





























Hadeeth Cards
Da'wa cards that highlight great meanings from the noble prophetic hadiths in a simple style and attractive display that helps the Muslim to have a deeper understanding of his religion in an easy way
All
Ayon kay Abū Hurayrah,malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: "Nagsabi ang Sugo Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:" Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah"
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām MālikAng kahulugan ng Hadith; "Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah" Ito ay pagpapahayag mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na sa pagitan ng lugar sa Silangan at Kanluran ay Qiblah ng mga taong nagdarasal,at ito ay salita para sa mga tao ng Madinah at sa sinumang naging sakop nila sa lugar; Sapagkat sila ay napabilang sa Hilaga ng Ka`bah,Kaya`t ang Qiblah para sa mga tao ng Madinah at sa sinumang nasa hanay nila mula sa mga tao ng Shaam,at mga tao sa lugar ng Hilaga,ay humaharap sila sa (kanilang pagdarasal) sa pagitan ng Silangan at Kanluran,Na ibig sabihin ay nakaharap ang mga mukha nila sa Timog,kung saan matatagpuan ang Ka`bah.At ang Yemen at ang mga kabilang sa mga lugar nito mula sa lugar ng Timog ay humaharap sila (sa pagdarasal) sa Hilaga sa pagitan ng Silangan at Kanluran,At ang mga tao sa bandang Silangan at Kanluran,ang magiging Qiblah para sa kanila ay ang pagitan ng Hilaga at Timog; Sapagkat ang mga lugar na naging kilala ay apat; Ang Hilaga,Ang Timog,Ang Silangan,At ang Kanluran.Kaya`t kapag ang nagdarasal na haharap sa Ka`bah ay nasa bandang Silangan at Kanluran ang magiging Qiblah nito ay ang pagitan ng bandang Hilaga at Timog,At kapag ang nagdarasal na haharap sa Ka`bah ay nasa bandang Hilaga at Timog,ang magiging Qiblah nito ay ang pagitan ng bandang Silangan at Kanluran,At ito ay kabilang sa pagpapagaan ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa mga lingkod Niya;Sapagkat kung ipinag-utos lamang sa kanila na humarap sa saktong kinalalagyan ng Ka`bah,walang magiging tama sa dasal ng kahit isa sa sinuman,Kaya`t ang konting paglihis sa Ka`bah dahil sa tunay na kalayuan nito at hindi pagtanaw nito ay hindi nakaka-apekto,hanggat hindi siya tumatalikod sa Ka`bah o di kaya`y gawin niyang nasa bandang tagiliran niya,sapagkat ito`y hindi magiging tama sa ganitong sitwasyon;sapagkat siya ay hindi humaharap rito,hindi sa lugar ng Qiblah.
Ayon kay Abe Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Habang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa mga kasamahan niya,kaya hinubad niya ang dalawang sapatos niya at inilagay niya sa bandang kaliwa niya,At nang makita ito ng mga tao,itinapon nila ang mga sapatos nila,At nang matapos ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya,Nagsabi siya:( Ano ang nagdala sa inyo sa pagtapon ninyo sa mga sapatos ninyo))Ang sabi nila:Nakita ka naming itinapon mo ang dalawang sapatos mo kaya itinapon namin ang mga sapatos namin,Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Tunay na si Jibrel-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumating sa akin,sinabi niya na ito may dala-dalang dumi-O nagsabi siya:Nakakapinsala-At sinabi niyang :Kapag dumating ang isa sa inyo sa Masjid ay tumingin siya,Kapag nakita niya sa dalawang sapatos niya ang dumi o nakakapinsala,Punasan niya ito,at magdasal siya gamit ang mga ito
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-DārimīyNagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga kasamahan niya,isang araw,pagkatapos ay hinubad niya ang dalawang sapatos niya ng biglaan at inilagay niya ito sa bandang kaliwa niya,At nang makita ito ng mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-,Hinubad din nila ang mga sapatos nila,bilang pagtupad at pagsunod sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matapos siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagdarasal niya,at napalingon siya sa kanila,at nakita niya sila sa kalagayang iba sa kalagayan nang pumasok sila sa Masjid,Nagtanong siya sa kanila sa dahilan ng paghubad nila sa mga sapatos nila.Sumagot sila sa pagsabi nilang:"Nakita ka naming itinapon mo ang dalawang sapatos mo kaya itinapon namin ang mga sapatos namin," Ibig sabihin ay: bilang pagsunod sa iyo;Dahil inisip nila-malugod si Allah sa kanila-na nawala ang pagapahintulot sa pagdarasal gamit ang sapatos,Kaya ipinaalam niya sa kanila-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ang dahilan ng paghubad niya sa dalawang sapatos niya sa pagsabi niyang:"Tunay na si Jibrel-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumating sa akin,sinabi niya na ito may dala-dalang dumi-O nagsabi siya:Nakakapinsala" Ibig sabihin ay:Si Jibrel sumakanya ang pangangalaga-ay dumating kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa pagdarasal niya,Ipinaalam niya na ang sapatos nito ay hindi kaaya-ayang [gamitin] sa pagdarasal,dahil sa pagkakaroon nito ng dumi o pinsala-at ang pag-aalinlangang ito ay mula sa nagsalaysay- Pagkatapos ay sinabi niya- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Kapag dumating ang isa sa inyo sa Masjid ay tumingin siya,Kapag nakita niya sa dalawang sapatos niya ang dumi o nakakapinsala,Punasan niya ito,at magdasal siya gamit ang mga ito"Kapag inibig niyang pumasok sa Masjid gamit ito at magdasal rito [gamit ang dalawang sapatos],Ang nararapat sa kanya ay tingnan niya ito,kapag nakita niya rito na may dumi o nakakapinsala,punasan niya ito sa lupa o sa ibang bagay,upang matanggal ito.Pagkatapos ay magdasal siya gamit ito,At hindi ibig sabihin nito na ang tao ay nararapat na magdasal gamit ito,Maaari siyang magdasal gamit ito at hindi niya gamitin,Ngunit kapag inibig niya na magdasal gamit ang mga ito,dapat niyang siguraduhin ang kalinisan nito,pagkatapos ay magdasal siya gamit ito kung ninais niya,At sinuman ang magdasal at hindi niya namalayan ang dumi rito,Maging ito man ay sa sapatos niya o sa turban o sombrero niya,pagkatapos ay nalaman niya ito habang nagdarasal siya,magmadali siya sa pagtanggal nito,Kung ito man ay nasa damit niya o sa pantalon niya at posible sa kanya ang pagtanggal nito,at mananatili na natatakpan ang pribadong bahgi nito,Tanggalin niya ito,at ipagpatuloy niya ang pagdarasal niya at hind niya ito kailangan balikan,at kapag hindi niya ito kayang tanggalin maliban kung tatanggalin niya [ang nakatakip] sa pribadong bahagi ng [katawan niya],ay Putulin niya ang pagdarasal niya,At takpan niya ang pribadong bahagi ng katawan niya at ulitin niya ang pagdarasal.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Kapag naka-apak ng dumi ang sandalyas nito,Ang makakalinis nito ay ang Lupa.))
Isinaysay ito ni Imām Abū DāwudKapag nagsuot ang tao ng sandalyas o sapatos o maliban sa dalawang ito mula sa nakakapagtakip ng paa,pagkatapos ay nakaapak ito ng dumi,pagkatapos ay ipinagpatuloy nito ang paglalakad sa sandalyas o sapatos na may dumi sa lugar na malinis,o ipinahid niya ito sa lupa,magiging malinis ang sandalyas nito at ipinapahintulot ang pagdarasal gamit ang mga ito.
Ayon kay `Abdullah bin Ash-shukhayr-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at sa dibdib niya ay boses na parang boses ng gilingan dahil sa pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag ni `Abdullah bin Ash-shukhayr-malugod si Allah sa kanya-Na nakita niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at naririnig niya sa kanya ang boses na tulad ng boses ng Gilingan; Sapagkat ang gilingan kapag ito ay gumugiling ay naglalabas ito ng boses sa paggigiling niya,kaya`t ihinalintulad ng isang kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanya-ang pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal na tulad ng boses ng gilingan,At ito ang kalagayan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Panginoon niya,Kahit pa siya ay tunay na napatawad na ni Allah sa kanya ang mga una sa kasalanan niya at ang mga huli nito,Subalit kahit sa ganitong [kalagayan] siya parin ang higit na mapagkumbaba sa mga tao at higit na mananampalataya at higit na may malaking takot sa Allah-Pagkataas-taas Niya dahil sa pagiging ganap na kaalaman niya sa Panginoon niya.
Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar na nagsasabi:((Lumabas ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Qubā upang magdasal rito)),Nagsabi siya:(( Dumating sa kanya ang mga Ansār,Bumati sila sa kanya habang siya ay nagdadasal))Nagsabi siya:Nagsabi ako kay Bilāl: Papaano mo nakita ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - na sumagot sa kanila nang sila ay bumati sa kanya habang siya ay nagdadasal?" Nagsabi siya:Sinasabi niya na ganito;At ibinuka niya ang kamay niya,at ginawa niyang, ang sa palad nito ay sa ilalim at ang likod nito ay sa ibabaw.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām AḥmadIpinapahayag sa marangal na Hadith ang pagpapahintulot sa pagsagot ng pagbati sa pamamagitan ng senyales sa panahon ng pagdarasal dahil sa ginawa ito ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga Ansār,nang batiin nila siya habang siya ay nagdadasal sa Masjid ng Qubā,at ang pamamaraan nito ay sa (pamamagitan ng ) pagbuka sa kamay lamang.
Ayon kay Abe Qatādah Al-Ansārie-malugod si Allah sa kanya-at nagsabi:((Nakita ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangangalagaan na nangunguna sa pagdarasal para sa mga tao at si Umāmah bint Abe Al-'Ās at siya ang anak ni Zainab na Anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa balikat niya, kapag siya ay yumuko,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya mula sa pagpatirapa,ibinabalik niya ito.))
Napagkaisahan ang katumpakanIpinapahayag ng Marangal na Hadith Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal para sa mga tao habang siya ay nagbubuhat kay Umāmah bint Al 'Ās na anak ng anak niyang si Zainab-malugod si Allah sa kanya-hanggang sa kapag siya ay sa posisyon na nakayuko at nakapatirapa,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya ay binubuhat niya ito,at (inuulit) niyang ang ganoon.At nagpapatunay ito na hindi nakakapinsala ang pagbubuhat ng bata sa oras ng pagdarasal
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allahsa kanya-nagsabi siya,nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Patayin ninyo ang dalawang itim sa pagdarasal:Ang Ahas at ang Alakdan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīyipinapahay sa Maluwalhating Hadith ang kainaman sa pagpatay ng Ahas at Alakdan sa oras ng Pagdarasal;sapagkat naisaad rito ang pag-uutos,at dahil sa ang mga limitadong galaw at hindi nakakapag-pawalang bisa sa pagdarasal.
Ayon kay Abū Bakrah Nufay` bin Al-Ḥārith Ath-Thaqafīy, malugod si Allāh sa kanya.-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ay nagpahintulot sa manlalakbay ng tatlong araw at mga gabi nito,at sa nananahanan ay isang araw at isang gabi,Kapag nakapaglinis at isinuot niya ang dalawang medyas nito;na punasan niya ang dalawang ito.
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Addaraqutni((Na siya ay nagpahintulot sa manlalakbay ng tatlong araw at mga gabi nito,at sa nananahanan ay isang araw at isang gabi,Kapag nakapaglinis at isinuot niya ang dalawang medyas nito;na punasan niya ang dalawang ito.)) Naisalaysay buhat kay Abe Bakrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(Nagpahintulot sa manlalakbay) ibig sabihin ay: Sa pagpunas ng dalawang medyas,At sa pagkasabi niya:(tatlong araw at mga gabi nito,at sa nananahanan ay isang araw at isang gabi) Mayroon patunay sa pagbibigay oras sa pagpunas sa loob ng tatlong araw sa manlalakbay,at isang araw at isang gabi sa mga nananahanan,At naisalaysay ang pagbibigay oras na ito sa mga Hadith nang mula sa humigit sampung Kasamahan ng Propeta,At kaya dinagdagan ng oras para sa manlalakbay,sapagkat siya ay karapa-dapat sa pagpapahintulot kaysa nananahanan,dahil sa hirap ng paglalakbay,at magsisimula ang oras ng pagpupunas mula sa pagpunas pagkatapos ng dumi. [mawalan ng bisa ang wudhu].Sa sinabi niya:(Kapag nakapaglinis at isinuot niya ang dalawang medyas nito) ibig sabihin,Sa bawat manlalakbay at nananahanan,kapag nakapaglinis mula sa maliit na dumi,at ang Khuff ay tsinilas mula sa anak ni Adam,na binabalot ang dalawang bukong-bukong,at ang medyas ay telang suot ng kalalakihan mula sa kahit anumang bagay na yari sa buhok o lana o tela o balat,makapal man o manipis hanggang sa taas ng bukong-bukong na ginagamit sa taglamig,At ang kahulugan ng kabuuang Hadith: Na ang pagsusuot ng dalawang Khuff [medyas] ay gagawin pagkatapos ng ganap na paglilinis,At ito ay kondisyon sa pagsuot ng dalawang Khuff [medyas] ay kapag nasa Kalinisan.kahit magkaroon pa ng pagitan ang paglilinis niya at pagsuot niya sa dalawang medyas,At sinuman ang matupad sa kanya ang kalinisan,Sa kanya,ay (Punasan niya ang dalawang ito).At ang pagpupunas,ay pagpapadaan ng basang kamay sa bahagi nito,sa ibabaw ng Khuff [medyas] na hindi kasama ang sa loob nito at ilalim nito,batay sa naisalaysay.
Ayon kay Talhah bin `Ubaydillah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Kami ay nagdarasal at ang hayop ay dumaan sa harapan namin,binanggit namin ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: (( Tulad ng Siyahan na mailalagay sa harapan ng isa sa inyo,pagtapos ay walang makakapinsala rito, sa anumang dadaan sa harapan nito))
Nagsalaysay nito si Imām MuslimIpinapaalam ni Talhah bin 'Ubaydillah malugod si Allah sa kanya-Na sila nagdadasal at dumadaan ang mga hayop sa harapan nila,Binanggit nila ito sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ipinaalam niya sa kanila na Sa oras na nagkaroon sa pagitan ng nagdarasal at dumadaan,sa harapan nito ang tulad ng Siyahan,Hindi makakapinsala rito ang pagdaan nito,At Kabilang sa Kainaman ( sa paglalagay) ng Pangharang,ay pagpapanatili sa pagdarasal at pangangalaga rito,at pagpapalayo sa anumang nakakabawas (sa gantimpala) rito,at pag-iwas sa pagkakasala ng dumadaan,at hindi pagiging dahilan sa anumang pagpapahirap sa kanya at pagkakasala niya.