay natutulog,ang isang lalaki na nagdadala ng kampanilya sa kamay niya,Nagsabi ako; O alipin ni Allah,ibinibinta moba ang kampanilya? Sinabi niya: Ano ang gagawin mo rito? Nagsabi ako; Ipang-aanyaya namin ito sa pagdarasal,Sinabi niya; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas mainam pa rito?Nagsabi ako sa kanya; Oo,Sinabi niya: Nagsabi siya; Sabihin mo; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa tagumpay,Humayo sa tagumpay,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Pagkatapos ay nagpahuli siya sa akin ng hindi kalayuan,pagkatapos ay sinabi niyang;At sabihin mo;Kapag itinidig mo ang pagdarasal; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah, Humayo sa pagdarasal, Humayo sa tagumpay,Tunay na ititindig ang pagdarsal,Tunay na ititindig ang pagdarsal,[ At sa isang salaysay; Kapag sa pagdarsal ng madaling-araw,sinasabi kong; Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog,Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog] ,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,At nang sa kina-umagahan,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi ko sa kanya ang nakita ko,Nagsabi siya; (( Katotohanang ito ay panaginip na totoo,Sa kapahintulutan ni Allah,tumindig ka kasama si Bilal,ibulong mo sa kanya ang nakita mo,at magtawag siya ng Azan gamit ito,sapagkat siya ay may mas-mainam na boses kaysa sa iyo)),Tumindig ako kasama si Bilal,at ibinubulong ko ito sa kanya,at binibigkas niya ito sa (pagtawag) ng Azan,Nagsabi siya; Narinig ito ni `Umar bin Al-Khattab,habang siya ay nasa loob ng bahay niya,lumabas siya na nakakaladkad ang damit nito,at sinasabi niya; Sumpa sa nagpadala sa iyo sa katotohanan O Sugo ni Allah,Tunay na nakita ko ang tulad ng nakita niya, Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (( Ang lahat ng Papuri ay kay Allah))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyIpinapahayag ng marangal ng Hadith ang Kuwento ng Azan;Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ninais niya na gumamit ng kampanilya upang magtipon ang mga Tao sa pamamagitan ng boses nito sa pagdarasal,pagkatapos ay hindi niya ito nagawa,sapagkat kabilang sa mga katangian nila;Nakita ng isa sa mga kasamahan ng Propeta-ang lugod ni Allah ay sumakanila-na si `Abdullan bin Zaid,sa pagtulog niya,Na ang isa sa kanila ay nagbibinta ng kampanilya,Naisip niyang bumili nito,upang tipunin niya ang mga Tao sa pagdarasal,Nagsabi sa kanya ang lalaki; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas-mainam pa rito?At tinuruan niya ito sa mga bibigkasin sa pag Azan,Pumunta siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kina-umagahan at binanggit niya sa kanya ang napanaginipan niya,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay panaginip na totoo,at ipinag-utos niya na basahin niya ang (bibigkasin) sa Azan kay Bilal,upang masabi niya ito,sapagkat siya ay may mas-magandang boses,at nang marinig ito ni `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-dumating at sinabi niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na nakita din niya ito.
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Bahagi ng Sunnah na kapag nagsabi ang mu'adhdhin sa adhān ng madaling-araw ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Halina sa tagumpay)" ay magsasabi siya ng: "Aṣṣālatu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog)."}
Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Khuzaymah, Imām Ad-Dāraquṭnīy at Imām Al-BayhaqīyNagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na kabilang sa kinilala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Sunnah niya na magsabi ang mu'adhdhin, lalo na, sa adhān ng madaling-araw ng: "Aṣṣālatu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog) matapos ng pagsabi nito ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Humayo sa tagumpay)."
Ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;(( Pinagsama ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Maghrib at `Eishah sa pagsamang; Nagdasal siya ng Maghrib nang tatlong tindig,at ng `Eishah nang dalawang tindig,sa isang Iqamah lamang.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag ng Hadith ang gawain ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi habang siya ay nasa Muzdalifah pagkatapos niyang dumating mula sa `Arafah,mula sa pagsasama niya sa dalawang dasal ang Maghrib at `Eishah at ang pagpapa-ikli niya sa dasal ng `E`ishah nang dalawang tindig,na may nag-iisang Azan at may Iqamah sa bawat dasal.
Ayon kay `Uthman bin Abe Al-`Ass-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah! Italaga mo akong imam sa aking mga tao, Nagsabi siyang: (( Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran))
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag sa atin ng hadith na ito na ipinapahintulot sa sinumang nakikita niya sa sarili na karapat-dapat maging imam,na hilingin niya ito sa namumuno,at ito ay hindi paghiling sa katungkulan,dahil ang paghiling sa katungkulan ay ipinagbabawal, subalit nararapat sa kanya ang pangangalaga sa mga sumusunod sa likod niya na mahihina at matatanda.,at hindi siya magpapahirap sa kanila,At kainam-inam sa magiging tagatawag ng adhan yaong naghahangad ng gantimpala sa Allah,upang ang gawain niya ay maging malapit sa pagkadalisay [para sa Allah],At kapag walang natagpuang magkakawang-gawa,hindi hadlang na mabigyan ang imam ng biyaya [kabayaran] mula sa Baytul Mal
Ayon kay Jaber bin Samrah malugod si Allah sa kanya,Nagsabi siya:(( Ang Tagatawag (ng Azan) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay (laging) nagpapaliban at hindi itinitindig ang pagdarasal,Hanggang sa kapag nakita na niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay lalabas siya at (ipapanawagan niya) ang pagtindig ng dasal kapag nakita niya ito.
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapahayag sa Hadith na ang may karapatan sa pagtatalaga (sa panawagan) na pagtindig sa dasal ay ang Imam,Sapagkat ang Tagatawag ng Azan ay hindi itinindig(ang dasal) maliban ,kapag lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
Ayon kay `Amer bin Rabe`ah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Kasama namin ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at panglagaan-sa paglalakbay sa gabing madilim,hindi namin alam kung saan ang Qiblah,kaya nagdasal ang bawat kalalakihan sa amin ayon sa pagharap niya,at nang kami ay kina-umagahan,binanggit namin ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba ang:{ Kahit saan mang dako na humarap kayo,ay nandoroon ang Mukha ni Allah} [Al-Baqarah:115]
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-TirmidhīyAng Propeta-pagpalan siya ni Allah at pangalagaan ay kasama ang mga kasamahan niya sa paglalakbay,at ang gabi ay napakadilim,at hindi nila natitiyak kung saan ang Qiblah,kaya nagdasal sila ayon sa [sarili nilang]pag-iisip,at nang sila ay inumagahan,[napag-alamam nila ]na sila ay nakapagdasal na hindi nakaharap sa Qiblah,sinabi nila ito sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Ibinaba ni Allah-Pagkataas-taas Niya: { At si Allah ay nag-aangkin ng Silangan at Kanluran,kahit saan mang dako na humarap kayo,ay nandoroon ang Mukha ni Allah} [Al-Baqarah:115]